Showing newest posts with label emo-dium. Show older posts
Showing newest posts with label emo-dium. Show older posts

Rant!!!


Fine, I ate my gawddamn words by practically pouring my thoughts in this pseudo-forsaken blog yet again. Pasensiya, hindi ko mapigilan. Baka sumabog ako. Baka bumigay nang di oras. Kelangan ko lang ilabas. So yeah, kill me.

I'm not giving you the burden of reading this endless emoish litany. I know; everyone's life is full of stinking shit already. I better not add up to yours. Do yourself a favor by closing this tab real quick and bloghopping to some random pathetic what-I-did-today blog. Yeah, right. Like the whole macrocosm cares about someone's fucked up itinerary.

Don't say I didn't warn you.

Hindi ako pumasok sa review school ngayon. I know a day of absence will mean a lot but the hell, I don't think I can grasp the archaic accounting concepts blabbered by some blatherskite reviewer with this kind of self-deprecating state I'm currently wallowing in. I didn't feel like attending the class. Heck, I don't even care anymore. I don't think I still have the guts to chase this elusive dream. I think I had enough of this divine providence clusterfuck.

I'm inches from quitting the call whoring job. Sawang sawang sawa na 'ko sa kakasagot ng mga istupidong Kanong tawag from outer space asking help in setting up their Internet connection and configuring their email accounts. The world is reeking of stupidity and we're not even noticing it; perhaps because we're becoming part of the imbecilic number ourselves. It came to a point where I'd rather not wake up from deep slumber kasi ayokong pumasok sa putahan. It's always the same "dragging my balls to gawddamn call whoring work" routine. Everyday is a fuckin' tug-o-war between my rational don't-go-to-work-and-you-die self and my individualistic, never-compromise-your-happiness fight attitude. Paulet-ulet. Masyadong repetitive. Isinusuka na siya ng ulirat ko.

Pwe!

Pero 'yun nga, hindi pwede. Not now, not in the near week or so. Primarily because I'm the primary dole out giver to the family. Shit. Pati sentence construction ko walang sense. What's with using the adjective and adverb form of "prime" in one friggin' sentence? Whatever happened to your creative juices, Lio? You're becoming stupid by the minute.

Sheesh!

Si utol nagtext nung isang araw. Wala pa ring kasiguruhan 'yung papasukang trabaho. Pending hangga't walang approval from the friggin' company's board of directors. I know she badly wanted the employment. Sa tingin ko nga, sobrang napi-pressure na 'yun eh. Ikaw ba naman ang tanungin ng buong barangay araw-araw kung may trabaho ka na after passing the hellish Board for six months already. Tapos, may usapan pa kami. Pag na-hire na siya, we'll switch places daw. Ako naman ang magiging PALamunin niya. In short, hello estudyanteng reviewee, goodbye call center puta for me! Pero ayokong masyado niyang isipin ang would-be responsibility na 'yun hangga't wala pa siyang matinong trabaho.

Nagtext ang mommy ko kanina. Anong araw ba ngayon? Katorse. Swelday. Kaya pala. Ayokong buksan ang inbox ng cellphone ko dahil alam ko naman kung ano ang lalamanin nun. Mangungumusta. Tatanungin kung okey lang ba 'ko. Kung okey lang ba ang pagrereview ko. Kung hindi naman daw ba ko masyadong nahihirapan sa current setup kong gigising ng alas-singko ng umaga tapos papasok sa putahan maghapon tapos didiretso sa review center hanggang 9PM tapos magrereview sa dorm hanggang alas dos ng madaling araw tapos gigising ule ng madaling araw ng alas-singko para magpakaputa. Endless douchebag carousel.

Haha.

Ang korni ng joke ng mommy ko kung saka-sakaling nagpapatawa siya. Obyus namang hindi okey ang setup na tatlo hanggang apat na oras lang ang pahinga at humigi't kumulang dalawampung oras ang bubunuin mong paglalagare sa trabaho at review.

Tapos may sundot na ang text na 'yun sa bandang dulo. Hindi magiging kumpleto ang mamisong gastos sa Smart ng mommy ko hangga't walang patay-malisyang "Anak, naipadala mo na ba allowance ko?" Hindi ko alam kung maglulupasay ako o tatambling na lang sa bus na kinauupuan ko. That text killed me, if you must know.

Wala naman talagang kaso sakin. Hangga't meron, sige lang. Bigay lang. Kaya nga ko nagtatrabaho para sa kanila. Para kay mommy at sa utol ko. Kaso lang, kung minsan, nakakapraning din. Nakakapagod. Nakakasawa. There's something in this queer "they're counting on you" Filipino mentality that kills me. Heck, kung hindi sila ang priority ko, noon pa sana ko naging CPA. But then again, I chose to put this dream in the backseat for them.

Not that I'm complaining. Ngayon pa ba ko magcocomplain eh noon pa naman, nakaya ko nang batakin 'to maski na di ko ginusto? I didn't have a choice so I fuckin' bore with it. Siyempre kasama na sa adjusting at acceptance phase ang walang patumanggang malulutong na pagmumura ko noon sa daddy kong walang bayag. Na hindi naman niya matitikman dahil forever stowaway na siya samin.

There's this one time in Baguio when we had a drinking spree with my call whoring teammates sa bahay ng coach (call whoring term for "bisor") namin. 'Yung iba, akala mo kung sinong matibay sa alak. Ang yayabang. Buhos pa raw. Sige lang, buhos sa shot glass. Kanya-kanyang bangko sa chitchat. Kanya-kanyang kwentong barbero. Tapos three cases of beer and five long necks later, para nang mga asong bahag ang buntot. Mangingilag nang uminom at sasabihing kaka-shot lang daw nila.

Ulol. Wala lang kayong bayag. Haha.

Ako na lang ang kumukuha ng shot nila dahil hindi ako duwag sa espiritu ng alak tulad nila. Sila 'tong kalalaki ng bulto ng katawan tapos sila pa 'tong maliit ang sisidlan ng alak? Pwe! Kung iinom ka rin lang, panindigan mo na. Pinaka-ayoko sa lahat 'yung nagtatanong ng "Ako na ba? Di ba katatapos ko lang?" pag nakapaikot na ang lahat sa mesa ng serbesa. Heck, 'yung tanggero pa nga ang nagbibigay ng favor sa'yo kasi nadodoble ang share mo ng alak kung saka-sakali mang lasheng na ang putangina.

So 'yun nga.

Dahil ako ang sumasalo ng dapat na para sa kanila, nabangenge rin ako nung time na 'yun. At hulaan niyo kung ano ang ginawa ko? Haha! I made a scene and cried like a fuck. I bawled out right there and then and howled my dad's name like an infantile moron. Hindi ko talaga maalalang nagawa ko 'yun but my teammates told me the whole shameful shit the next day. You know that thing about not being able to remember anything you did the night you drank all the beer bottles dry? Totoo 'yun. At kung may kumontra man, sasabihin ko nang harap-harapan na hindi siya totoong tomador.

Shit.

Hindi ko alam na deep within me, meron pa palang natitirang affection sa putanginang daddy ko. 'Yung mga panahong nawala siya samin, 'yung mga panahong lumaki ako nang walang paternal guidance, 'yun 'yung time na itinakwil ko na siya sa buhay ko like he had forsaken us himself. Sabi ko pa nga, he's not worth calling a dad dahil wala siyang bayag. Kasi pinasa niya sakin nang sapilitan lahat ng dapat sana eh siya ang nagsusunong. Plus I had that vow never to sire a child and leaving him after insatiably spurting in coitus nirvana.

Iniisip ko, kung andito kaya siya ngayon mag-iiba kaya ang takbo ng buhay ko? Namin? Magtatrabaho pa ba ko sa putahan nang sapilitan? Magpapakahirap pa kaya ako sa paghahabol ng buwakanginang CPA pangarap na 'to? Magkakanda-leche leche ba ang buhay namin noon kung hindi niya pinairal ang kahaliparotan niya? Siguro oo (mayamang Tsinoy kasi ang gagong 'yun). O pwede ring hindi (may iba nang pamilya; baka kulangin sa pera pag pinagsabay kami). Hindi mo naman talaga malalaman hangga't hindi mo nasusubukan. Which makes the rhetorical questions irrelevant because the event won't ever happen.

Tapos dumagdag pa ngayon 'tong problemang 'to (na hindi ko na babanggitin dahil masyadong sensitibo). At hindi pa kasama diyan ang "civil misunderstanding" sa mga tropa-nilalang ng dormitoryong pinagkukutaan ko.

Fuck.

Patung-patong na. Kung kelan pursigido ka na sa isang bagay saka naman biglang magsusulputan ang kung anu-anong shit para mag-quit ka. Kaya nga sabi ko noon ayoko talaga magplano. Nadidiskaril lang pag nagplano ka. Pag hindi natupad, todo-todo ang frustration. Mas maganda siguro kung spur-of-the-moment na lang ang gamitin kong strategy. Hindi naman ako isang celluloid comic superhero na nakalabas ang brip para bigyan ng sandamakmak na villains sa buhay. I'm just a young man chasing a dream. I just want to be a gawddamn CPA! Is that even too much to fuckin' ask?

Tae.

Aaminin kong hindi na 'ko pala-simba at hindi na rin ako pala-dasal. (Dati religious ako to the point na nag-a-Angelus pa kami ng utol ko tuwing six o'clock; pero ngayon, biglang nawalang parang bula. Hypothesize why.) Pero kung minsan, hindi ko rin mapigilang kwestyunin ba't sa dinami-dami ng masasamang tao sa mundo eh ako pa ang napagdiskitahan Niya. Wag mo 'kong aluin ng philosophical divine shitnitz dahil hindi uubra 'yan sakin. Matalino ako, oo. Strong-willed, alam ko 'yun. Pero sana naman wag Niyang masyadong sagarin ang pag-test sakin to the point na I'd rather pick the comfort maski na galing pa kay Satanas 'yan than bear the pain and anguish and painstaking sacrifice.

Okey, half-meant lang 'yung bandang dulo. Baka nga bigla akong lapain ng diablo.

Pero hindi ko babawiin ang sinabi kong nawawalan na 'ko ng faith. Unti-unti nang nalulusaw ang hope and trust and all that boxed up moral shitnitz. Kung mahal Niya talaga ang mga anak Niya, hindi Niya hahayaang makita silang nahihirapan. Sobrang nahihirapan na mas pipiliin pa nilang isuko ang lahat kesa malampasan ang mga pukenginang hamon.

Ano kaya kung i-give up ko na lang ang lahat? Ano kaya kung magpatalo na lang ako sa buwakanginang kapalaran? Ano kaya kung sabihin ko sa Kaniyang suko na 'ko, masyado kasing mahirap ang pagsusulit, at sobrang unfair ng mga multiple choice questions na ibinigay Niya sa pukenginang buhay ko?

Ano kaya kung biglang bigla na lang, bumigay ako sa pakikipagpatintero sa putanginang tadhana?

I feel helpless. I feel forsaken. I feel isolated from this selfish, gawddamn society.

Sana andito si Holden Caulfield.

SSDD No. 3


Dear gawddamn bastard that is you,

You've always believed that life is full of shit and that you should never allow yourself to wallow in such a self-deprecating stool. You believed that society is full of scumbags and morons, of lifeless drones and pathetic twits, of living people guillotined with following orders and abiding by the rules. You promised yourself never to be like them, to as much as possible live your wretched life as unperfunctorily as you could get it to be. Oh how you gawddamn hated the guts of these breathing and talking androids borne out of nonsensical yadda yadda’s and clusterfuck idiosyncrasies!

Because you said you were different. Because you resolved to be a nonconformist. Because you believed yourself to be an undiscovered Third World mythical creature.

But what has gotten into you now? You have been living like one of them. Ashen. Lifeless. Devoid of any spirit and conviction. How different are you from these worthless stringed marionettes and walking puppets if you have been allowing yourself to be seized with the very certainty of all things to come your way? What good does it make you if you permit life’s fucked up redundancies and shitty yuppie doldrums to wreck your destiny?

Ah, destiny. Big word. So massive I bet you can’t fuckin’ swallow that in your philosophical lifetime. Chosen path. Preordained order. Fate. Discovering your purpose. Finding your gawddamn spot under the mocking, glaring sun. People have called it by monikers and polysyllables, expounding their point like a fucked up crazy Greek philosopher whose wise spurts no one would even care to swallow. But you only believed in one credo – that destiny is what you make it.

It is what you decide to be, not what awaits your inutile flaccid penis. It is making a choice, not leaving the option to your gawddamn wrinkled scrotum. You make it happen. You take it out of its glossy, abstract context and live and breathe it. Until you finally get the hang of it. Until you have affirmed to follow the one, true path that leads to it.

Was it not just recently that you have affirmed the path you will be taking? It was a tough call. You had to weigh the pro’s and con’s, to prune everything that would leave you no value, to trim down what could be trimmed down. But you managed to hurdle the frackin’ dilemma, you see. Would you gawddamn believe that? Man, I never knew you’d pull that off, never knew you were made of one firm and strong fiber like Harry fuckin' Potter, which is obviously ambiguous to your ectomorphic build.

But now, oh fuckin' now, you’re losing your mojo. Whatever happened to the bastardly angst that has been your buffer for all things shitty? You're sick and tired of everything? You're fed up with all the fuckin' responsiblities? Everybody has his share of problems, a clusterfuck of human quandaries poised to eat up on your weakness. You know what to do? The trick is to shrug it off your system and deal with it. Deal with the gawddamn problem like a man. Like a real man. Not some pathetic eyelid-lining, bangs-curtained face with unlimited emo tendencies.

Oh shut up and don’t be a jerk by telling me that life is unfair! Just in case you haven’t noticed, it is and it has always been. So fuck you and your shitty emoish whimpers. Fuck you for not showing me what you’re really made of. Double fuck you for feeling lost. And insane. And being unsure of yourself.

Just in case I haven't made myself clear how much I loathe the way you deal with your pathetic life's mocking sarcasm and scorns: F-U-C-K Y-O-U! Fuckin' hate your guts for succumbing to derisions.

You can never be a Superman with great powers but know that you haven’t lost your marbles. If you did, you would have surely worn your boxers on top of your blue tights. Remember that all is not lost. Your dreams are still there and unless you’re careful, they will become ashes soon to be forgotten. Shrinking. Until you finally bite the dust. Remember that you were never born a defeatist. And you know very well that this is not what you want your life to end up being. For chrissake, you deserve something far better than this!

Life is a wicked bitch but you have to be a tad bitchier to live!

You had balls when you said this is your destiny. Now, don’t be a castrated clusterfuck and prove it!

Your fuckin’ kickass alter-ego,

Me

P.S. If by tomorrow you’re not done yet with this boorish emo episode, I’m going to gawddamn shove that rusting blade up your ass! Oh yes, I’m fuckin’ meaning it!

*Why SSDD No. 3? Because this is SSDD No. 1 and this is SSDD No. 2

Team Poonam No More (Alternatively Titled Bagong Simula ng Isang Dayshifter Puta)


There's a cliche that tells us about how nothing is ever permanent in this ephemeral world except change itself.

I beg to disagree. What about death? Or taxes? Or how narcissistically cute the bastard author of this one heckuva wicked bandwidth blog spot is? Semi-kidding on the last bit.

For people who have been religiously following this blog for some time now – folks who have nothing better to do in their lives than consider perusing the content of this bandwidth blogspot as a form of escapism from the fucked up doldrums of shitty yuppie swivel chairs and life’s redundancies – the past few weeks have seen swerving changes poised to curb the path of my current call boy existence.

Leche. Lalangawin na naman ‘tong post ko malamang. Nosebleed Inglesan na naman eh. Kelan ba ko nagkaron ng English post na tumabo sa takilya? Wala, lahat ng bestsellers dito puro Tagalog. Maski nga nakakatawa na hindi pa rin pag-aaksayang basahin kapag nag-nosebleed diatribe na ko. Which goes to show either makabayan ang mga naliligaw ng landas dito o sadya lang talagang mahirap maarok ang mga pinagsasabi ko kapag nag-ala Miriam Defensor na 'ko sa bokabularyo ko. Anakngtitengmaugat talaga o! Hmmkei payn. Kantospeak na kung kantospeak. May araw ring ako naman ang masusunod at English ang gagamitin kong medium. Bukas, luluhod ang mga buwakanginang Tagalog posts na 'yan.

Bukod sa night differential pay na tuluyan nang naikaltas sa salaping nakukuha ko tuwing kinsenas at katapusan ng buwan bilang isang kolboy ng Makati, marami pa pala kong mamimiss sa desisyon kong mag-review bilang paghahanda sa pangarap kong maging full-fledged Certified Pekpek Arouser. Whoops! Point of erratum. Certified Public Accountant pala dapat 'yan. Pasensiya na. Nakapasok kasi si Boy Bastos sa kutang 'to eh.

Big changes. Panibagong adjustments sa takbo at paraan ng pagpuputa. Kung dati-rati eh ngarag na ngarag akong makikipaghabulan sa diyes oras ng gabi sa pagpasok, ngayon naman eh gigising akong naghuhumindig pa ang pototoy tuwing umaga bago pumasok sa banyo at sapilitang maligo ng malamig na tubig. Upside down bigla ang lifestyle at balik ule sa pamumuhay ng isang normal na nilalang na humihilik sa gabi at nagtitikol umiihi pagsapit ng umaga. Isang mabilisang pihit sa wasak na wasak nang biological clock.

Pero higit pa sa pinalalang pagkakakalas-kalas ng turnilyo ng aking circadian rhythm, mas importante sakin ang pagkawala ko na nang tuluyan sa team ng mga malulupet na call boys and call girls at call gays na di ko aakalaing bogaloids at magiging ka-wavelength ko rin pala. Ito ang grupo ng mga taong naging kapamilya ko ng ilang buwan, kasalo sa pagsagot ng mga puta calls from outer space - queueing man o hindi (madalas naman talagang kyuwing sa gabi), katagayan ng serbesa pagkatapos ng nakakauyam na pagpasok sa putahan.

Bukod sa malaking suweldo (oo, hindi ako ipokrito; ito talaga ang rason bat ko napagtiya-tiyagaang magpaka-call center pokpok), sila ang dahilan kung bakit nakakaya kong kaladkarin ang tite kong sukang suka na sa paulit-ulit na labas-masok sa [fill in the blank] putahan, ang rason kung bakit kahit gustung-gusto mo nang umabsent eh hindi mo makakayang magbigay ng pekeng medical certificate galing sa Recto.

Mamimiss ko ang team building naming hindi naman talaga team building dahil mas akmang tinatawag 'yung inuman session after a hard day's call whoring work. Ang pagkabangenge namin ni Pareng Binchee na naging buddy-buddy ko na dahil malupet ding magsulat tulad ko at may sense kausap at mahilig ding mang-spot ng chick sa putahan.

Ang kulitan naming tatlo ni Essie at Binchee sa PVP bus kapag umuuwi na maski dehado ako sa bulto ng mga katawan eh magpupumilit pa rin kaming tatlong magkasya sa iisang upuan. Ang paghiram ko ng libro kay Rai na pareho ko palang kumakain ng libro at inlab ngayon sa isang lead guitar player ng isang banda (Yihee!) at magbibertdei na sa susunod na Martes (Pibertdei Rai-chee!).

Mamimiss ko ang mga kalabtim ko sa grupo. Si Lala na muntik ko nang ligawan pero hindi natuloy dahil masyadong kumplikado ang mga pangyayari sa buhay ko nung taym na 'yun at baka hindi ko lang mabigyan ng oras ang kung saka-sakaling relasyon namin. Nyahahaha! Si Emi na malalim ang dimples at seksing seksi pa rin at kapag nagtataray eh lageng nakataas ang kilay with matching manlalapang "Hoy!" sa muka pero oozing with sex appeal pa rin.

Ang paghingi ko ng madalas kay Vick ng pagkain dahil napakatagal pa ng lunch. Ang mapang-akit na paghimas ni Jules na kung itutuluy-tuloy pa niya eh baka may mag-rally na sa kaibuturan ng aking pusod paibaba. Ang pustahan namin ni Mark sa mga laban ni Manny Paquiao. Ang pag-bluetooth ko ng mga seks bidyo kay Manong Joe. Ang pag-approve ng tier3 ticket escalation kay Liza. Ang ever reliable pagpapapaybsiks ni Rache. At sa iba pang mga kateammate na hindi ko nabanggit, mabuhay kayo!

Honga pala, sa bisor kong maganda sana kung naging babae lang at naging kasing seksi ni Sushmita Sen, mamimiss ko ang pagiging lenient niya sa pagbibigay ng suspension at pagbibigay niya ng consideration maski na pumasok kang tatlong oras na lang ang ilalage mo sa putahan dahil nabangag ka sa alak kagabi.

Sa ilang buwang pagiging miyembro ko ng team na 'to, masasabi kong sila ang nagsilbing pantanggal umay sa nakakasulasok at ubod ng toxic na trabaho kong 'to sa putahan. Da best, wala na kong hahanapin pa. Andito na kasi lahat. Kumpletos rekados. Patawa. Bogaloids. Intellectual. Bangag. Lashenggo. Emo. Malupet. Cute. Say it, you got it! Parang dinidiskrayb ko nga lang sarili ko eh. Huhlolz!

Pero ganun talaga. Kelangang umayon sa takbo ng mga pagbabago kung gusto mong may maabot ka. Kung ayaw mong manatili sa palubog na kumunoy na kinatitirikan mo, dapat handa kang magsakripisyo. Sa kaso ko? Kelangan kong iwan ang komportableng samahan at mag-adjust ule sa panibagong pakikisalamuha sa lilipatang team dahil kelangan.

Naalala ko tuloy 'yung sinabi kong sagot sa kanila minsang tinanong nila ko netong huli lang kung bat ako lilipat ng team at kung bat daw iiwan ko na sila: "I need to chase my dream...before I forget it." Lupet ba? Isang kampay na lang para sa astig na Team Poonam!

P.S.

Nakalimutan ko palang sabihin. Sa bagong team na nilipatan ko, may bago akong kateammate na nakyu-kyutan ako. Hindi ko alam kung bakit. Cayin ang pangalan niya. Mukang magkakalablayp na ule si Lio Loco. Yebah!


*Kuha mula sa huling team building sa San Juan, Batangas

Better Late Than Absent


Dahil nag-team building ang mga call boys at call girls ng Makati sa Batangas netong Linggo lang, nakalimutan kong Mother's Day pala sa araw na 'yun at kelangang bigyang pugay ang mga pukeng nagluwal satin dito sa mundong ibabaw. On second thought, maski pala naalala kong Mother's Day noong Linggo eh hindi ko pa rin makakayang batiin ang mommy ko ng Happy Mother's Day sa teleserye ng totoong buhay.

Hindi ako showy. Sa buong hinagap ko, wala akong maalalang pagkakataon na binati ko siya ng Happy Birthday o Happy Mother's Day o Merry Christmas and a Happy New Year. Hindi ko rin siya magawang yakapin o bigyan man lang ng bading na bading na beso-beso. Siguro kasi andun pa rin 'yung pagbabakasakali na kung hindi sila naghiwalay ng daddy ko, malamang sa malamang eh larawan kami ng isang normal na pamilya ngayong nagmo-malling malling lang tuwing Linggo; malamang sa malamang eh hindi ako nagpapakaputa ngayon at namumuhay ng carefree, bummer lifestyle na parang mga Alabang Boys lang. Siguro kasi punumpuno lang ako ng kaangasan sa katawan kaya ultimo pagtext ng isang forwarded Happy Mother's Day ekek eh hindi ko makakayang gawin. Siguro kasi sa dami ng buwakanginang pagsubok na ibabato sa'yo, magiging defense mechanism mo na ang mag magpaka-emo, magpaka-angas, magpaka-bato.

Pero alam kong alam niya na ang lahat ng pagpupursige ko sa buhay, ang lahat ng sakripisyong ginawa ko, ang pagpapakaputa ko sa kasalukuyan at pansamantalang pagtalikod sa mga pangarap ko eh para sa kaniya at sa utol ko. Alam kong alam niyang wala akong ibang gusto kundi ang mapabuti ang kalagayan nila, ng dalawang babaeng pinakamahalaga sa buhay ko ngayon.

Bilang pagpupugay sa babaeng nagbigay buhay sa pambihirang class S na nilalang na si Lio Loco, ibinabahagi ko sa inyo ang akdang isinulat ko at napili bilang isa sa mga lathalaing inilimbag sa "If My Life Were a Book" contest ng Philippine Star.

Pinapaalalahanan ko na naman pala kayong ang post na 'to eh walang kasing-pang-Maalala Mo Kaya. Maghanda ng panyo at tissue paper. Babaha ng balde-baldeng uhog.

Mabuhay ang mga pukeng naging daan para makaranas tayo ng mga halu-halong emosyon sa teleserye ng totoong buhay, ng mga patawa't hinagpis, ng mga nakakabangengeng tagumpay sa buhay at saksak-puso, tulo ang dugo moments! Happy Mother's Day sa mga magigiting na ina, single ina, magiging ina, feeling ina, at sa lahat ng puke ng ina!

Mercy, Mother, Mercy
By Lio Loco

A few months back, I read about an Irish-American boy’s story. It was a miserable story told hilariously, something that will make you sprightly and awake even up to the wee hours of the morning. And truth be told, his miserable Irish Catholic childhood was the culprit why I got a reprimand from a fuming mother on two counts – (1) laughing like an insane hyena when the rest of the folks were asleep, and (2) sleeping when the rest of the folks were about to wake up.

The boy’s name was Frank McCourt. And glaring at his black-and-white picture of unkempt hair, freckled cheeks, and a curious estimating stare on the book’s cover, I realized how much of Frank’s idiosyncratic chronicles were another boy’s as well – mine.

Nearly two decades ago, I became a reluctant first-born of a middle-class Tsinoy from the city and a young, ambitious woman from the province. How they met remained a mystery to me but I have my probable guess. Having drained my neurons to a non-stop slew of soap operas (courtesy of housemates-turned-telenovela addicts), I have deduced a more common plot that would fittingly explain the faded love story of my parents: Girl from the province goes to the city to try her luck. Boy meets girl. Boy and girl fall in love, cohabit, and procreate. And as in most recycled telenovela twists, boy gets smitten by another lover, leaves the girl, and abandons the child.

“We split the kids. I take the boy, you take the girl.” I remember how dad seemed to be different at that time, speaking in tones of finality I never saw in him before. I was four. Sean, on the other hand, was three.

“No, I can raise both of them on my own.” My mom was resolute, declining the fifty-fifty deal.

End of the argument. My dad walked away. My mom packed our bags and headed straight to the nearest bus terminal.

During our entire journey back to her hometown, my mother hardly spoke. She was close to becoming a mute and in the event that I wanted to pee, drink, or eat something, she uttered only a few syllables in response. The unfeeling kid that I was, I now figure that I was too dense to even notice that my mother just had the most difficult decision in her life. Back then, I was too preoccupied with trifling things to even consider the weight of my mother’s burden. I was unmindful to take note of the changes, too lazy to even think about why we had to move and live in my grandmother’s house in the province and contend with a looming teenage life without paternal guidance.

When I began to study, hardly anyone knew about the past that I’ve tried to keep hidden. Hardly anyone of my classmates knew that I am a product of a broken family and that my father abandoned us before I even had the maturity to deal with the ugly truth. I shunned that hideous part of my life because I wanted to belong, because I was afraid to be cast away; something I should have never allowed myself to feel in the first place. But secrets will never be such forever. When my mother decided to become an OFW in some Middle East country, the conspicuous absence of my parents in PTCA meetings brought the skeletons in my closet in full view to the public.

My sister and I were mocked, laughed at, pitied even – unsolicited emotions I would be more than glad to return to the assuming kibitzer untouched. That was the time when I finally understood everything, when wicked reality finally sank its sharp fangs on me, when comprehension dawned on my young existence. For the first time in my life, I felt how it was to be “orphaned.”

It was difficult to live a normal life like any kid with a perfect set of parents did when a fatherless childhood, in all its vile ugliness, kept shoving itself up your face. I felt how it was to be humiliated in the class as your grade school adviser calls your attention because your parents have failed to show up in the freakin’ parents-teachers dialogue since time immemorial. I felt how it was to be laughed at by classmates because they have fathers who teach them how to dribble a ball properly and you have none, so you try to learn all by yourself but you end up doing a lousy basketball stunt anyway.

How it was to get worried over a “swollen head” after two days of being circumcised because you can’t seem to have the guts to tell it to anyone, and if only you had a father you'd have sought a “man-to-man talk” with him right there and then; but since you don’t have one, you have no other choice but to bring the “delicate” matter to your female nurse cousin. How it was to live on a steady diet of cheap instant noodles because your mother abroad has yet to send some money, and your grandmother is tempted to borrow cash from your 5-6 dealer neighbor because she doesn’t know how else to feed two growing mouths the next day. And then you think of your bogus father and wonder if this crippling poverty would have ever been possible had he not deserted you.

It sucked to be ogled at by everybody like some suicidal monkey caged in a zoo, people throwing fake sympathies, watching your every move, awaiting every mistake you commit because for them you were an oddball and you were only expected to do nothing but blunder. Because as a scion of a broken family, you were bound to be branded by a judgmental society as a failure.

But I did not succumb to the lousy, stereotypical expectations. Because I was never born a defeatist. I became non-conforming, one who would never let commonplace things get the better of him. I focused on my studies, furthered my knowledge, devoured every book, every newspaper, every reading material I could lay my hands on. I became preoccupied with academic organizations, inter-school competitions, and worthwhile hobbies. I kept myself busy in the hope that all the miseries and frustrations I felt would be overcome by the academic triumphs I had.

When I graduated in high school, I became the class valedictorian and it felt good. I felt that was the time to finally avenge. I savored every drop of vindication I had for all the people who laughed at us and told us that we were no good. I thought it was pay-day for me. But I was wrong. For soon I realized that seeking revenge to all those who did us wrong, my father included, would do me no good. I realized it was futile to retaliate. And in that sudden realization, I discovered that a more potent human emotion resided in my heart. That was the ardent desire to pay homage and respect to one of the most important persons in my life – my mom.

As I look at the countless medals and awards I received, I see the picture of a woman brave enough to hurdle the innumerable adversities that came her way. I see a resolute face of a woman who made a life-altering decision seventeen years ago. A determined woman who took the pains of taking care of other parents’ children in some faraway place while never having the chance to take care of her own because she wanted them to live. A selfless woman who was able to raise her two children single-handedly, helping them find their own places under the sun. A woman who only wanted to be happy but never really experienced genuine happiness.

Today I am already through schooling, having graduated as a Cum Laude last November. I am about to join the work force and soon I will finally turn my dreams into reality. When that time comes, I will offer it to my mom as a testament of her immeasurable toils and hardships on raising me and my sister. I know that’s still many years from now but I am not daunted by the waiting. Because I know that one day, it will happen… One day, my mom will finally experience true happiness…

Indeed, Frank McCourt’s life, and his idiosyncratically poignant telling of it, made an impact, an indelible mark on me because I figured out how much of his story was similar to mine. Both of us lived miserable childhoods. Both of us were born in quirky, imperfect families. Both of us always had the desire to lift our family up from the sinking quagmire of poverty, that eternal, inextinguishable flame to make their lives better. We both had dreams. And we both believed in the triumph of the human spirit.

Frank McCourt’s mother’s name was Angela, after whom he titled his book – Angela’s Ashes.

My mother’s name is Mercy, and in her name I christen this story.

The two most important women in my life, so far.

How To Be a Moymoy Palaboy in 24 Hours


Warning: The following post contains sentiments of blade-slashing, black eyelid-lining EMO-ish proportions. Closing the tab and continuing to download your Maria Ozawa porn torrent are highly recommended. You have been warned.

Ngayon ko lang nalaman. Mahirap pala ang mag-isa. Mahirap tumayo sa sarili mong paa nang wala kang kinakapitan o sinasandalan. 'Yung tipong you and you alone against the bitchin' universe. Ikaw at ikaw lang. Walang kaibigan. Walang kamag-anak. Walang kasintahan. Walang kakantutan. Wala. Ikaw lang talaga.

Ilang beses ko na bang sinabi sa kutang 'to na allergic ako sa tao? Hindi ako mahilig makipag-harutan sa kung sinu-sinong nilalang at kung papipiliin akong gumala sa labas para magpatuyo ng mamasa-masang buhok sa kili-kili sa higanteng AC ng mga mall dito sa Maynila, mas nanaisin ko pang mapag-isa at mag-kembyular mag-DVD marathon sa bahay o di kaya naman eh maglakbay sa natatanging mundong inihain ng mga paborito kong libro.

Don't get me wrong. May mga kaibigan din naman ako at malayo pa sa hinagap ko ang magpaka-ermitanyo sa kung saan mang bundok na namumutiktik sa shabu at marijuana. Pero ang mga nilalang na 'to eh subok na ng panahon. Ilang ulit ko nang nakainuman at nakamurahan bago pa nila makuha ang matamis kong oo. Hindi kita pwedeng pag-aksayahan ng laway kung hindi rin lang kita ka-wavelength. Wala akong pakialam sa'yo kung ang bawat katagang lumalabas sa bunganga mong may halitosis eh kwento lang ng mga bagay-bagay na malamang sa malamang eh pagdaramutan ko ng kakarampot kong panahon. Ganun akong tao eh. Suplado. Barubal. Boring. Anonymous. Hindi sociable. Walang kwentang nilalang.

But I digress. Gaya ng sabi ko, ngayon lang talaga nag-sink in ang katotohanang at the end of the day, ikaw at ikaw lang pala talaga. Ngayon ko lang napagtanto na tulad ng nauna ko nang pagninilay-nilay, mas maige nga talaga ang mapag-isa kesa isiksik mo ang sarili mong pagkakahumindig sa presensiya ng mga taong hindi mo alam kung masasagip ka sa pagkakalunod sa kumunoy. Mas mabuting magpakadalubhasa ka sa sarili mong imahe kesa ihulma mo ang sarili mong personalidad ayon sa kanilang stereotypical na pag-iisip.

Kanina lang eh namroblema ako kung saan ko palilipasin ang madilim na gabi. Darating ang maraming bisita sa apartment ng isang kaibigan kung saan ako nagkukuta nang ilang araw. Hindi ako pwedeng sumiksik. Higi't lalong hindi rin pala ko pwedeng magtagal dahil magmumuka na kong palamunin nun. Okey lang kako dahil meron pa namang isang grupo ng barkadang maaari akong kupkupin hangga't hindi pa ko bumabalik sa taragis na Pasig. Ang siste, ban din pala ko run dahil maangas pala ang pagmumuka ko sa may-ari ng kutang hindi mo alam kung babae ang gusto o babaeng may adam's apol talaga.

Maddapakingshet! Dinaig ko pa pala ang mga yagit na palaboy sa kalyeng ginawa nang teritoryo ang mga nanlilimahid na kalsada. Hindi naman ako pwedeng bumalik ng Pasig dahil andun pa rin ang asungot na pumalit sa puwesto ko pansamantala. Sa pagkakaalam ko, may mga kamag-anak din kami rito pero ayoko nang bigyan pa ng sakit ng ulo ang mommy ko kapag nagtext akong wala akong tutuluyan ngayon at kung pwedeng gambalain ang mga kamag-anak namin saan man sila naroroon ngayon para kupkupin ang kahabag-habag na si Lio Loco maski isang gabi lang.

Alam mo ba ang ibig sabihin ng self-pity? Iyon na siguro ang pinakamalapit na abstract na pwedeng sumalamin sa nararamdaman ko ngayon. Habang tinitipa ko ang mga walang kwentang katagang 'to, magda-dalawampu't apat na oras na kong bangag at gising simula kagabi, pumupungay-pungay na ang pilik-mata sa kawalan ng matinong tulog, malagkit at nanlilimahid ang buong katawan na parang mga drumbeat boys na sumasabit sa jeep at pagkatapos makakuha ng barya sa mga kapwa nila hikahos na pasahero eh sisinghap-singhap na parang naka-high sa isang supot ng rugby. Labindalawang oras na Rest Day Overtime sa putahan, dalawang oras na biyahe galing sa Makati, tatlong oras na tanghalian at siyesta, limang oras na pag-iikot ikot sa España kakahanap ng matutuluyan, at isang oras and counting na pagharap sa isang kuwadradong monitor para ilabas lahat ng ka-emo-hang naipon sa unfortunate event na 'to.

Pathetic. Hindi ko alam kung gumagana pa nga nang maayos ang ulirat ko. Ang alam ko lang, kung ano ang gustong sabihin ng damdamin ko ngayon, iyon at iyon lang ang titik na pinipindot ng mahahaba kong mga daliri, mga himutok ng di mapigiling pagpupuyos ang ipinuputok ngayon. Mabuti na lang at lumaklak ako ng dalawang Cobra energy drink sa putahan kanina at sa kasalukuyan eh ginagawang oxygen tube ang straw ng isang malaking Chillz Iced Coffee mula sa ever convenient Mini-stop.

Ayokong magpaka-emo dahil alam kong walang dahilan ang pagseseryoso kong ito. Pinipilit kong bigyan ng rational explanation ang lahat at wag kumampi sa natural na emosyong mararamdaman mo kapag nangyari sa'yo ang ganito. Pero ang hirap. Mahirap isipin na ang mga taong matagal nang nakatatak sa kukote mong matatakbuhan mo, ang mga nilalang na matagal mo nang nakasalamuha't nakapalagayang loob eh mga taong hindi mo pala pwedeng i-text in matters of life and death dahil wala ka ring maaasahang tugon. Alam kong wala silang choice dahil may sari-sarili rin silang buhay na kelangang ayusin at ang bawat pagkilos nila'y nilakipan ng samu't saring limitasyon. Pero iniisip ko. Kung sila kaya ang nasa kalagayan ko at ako ang nasa kalagayan nila, maaatim ko bang mangyari sa kanila ang nangyayari sakin ngayon? Masisikmura ko bang manahimik at magpakamanhid dahil wala akong magagawa, kaya hahayaan ko na lang ang isang taong malapit sakin na magpakabangag kakahanap ng pwedeng tuluyan ng isang gabi lang?
Isang. Gabi. Lang.

Wala sa plano pero biglang-bigla eh umupa ako ng isang kwarto sa isang dormitoryo sa España para lang may masilungan ngayong gabing 'to. Wala rin sa plano pero biglang-bigla eh naisipan ko na ring simulan na ang pagre-review ko para sa CPA Board Exam. Yaman din lang na nakapag-one month advance, one month deposit na ko sa kutang iyon, lulubus-lubusin ko na ang pamamalagi sa España. Nakikini-kinita ko na kasing hindi malayong kainin na 'ko ng sistema ng pagpapakaputa kapag hindi ko pa sinimulang gawin 'to. Kung hindi ngayon, kelan pa?

Big changes. Mamumuhay na 'kong mag-isa ngayon. Walang tagapagluto ng pagkain, walang kausap kapag nabuburyong pagkagaling sa work, walang kainuman kapag nauuhaw ang lalamunan. May curfew hours simula 11PM hanggang 5AM (hindi ko rin alam kung ba't sa ganung klase ng kuta ako napadpad; siguo kasi ala na kong makitang maayos kanina) at sa ikaapat na palapag pa ang sariling kwarto. Andaming adjustments. Nakakapanibago.
Parang blinender na excitement, saya, at pag-aagam-agam ang nagluluksong tinik ngayon sa dibdib ko. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko 'to pero kelangan eh. Wala na 'kong choice. Wala na 'kong ibang matatakbuhan kundi sarili ko lamang. Iniisip ko na lang, eto siguro 'yung tinatawag nilang charging it to experience. Maski papano kako eh hindi na lang puro kabalahuraan ang laman nitong kukote ko.

Magre-request na rin ako ng day shift schedule sa putahan kapag nakapag-enrol na ko sa ReSA (Review School of Accountancy). Lagare na ang oras ko 'pag nagkataon dahil pagkagaling sa putahan eh diretso review na 'ko. Kaya sana wag kayong magalit kung paminsan-minsan na lang ako makakapag-update sa kutang 'to. Sana rin, wag kayong magsawa sa pagdalaw maski na madalang na 'kong makabisita sa mga kuta niyo kapag natuloy na ang hibernating castaway drama.

Simula sa araw na 'to, hayaan niyong ipamalita sa inyo na magpapaka-monghe na ule si Lio Loco, malayo sa kalong ng mga tao, sa pasan ng lipunang simula't sapol eh hindi ko pwedeng maasahan, pabalik ule sa mundong sakim at makasariling una kong kinagisnan. Pareng Erap, pahiram ng linya mo, pwede? Walang kaibi-kabigan. Walang kama-kamag-anak. Wag niyo kong subukan.

P.S. Salamat pala nang marami dahil andiyan ka para basahin ang walang kasing emong post na 'to. Maski papano, naibsan nang konti 'tong pinuputok ng butse ko. Mabigat sa loob. Kelangang ilabas. Sige. Matutulog na ko. Zzzzzzz...

*isinulat kagabi, 05.04.2009, 9:49pm

Missing the Baguio Big Brothers


Mainit sa labas. Nakakapaso. 'Yung tipong kapag naihip sa'yo eh manginginig kang parang katatapos mo lang jumingle na ewan. 'Yung tipong nanunuot sa kailaliman ng balat mo 'yung alinsangan, sagad pa kamo hanggang sa puyo ng ulo. Doble alimpuyo ang mararamdaman dahil bukod sa tagaktak ka na sa taenang pawis, manlalagkit pa ang buong katawan mong dinaig pa ang putang nag-OT sa trabaho dahil matindi ang pangangailangan.

Sa mga ganitong pagkakataon ako napapailing at di magkaminsang darating ang pagkayamot sa sarili ko. Nitong nakaraang mga araw, habang naglalakad sa kahabaan ng umuusok na daan pauwi galing sa pinagkakaputahan, nakailang beses na rin akong napapaisip kung tama ba ang naging desisyon ko't hindi ko ba 'to pagsisisihan sa kalaunan. Kaganda't kalamig ng Baguio pero heto ako't ipinagpalit lang sa pamatay na combo ng trapik, usok, at alinsangan ng Maynila ang komportableng pamumuhay sa taas. Katangahan bang matatawag 'yun?

Siguro. O kung may makabuluhang dahilan, siguro hindi.


May mga bagay na kelangan mong ipagpalit at isakripisyo maski na nasanay ka nang hindi pwedeng wala ang mga bagay na 'yon sa buhay mo. Siguro kasi sa takdang panahon eh may mas mabibigat pang bagay na tataob sa pananaw mong hindi ka mabubuhay nang wala ang mga iyon. Mas mabigat. Mas matimbang. Maaaring ngayon sasabihin mong ito na 'yon, hindi na pwedeng magbago 'to. Tapos bukas makalawa, malalaman mo na lang na sinasalungat mo na pala ang kasalaulaang binanggit mo nung isang gabi. Kasi nga naman eh may dahilan.

Sa Baguio kung saan ako namulat sa maraming katotohanan, doon kung saan napasadahan ko por da perstaym ang maraming mga bagay -- mabuti man o masama, masarap man o mapakla, doon kung saan ko nasubok mamuhay nang mag-isa't tumayo sa sarili kong mga paa, doon nabuo ang kung sino mang taenang pagkakakilanlan meron ako ngayon. Sa lunang ito ko natutunang batakin nang maaga ang mga hamon ng buhay, nakilala ang mga taong naging tunay na sandigan ko sa mga pagkakataong bibigay na 'ko sa nanunubok na mga problema, nakipagtaguan pong sa mga laro ng madayang tadhana.

Nasabi ko na noon sa sarili kong higi't anupaman, hinding hindi ko ipagpapalit ang lugar na 'to. Tae. Sa humigi't kumulang dalawampung taong pamamalagi ko rito sa makamundong ibabaw, dito ko lang talaga nahulma nang maige ang pagkatao ko. Emo na kung emo pero totoo. May punto sa buhay mong bigla ka na lang matutuliro't tatanungin kung ano ba talaga ang purpose mo sa taragis na buhay na 'to, kung hanggang dito na lang ba ang kaya mo't hindi ka na ba makakaalpas pa sa kasalukuyang kumunoy na kinalulubugan mo. Quarter-life crisis ata ang tawag dun. Magmumukmok ka sa isang tabing parang gunggong at magmumuni-muni kung may mabuti bang kahihinatnan ang mga palpak na diskarte mo sa buhay.

Ako? Naging maaga ang dating sakin ng lecheng quarter-life crisis na 'yan at sa mainit na kanlungan ng malamig na Baguio nangyari ang lahat. Kung meron man akong saksak puso, tulo ang dugo moments sa buhay ko, so far eh sa Baguio siguro nangyari 'yung mga pinaka-laslas triggering. Bata pa kasi ako nun eh. (Bata pa rin naman ako ngayon ah. Wehehehe) Prone sa emotional breakdowns. Feeling ko gee-ep ko 'yung yaya ng pilyang batang si Angelina -- pareho kaming "loser." Maraming tanong na akala ko eh walang sagot. Nosebleed ang mga what if's at if only's sa vulnerable phase ng aking pathetic layp. Tipong mapapa-maddapakingshet naknamputa combo ka dahil mas mahirap pa pala sa value ng X when X is equal to the square root of Y multiplied by the coefficient of X over the cube of X minus Y raised to the 8th power na minamani mo lang sa Mathematics exam mo nung hayskul ka (minani mo nga ba? hehehe).

Mabuti na lang kamo't andiyan sila. Hindi ko kaanu-ano't saglit pa lang nagkakakila-kilala pero daig pa ang magkakarugtong ang pusod sa barkadahan. Bigla-biglang pumasok sa buhay ko, nakaututang-dila, nakainuman at nang lumao'y naging prenships por layp na pala. Tinanggap nila 'ko kung ano man ako bilang tao. No questions asked, no strings attached.

"Kuya" ang naging bansag ko sa kanila dahil ako ang pinakabata, bunso kumbaga. Sila ang mga naging sandigan ko 'nung mga panahong papatumba na ko dahil sa pagkabangenge sa taragis na mga problema, mga simpleng taong dinaig pa ang kung sino mang kurakot na may mataas na posisyon sa lipunan sa hitik ng mga pangaral sakin. Mga mabubuting class S na nilalang na naging dahilan para makaya ko't malampasan ang mga guhit sa patintero ng tadhanang madalas mang-gudtaym.

Institusyon. Ganitong mga klase ng mga tao ang masarap pakisalamuhaan dahil walang ere sa katawan. Totoo sa sarili't hindi ka itutulak sa banging uhaw sa mga "you're such a loser" emo's. Kung meron silang pangaral saking hanggang ngayon eh sukbit ko pa rin sa muling pagsalta ko rito sa Maynila eh respeto na siguro 'yun. Wag kang matakot hangga't alam mo sa sarili mong wala kang inaargabyado, wala kang tinatapakang tao. Dahil lahat tayo, gaano man karami ang nakamal na yaman at gaano man karunong sa natutunang mga leksiyon sa paaralan, ano man ang titulo mong kabit-kabit sa dulo ng iyong pangalan, pantay-pantay pa rin ang lahat sa takdang panahon. Pare-parehong umuutot. Pare-parehong mabaho ang echas. Kaya wag kang magmarunong. Higi't lalong wag kang magmagaling.

Tae. Nakakamiss talaga.

Namimiss ko na 'yung mga panahong papasok akong lasheng kasi hindi ko matanggihang hindi ako makiikot sa tagay (bilang certified call center puta, meron kasi akong pasok sa weekends na siya namang saktong day off nila). 'Yung mga weirdong pakulo nilang Red Horse na tinitimplahan ng Pineapple syrup at GSM na tinimplahan ng Sprite. 'Yung jamming session kapagka tamang lasheng na't basagan na ng gitara sa saliw ng Eraserheads, Guns n Roses, Parokya ni Edgar, at kung sino pang mga OPM bandang sumikat noon.

'Yung pagpapatahan sakin kapagka wala na ko sa sarili kong katinuan at sinumpong na ko sa pagpapalahaw sa katagang "daddy" nang makailang ulit. 'Yung pag-alalay sakin kapagka sumesemplang-semplang na ko sa kinauupuan ko't diretso hatid na sa kuwarto ko pagkatapos. 'Yung pag-uumpugan ng mga ulo namin sa isang mesa't hindi muna kakain hangga't hindi pa kumpleto ang head count. 'Yung pagsasaluhan ang kung anong meron ang isa't pagpapahiram sa kung sino man ang kapos. Tsk tsk tsk. Reminiscing mode ang puta.

Sa mga ganitong napaka-maalinsangan ng mga kalye rito sa Maynila ko sila mas madalas naaalala. Maaari ngang pinagpalit ko ang Baguio sa Maynila dahil kelanga't wala akong choice pero gusto kong isiping pansamantala lang ang lahat. Tulad ng mga hobbits ng Shire na umuwi sa sarili nilang kuta matapos ang pagkahaba-habang paglalakbay sa Mordor, gusto kong isiping balang-araw, babalik din ako sa dakong iyon ng Pilipinas kapagka ayos na ang lahat. Tulad ng pagtupi ni McArthur sa mga Hapong kalilibog pero kaliliit naman ng mga tite, gusto kong isiping sa takdang panahon eh bibigkasin ko rin ang pamosong linyang "I shall return!"

Malapit na siguro 'yun. Sana lang talaga ma-approve ang leave ko nitong unang linggo ng Abril.


Baguio Big Brothers!



Sinech Itey: Lea, Ate Charlene, and Ate Gelli -- Certified Adeekamputas!



Band of Brothers - Baguio-style



Goodbye Yellow Brick Road -- Ang Pagluwas



Pansinin ang red, hot chilli poster sa taas...Hehehe!



Isturowberi farm-hopping pagkatapos ng bangenge



The Bonnet Boys - Ang Bagong Boy Band na Pagkakaguluhan ng mga Chick at Feeling Chick...Nyahahaha!



I’m in Heat! I Need A Chillax Blast from the AC (Or At the Very Least, Any Cheap, Third World Electric Fan)


Dapat eh matutulog na ‘ko ngayon. Bukas pa ang iskedyul ng regular post ko sa walang kwentang kutang ‘to. Pero dahil kelangan ko lang talagang ilabas ‘to nang mabilisan para maski papano eh maging mahimbing ang pagkakadapla ko sa kama mamaya, heto ako ngayo’t nagpupuyos ang kalooban at maalab ang mga daliring tumitipa ng bawat letra.

Mainit ang ulo ko ngayon. Kasing-init ng maalinsangang hangin usok dito sa puke ng inang Maynila. Kaya ko nagawa ang ginawa ko sa opis kanina. Hindi ko sinasadya. Kahit kelan, wala sa bokabularyo ko ang magpapansin. Simula’t sapol, mas gusto ko pa ang nasa isang sulok lang. Kung meron mang mga taong gustung gustong maging center of the solar system, ‘yung mga lecheng nilalang na laging feeling bida, ‘yung gusto eh laging pinag-uusapan, ‘yung tipong artistahing kontrabida ang dating sa taragis na telenobela, hindi ako ‘yun. Dahil isa akong self-confessed introvert. Kuntentong nasa side lines at nagmamasid lang. Pero biglang nagpanting ang tenga ko kanina. Biglang nagbaga, uminit nang bonggang bongga. Hindi ko sinasadya.

Sa lahat ng ayoko eh ‘yung pinagduduldulan sakin ang pagkakamali ko. Tatanggapin ko naman kasi ‘yun nang kusa eh. Sasabihin kong nagkamali ako. Wag mo nang ipagdiinan, higi’t lalong ibalandra sa buong mundo na gumawa ako ng taragis na kapalpakan na ikakapahiya ng sarili kong narsisistiko’t perpeksiyonistang katauhan.

Aaminin ko na. Ayokong napapahiya ako, lalo na kung maraming tao ang nakasaksi ng lecheng pagkakapahiya ko. Ganun ako ka-sensitibo. Pero hindi naman ito nangangahulugang balat-sibuyas ako. Sa katunayan, kaya kong makipagharutan at makipag-asaran sa’yo hanggang sa maglupasay ka na at magmakaawang tantanan na kita. Sampol:

Ikaw: Payatot!
Ako: Eh mano, cute naman. At mahaba pa! Eh ikaw, ampanget mo na nga, ang ikli pa ng iyo! You’re such a loser yaya! Nyahahaha!
Ikaw: (tulo-uhog, laglag-salawal) Waaah! Isusumbong kita sa nanay ko!
Ako: Go ahead, bozo! I fucked your mom last night and she begged to be screwed again…and again…and again! Nyahahaha!

Joke lang. Hindi naman ako ganiyan kabrutal sa teleserye ng totoong buhay. Pero kung masugid kang tagasubaybay ng walang kwentang kutang ‘to, malapit-lapit na siguro run ‘yung asaran session namin ni Maldito sa mga comments ng walang kwentang kuta kong ‘to at sa mas walang kwentang kuta niya.

Kanina lang, napagalitan ako ng bisor namin. Sa chatroom kung saan kinseng mga kolgels en kolboys ang nagcoconference chat. Sa mga birhen pa sa pagpapakaputa sa Makati, ang chatroom ang means of communication ng Team Leader (bisor) at ng kaniyang team na binubuo humigi’t kumulang ng 15 agents (kung saan ako nabibilang). Ito ang virtual space kung saan kinukumusta ng TL ang lagay ng mga calls mo, stats mo, metrics mo. Ito rin ang lunan para makipag-chika ka sa mga kateammates mo tungkol sa kung anu-anong walang kabuluhang bagay na walang kinalaman sa pagpuputa mo - lablayp, pamili layp, sekslayp. Name it, you’ve got it. Parang YM lang — pero orgy ang setup niyo, hindi one-on-one.

Hindi ko alam kung normal lang ‘yun sa bisor ko pero para sakin, mukang iba kasi ang dating ng tinuran niya eh. Oo, aaminin kong naisilid ko sa kung saang putanginang lupalop ang nyetang kukote ko nang mga oras na ‘yun siguro dahil wala pa ‘ko sa sarili kong katinuan at bangag-bangagan pa rin ako sa tulog kagabi. Lunch break na namin. Dapat kapag lunch break, ilogout mo ang telepono mo (AVAYA) nang isang oras. Pero sa hindi ko malamang kadahilanan, instead na Logout button ang mapindot ko eh ‘yung lecheng Aux-Break ang nakadaupang-palad ng daliri ko. Suma tutal, isang oras akong naka-Aux Break na obyus fail from hell dahil dalawang magkahiwalay na 15-minute breaks lang ang allowed samin.

Hindi ko ikinakatuwang nagkamali ako. At hindi rin tama ang rasong bangag-bangagan ako sa tulog dahil tinapos ko nang basahin kagabi ang Smoke and Mirrors ni Neil Gaiman na ipinahiram sakin ni Rai sampung libong siglo na ang nakakaraan (hindi halatang marami akong backlogs). Nagpakatarantado ako, aakuin ko ‘yun - no strings attached. Kaya nga ako nag-sorry. Ilang beses na pasensiya. Sa tulad kong perpeksiyonista, ang tanggapin ang pagkakamali eh malaking bagay na, higi’t lalo’t sa harap pa ng maraming tao ako humingi ng paumanhin.

Pero sa mga katagang binitawan ng bisor ko sa chatroom, parang dinuro ako ng sampung libong beses. Palalampasin ko na sana kung hindi niya sinabi ‘yung mga salitang ‘yun. Masakit sa pandinig eh. Nakakarindi. Alam mo ‘yung pagkatapos mong sumisid sa kepyas dagat eh biglang may umaalingawngaw sa tenga mong kung ano pagka-ahon? Ganun na ganun ang naramdaman ko kanina. Para kasing sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos at sa araw-araw na lang na pagkakamaling nagagawa ng buong team namin eh ‘yung akin ang pinakamabigat. Nyeta! Ikaw ba naman ang pagsabihan with matching CAPS LOCK AT TATLONG EXCLAMATION POINT PA SA DULO, ewan ko lang kung hindi magpanting ang tenga mo. Dumagdag pa ‘tong mga hinayupak na kateammate kong walang ginawa sa buhay kundi magpasaring nang magpasaring para pababain ang mini-team stats namin (dahil ang mini-team na hawak ko eh ang kasalukuyang lamang at ang lumamang noong nakaraang buwan) sa pamamaraang kasuka-suka at di patas na labanan. Desperate measures. Tsk tsk tsk!

Ang resulta: Nag-walkout ako sa chatroom namin at tinapos ang dalawang oras na natitira sa shift sa pagsagot sa mga calls nang walang support galing sa bisor ko o sa kung sino mang maalam na kateammate ko. Hindi ako nag-inarte. Ang sa akin lang, may tamang paraan sa tamang oras at tamang lugar para itama ang pagkakamali ng isang tao. Respeto lang di ba? Pucha, ‘etong bisor ko ngang ‘to eh sobra ang pagrespeto ko dahil bukod sa ubod na ng galing, napakabait pa. Heck, siya nga ang dahilan di ba kaya ako nasama sa shortlist ng mga Comms Coach ekek? At dahil dun, taos-puso pa rin akong nagpapasalamat maski na sapilitan ang lahat.

Pero hindi naman siguro tama ‘yung ibalandra mo sa labinlimang nilalang ang pagkakamali ng isang taong tipong ‘yun na ‘yung dahilan kung bakit bababa ang metrics ng buong team. Higit lalong hindi tama na gawin mo pang ALL CAPS WITH MATCHING EXCLAMATION POINTS ang instant message mo to stress the point. First offense ko pa lang naman ‘yun eh. Kung tutuusin, may mas marami pa sa team namin ang mas foul ang kabalahuraan kesa sakin. And besides, hindi ko sinandya ‘yun. It was only an honest mistake. Ba’t naman ganun ang naging trato sakin? Ah, ewan! Ayoko nang manumbat. Basta ang sa akin lang, ginagawa ko sa abot ng aking makakaya ang trabaho ko. Kung magkaminsang pumalpak man ako, mapapalampas naman siguro ‘yun ng mga plus pogi points ko noon sa pagshare ng best practices ko sa team.

Magbubuntung-hininga na lang muna ‘ko. Breathe in, breathe out. Ayokong magmura dahil maliit na bagay lang ‘to. At dahil ang taong kinamumuhian ko eh isang taong nirerespeto ko pa rin naman magpasahanggang ngayon. Sana lang hindi umabot sa puntong mawala na ‘yung respetong ipinundar niya noong bagito pa lang ako sa linyang ito ng pagpapakaputa. Sana lang hindi umabot sa puntong mapapamura na ‘ko nang bonggang bongga. Dahil ‘pag nangyari ‘yun, lintek lang ang walang ganti. HELL HATH NO FURY!!! Oo, I’m stressing the point kaya all caps din ako with matching triple exclamation points.

Ayun. Naihinga ko na rin. Wala na ‘tong inis na ‘to bukas. Isa pa palang katangiang kelangan niyong malaman kung gusto niyo kong makasundo nang bonggang bongga — hindi ako nagtatanim ng galit. Maaaring galit ako sa’yo ngayon pero bukas makalawa, prens na ule tayo. Bukas, panibagong araw na naman sa pagkagumon ko sa lintek na boplaks calls sa pinagkakaputahan ko sa Makati. Bukas, panibagong SSDD na naman.

Speaking of which, bukas na rin pala ‘yung final interview namin nina Rai para sa Comms Coach ekek. From 14 shortlisted, ikinagagalak kong sabihin sa inyong pasok si Rai at ang narsisistikong, nyetang perpeksiyonistang ‘to sa Final 6 showdown. Oha oha! Parang American Idol lang eh no? Lolz! Sa mga kabagang kong madalas pumapasada sa walang kuwentang kutang ‘to, isang matinding powerhugz ang kelangan ko dahil bukas, magkakaalaman na. Anu’t ano pa man ang kahinatnan nito, masaya akong andiyan kayo para suportahan ako sa pagkakagawi ko sa direksiyong ito na ni minsan eh hindi sumagi sa hinagap ko.

Pray for us! Wish us luck! Give us some love! :D

Wanted: (Im) Perfect Partner


Mabuti na lang at Single Awareness Day ngayon. Mas madaling maka-recover. Mas mabilis maiuuntog ang ulo sa kung saan mang maangas na pader. Maski papano eh kagyat lang ang recuperation period.

Kahapon lang eh punumpuno ang kalye ng mga haliparot na hindi magkandaugaga sa pagcelebrate ng Balemtayms. Nariyang mag-akapan na parang mga naligaw na tarsier ng Bohol at napadpad sa mausok na trapik ng Maynila sa sobrang higpit ng pagkakakapit ng mga braso sa isa’t isa. Nariyang maghalikan sa gitna ng madla at walang pakialam kung magkalipatan na ng mga labing nanlilimahid sa laway sa tindi ng laplapan. Nariyang maglambutsingan habang nasa loob ng humaharurot na dyip, di bale na kung lahat na lang ng taong nakasakay eh obyus nang sila ang pinagpipiyestahan dahil di na makapag-antay sa motmot na pagdarausan ng mga kahalayan. Para sa mga hardcore exhibitionist, andiyan din ang libu-libong mga parokyano ng SOGO Hotel (o Victoria Court, kung mas sosyal ka) na mag-uubusan ng maiinit na halik, anasan, at yapos habang naka-video recording ang cellphone upang idagdag ang umaatikabong aksyon sa mga nagkalat nang sex scandal na ibu-bluetooth at di malao’y idi-delete din hindi dahil ayaw mong masabihan kang bastos at manyak kundi dahil ilang beses mo nang napanood at ilang beses mo nang napagsawaan ang pipitsuging 10-minute 3gp marathon.

Pasintabi sa mga mambabasang wala pa sa wastong gulang. Kung ikaw eh edad disesyete pababa, mangyari lamang pong pakitakpan ang kaliwang mata at ipagpatuloy ang pagbabasa sa kanang mata nang di gaanong magkasala sa pagkakapadpad sa walang kwentang kutang ‘to. Ba’t naman kasi naligaw ka pa ng landas sa nyetang blog site na ‘to? Wala akong kargo de konsensya sa mga taragis na magulang mo, okey?

Back to the show. Suma tutal, lahat ng mga OA, manyak, at malilibog eh pagala-gala sa isa sa mga commercialized Hallmark Holiday kahapon. Dumoble ang traffic sa España, mas dumami ang mga nilalang na kinaiinisan ko mula ulo hanggang sa kahuli-hulihang bulbol na pakulot pa lang ang tubo at aaminin ko sa inyong ayoko mang lumabas kahapon sa pinagkakakutahan ko rito sa España eh napilitan akong lumabas sa lungga ko’t makipagpatintero sa mga hinayupak na magsing-irog, mag-asawa, M2M, tomboy-to-gel, may kabit, at pati na rin mga hopeless romantic na desperadong makahanap ng date dahil kelangan kong maiparamdam sa KANIYA kung gaano siya kaimportante sakin.

Uunahan ko na kayo. Wala akong date kahapon dahil ayokong makipag-date sa mga babaeng nag-aabang ng matamis kong OO at kung meron man akong gustong makasama kahapon, yun eh walang iba kundi SIYA lang. Kung hindi rin lang siya, mas pipiliin ko pang maburyong maghapon kakalaro ng nyetang Monster Hunter na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin mapalevel up sa PSP. Natural, nangangarap na naman ako nang gising dahil obyus namang kahapon eh OT ule SIYA.

At ano naman ang ikinapadpad ko sa nakakasulasok na amoy pag-ibig ng lansangan kahapon kung hindi ko pala SIYA ka-date, tanong niyo siguro. Syempre A for ey-fort na naman ako sa pagpaparamdam sa KANIYA maski na alam kong simula’t sapol eh tagilid na ang standing ko.Nagpunta ako sa SM Manila para maghanap ng chick na game makipag-isang gabing tayuan pwedeng ibigay sa KANIYA sa lecheng Araw ng mga Pusong Sawi. Palasak na ang mga roses, chocolates, at stuffed toys sa mga kalimitang inireregalo sa ganitong mga araw ng pagkakaholdap sa pera mo alang-alang sa taong minamahal. At dahil malapit na nga siyang lumuwas ng probinsiya, minabuti kong halughugin ang Blue Magic para maski papano eh maalala NIYA ko sa tuwing matutulog SIYA maski na malayo na ‘ko sa KANIYA. Mali ang sentence construction. Ang dating eh mukang ako ang hinahabol. Baguhin natin. Maski na malayo na SIYA sakin. Ayun. Sakto.

After ten thousand years ng pakikipagtaguan sa puke ng inang Blue Magic na hindi ko alam kung ba’t hindi ko mahanap-hanap maski na minsan na naming napuntahan yun dati (umiral na naman ang pagiging boplaks ko sa sense of direction at muli, hindi na naman ako nagtanong sa mga adeek na guard ng mall maski na tumagaktak na ang pawis ko kaiikot sa taragis na higanteng tiyangge ng Maynila), willing akong nagpaholdap ng tumataginting na isang libong piso kapalit ng isang kulay brown na Teddy Bear na may yakap na pusong kulay pula. Mabilisang digression: Sana maintindihan mong may lahing Intsik ako at ang pagkawala nga lang ng isangdaan eh malaking bagay na sakin; isanglibo pa kaya?

Pero hindi ako nagrereklamo. Maski na mamulubi ako kung para rin sa KANIYA, okey lang na mamalimos ako’t magpunas ng paa ng mga pasaherong nakasakay sa mga dyip sa kahabaan ng Taft Avenue. ‘Yung teddy bear na binili ko, maski na medyo may kamahalan eh pinabalot ko pa rin dahil parang may kung anong affinity siya sakin. Yung pusong hawak niya, akmang akma ‘yun sa puso kong patuloy na umaasang matututunan din NIYA kong mahalin. Yung fluffy Teddy Bear (ampotah! pati adjective ko nagmumuka nang jokeness sa kakornihan!), naisip kong representasyon siya ng sarili kong patuloy na pinanghahawakan ang pag-asang balang araw, magiging KAMI rin.

Balang araw na sa mismong gabi ring ‘yun eh tuluyan nang nawala. Binalahura ng tadhanang maddapakingshet. Pinawalang-bisa ang kung ano mang pag-asang pinanghawakan ko nang napakatagal. Sa puntong ito, hayaan niyong ipamalita ko sa inyong kagabi rin, sa mismong Araw ng Pakingshet na Puso ng Saging, binasted na NIYA ‘ko. Kelanman eh hindi na magiging kami dahil pinutol na NIYA ang kung ano mang ugnayan naming lampas pa sa pagkakaibigan. Bigo. Failed. Basted.

Hayaan niyong ilahad ko ang napakasaklap na pangyayari: Matapos mabili ang Blue Magic Teddy Bear, isinilid ko ang love letter kong tatlong pahina ang haba sa loob ng paper bag na pinaglagyan ng stuffed toy at dumiretso na ko sa kanila para ibigay ‘yun. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napaaga pala SIYA ng uwi at sa madaling salita, nagkausap kami nang mismong gabi ring ‘yun. Wala na ‘kong natitira pang oras. Dalawang linggo mula ngayon, uuwi na SIYA, hindi na kami magkikita pa. Kaya naman sinunod ko ang payo ni Pareng Gerald at dinaan ko na sa mabilisang diplomasya.

Tinanong ko kung saan ba ‘ko nakalugar sa KANIYA ngayon, kung ano ba ang standing ko sa puso NIYA. Tumingin SIYA sakin, ‘yung titig na sa mga oras na ‘yun eh nakapagpalambot sakin kung isa man akong pototoy, at sinabing hanggang pagkakaibigan lang daw ang kaya NIYAng ibigay. Ouch to the nth level! Walang itulak kabigin. Hindi ako nagpahalatang sa mga oras na yun eh nagbabalinguyngoy na ang puso ko at pinilit ko pa ring ngumiti’t maging kalmado. Tinanong ko kung bakit, kung may ayaw ba SIYA sakin, o kung may napupusuan ba SIYAng iba. Basta raw. Hindi talaga pwede. Dahil kaibigan lang talaga ang turing NIYA sakin. Period. No erase.

Please lang. Don’t throw in your pathetic sympathies and your I-feel-sorry-for-you shitty remarks. Hindi ko kelangan yang mga ‘yan at wala rin ‘yang maitutulong sakin. Makakapag-move on din ako. Mali pala. Moving forward pala ang pauso ni Karylle ngayon. Ang kelangan ko lang siguro ngayon eh time and space. Oo, may pagka-showbiz din ang narsissistic, angst-ridden bastard na may-ari ng walang kwentang kutang ‘to.

Kung minsan naiisip ko, eto na siguro yung bawi sakin ng karma. Eto na siguro yung paghihigante ng hinayupak na tadhana sakin sa mga panahong ako naman ang umayaw, the past times na ako naman ang nagpakipot at nagpahabol. Yung mga kagaguhan ko dating makikipagrelasyon ako tapos pag nagsawa eh bigla na lang akong manlalamig at kakalas. Tama siguro ‘yung sabi nilang dalawang beses na mas matindi ang balik sa’yo ng karma. Tsk tsk tsk!

Kung meron man akong natutunan sa masaklap na kabanatang ito ng aking naunsiyaming pag-ibig, siguro eto ‘yung pagiging mature ko. Hindi ko alam pero parang sa mga nangyari, mas natutunan kong magpaka-responsable. Tingin ko hindi na ko bata. Tingin ko nga kaya ko na talagang magdala ng totoong mature na relationship. Yung tipong hindi na makikipagtaguan sa current fling pakner kapagka nakakita ng mas hot na chick. Yung tipong hindi na manliliit ang mga betlogs kapagka andiyan na yung problema sa relasyon niyo. Yung tipong thinking for the future na, kasama na diyan ang kasal, bahay-bahayan at makukulit na tsikiting patrol. Eto na nga siguro yun.

Buntung-hininga. Buntung-hininga times two.

Itaga niyo ‘to sa mga pekpek at betlogs niyo bato, ito na ang huling buntung-hininga ko dahil ito na ang huling akda tungkol sa KANIYA at ang pagkatuliro ko sa maddapakingshet na pag-ibig na ‘to. Nirerespeto ko ang desisyon NIYA at kung hanggang magkaibigan lang talaga ang kaya NIYAng ibigay sakin, tatanggapin ko ‘yun nang bonggang bongga maski masakit. Ba’t ko pa ba naman ipagduduldulan ang sarili ko sa taong simula’t sapol eh walang-wala na talagang pupwedeng maibigay sakin bukod sa pagkakaibigan? Kung minsan, okey lang magpakatanga dahil mahal mo ang isang tao. Pero kalabisan na siguro ang masiraan pa ng bait nang sobra-sobra maski na alam mo nang wala nang kahihinatnan ang pagiging siraulo mo para sa isang tao. Sa mga pagkakataong ‘yun, nararapat na sigurong iuntog mo ang ulo mo sa pader para matauhan ka na.

Kaya nga sa puntong ito, hayaan niyong ipamalita ko sa lahat na nahimasmasan na ko. Wala na ang impluwensiya ng alak taragis na pag-ibig. Panahon na siguro para ako naman ang pagkatuliruan ng mga chick na nag-aabang sa matamis kong OO. Eto na siguro ang tamang oras para hayaan ko naman ang ibang pumitas sa poging-poging adam’s apol ko. Game. Bukas na ang pintuan sa mga gustong mag-apply. Minimum requirement: Chick na mamahalin ako bilang ako, no strings attached.

Not Another Jebby Story


Maddapakingshet! Nagmumuka na ‘kong jebs nito. Parang ebak na palutang-lutang sa kasilyas. Walang direksyon. Nag-aantay na lang na i-flush sa kung saan mang poso negro dahil iyon at iyon lang naman ang kahihinatnan. Hindi pwedeng panatilihing nakalutang dahil baka pagpiyestahan ng mga hinayupak na langaw na gustung-gustong gawing panghimagas ang poopoo pie. Tulad ng napakasangsang na ebak ko kaninang pinatingkad pa ang nakakasulasok na amoy ng alak na ininom ko kagabi. Pasintabi sa mga katatapos lang ngumata ng chichacorn (kung bakit chichacorn at hindi ibang pagkain eh wag mo nang tanungin; nasa tamang lasing mode ako ngayon.).

Kagabi lang eh nagkayayaang mag-inuman sa bahay. Three on three ang labanan. Si Tatay na walang puknat sa pagka-cariño kay Tita matapos malasing nang bonggang bongga (Tita ang tawag ko sa asawa ng tatay-tatayan ko; hindi ko nakasanayang tawaging nanay si Tita sa kadahilanang meron naman akong sariling nanay, tatay lang ang wala), si Pareng Gerald na parang batang hindi mapakali sa bagong laruan dahil bukas eh magkakaron na ule siya ng bagong trabaho matapos ang ilang linggong pakikipagpatintero sa ‘di iilang employers; at ako na hanggang ngayon eh taenang inlababo pa rin sa KANIYA.

Hindi planado ang lahat. Bigla na lang naisipang uminom ni Tatay. Nung una’y silang magmanugang lang ang naghaharutan sa mesa pero dahil kelangan nila ng sasaklolo sa pagkabangenge nang maaga at para tumagal maski na isang minuto ang alcoholic tolerance nila, idinamay nila ‘ko. Nagtext si Pareng Gerald sakin habang pauwi ako galing sa pakikipagtaguan pong sa KANIYA. “Pare, umuwi ka na. Miss ka na namin ni Tatay. May isang malaking Long Neck na Emperador ang nag-iintay sa’yo rito. Tsaka isang hot na hot na chick na ready to bembang na for you.” Jokeness lang. Pero alam mo na ‘yan. It’s the thought that counts. Ganiyan, more or less, ang nakasaad sa text. Hinaluan ko lang ng konting palabok para masaya.

Patay! Emperador. Na naman. At malamang sa malamang, wala na namang chaser ‘to. Hindi sa ayaw kong umiinom nang walang chaser. Pero kasi naman. Sa lahat ng klase ng alak na naimbento sa sangkasenglotan, sa brandy ako pinakamahina. Ipalaklak mo na lahat ng klase ng alak sakin, wag lang brandy. Dahil sa brandy, nababangenge ako nang napakaaga. Semplang ako agad-agad at ang pag-inda ko sa amats ng inuming ‘yan eh hindi pa lalampas sa pagbilang mo ng sampung mga daliri mo (walo kung busy-busyhan ang hintuturo at gitnang daliri mo sa pangangalkal). Pero whaddaheck, nakahain na. Alangan namang tanggihan pa ang grasya? Again, once more, for the second time around, repeat refrain except the last stanza, naniniwala ako sa kasabihang kapagka ang palay ibinigay sa’yo nang kusa, kelangang bayuhin.

So ayun na nga. Nakipag-inuman kay Tatay at Pareng Gerald and in between gulps of the shitty intoxicating liquor that goes deep down in your fuckin’ gullet before finally proceeding to attack your innards with that distinct acerbic twinge (sa puntong ito, ipinapaalam ko sa inyong sinasaniban ako ng identidad kong nosebleed fuck-me-Freddy; pero seriously, wala ba talagang nakakamiss sa pag-i-Ingles ko? Lolz!), napag-usapan ang malapit nang maunsyaming buhay pag-ibig ko.

Maraming sinabi ang dalawang mokong na kaharap ko sa mesang namumutiktik sa Sugo, Lucky Me! Extra Hot Chili Pancit Canton, chichacorn at kung anu-ano pang mabibili nang agad-agad sa suking tindahan. Mabilisang digression lang: Oo, hindi ako mapili sa pulutan. Kung ano ang inihain, kakainin ko. Hindi ako kupal na pinainom na nga nang libre eh kung anu-ano pang satsat ang maririnig mo sa hinayupak na bungaga. Kaya sa mga nagbabalak mang-imbita diyan, now you know. Mas mahalaga sakin ang katabing chick sinserong kwentuhan. LOL!

Suma tutal, mahina raw akong dumiskarte. Si Pareng Gerald na nakaisang bebegel na sa Fren kong si Cristina, sinabing dapat daw eh aggressive ako. Sabihin agad-agad ang nararamdaman. Tanungin ora mismo kung mahal daw ba NIYA ‘ko. Hindi ‘yang papatay-patay na parang nakikipagprusisyon sa burol ng lola ng kaibigan ng pinsan ng bilas ng dikong ng kabit ng kapitbahay mo. Na sinang-ayunan naman ng tatay-tatayan kong medyo napapadalas na ang pagkurap ng mata at pagngising parang ngiting-aso dahil sa tama ng alak. Sabi naman seniyo Tay eh, gin na lang dapat binili niyo. Eh di sana di pa kayo pasuray-suray na parang DOM sa ballroom house nang maaga.

Pero siryusli ispiking, taena! Kung ganun lang ba kadali eh matagal ko nang ginawa. Ilang beses ko bang sasabihin na ibang klaseng babae SIYA? Madalas eh hindi mo matimpla ang ugali, mahirap hulihin ang kiliti. Kung sa ibang babae eh pwede mo nang ilabing-labing matapos mo lang pakainin ng Coke Float at Cheese Burger sa McDo diyan sa may Recto, ibahin mo SIYA. Hindi SIYA nadadaan sa simpleng patext-text, padate-date lang. Kelangang patunayan mong mahal mo talaga SIYA. Ang pag-imbita pa nga lang sa paglabas tuwing weekend eh pahirapan na, ang pagtatanong pa kaya kung meron bang reciprocation ang nararamdaman ko sa KANIYA. Nyeta, suicidal para sakin ang pagtatanong sa KANIYA nun! I’m digging my own grave at that circumstance (napadaan ule si nosebleed, fuck-me-Freddy Lio Loco).

Which leads me to saying nagmumuka na nga talaga kong isang napakalaking jebs na nagkandabuhul-buhol na ang mga ugat-ugat dahil sa hirap ilabas. Tsk tsk tsk! Kanina lang eh nagpunta na naman ako sa apartment NIYA. Pusturang-pustura. Poging-pogi. Ubod ng bango na mahihiyang tumabi si Piolo Pascual. Okey payn. Ambilibabol na. Ibahin natin at mas gawing kapani-paniwala. Ubod ng pogi at bango na mahihiyang tumabi si Hugh Jackman at Brad Pitt. Ubod ng bango at poging mauuwi rin lang pala sa wala.

Wala SIYA sa apartment nila kanina at hindi alam ng mga tao sa kanila kung saan SIYA nagpunta. Sinubukan kong tumawag. Yung babaeng taga-Sun Cellular ang sumagot at sinabing ‘yung numero raw na tinatawagan ko eh “ether unattended or out of coverage area.” Badtrip! Sinubukan ko ule. Walastik! Si Mareng Sun Cellular Voice-over pa rin ang sumasagot. Please try your call later daw. Naloko na. Sa Globe kaya? Naknampucha! Pare-pareho lang sila. The subscriber cannot be reached daw. Please try again later ang drama.

Bakit hindi ko SIYA makontak? It’s either hinoldap SIYA at kinuha ang dalawang cellphone NIYA, itinapon ang SIM at nag-wantutri na ang mga hinayupak, nadeadbat ang dalawang cellphone sa parehong oras at parehong pagkakataon, o di kaya nama’y talagang in-off NIYA pareho para hindi ko na ko magmukang dakilang stalker NIYA. Is it just me o tama ang hinala kong hinoldap nga SIYA kaya hindi ko makontak ang mga cellphone NIYA?

Ampotah! Daanin na lang sa patawa. Dahil kung seseryosohin ko pa, hindi ko alam baka maghara-kiri na ‘ko bukas makalawa. O, jokeness lang ule. Alam kong sayang ang mga sperm cells ko kung di makakapunla ng susunod na presidente ng Pilipinas na aahon sa bansang ito mula sa pagka-third world. Pero seryoso, ayoko na talaga ‘tong nangyayari sakin. Para na kong ebak na palutang-lutang sa kasilyas. Walang direksyon. Nag-aantay na lang na i-flush sa kung saan mang poso negro dahil iyon at iyon lang naman ang kahihinatnan. Hindi pwedeng panatilihing nakalutang dahil baka pagpiyestahan ng mga hinayupak na langaw na gustung-gustong gawing panghimagas ang poopoo pie. Tulad ng napakasangsang na ebak ko kaninang pinatingkad pa ang nakakasulasok na amoy ng alak na ininom ko kagabi.

Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ang pagkahibang ko pero sa puntong ito, ipinababatid ko sa lahat ng mga nag-aabang ng matamis kong OO at nananabik sa katakam-takam kong adam’s apol na malapit na kong mahimasmasan. Itaga niyo yan sa pekpek niyo bato.

This Guy’s In Love With You – Torpe



Hindi muna ko magpapakaputa sa kaka-Ingles dahil masyadong sensitibo ang nais kong ipahayag ngayon. Sa tingin ko’y mas magiging natural ang labas ng himutok ko kapagka sinalita sa dayalektong nakagisnan, mas lumalabas ang tunay na nasasaloob, mas madrama ang bawat kataga.

Hayaan niyo muna kong magsenti-sentihan at isantabi muna ang mga malulutong na murang Kano at ang mga narsisistikong mga panulat ko. Ni hindi ko nga alam kung makakabalik pa ko sa identidad kong punumpuno ng pamimintas at pagpuna sa lipunang walang ginawa kundi palubhain pa lalo ang nakamamatay nang sakit ng kamangmangan at pagiging istupido. Wala ako sa mood ngayon para makipag-patintero sa mga hinayupak na lamang-loob ng lansangan sa parehong dahilan na wala rin akong kongkretong ideya kung papaano ko tatapusin ang blog post na ‘to. Ang bawat letra ay bunga lamang ng tuluy-tuloy na pagtipa ng mga daliring inuutusan ng nakaaangat kong utak na sa sobrang dami ng inilalabas na emosyon ay malimit na napapatid pa ang mga daliri sa hindi magkamayaw na pagsasatitik ng damdamin.

Malungkot ako. Mababaw lang siguro para sa iba pero mabigat pa rin para sakin. Malungkot ako dahil inlab ako ngayon. Malungkot ako dahil namemeligro na namang maging boplaks ang lahat-lahat para sa KANIYA, tulad ng kinahantungan ng unang date namin matapos ang mahabang panahon ng pag-iintay.

Walang kwentang date na puro palya ultimo pelikula. Unang una, banas na siya bago pa man kami pumasok ng sinehan sa kadahilang ang kasama naming chaperon (oo, may chaperon; ayaw NIYAng kami lang munang dalawa; malamang masyadong maaga para sa KANIYA) eh umeskapo na bago pa magsimula ang pelikula. Nadagdagan pa lalo ang asim sa muka NIYA dahil sa puke ng inang pelikulang walang ginawa kundi magpapansin sa run-on blurs at mga paulit-ulit na dialogue na mararanasan mo lang kapagka may sira at gasgas ang tape. Ano ang magagawa ko sa mga panahong ‘yon? Pinilit kong magpatawa, sinadya kong magpaka-Vhong Navarro dahil gusto kong maski papano eh mag-enjoy SIYA. Heck, ako ang nang-imbita. Natural lang na dapat may kahinatnang maganda para sa KANIYA ang pagpayag NIYAng sumamang lumabas sakin. Pero talaga sigurong wa epek ang pagiging funny man ko dahil puro pilit na ngiti lang ang pinakita NIYA. Kung meron mang hari ng sablay sa mga panahong yon, gusto kong isipin na ako lang ang prinsipe.

Ngayon hindi ko alam kung may pag-asa pa ko sa KANIYA maski na katiting, maski na kasingliit lang ng kakapiranggot na pototoy ng mga malilibog na Hapon. Papatusin ko na yon. Wag lang NIYAng sabihin ang mga katagang ayaw ko sanang marinig. Hindi ko na alam papano pa ko makakabawi, papano pa ko makakataktiks kung lahat na lang eh sumasalungat sakin, pati ata ang hinayupak na kapalaran. Hindi na epektibo ang pagtext at pagtawag sa Sun Cellular dahil hindi naman SIYA sumasagot. Ni ha ni ho, wala. Gusto kong isipin na dala lang yun ng sobrang pagod at pagka-busy sa work tulad ng sinabi NIYA sakin noon. Hindi rin ako makadalaw sa tinutuluyan NIYAng apartment dahil panay ang overtime NIYA, madalas umuuwi na SIYA ng mga bandang alas-diyes o alas-onse ng gabi. Sa mga ganung oras, pupwede sana kong tumawag. Pero nasabi na NIYA sakin minsan na sa mga ganung oras, dapla na SIYA sa kama, pagod na pagod sa maghapong trabaho.

Eh papano ang weekend? Ang weekend ay araw pa rin ng trabaho. Hindi ko alam kung gusto NIYAng yumaman agad (na kayang kaya ko namang gawin pag naging kami na…sana) pero oo, OT pa rin SIYA sa Sabado at Linggo. Ngayon, ang natitirang paraan na lang eh ang ihatid-sundo SIYA sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Sunduin lang pala. Alas-sais ng umaga ang pasok ko at di ko kayang mag-aparisyon sa isa pang lugar nang sabay. Pero iniisip ko. Kapag ginawa ko to, iisipin naman NIYAng napakapresko ng pagmumuka ko para sunduin SIYA gayong hindi naman NIYA ko boypren. Mabuti sana kung regular na babae SIYA, ang kaso ibang klase kase SIYAng dilag – palaban sa buhay ngunit hindi maikakatwang kulob pa rin sa hulma ng mga babaeng pino kung kumilos at naisasabuhay ang tunay na kahulugan ng salitang Pilipina.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung ba’t sa dinami-dami ng babaeng kahuhumalingan, sa KANIYA pa nalaglag ang boxer brip ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero marami-rami rin ang nag-aabang sa akin. Oo, sa payat kong ito, nakatutuwang isipin na marami rin pala ang nagkakagusto sa katas ko akin. Siguro kasi cute ako. Hakhak! Wag ka nang kumontra. Post ko ‘to. Kaya nga mas lumalakas ang panata kong magpalaki ng katawan para mas makaakit pa ng mga tulad ni Eva Fonda. (Sa puntong ito, nais ko kayong i-update sa nakaraang post ko – napagdesisyunan ko nang bumili na lang ng sariling gamit at wag nang mag-gym. Mas may freedom ka sa pagwowork-out at maski na hubo’t hubad ka pang magbuhat ng dumbbell o di kaya’y mag-weights nang bumabalandra nang bonggang bongga ang tumbong mo eh walang mamamansin sa’yo.) Sila ang nag-aantay ng matamis kong “oo” pero heto ako, katulad nilang nag-aantay rin sa matamis na “oo” ng iba.

Tulad ng pamosong linya mula sa pelikula ng maangas na kapatid ni Bebe Gandanghari, na inilibing si Rustom Padilla nang sapilitan, “ayoko ‘tong nararamdaman ko.” Ayokong mainlab dahil madali akong maging gago kapag nainlab na ko. Kung ano ang kasalukuyang lebel ng pagkasinto-sinto ko, gawin mong to the nth power yun, ganun ako kapraning kapag naiinlab ako. Nakakaya kong gawin ang lahat at ang masaklap, ayaw ko man eh nagiging tulad ako ng mga tipikal na taong kinamumuhian ko, mga nilalang na iginuguhit ang buhay at kapalaran sa dikta ng lipunan at sa mga panuntunang ginawa rin lang ng kapwa nila tao para malimitihan ang kanilang pagkilos at pag-iisip. Ayokong mainlab dahil ayokong maging tulad nila, dahil alam kong sa bandang huli, ako rin lang ang masasaktan.

Pero ganun naman talaga. Nasabi ko na noon na kapag nagmahal ka ng isang tao, laging kalakip nun ang walang katiyakang sa bandang huli eh maaari kang masaktan. Gasgas na ang kasabihang kapag mahal mo ang isang tao, hayaan mo kung san siya mas magiging maligaya, malayo man siya sa’yo. Kung sakaling bumalik siya, iyo na siya. At kung sakali mang hindi, simula’t sapol eh hindi siya naging iyo. Ewan ko sa inyo pero para sakin, hindi mabenta ang kasabihang ‘to, para sakin katarantaduhan lamang at walang laman ang mga katagang tinuran.

Unang una, ipinapahiwatig na ang taong mahal mo ay isang bagay na dapat angkinin, isang panindang maaari mong bilhin ng kahit singkong duling. Kailanman, hindi naging ganun ang turing ko sa KANIYA. Masaya ako na naipapakita kong mahal ko SIYA at hindi ako humihingi ng kapalit, o sa mas masahol na pananalita, hindi ko pinagnasahan sa hinagap kong aangkinin ko siya. Kung meron akong ikinatutuwa sa mga pangyayaring eto sa buhay ko ngayon, yun yung bagay na nagkaroon ako ng pagkakataong magmahal at mahalin SIYA.

Hindi ko alam kung hanggang saan ‘to aabot. Tulad ng blog post na ‘to, wala akong palagay kung saan ‘to patungo. Sana nga parang mga canned good fairy tales na lang na ginagamit para bolahin ang mga bata. Sana nga maging kami at sa hinaharap ay maging kami nang panghabambuhay. Sana we will live happily ever after. Kapag nangyari yun, ako na yata ang pinakamagandang lalake sa mundo Kapag nangyari yun, magpapainom ako at iimbitahin ko kayong lahat – magsuka na ang gustong magsuka, magyakapan na ang gustong magyakapan, makipag-tutut na ang gustong makipag-tutut. Pero kung hindi man, matutuwa pa rin ako’t maski papano eh sinubukan kong mahalin NIYA ko.

Sa ngayon, hayaan niyo munang magpakasiraulo ako sa pagkainlab sa KANIYA. Sobrang inlab na nakakaya kong mag-taguan pung sa Dangwa (salamat kay Rai para sa mental sketch) na hindi ko pa napupuntahan sa tanang buhay ko kundi ko pinagtiyagaang ikutin ang kahabaan ng UST at magkandawala-wala sa mga hinayupak na kalye para maghanap ng yellow roses dahil kanina, nakita ko sa Internet na ang ibig sabihin pala ng yellow roses ay “Please love me too.” Todong pagkainlab na nakakaya kong magmukang tanga at magbitbit ng isang dosenang bulaklak na dinaig pa ang putang namumutiktik sa kolorete ang muka at pumuputok ang labi sa sobrang kapal ng lipstick.

Di bale na kung pagpawisan man ako ng gabalde at magmukang kagagaling lang sa pagtitikol pagligo habang inihahatid ang mga pulang rosas sa apartment nila. (Naging pula dahil ubos na raw ang dilaw na mga rosas; gusto kong magwala at sabihing gawan nila ng paraan, kung pwedeng kulayan ng yellow gawin nila, pero napag-isip-isip kong pwede nila kong isalvage anumang oras dahil hindi ako tagarun kaya’t nanahimik na lang ako.) Di bale na kung di miminsang biruin man akong sayang ang mga bulaklak dahil basted din lang ang kahihinatnan ko ayon sa mga tambay sa lugar nilang walang pangarap sa buhay kundi magpalaki ng titi at magpabigat ng mga betlogs, na wala namang maipapakain sa mga magiging asawa kundi mga titi nilang inutil. Di bale na ang lahat-lahat dahil ito ang tinatawag nilang pag-ibig at inaamin kong isa ako sa mga milyun-milyong taong naulol ng puke ng inang pag-ibig na ‘to.

Mahal ko SIYA eh; kebs kung magmuka ‘kong tanga!