PBA091qo6752 Hulaan ko ang laman ng bawat blog post ngayon sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan -- 'yung seks bidyo ni Doktor-doktorang Baboy at ni FHM Sexy
Kung isa kang palengkerang amoy tsismis ang hininga tulad ng pasaherong lalakeng nakasakayan ko kahapong hindi natigil sa kakabida sa kabilang linya ng cellphone kung paano raw tinira ni ano si ano sa ano niya sa ganitong posisyon at kung sino raw si ano pa na na-escabeche rin ng napakalibog na si ano, malalaman mong usap-usapan na ang kumakalat na sex video scandal ng manyak na doktor kwak-kwak at ang paawa epek na sexy pantasya ng bayang biktima kuno sa nangyaring kabalbalan.
Sa isang Ikatlong Mundong bansang may bayag ang balitang hinihimas-himas ng napakaraming usisero't usisera, mas mabilis pa sa pagkalat ng apoy sa mga barung-barong ng EspaƱa ang pag-alam sa kung ano ang nagbabagang hot item ng lipunan. Kesyo bulag ka o bangag, tambay sa kanto o inutil na walang silbi sa kumpanyang pinagtatrabahuhan mo, de nunal na babaeng pandak na nakaupo sa trono o artistang naligaw ng pagkakaupo sa senado bilang payaso, lahat 'yan makikisawsaw sa usaping pinakamainit na ibinabalita sa gabi ng mga news anchor na lageng nananakot at may halak sa lalamunan ("Ekskyusmi po!").
Sang bansa ka makakakita ng senador na imbes na atupagin ang pagpapasa ng makabuluhang batas eh mas uunahin pa ang privilege speech ekek patungkol sa sex video scandal? Kagabi lang eh nasusuya na 'ko sa kakapanood ng kung sinumang hinayupak na mambabatas na idinudulog ang saltik ng dilang panis sa mga reporter patungkol sa headline ngayon. Oo nga naman, malapit na kasi ang eleksyon. Publicity rin 'yun. Kelangan ng media mileage dahil kapag nakita ang pagmumuka mo sa telebisyon, mas malaki ang tsansang maalala ka ng mga botante pagsapit ng eleksyon.
Sa ganitong mga pagkakataon, magsisilabasan din ang mga nagmamalinis na moralista. Laman ng bawat homily ng simbahan ang wag magpakababoy at wag gayahin si ano at si ano. Si Padre Damaso, mangangaral na masusunog ang kaluluwa mo sa impyerno kung hindi ka man mapunta sa purgatoryo pero kung pakaiisipin, may bahid din ng putik ang maputing pagkataong ipinagmamalaki niya. Ang mga women's rights advocates eh meron na namang dahilan para magmartsa sa maalinsangang kalye habang sumisigaw ng paulit-ulit na "Ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan!" maski na ayun si Nicole na ipinaglaban nila't nagpapakasarap lang sa Amerika.
At ano na ang nangyari sa H1N1? Kay Jun Lozada? Ang mga kapal muks na kwestiyonableng TV ads ng mga presidentiables? Ang Con Ass? Si Nicole na sumigaw ng "Rape!" at pagkatapos eh hindi naman daw na-rape? Ang pagpapatalsik sa de nunal na babaeng nasa MalacaƱang? Ang pagkaka-knockout ni Manny Pakyaw kay hambog na Hatton? Natabunan na siyempre. Mas mainit kasi ang seks bidyo. Mas kaengga-engganyong pag-usapan. Mas nakakalibog panoorin. Welkam to da Pilipins! Walang ganito sa Isteyts.
Ito ang Pinoy pop culture. Hindi ka in kung hindi mo alam ang usap-usapan. Pagtatawanan ka ng lipunan kung wala kang kamuwang-muwang sa nangyayari sa buwakanginang mundong ginagalawan mo. Hindi mo pa napanood ang seks bidyo? Panis ka. Hindi mo kilala kung sino si ano at ano na nag-aanuhang sobrang ano? Wala kang kwenta. Isalaksak mo ang pagkatao mo pabalik sa puke ng ina mo.
Kung meron mang aral na kapupulutan sa pangyayaring ito, iyon eh ang pagkakatanto na walang pinagkaiba ang mga elitista't mayayaman sa ating mga normal na nilalang ng lipunan. Pare-pareho lang tayong mababaho ang utot. Pare-pareho lang tayong dumudumi ng echas sa kasilyas. Pare-parehong
At ano naman ang maipapayo ko sa babaeng bida sa seks bidyo? Ineng, wag kang maglupasay at umastang ikaw ang biktima sa kontrobersyang ito. Hayaan mong sabihin ko sa'yo na ang sex, hindi pwedeng mangyari kung mag-isa mo lang na ginagawa 'yun. Pagtitikol ang tawag dun. Ginusto mong makipagniig sa isang demonyong kinakain ng amag ang kukote, pwes panindigan mo ngayon ang maaaring kahinatnan ng pagtamasa niyong dalawa sa walang kasing sarap na nirvana. Kunswelo de bobo mo pa nga ngayon na mas sikat ka na kay Marian Rivera at Angel Locsin. Ibig sabihin, kung tama ang hinala kong mas maraming lalake ang magpapantasya sa'yo pagkatapos mapanood ang seks bidyo mo, gagawin kang lead female star ng istasyong kinabibilangan mo.
At sa lalakeng protagonista namang kunwari eh maamong tupa pero dinaig pa pala ang animal pagdating sa kama? Pababaunan kita ng makahulugang salita mula sa isa sa mga sikat na manunulat na si Virginia Woolf: "[The woman] is [the man’s] mirror; by diminishing her in his use of her he becomes twice his size. In the culture, he is a giant, enlarged by his conquest of her, implied or explicit."
In layman's term: Ang liit kasi ng tite mo kaya gumawa ka ng seks bidyo para gawing doble ang laki nito sa paningin ng lipunang iniiputan mo.
Postscript:
Hindi ko pa napapanood ang seks bidyo. Kung sinuman ang may kopya, paki-email na lang sa elektronikong liham tirahan ko - ssdd@i.ph. Tatanawin kong malaking utang na loob sa 'yo ang pagkakawang-gawa mong ito, kung sino ka mang naligaw ng landas dito. At oo, kung inaakala niyong wala akong kasing-libog tulad ni Boy Bastos, ako na ang nag-aabiso na hindi po ako sex pervert tulad ng doktor kwak-kwak na bida sa scandal. Kyuryus lang talaga 'ko. Pramis! Mamatay man ang kaliwang bayag ng kapitbahay niyo. Nyahahahaha! Salamas!
Off-topic:
Masyado ata akong controversial blogger dito sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan para kwestyunin ang pagkakasali ko sa Ten Most Influential Blogger pakontes na 'yan. Para sa kaalaman ng mga nag-nomina sakin at pati na rin sa kung sino pa ang gustong humabol sa pagnonomina sakin (nyahahaha!), nagsimula po akong tumipa ng kabalahuraan sa blogger domain na 'to neto lamang March 2009. Sana malinaw na sa lahat.
Sa kaugnay na paksa, gusto kong pasalamatan si pareng Mon sa pagnonomina sakin bilang isa sa mga Ten Influential Blogger ng Pinoy bloggywood. Salamas ng marami parekoi! Mabuhay ka!
Update
Hanglupet! May kasagutan agad ang hiling ko? Salamas kay Pareng Epfi sa pagbibigay ng link. Hmmkei. Diyan na muna kayo. May seks bidyo pa kong kelangang i-download. Mwahahaha!
Isa Pang Update
Tama ang sapantaha ko. Katawa-tawa na naman ang itsura ng mga payaso sa senado.
Bonggang Bonggang Bong Revilla kay Hayden Kho: Ano ang software na ginamit mo sa pag-download ng mga video sa computer mo?
Sagot ni Lio: Hindi ko alam kung saan mo nilagay ang common sense sa kukote mo Ginoong Senador ng mahal kong Pilipinas.
Una, ano bang software ang pinagsasabi mo? Hindi mo ba alam na maaari mong ilipat ang isang file papunta sa computer gamit ang cellphone lang. Ikalawa, Upload ang tawag dun dahil nag-tatransfer ka ng file papunta sa computer o sa Intarnetz. Download ang tawag kapag nagtransfer ka ng file galing sa computer o sa Intarnetz. Ikatlo at ang pinaka-importante sa lahat, ano ang kabutihang idudulot ng walang kwentang tanong mo sa paglutas ng kaso bukod sa media mileage na natamasa mo?













