Showing newest posts with label pipol-litika. Show older posts
Showing newest posts with label pipol-litika. Show older posts

Bigo?


Cheche LAzaro: So, if GMA, if cases are filed against her, and you are president, what will you do?
Gibo Teodoro: You're not supposed to do anything because there are institutions that are supposed to do that.

Bilang pagpapatuloy ng ating nasimulang paghihimay sa mga pulitikong nagnanais sumampa sa posisyong pampanguluhan sa susunod na taon, heto't nagbabalik si Lio Loco sa isa na namang Profile episode ni Cheche Lazaro nitong nakaraang Miyerkules lamang. Mangyari pa'y ang pambato naman ng kasalukuyang administrasyon ang nakasalang sa mga tanong ng magaling na broadcast journalist at para sa mga batugang puro reklamo pero wala namang pakialam, susubukan ko na namang ibato ang sarili kong singkong duling hinggil sa panayam na ito.

Isang mabilisang digression.

Hindi ko alam kung ilang presidentiable pa ang aabutan kong gigisahin ni Lazaro sa mga susunod na episode dahil sa totoo lang, malapit ko nang itakwil ang lahat ng distraction sa pagrereview ko - TV, PSP, laptop, pirated dibidi, porn, Intarnetz, at siguro kasama na ang blog na 'to. Oo, nakuha mo. Sa lahat ng mga heksayted na maka-seksbol ako sa Maynila, ipinaaalam kong luluwas na ko sa susunod na buwan upang gunitain ang pagiging full-time reviewee ko. Eto na talaga 'yun. Isang pasaning gusto kong matapos nang mabilisan at nang makabalik na ko sa pagiging dating siraulo't tarantado.

Eh etong si Gibo, masasabi bang siraulo rin sa balak niyang maging pangulo?

Ayon sa kaibigan niyang Dean sa Ateneo, tahimik at malalim daw mag-isip 'etong pambato ni Arroyo. Sa madaling sabi, hindi magsasalita tungkol sa isang bagay itong si Gilberto Teodoro hangga't wala siyang kongkretong basehan. Bale ba pinag-aaralan niya munang mabuti ang lahat bago gumalaw at bumira.

Bagay na sinubukan agad ni Lazaro sa mga isyung mahalaga sa susunod na pampanguluhan.

Pro si Gibo sa Reproductive Health bill kahit pa ang sagot niyang iyon eh maglalagay sa kanya sa alanganin lalo na sa mga ultra-conservative sectors na pinangungunahan ng simbahang Katoliko. Depensa naman ni Gibo, hindi lumalaki ang Pilipinas at kung patuloy na lolobo ang kasalukuyang 92 milyong populasyon, darating ang araw na wala nang matitirhan ang kahit na isa satin. Bagama't bahag din ang buntot sa maaaring implikasyon nito sa mga pinuno ng Simbahang Katoliko, pinanindigan ni Gibo ang sagot niyang ito.

Pabor siya sa amnesty proposal para sa mga NPA na gustong sumuko. Ayon kay Gibo, maraming rebelde sa Mindanao ang gustong sumuko at kung magiging maluwag lang ang gobyerno sa kanilang pagbabalik, maibabalik daw ang kapayapaan sa Mindanao.

Tungkol sa utang panlabas ng bansa, mas maige raw na umutang na lang kesa patuloy pang buwisan ang mga tao. Aniya, nababayaran naman maski papano ang utang ng Pilipinas sa foreign creditors at ito eh dahil sa tumataas na GDP-GNP ng bansa. Hindi siya pabor sa repudiation bilang sagot dahil makakasira lamang daw ito sa relasyon ng Pinas sa ibang mga bansa. At ang kelangan daw eh financial at treasury management lang.

Hinggil naman sa tanong ni Lazaro sa kung papano niyang susupilin ang talamak na korupsyon, kelangan lang daw ng reward system para sa mga manggagawa ng gobyerno. Ibig sabihin, bigyan ng pabuya, pataasin ang sweldo, bigyan ng karamptang benipisyo ang mga taong tapat na nanunungkulan sa pamahalaan.

Eh papano mo naman gagawin 'yun kung bangkarote na nga ang Pinas, sampu ng mga kulot na bulbol nito?

Matalino't maalam na Isko etong si Gibo at magaling din daw na abugado. Sa katunayan, nagtapos siyang Bar topnotcher sa kanyang kapanahunan at sa unang sabak niya sa pagiging isang manananggol, hinawakan niya ang kaso ng tiyuhing si Danding Cojuangco hinggil sa diumano'y ilegal na yamang nakuha ng tiyuhin habang nakaupo pa sa pwesto ang diktador na si Marcos.Hindi na kataka-taka ang ikinilos niya.

Itinuturing na political son ng makapangyarihang si Danding Cojuangco. Kabilang sa pamilyang malapit sa rehimeng Marcos noon. Pinsang buo ni Noynoy Aquino. Anupa't kung susuriin, dugong pulitiko na ang nananalaytay sa ugat ni Gibo. Pero kung titingnan ang mga panukalang naisabatas habang naglilingkod noon bilang representante sa Kamara, kataka-takang anim lang sa daan-daang panukala na ipinasa niya ang naisabatas.

Ang masaklap pa rito, karamihan dun eh puro walang kwentang pagbibigay lang ng pangalan sa mga pampublikong kalsada't lugar.

Kung pagbabasehan ang mga naglalabasang survey ngayon tungkol sa kung sino ang iboboto ng mga mamamayan sa pampanguluhang posisyon kung saka-sakali, kapansin-pansing hindi ata epektibo ang karisma niya sa mga tao. Sa kabila ng kumpleto at handang makinaryang tangan mula sa administrasyon, malayo ang lamang ng tatlong matutunog na pangalang Aquino, Villar, at Estrada sa kanya. Marahil dahil nakikita ng maraming si Gibo eh magiging sunud-sunuran lamang sa rehimeng Arroyo kapag napasakanya ang trono ng pangulo. Ang mas masahol pa nga rito eh kung dumating sa puntong pikit-matang ipagwawalang-bahala niya ang lahat ng shit na ginawa ng taong nag-appoint sa kanya bilang Defense Secretary at Chairman ng National Disaster Coordinating Council ng bansa.

Dalawang katungkulang sumubok sa kanyang kakayahan bilang isang lider nitong huli lang at kung susuriin ang iba't ibang reaksyon ng mga mamamayan eh dalawang katungkulang pumalpak siya big-time.

Marami ang nagalit at naghimutok sa mabagal na pagkilos ng administrasyon, partikular ang NDCC, na siyang punong sangay dapat na umaasikaso sa mga nasalanta ni Ondoy at Pepeng. Kung wala pa ang mga private sector na umako sa malaking parte ng responsibilidad, masasabing tinangay na ng baha ang kumpiyansa ng mamamayan sa kanya bilang pinuno. Idagdag pa rito ang hindi matapus-tapos na digmaan sa Mindanao at ang alitan sa ASG na nagdulot ng libu-libong pamilyang naulila at nagpaigting sa di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Pilipinong Kristiyano't Muslim.

Tinimbang nga ba ngunit kulang si Gibo Teodoro?

Sa totoo lang, may kung anong galing at talino si Gibo na napapabilib ako. Nakapanghihinayang lang na hindi niya 'to ginamit sa paraang makapagbibigay sa kanya ng bentahe at sa paraang magdudulot ng kapakinabangan sa karamihan. Sa ganang akin, hindi ito sasapat para mamuno siya sa bansa. Anu't ano pa man, sa kasalukuyang atmosperang pulitikal ng Pilipinas, hindi maitatatwa ang impresyong si Gibo ay si Arroyo at si Arroyo ay si Gibo.

At hindi ko maaaring iboto ang manok ng administrasyong may pamosong nunal tulad ng kay Nora Aunor.

Ano ang kasiguruhang hindi pagtatakpan ng manok ng administrasyong 'to ang sandamakmak na kabalbalang ginawa ng pangulong pumili sa kaniya? Hindi talaga pwede, maski na nag-uumapaw pa sa alindog ang may-bahay niyang kamuka ng pinaghalong asawa nina Aga Muchlach at Chavit Singson.

Gibo. Bigo. Giba.

Tongue twister. Usalin nang sampung beses nang mabilis.

Next Profiles episode: si Chiz Escuderong pambato ng utol ko. Oo, magkakaiba kami sa bahay ng mga napipisil iboto.

Kahel


Cheche Lazaro: Senator, what made you decide to join politics nung pinakauna pa?
Manny Villar: Ang gusto ko kasi sa pulitika, magkaiba ang pulitika sa public service.
Cheche Lazaro: Ah hindi po ba magkapareho lang sila?

Nitong nakaraang linggo lang eh nanood kami ng utol at ina ko ng Profiles ni Cheche Lazaro. Napapanood ang programang 'to tuwing Miyerkules ng gabi sa ABS-CBN sa mga alanganing oras kung saan: a) plakda na ang karamihan sa mga aliping sagigilid na may 9-to-5 job kinabukasan, b) naghahanda pa lang sa pagpasok ang mga "makabagong pokpok" sa mga putahan sa Makati, c) kasagsagan ng halinghinga't pulot-gata ng mga pusang galang malilibog na naglalampungan sa kailaliman ng gabi.

Hindi ko alam kung bakit ang mga de-kalidad na dokyumentaring tulad nito eh kelangang iburo at ipalabas kung kelan wala na halos matiyagang nilalang na gustong manood ng TV pero kung ako ang tatanungin ng mga tagapamahala ng istasyon, mas gugustuhin kong ilipat sa mas maagang time slot ang programa ng batikang journalist para mas marami ang makapanood. Mas maige namang maski papano eh magkaroon ng kakarampot na lamang kapaki-pakinabang ang karne sa bungo ng karamihan kesa puro na lang walang kakwenta-kwentang primetime drama at showbiz shit ni Kris Aquino at Boy Abunda ang isinasalaksak sa mga utak natin.

No offense meant sa lahat ng mga malilibog na nahuhumaling sa boobs ni Darna, sa mga nagpapaloko sa kwento ng batang sabog kakakausap sa bathalumang wala namang nakakakita kundi siya, at sa mga fans ni Kris Aquino at Boy Abunda. Ang sa akin lang naman, miserable na ang buhay ko. Hindi ko na kelangang gawing mas miserable pa 'to kakapanood ng kung anu-anong shit na programang hindi naman magiging kapaki-pakinabang sakin.

Back to Cheche Lazaro.

Interesante ang episode nung gabing 'yun dahil isa sa mga matunog na presidentiables ang tampok na paksa. Mangyari pa'y si Manny Villar ang nakasalang sa no-holds-barred na birada ni Cheche Lazaro at napatanga ako sa kung paano ibato ni Lazaro ang mga tanong kay Villar partikular sa kung paano niyang sinupalpal ang sagot ng Nacionalista standard bearer sa kung may pagkakaiba ba ang public service at politics. Sinasabi ko sa'yo, higit pa sa laging nananakot na boses at walanghiyang paghalak sa gitna ng pagbabalita, ganito dapat umasta ang mga brodkaster natin ngayon. Walang bahid ng kaepokrituhan. Matapang. Bilibabol at kredibol.

Marami akong nalaman tungkol kay Manny Villar.

Kung pagsusuutin mo ng bestida ang mayamang senador na 'to, malamang sa malamang eh magiging kawangis niya ang fairy tale character na may curfew sa gabi at maluwang ang nabiling sapatos sa Divisoria. From rags to riches ang imaheng umiikot sa kanyang kampanya at aaminin kong napabilib niya ko sa kung paano siyang nagsumikap sa pag-aaral bilang iskolar sa UP hanggang sa maging bilyonaryong senador ngayon.

Sa lahat ng mga politikong nagtatangkang maluklok sa Malacanang, sinasabing siya ang may pinakahandang makinarya bukod sa manok ng administrasyong kilala ko lang sa nickname na Gibo at kung pagbabasehan ang mga infomercial niya sa TV, radyo at dyaryo, umaabot na raw sa kalahating bilyong piso ang nagasta niya.

Bagay na pinabulaanan naman ni Villar.

Sa pagkakaron niya ng kabiyak na ang pamilya eh kabilang sa mga naglipanang political clan sa Pilipinas, naging madali ang paglipat ng bakod ni Villar mula sa pagiging isang real-estate businessman hanggang sa pagiging isang Las Piñas congressman. Ngunit ang pagiging kabilang niya sa isang political dynasty ring ito ang itinuturong dahilan kung bakit itinuturing siyang trapo ng karamihan.

Sa Kamara, isinulong niya ang mga batas patungkol sa kapakananan ng mga negosyante't mangangalakal pero kung meron sigurong nagawa si Villar na nakatatak pa sa karamihan ng mga Pilipino, eto 'yung mabilisang pagpasa niya ng Erap Impeachment resolution sa Senado para hindi na masopla ng mga kongresistang pro-admin nung mga panahong 'yun.

Kinapanayam ni Cheche Lazaro sa Profiles episode na 'yun si Jamby Madrigal, isa sa mga maingay na bumabatikos sa kakayanan ni Villar upang maging isang pangulo.

Sa tonong walang patumpik-tumpik, sinabi ni Madrigal kung paanong walang sariling paninindigan si Villar bilang isang lider, na siyang naging repleksyon umano ng kanyang pamamalakad noon bilang Senate President. Sa mga isyung kelangan ng agapang desisyon sa Senado, sa halip na iresolba ang argumento eh pinag-rerecess pa raw niya ang session para lang lumamig ang ulo ng magkabilang panig.

Ang resulta: Walang nareresolbang isyu.

Walang pakundangang inakusahan din ni Madrigal ang huli bilang isang manggagamit dahil magaling lamang daw si Villar kapag may kelangan siya sa ibang tao, halimbawa eh kung kelangan niya ng majority vote mula sa kanyang mga kapwa-senador. Siyempre pa, hindi pinaligtas ng babaeng senador na may balak din atang tumakbong pangulo ang pagkakasangkot ni Villar sa C5 scam. Aniya, ginamit ni Villar ang kanyang kapangyarihan bilang isang senador para kumita sa kanyang mga negosyo. Na muli eh matinding pinabulaanan ni Villar.

Ayon kay Madrigal, ang pagiging balimbing at kawalan ng paninindigan daw na ito ni Villar eh isa nang sapat na rason para sabihing walang K ang huli upang maging pangulo.

At nung tinanong ni Lazaro ang posisyon ni Villar sa Reproductive Health bill? Marami siyang salitang inusal bago tuluyang tumbuking hindi siya sang-ayon dito. Hindi ko alam kung naintindihan ko nang maige ang kanyang rason pero sa tono ng kanyang pananalita, parang ibinigay niya ang impresyong takot siyang salungatin ang posisyon ng Simbahang Katolikong may milyun-milyong tagasunod. Na sa ganang akin lang naman eh irrelevant dahil hindi nangangahulugang ang posisyon ng pare eh posisyon ng mga taong nagsisimba rito.

Kung ako ang tatanungin sa kung ano ang impresyon ko sa panayam na iyon, sasabihin kong isa siyang magaling na negosyante higit pa sa kanyang pagiging isang magaling na pulitiko. Eto eh kung isa nga siyang magaling na pulitiko.

At oo, medyo crush ko ang anak niyang si Camille.

Si Manny Villar ang manok ni Willie Revillame.

Ayoko ng Wowowee.

N.B. Para sa may pakialam, sa susunod na Profiles episode eh ang pambato ng administrasyon na si Gibo naman ang kakapanayamin ng magaling na broadcast journalist. Can't wait to see how this one fares.

Why Noynoy? Why Not Noynoy?


N.B. This is a political post bearing a serious tone. If you're the type of person who veers away from social discussions and who dislikes dissecting relevant issues happening in this country that might even have a long-term effect on you, I suggest you close the tab and bloghop to some other shallow what-I-did-today blog. Thanks, whoever you are!

Before he was taken by a sickness whose cure has still eluded even the best of today’s doctors, Raul Roco has always been the kind of guy I’ve said would make a good president. I’ve told people, at the very least those who would bother to listen to my two-cents’-worth, that had he been given a chance to serve this country this man would surely have taken us out of the current rot we’re wallowing in.

For one thing, his public service track record wasn’t tainted with political anomalies unlike the person currently holding the highest seat of power whose governance is reeking of corruption and greed and all sins imaginable. For another, he does not crave power dissimilar yet again to the minute woman ruler who, in a close contention with Nora Aunor for the distinction, possibly possesses the most famous mole in this side of the land.

But in a nation where majority of the citizens look at someone’s popularity on TV rather than his political platform as a gauge for public trust, whose definition of goodwill to man is desperately confined to a noontime show host’s frothing saliva and his marionettes of skimpily clad gyrating dancers, where the apparent concern for change rests only on riding on the fad of wearing a suspicious dog tag whose message is loosely translated to “starting the change from one’s self,” the Raul Roco’s of this country will always find it difficult to become elected into office.

This, in spite of their refined moral fiber and genuine desire to change the decaying landscape of this Third World country.

Back in 2002, when a popular movie star known for his moustache and orange wristband and stupid Eraption text jokes reigned the presidential race but was untimely kicked out of Malacanang for fooling around Juan dela Cruz’ coffers, I cannot not hark a berating “I told you so!” to people who cast their votes based on "masa" appeal.

When the then vice president, whom everyone thought was a manna from high heavens but eventually turned out to be the the descendant of the demigods down under, occupied his remaining term and eventually had the gall to wear thick-facedness to run for re-election, riding on the dirty crest of “Hello Garci” controversy to wrest the win from yet another popular “masa” actor, I cannot help but utter the same outcry.

I told you so.

In a Third World society where people have been blatantly wronged left and right by the very government that's supposed to protect them, it is appalling to realize how Filipinos can be forgetful and how quickly so. Here was the man who committed plunder madly telling all television screens that he is “99.9% sure” of running for president once again as if he didn’t do us any wrong. Here was the woman entrusted with the former’s failed leadership being hounded by ghosts of scandals past, wearing the thickest rhinoceros skin while pretending she didn’t do us any wrong.

And yet here we are, living our own pathetic lives, wrapped in our own Facebook cocoons harvesting delusions of digital farms that do not make us any richer, running away from the issues that matter because majority think there’s nothing in it for us. Worse, because we think they did us no wrong.

But here comes Noynoy Aquino, a reluctant young man basking in a multitude’s urge to run for president, scion of the icon of democracy and a bloodied hero shot at tarmac, pedigreed to start a much-needed change long overdue for this country – if and when he wins the highest post in the land, if and when he decides to run for the highest post in the land.

I know little of this young politician’s track record to exalt him in high heavens but between him and a half-dozen lot who, to borrow the words of my much-revered wordsmith deity, are “atat na atat” to run, I will boldly tell you that I will pick Ninoy and Cory Aquino’s son.

His detractors, particularly this current administration, say he is not ripe for the picking. That he does not deserve to be president. Against whom, if I may ask? Heck, by all means he does if your standard for presidency is the woman sitting in the high throne who seems to be poised to cling to power ‘till kingdom come.

And what about Villar, De Castro, Legarda, Escudero, or even, gasp, Estrada?

At the risk of being bashed by these presidentiables’ supporters, I will say that they do not have the strong moral fiber and build of character Noynoy possesses. I've never heard of him lying nor cheating nor corrupting from the nation's coffers unlike other gods in the echelon of political hierarchy we've pretty much become familiar with. At the very least, the latter is reluctant to run, not because he is afraid to but because he very well knows being a president is no easy task unlike other presidentiables who would gladly smile at cameras, kiss dust-smocked children, plaster poker-face smiles at the slightest glint of a shutterbug in every opportunity they could get.

“In the first place, I had no plans of running for higher office. It’s not an easy job. I ask you, how many can honestly raise their hands and volunteer to take on this great responsibility? You have to think it over before you accept the challenge. You don’t want to fail. Most important, you don’t want to fail those who believe in you.”

How many, indeed, of these presidential contenders, sans the stupid excuse that they do not violate any laws for early campaigning because their TV ads are just “infomercials” and are paid for by their friends not them (Fuck, with all due respect Misters and Miss, I am not stupid!), can plead not guilty for being accused of being “atat na atat” to run? How many of them can honestly duplicate what the Aquino scion has said? And what exactly have they done for this country to give them the right to question Noynoy’s ability to run for presidency?

To quote JK Rowling’s literary character Albus Dumbledore, “Difficult times lie ahead.” You would think next year’s presidential election is just a waste of your voting time but no, I would have to tell you it isn’t. These are desperate times, indeed, and as in the magical realm of the Boy Who Lived that was threatened to be ruled over by He-Who-Must-Not-Be-Named and his minion of Death Eaters, we need to rally over one hero to fight the tyranny of corruption and moral degradation spawned by the wicked bitch of Third World hell. It is high time for good to triumph over evil and I'm not even speaking about a celebrated young adult novel's plot.

Backed by his mother’s legacy and his father’s aborted promise to change this country for the better, the Aquino scion offers that little gleam of hope. I agree that Noynoy should come out as his own person and not merely ride on his popularity as the son of Cory and Ninoy in the long run. I will also have to admit I’ve never been impressed by this politician’s credentials to strongly endorse him to anyone I know. But between his untainted character and the thick-faced close-ups of “trapos” wiping our TV screens with their costly jingles and shitty pop ditties, I’d rather see someone who shows reluctance to hold the power than those “atat na atat” to grab it.

Those who are most qualified to hold power are those who least want the power.

I don’t know if it was Plato or some other obscure philosopher long forgotten who breathed these words (or something similar to such) but there’s an entirely pure truth in the thought.

You can always heed my warning or continue to be cozy with a cocoon of your pathetic Facebook farm-harvests, syntax-free texting, and swirls of overrated high-priced mocha fraps. But don’t blame me if after 2010, we've come to elect just another GMA or heck, a GMA puppet ready to don a hocus-pocus right before our eyes, protecting his master's shitty messes while she was still in office.

If we do, then expect me to shove my mocking two-cents'-shit up your ass yet again:

I told you so!