Showing newest posts with label buladaspir. Show older posts
Showing newest posts with label buladaspir. Show older posts

Kerengkeng


Nasusuka na ko sa tone-toneladang reviewer handouts kong magdamag na dinasalan bilang pagtatangkang gawing kapaki-pakinabang ang pagiging buhay-tambay ko.

Kelangan ko munang mag-unwind.

Magbobloghop ako ngayon.

Uppercut sa Buwan...You Know?


Wala talaga kong balak mag-Intarnetz ngayon.

Sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayaring maysa-delubyo ang hanging amihan at habagat sa kutang pinagtataguan ko, ang pagba-bloghop at pagkakaligaw ng landas sa bulagspot ko eh huli sa mahabang listahan ng mga dapat gawin ngunit ipinagpaliban dahil may mga dumagdag sa listahang dapat kong gawin pero nagawa ko pa ring ipagpaliban kasi isa akong nilalang na mahilig gumawa ng listahang dapat gawin pero hindi pa rin magawang hindi ipagpaliban.

Okey. Naguluhan ka na.

Ang ibig ko lang namang sabihin eh magpasahanggang ngayon, hindi ko pa rin talaga kayang itakwil ang abilidad kong magmulti-task na namana ko pa sa araw-araw na pagpuputa ko dati sa Makati. Hindi ako ang taong mahilig umamin ng kahinaan higit lalo sa taong kaharap ko pero pero dahil hindi naman kita kaharap ngayon, inaamin ko sa'yong habang isinasalaksak ng utak kong unahin ang taragis na pagrerebyu para sa nalalapit na pakikipagbuno ko sa CPA Board sa susunod na taon, madalas pa rin akong masidetrack ng kung anu-anong shit na wala namang kabuluhan at katuturan at hindi makakatulong sa paglinang ng kung anumang hinaharap meron ako sa, er...hinaharap.

Redundant.

Wag mo na kong sumbatan. Bago mo pa ko pangaralan sa kung gaano ako ka-lousy at ka-pathetic (at umiral na naman ang pagka-bias ko sa wikang Ingles; ano na nga ba ang Tagalog ng "lousy" at "pathetic," Ginoong Kulisap?), sinisigurado ko sa'yong makailang ulet na kong minura ng sarili kong subconscious dahil sa tanginang sakit ko sa procrastination na 'to. Old habits die hard sabi ng mga taong nagmamarunong. May punto. Paano mo nga naman mapapatay ang isang bagay na nakasanayan mo nang gawin tulad halimbawa ng pagmumura, pag-utot, o di kaya eh pagjajakol? Halimbawa being the operative word.

Pwede ba kong magpaka-defensive at mag-rationalize nang kaunti?

Oo, inaamin kong wala ako sa focus ngayon dahil andami kong kung anu-anong shit na pinagkakaabalahan. Mahirap hawakan ang buhay-bum sa leeg kung nakapaligid sa'yo ang napakaraming distractions at pinanghahawakan mo ang maling kaisipang meron ka pang dalawang buwan bago tuluyang bumalik sa Maynila upang magpakasal sa kwartong claustrophobic na punumpuno ng Accounting books at review materials kaya okey lang magpapetiks-petiks ngayon.

Ilang ulet na ba kong gumawa ng sarili kong review schedule sa susunod na araw at nag-alarm sa cellphone nang napakaaga para lang mauwi sa maghapong panonood ng TV, paglalaro ng PSP, paglamon ng Marty Cracklin's Vegetarian Chicharon habang tinatapos ang sangkaterbang pirated DVD series sa laptop?

Sa humigit kumulang dalawampung araw na pamamalage ko sa dakong ito ng Pilipinas, ano nga ba ang nalaman kong maaari kong pakinabangan sa pagtupad ng mga buwakanginang pangarap ko?

Namangha ako sa graphics at story line ng Final Fantasy: Crisis Core. Nakipagkumpetensiya sa insan kong adik din kina Cloud, Zack, Angeal, Sephiroth, at Genesis. Nakipagpuyatan kay Dr. House hanggang sa mabangenge na siya sa hallucination at tuluyang lamunin ng isang psychiatric hospital. Nalungkot sa pagkamatay ni Lauren Smith Warrick at pamamaalam ni Gil Grissom sa CSI forensics team. Naki-epal sa kawirduhan ng mga Different Seasons character ng nakakaadik na si Stephen King. Nabitin sa pasulyap na pagkakadaupang palad (?) ni Gon Freaks at ng tatay niya sa Greed Island OVA. Inulit-ulit ang mga karumal-dumal at karimarimarim na eksena sa Saw mula una hanggang sa ikalimang pelikula (Hindi kaya senyales ang pagkahilig ko sa gross, shocking, and bizarre sa pagkakaron ko ng serial killer tendencies?).

Meron bang kapakinabangan sa mga shit na nabanggit ko?

Kung mamimilosopo ako't pangangatuwiranan ang kawalang kwentahan ng kasalakukuyang buhay-tambay ko, marami akong maaaring idahilan sa'yo pero sa konteksto ng totoong kalagayan ko ngayon at sa kung ano ang nais kong abutin sa hinaharap, isang napakalutong na tampal ang inaasahan kong matanggap.

Kaya nga wala talaga akong balak mag-Intarnetz ngayon. Dahil napakarami ko pang mga bagay sa listahang kelangang gawin pero pikit-matang ipinagpapaliban.

On second thought, dahil sa di-sinasadyang pagbisita ko sa datkom na 'tong punumpuno ng kung anu-anong shit, nalaman kong nominado pala 'ko sa Top Ten Posts of the Year ng Philippine Blog Awards. (Salamat kay Pareng Kosa para sa mainit-init na balita.) Haha! Isang napakalaking joke na nga ang pagkakapindot ko sa Visayan Blogger category noon (dahil wala talagang Humor Blog o Personal Blog sa pagpipilian nung pinundot ko 'yung link noon, pramis!), heto nama't nakikipagtaguan pung na naman ang mga bathaluma ng buladasphere sa pagkakasalimpusa ko sa Oscars ng mga bloggers dahil sa July post ko tungkol sa kung paanong ang blog eh sobrang nakakaadik gaya ng seks.

Para kay Deejay at XG na sigurado kong makikipaglandian sa iba pang blogero't blogera sa a-nuwebe ng Oktubre, isang good luck charm mula kay Lio Loco. Pakikuha na lang ang award ko sa entablado. Haha! Suntok sa buwan.

Si Deejay rin pala ang manok ko sa Blogger's Choice ng PBA. Wala nang dapat irason pa kundi pantanggal umay sa amag ng pang-araw-araw na buhay ang kung anu-anong satire shit na pinagsususulat niya.


P.S.

Huwag mo kong masyadong gisahin sa pagiging Great Procrastinator ko. Nakakadalawampung pahina na ko sa libro ko sa Law of Obligations and Contract. Paglalamayan ko 'to nang ilang linggo. At pagkatapos eh ang ibang reviewer naman ang isasalang ko. Pramis!

Of Books, Blogs, Booze, and Blatherskite Cleric Wannabes



Time and again, I have always professed my extreme loathing on people. Not people per se but people who more than deserve to be annihilated because of breathing the stereotypical shit. People who emanate toxic stupidity and whose dreams are as dead as their ragged testicles. I become easily annoyed with people around me, more so when they wallow in imbecilic pleasantries and dimwit conversations.

Yeah, I can be a fuckin’ smartass if I want to. And yes, I am hard to please.

Granted, I am an introvert oozing with braggadocio but that does not mean I was born one. I have this theory that people are born good and they still grow up with that boxed up moral ascendancy in them. However, society shitnitz and the travails you encounter in life will change this ideal perspective in the long run.

Which is what seems to have happened to me, if you want to know the truth.

Perhaps this is the reason I grew up being icky socializing with others. Don’t get me wrong though. I do engage in meaningful discourses with other people albeit only with those who are within my wavelength and this we do over cold beer bottles. Nothing beats throwing philosophical shit and thought-provoking bubbles over this hot Manila pollution-inhaled flair while submerging yourself in extra-strong malt inebriation.

If I don’t get this amazing liquor banters, then I’d rather settle for a sweet feast of crisp paper scribbles and paperback stories. I’d rather be lost in the land of make-believe with these “real people” – every word they penned being judiciously devoured, every sentence, paragraph being breathed without haste. I’ve always loved the odd scent of printed papers, whose every page lays the children of letters and words and sentences dancing madly in the wind, orgasmically moaning my escape from stagnancy and oh-so-sickeningly-fucked-up social incarceration.

It is in this light then that I threw my allergic stance to people off the window for a night – never mind if I was not in my best Lio Loco coy what with all the shitty unfortunate events that occurred just recently in my yuppie existence, and never mind as well if I had to hide my crappy half-baked Jjampong hair trim under a sweaty Bench cap – just to meet up with a certain blogger I’ve straightforwardly called the three-year younger version of myself.

Funny how far blog-hopping can do. A link. A comment. A perusal of one’s mind. And then a forged connection.

In a world where almost seven billion people are in limbo – earning a living instead of earning a life, performing perfunctory steps instead of meaningful strides – it is a wonder to find someone close, if not exactly identical, to your guarded idiosyncrasies. It is even more remarkable if that person happens to come across your idiosyncrasy in print without you knowing it.

And so it was that in a swirling maelstrom of quenched thirsts and fuckin’ loud music, of flirting girls in tight mini’s and hapless boys mistaken for M2M pop culture chains, of deeply heated religion debates and shallow LOL tirades, of Marlboro smoke circles and two buckets of beer bottles, two young men – one struggling to chase a fuckin’ CPA dream, the other fraught with the ambition of becoming a boom-box shepherd of lost faith; both burdened by a filial responsibility to their families – shared the dream to be the best people that they could be, to reach their personal ambitions without compromises, to live young lives that won’t conform to a shitty society’s entanglement, to dance under stardust sprinkles.

I used to say I am unique and in a society full of neurotic tendencies and scumbag morons, I’ve claimed since time immemorial that there can only be one Me, that there can only be one Lio Loco idiosyncrasy. That at the risk of sounding too self-absorbed, my thoughts are king and the others' paupers. I thought wrong, of course. That night proved it. That night saw all of it. It was like Holden Caulfield meeting The Little Prince. Well, sort of.

If this is the kind of blogger meet-ups that awaits me over and beyond the blogosphere realm, then let me tell you this: I’d be more than willing to accept the invitation, with or without the RSVP.

Just be wary about my tendency to be a fucked up egotistical bastard. I’m telling you so.

Of course, there has to be cold beer bottles.

*First -ber month, first English post after a very long time. Fresh start.

Kupal


Ito ay isang mabilisang post na alay ko para sa lahat ng mga bagitong blogger na wala man lang ka-blogging blogging etiquette at punumpuno ng kawalanghiyaan sa katawan para magpapansin sa sibaks ng may sibaks:

Unang-una, tulad ng nauna ko nang sinabi, ang makamundong Pinoy sangkablogosperyohan eh para sa lahat ng gustong magsulat ng kung anu-anong shit para magpapansin, pumansin, o pansinin ng iba pang blogger na may kaniya-kaniyang angas at yabang para maghari-harian sa sarili nilang datkom.

Subalit, at ito ang napakalaking subalit na hinding hindi mo dapat makalimutan, huwag mo sanang gamiting rason ang pagiging free-flowing ng buladasphere para mangalap ng mga mambabasa ng mga itinuturing mong obrang sa totoo lang eh wala naman talagang kwenta. Kung minsan, masaklap tanggapin ang katotohanang ang pinag-jakolan mo ng ilang gabing malagkit ang buwang blog post mo eh basura lang pala para sa iba, higi't lalo kapag Tagalog na nga ang ginamit mong medium eh puro epic phail pa rin ang tudling at balarila.

Okey. Sabihin na nating Intarnetz ito at ang mga salitang bantas, tudling, o balarila eh hindi dapat binibigyan ng masyadong diin dahil hindi naman talaga sulating pormal ang mga nililikha mong blog post di tulad nung nasa elementary at high school ka pa lang. Point taken. Pero hindi ba kalabisan nang maituturing ang palampasin na nga ang pulpol mong paggamit ng wikang Pinoy eh puro walang kakwenta-kwenta pang shit ang sinusulat mo sa iyong sariling bulagspot?

Walang masama sa hangad mong sumikat.

Naiintindihan kita. Kahit sinong blogger, kapag nabasa na ang comment ng kung sinumang talipandas na naligaw ng landas sa kuta niya, maski na kasing kupal mo ring "Nice post, ex-link" comment ang ibinigay sa post mo eh matutuwa't matutuwa ka pa rin dahil maski papano may nagbabasa pala ng likha mo. Dahil maski papano eh may kung sinumang nag-effort para isantabi niya ang pagka-batugan niya't tumipa ng half-meant papuri sa blog post mong wala namang kakwenta-kwenta.

Ang sa akin lang naman, huwag mong pangunahan ang ibang tao sa kung ano ang dapat nilang gawin at kung ano ang hindi dapat nilang gawin. Sa ginagawa mong 'yan, inilalapit mo lang ang sarili mong bulagspot sa kapahamakan. Imbes na umani ka ng papuri, mas lalo ka lang babalewalain ng mga posibleng panauhing maaari sanang pagtiyagaan ang nilalaman ng kuta mo. Worst case scenario? Baka nga putaktihin ka pa ng panlilibak sa kabastusang ginagawa mo.

Gusto mo talagang umani ng mambabasa?

Okey, makinig kang mabuti. Mataimtim mong isalaksak sa kukote mo ang napakasimpleng payong 'to: Matuto kang magbasa ng post ng iba.

Papano ka nga naman babasahin ng iba kung ikaw mismo eh hindi nagbabasa sa likha nila? Okey, mahaba ang post nila at hindi ka naman talaga interesado at ang gusto mo lang talaga eh pumunta sila sa bulagspot mo para basahin ang kung anu-anong shit na isinulat mo? Walang kaso 'yan. Magpakaplastik ka maski konting-konti lang. Basahin mo maski na huling talata lang ng post nila para naman may matino kang masabi sa sibaks nila at hindi na lang puro kabobohang "Pumunta ka sa bulagspot ko may bago akong post tungkol sa shit na 'to maganda ang walang kakwenta-kwentang post na 'to sige na dali na basahin mo ang post ko hindi ka magsisisi ipinapangako ko 'yan" shitnitz.

Makikita mo, kapag sinunod mo ang payo kong 'to maski na talagang walang kalatuy-latoy ang mga pinagsusulat mong shit eh may mahahabag para i-click ang link mo maski na labag sa kalooban nila.

Kaya naman sa puntong ito, walang halong buladas kong sinasabi sa 'yong habang maaga pa eh tabasan mo na ang kakapalan ng pagmumuka mo. Payong ka-blogger lang, brad. Utang na loob, tigilan mo na ang kabastusan-kawalangyaan mo sa pagroronda sa kung kani-kaninong blog para lang ibalitang may bagong post ka na at kung pwede eh pakibisita naman para mabasa nila.

Nakakaawang nilalang. Walang ipinagkaiba, kung hindi man higit pa, ang kakapalan ng muka mo sa apog ng de-nunal na nilalang na nakaupo ngayon sa trono.

Patawarin niyo ako pero mapangahas kong sinasabing kung minsan, may mga blogger lang talagang hindi na dapat sinisikatan ng araw sa ibabaw ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

Nakakadagdag lang sila sa tone-tonelada nang basura sa Intarnetz.

*Isang spur-of-the-moment post matapos mabasa ang nilalaman ng sibaks ng isang manunulat-blogger na sinusubaybayan ko.

**sibaks - balbal na pagsasalin sa Filipino ng salitang c-box (o chatbox)

Datkom!


Naisip ko lang.

Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili kong magpasaklaw sa kung ano ang pwede kong gawin at kung ano ang hindi. Sa kung ano ang maaari kong pagsabayin at kung ano ang hindi.

Tulad ng iba pang libu-libong nilalang na naghahanap ng mga tagong kaluluwang ka-wavelength o hindi naman kaya eh talaga lamang walang ibang pinagkakaabalahan kundi makipaglandian sa kuwadradong monitor ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan, nagba-blog ako ng kung anu-anong shit para ibulalas ang pananaw ko sa kung anu-anong shit. At tulad din ng nasabi ko na noon, karamihan sa mga shit na sinasabi ko eh ako rin mismo ang tumututol. Sabi ni Jessica Zafra, rebuttal to one's self ang tawag dun.

Kaya oo na. I am rebutting myself yet again. Hahabulin ko ang buwakanginang CPA pangarap na 'to AT patuloy na magiging jakolero datkomero NANG SABAY.

Tuloy ang ligaya. Tuloy ang pagtipa ng kung anu-anong shit.

Dahil mahirap itakwil ang pakikipaglandiang nakasanayan mo nang gawin sa buladasphere.

Salamas kay Poging Poging Kosa para sa muling pagkupkop sa kutang 'to mula sa hampas-lupang paninirahan bilang squatter ng Bulagspot.

Pre, walang halong malisya. Pa-kiss nga. Chup!

Datkom?


Tangina! Nilalapa na naman ako ng pagkaganid ko sa pagba-blog.

Nabigyan lang ako ng konting break (kasi nga hindi na ko nagrereview), bigla na namang umiral 'tong pagkamalikot ng mga daliri ko sa pagtitipa ng kung anu-anong shit. Ano ba talagang gusto kong mangyari sa buhay ko? Maging motherfuckin' blogger for eternity o maging CPA?

Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre 'yung mas madale. 'Yung mas masaya. 'Yung mas maaksyon. To be a motherfuckin' blogger for eternity without batting an eyelash.

Haha. Joke lang. Gusto ko pa ring maging bigatin siyempre. 'Yung tipong magpapataasan kayo ng ihi ng kung sinumang talipandas diyan tas patay-malisyang tatanungin sa'yo san ka nagtatrabaho para itanong mo rin sa kaniya san siya nagtatrabaho at kung magkano ang ibinabayad ng kumpanya niya sa bayag niyang inutil at sasabihin niya sa'yong higit trenta mil kinikita niya sa isang buwan at wala pa siyang masyadong ginagawa nun kundi humilata at putangina mo hindi ko tinatanong manahimik kang kupal ka tangina mo ule.

Tapos mapapahiya na lang siya pag nalaman niyang CPA pala ang hinahamak niya. Haha. Yeah, hindi obyus na meron akong pinaghahandaang ingudngod sa mabahong putikan in the near future. Jokeness.

Mag-iisang linggo na rin palang buhay 'tong bulagspot na 'to mula nang maisipan kong i-delete ung www.thessddboy.com nang walang kadahi-dahilan. Kasi trip ko lang magpaka-emo. Tanga. Eh di dahilan pa rin yun. Pakyu, I mean 'yung matinong dahilan.

Pati 'yung Friendster ko na kaisa-isang social site na pinatulan ko noon, binura ko na rin sa makamundong malawak na sapot. Wala lang. Napagdiskitan ko lang nung mga panahong emo mode ako.

Anyway, back to my bulagspot. Bukod sa mangilan-ngilang taong (dalawa lang, akshuli) pinagsabihan kong dinelete ko na 'yung datkom at muling tumambay sa squatter's area ng Bulagspot, wala nang ibang nilalang ang nakakaalam ng bagong URL na 'to. Sinadya ko talagang wag ipaalam dahil sawang-sawa na ko sa pagiging isang blogger celebrity.

Ulol. Anong tingin mo sa sarili mo, sikat? Not much. Lol!

Char. Ang totoo niyan, sinadya ko talagang wag ipagkalat ang bagong domain kasi ayoko muna ng maraming blogger. Ayoko munang makakita ng mga comment na magsasabing "Kumusta ka na? Anong nangyari sa'yo? Buhay ka pa pala!" yadda yadda shitnitz. Ayokong makabasa ng mga pang-aalipusta at half-meant "Hindi ka nag-iisa!" clusterfuck. In short, gusto kong as much as possible, low profile muna.

Pero mukang di na mapipigilan. Heck, si xG nga (Na krasness ko pa rin. Haha! Ang landi ng puta!) na hindi ko sinabihang lilipat na 'ko eh biglang naligaw na rin ng landas dito. Haha! Hindi naman sa pinagdadamot ko ang mga putak-utak ko rito. Ang sa akin lang, ayoko muna talagang sabihin dahil hindi pa ko sigurado kung mamementena ko 'to tulad ng dati.

Masipag lang akong dumura ng laway ngayon sa Intarnetz dahil nga wala muna kong rebyu-rebyuhan. Eh pano kung dumating na 'yung takdang araw para lumisan ule ako sa buladasphere at mag-focus na sa "totoong review"? Eh di 'yung mga naligaw ng landas na naman ang magiging kawawa pag nagkataon. Mag-aabang sa wala.

Pressure kaya 'yun.

Kaya nga pinag-iisipan ko ring maige kung idadatkom ko na 'to o hahayaan ko munang maging hampas-lupang nakadikit ang stillssdd sa [dot]blogspot[dot]com hangga't hindi pa ko tuluyang nagbabalik-loob. Eh ang kaso, umiral na naman ang putanginang premium datkom blogger ego ko. Nasanay na kasing jakolero datkomero noon kaya ngayon, hinahanap-hanap na ang sariling domain.

Wag na muna siguro. Tingnan natin sa mga susunod na araw. At tulad ng pangangati ng mga daliri ko sa pagtipa ng kabulastugan, parang nangangati rin 'yung bulsa ko sa pagbili ng bagong laptop.

Tangina ka. Laptopin mo muka mo. Masisira ang kinabukasan mo diyan pag nabili mo na 'yan. Malulusaw na pangarap mong maging CPA. Gusto mo 'yun? Gusto mo 'yun.

Oo, hindi obyus na nakikinig ako sa Wild Confessions ni Papa Jack gabi-gabi.

Ito ang nagagawa ng masyadong maraming oras. Tangina! Makapaglakad-lakad na nga lang sa Recto at baka makatisod pa ko ng kolehiyalang malaki ang boobs.

Oo na. Weakness ko na ang mga Dabiana boobs.

Death Note (The Last Post)



O, nabuhay ka! May pa-RIP RIP ka pang nalalalaman eh babalik ka rin pala. Alam mo sa totoo lang, ang kulet ng lahi mo!

Hmmkeipayn. Oo na. Matigas talaga ang ulo ko. Tama ang sinabi ni Pareng Kosa.Pogi na kapag nasimulan mo nang mahumaling sa pagtipa ng mga kabulastugan sa buladasphere, hindi ka na makakawala sa mapang-akit na samyo nito. Parang kolehiyalang basang-basa sa ulan at nakadampian mo lang ng mamasa-masang braso sa masukal na parte ng Recto. Mas ma-L pa nga kung minsan.

Hindi ko alam kung dala lang 'to ng kasabikan sa lahat ng mga bagay-bagay na tinalikuran ko nang sapilitan alang-alang sa napipintong pagtupad ng buwakanginang pangarap kong maging CPA. Pero sa puntong ito, walang patid ang pag-uumigpaw ng mga ideya't saloobin ng kukote kong naisasabuhay ng mga nag-uunahang daliri kong ngayon eh walang inatupag kundi pumindot nang pumindot ng kepyas kalkyu. Eto na nga ang tinuran ng siraulong nilalang na animo'y ako tatlong taong pabalik na pangangati ng mga kamay ko't muling pagbisita sa harayang sinimulan kong ukitin noon.

Nawala ako ng humigi't kumulang isang buwan. May nagbago ba? Wala naman masyado. Nagbida ang de-nunal na nilalang sa Malacañang. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga mamamayang nagdarahop-nagugutom sa Pilipinas. Paramihan ng commercial ang mga papoging presidentiables. Nawala na nang tuluyan ang kinang ng magiting na simbolo ng demokrasiya. Buhul-buhol pa rin ang bituka ng trapik sa Maynila. Nakapang-iinit pa rin ng ulo ang walang hiyang pagbusina ng mga tarantadong jeepney drivers sa kalye. Parami nang parami ang mga kupal nilalang na walang silbi ang pagsuso sa lipunang kulubot na ang utong.

May nagbago ba? Wala naman masyado. Bumaha lampas-bewang sa España. Nakuryente ako dahil nakalublob sa nang-uuyam na tubig-baha ang outlet kung saan nakasaksak ang TV sa dormitoryong pinagkukutahan ko (na hindi ko naman siguro ikakabaog, di ba?). Pinanood ang HBP at hindi natuwa sa ginawa ng pukenginang si David Yates. (Napaka-bland ng huling bahagi ng pelikula. Asan ang tension at drama sa pagtutuos ni Malfoy at Dumbledore? Tae talaga 'tong si Yates. Ni hindi ko man lang nasulit ang bayad ko sa sinehan.) Nagsunog ako ng kilay kakarebyu. Nakipaglandian-nagpacute sa mga classmate na quality chikas sa review center. At tulad ng dati, marami pa ring magagandang kolehiyala na masarap papakin sa U-Belt.

May nagbago ba? Bukod sa manaka-nakang pagdalaw ng mga nilalang na naligaw ng landas sa kutang 'to at pag-iiwan ng bakas-comment sa mga naisatitik ko na, wala naman talagang nagbago. Dahil patuloy ang pag-ikot ng malaki't malawak na sapot kasama man ako sa pag-inog nito o hindi. Dahil kaniya-kaniya tayo sa patuloy na paghulma-paghabi ng mga tagpi-tagping kwentong bubuo sa sarili nating pagkakakilanlan batay sa sarili nating batayan.

Marami akong gustong ikwento. Maraming mga idyosingkrasiyang nais iparating sa kung sinumang nilalang ang maaaring maligaw ng landas sa bulagspot na 'to. Gusto kong idulog 'to sa mga kawavelength kong nakakatalos ng mga kasalaula't pagninilay-nilay kong dulot ng matamang pagmamasid sa lipunang hubad pa rin sa karunungan at pang-unawa. Pero sa tingin ko hindi ito ang tamang panahon para ilahad ang mga 'to. Hindi ito ang tamang oras para sabihing ilang linggo na kong celibate sa lahat ng bagay na dati-rati'y siksik-liglig ako. Oo, hindi ka nagkamali ng basa. Sa. Lahat. Ng. Bagay. Bahala ka nang magpalawig sa imahinasyon mo.

Habang pasuray-suray ang mga mahahabang daliri ko sa keyboard ngayon, sariwa pa rin sa utak kong nagpapa-palpitate at nagka-hemorrhage ang mga konsepto ng lower of cost or fair market value in determining the balance of the ending merchandise inventory, ano ang present value ng isang P5M debt instrument maturing after 10 years with a yield rate of 10% and a nominal rate of 8%, ano ang pagkakaiba at pagkakahawig ng payment in cession at dacion en pago, at kung magkano ang taxable net income ng isang non-resident alien engaged in trade or business in the Philippines.

Ampotah! Matapos ang ilang linggong pagtulog ng apat na oras sa isang araw, paglayo sa lahat ng uri ng tukso't kamunduhan, pagkakakompromiso ng sarili kong kalusugan, pagtanggi sa alok ng walang kasing sarap na serbesa, at pag-abandona sa blog na 'tong itinatangi ko nang lubusan, eto't ikinalulugod kong ipaalam sa lahat na tapos na ang buwakananginang First Pre-Board Exams sa rebyu-rebyuhang school na pinapasukan ko. Ganito siguro ang feeling ng babaeng kinaladkad-ginahasa ng isang batalyon ng mga rugby boys sa España. O ng binatilyong tsinupa ad infinitum ng mga makabagong Eba sa tagong lunan ng Recto. Parang naubos lahat ng neurons sa kukote ko. Latang-lata. Walang laman. Said kung said ang labanan.

Ahm...Pasintabi pala sa mga nilalang na naligaw ng landas edad disesyete pababa. R18 content. Parental guidance is advised. Baka ma-MTRCB tayo ni La Guardia.

Tapos na ba ang kalbaryo? Gusto kong isiping ganun na nga. Pero hindi araw-araw pasko. Hindi araw-araw eh sasayawan ka ng mapang-akit na pige ng buwakanginang kapalaran. Dahil dalawang buwan mula ngayon, muli na namang puputok ang mga ugat sa utak ko para sa Final Pre-Board Exams. At pagkatapos nun eh magsisimula na ang totoong full-time six-month review. Doon na, sa puntong iyon, magsisimula ang totoo kong pakikipagsapalaran. Eto na 'yun. This is truly it!

Kasabay ng nakapanghihinayang na paglipad ng humigit-kumulang bentesingko mil buwan-buwan sa pag-alis ko sa putahan, muli kong babalikan ang matagal ko nang nabatak na buhay-palamunin ng isang estudyanteng umiikot ang mundo sa alak at allowance. Pero sa kaso ko, burado ang alak sa sistema. Pati na ang kalokohan-kamunduhan-kahaliparotan ng isang estudyanteng reviewee. Dahil kelangan kong magpakadalubhasa pa ng anim na buwan sa kursong tinapos ko bilang pagtupad sa napipintong pagkamit ng buwakanginang CPA pangarap na 'to.

Iniisip ko pa lang ang lahat ng pwedeng mangyari eh nasusuka na 'ko. Gusto kong pasagasaan sa tatlong nag-uunahang pison si Luca Pacioli, ang taong puno't dulo ng lahat ng kabaliwang ito. Nais ko ring ibitin patiwarik ang nakaimbento ng taragis na CPA Board Exams, sampu ng mga alagad niyang nagdunung-dunungan sa putanginang panahon nila. Tae talaga.

At tuluyan na nga akong nag-rant. Huhlolz!

Sa pagkakataong ito, gusto kong magpasalamat sa lahat ng nakaututang dila ko sa napakaikling panahong naglandian tayo. Marami akong nakilala. Maraming nakadaupang palad. Hindi ko man tahasing aminin, malaki ang pinagbago ng pananaw ko sa pagkakasalampak ng tumbong ko sa mga blog niyo. Natuto ako ng maraming kalokohan. Naging makulet sa maraming e-bahay. Nakipag-batuhan ng kuru-kurong intelektwal sa mga cyber taong tulad ko ring malalim ang balon ng kaalaman. Nakipagsabayan sa kaangasan-kaemohan ng mga nilalang na hindi nawawala ang itim na eye-liner sa mata. Nagpakagago't tarantado sa mga mas gago't tarantado. Nakipagbasagan ng trip sa mga lango sa sariling echas. Nagpakyut sa maraming blogistang chikas. Nakitamang-tawa lang.

Sa kasamaang palad, meron din pala akong nasaktan sa pagtipa ng mga idyosingkrasiya-kabalahuraan bilang The SSDD Boy. Na uulitin ko, hindi ko intensyon. Sa nilalang na iyon na hindi ko sinadyang paiyakin-bigyan ng sama ng loob, walang pagngingitngit na paumanhin. Aaminin kong sumama ang loob ko sa mga binitawan mong salita. Pero tapos na 'yun sakin. It does not do well to dwell in the past. Sa tingin ko naman eh tuluyan na nga akong nawala sa sistema mo. Masaya ako sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari sa buhay pag-ibig mo. Kung sakali mang muli akong magbalik at muli tayong magtagpo, maaari ko sanang asahan ang walang kasing kulet na palitan ng kasalaulaan tulad ng dati nating nakagawian.

Kung napagtiyagaan mo ang pagbabasa ng mahaaaaaaaaaabang post na 'to (Oo na...trademark ko na ang mahaba! Ergo, mahaba rin ang...ahem! Huhlolz!), lilinawin ko lang na hindi ito ang muling pagbabalik ni Lio Loco. Ito ay post ng tuluyang pamamaalam. 'Yung pormal. 'Yung mukang di naman gaanong balahura at babara-bara ang pagkakagawa. Dahil napansin ko lang. Napakapanget palang pamamaalam ng sinundang post nito para iwan bilang bakas.

Sampung buwan lang naman ang pansamantalang pamamaalam na 'to. Lang. Parang napakasimple eh no? Alam ko namang sa tatlong daang araw na 'yun, marami nang pwedeng mangyari. Mawawala na ko sa makulet na sistema ng Pinoy Buladasphere na sinamba-minahal ko ultimo kasula-sulasok na utot nito. Darating ang mga bagong blogger na magpapakaangas at bibigyang depinisyon sa sariling pananaw ang mga bagay-bagay na maaaring nasabi ko na o sasabihin mo pa lang. Isang libo't walong daang oras mula ngayon, tuluyan nang mawawala ang bakas ng blogging nirvana na unang natamasa ng makulet na bastard blogger na 'to. Parang si L. Lawliet lang matapos maisulat ang sariling pangalan sa Death Note.

Haays...Buhay nga naman. Lagi na lang may pang-asar. Lagi na lang kupal. Lagi kang papipiliin sa dalawang bagay na alam naman niyang parehong gustung gusto mo. Mamimiss ko talaga 'to. Mamimiss ko ang blog ko. Mamimiss ko kayong lahat na naligaw ng landas dito.

Pero tama na muna ang satsat. Naghihintay na ang malamig na kampay ng Pulang Kabayo patungo sa nananabik na lalamuna't adam's apol ni L. At wag mo kong sumbatan. Ang pag-abstain ko sa alak eh magsisimula pa lang sa Oktubre, sa pagsisimula ng full-time review ko. Hanggang sa muli nating pagkakadaupang palad mga kawavelength!

Yebah!

R.I.P. - 071209




Masyado nang maliit ang blogosperyo para sating dalawa. Na mas lalo mo pang pinaliit sa ginawa mo.

Muli akong magsisimula. Doon sa tagong sulok na walang nakakakilala sakin. Doon kung saan maaari akong maging ako nang walang halong pag-aakala at pagkukunwari. Isusukbit ko na nang tuluyan ang lahat ng alaala ng buhay blogger ko rito sa sisidlang hindi aamagin ng nakakalimot na agiw. At doon, sa espasyong hindi maaabot ng mga buwakanginang pakdatshits at mapanlinlang na lipunang hubad sa karunungan, doon ko pagninilayan-babalikan ang bahagi ng talambuhay kong minsan, naging isa akong makulet na blogger ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

At kung sakali mang muli tayong magkadaupang palad, wag mo sanang madaliin ang lahat. Dahil muli kong panghihinayangan ang pausbong sanang pagkakaibigan. Hindi mo mananamnam ang lasa ng sinaing kung malata mo itong ngunguyain.

Alam mo kung saan nag-ugat ang lahat? Nang sabihin mo saking mahal mo ko.

Salamas sa lahat ng naligaw ng landas. Ikinalulugod kong minsan ay nakadaupang palad ko kayo.

Maling Akala


Uunahan na kita.

Hindi talaga ko palakaibigan sa teleserye ng totoong buhay. Kung sakali mang naging babae ako at napasama halimbawa sa kung anumang pipitsuging barangay beauty contest, asahan mong ako na ang pinakahuling babaeng nagpautong magsuot ng "tupis" na maaaring pagkalooban ng Miss Congeniality award ekek.

Dahil sa totoo lang, tulad ng malimit ko nang sinasabi noon sa dati kong e-bahay, allergic talaga ko sa tao. Hindi ako mahilig makipagharutan sa mga taong ang bisyo sa buhay eh makipag-EB at makipagsexmate textmate lang sa kung sinumang maharot at nabuburyong na walang silbing nilalang. Wala akong account sa Multiply, Plurk, Twitter, Facebook, at kung anu-ano pang social site ekek at ang kaisa-isang Friendster account ko na pinilit lang ipagawa sakin ng utol ko eh minsan sa isang bughaw na buwan ko lang nabibisita.

Hindi dahil sa panget ako at kasing asim ng kilikiling hitik sa mamasa-masang libag ng isang Moymoy Palaboy sa España ang pagmumuka ko. Gusto ko lang talagang magsulat nang walang nakakakilala sakin para walang manghahablot sa boxer brip ko sakali mang dumaan ako't nakita mo ko sa Ayala pressure sa patuloy na pagtipa ng SSDD kronikels sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan. Dahil kuntento na kong nakamasid lang sa sidelines. Dahil ganun kahalaga sakin ang tagong identidad ko.

Maliban na lang kung itinuring na kitang ka-wavelength ko na madalas sa madalas eh nasasakyan ang kabalahuraan-idyosingkrasiya ko rito sa blogosperyo't nalalaman kung kelan ako nagseseryoso at kelan naman ako nagpapaka-tamang kengkoy lang. Hindi kita kakausapin at pag-aaksayahan ng kakarampot kong oras kung hindi ako natutuwa sa pagiging kaututang-dila mo. Pero sa oras na napatunayan mo saking hindi ka kabilang sa mga nilalang ng lipunang kinamumuhian ko, hindi na ko mangingiming kulitin ka tulad marahil ng makulit na pagdantay ng palad ng tatay mong ma-L sa bewang ng nanay mo habang patulog sa gabing malamig at buntis ang buwan at walang masyadong pinagkakaabalahan.

Ngunit kalakip ng mailap na pagtitiwalang 'to eh umaasa akong alam mo kung saan mo ilulugar ang sarili mong pagkakahumindig higi't lalo sa mga pagkakataong umiiral ang pagka-tarantado ko. Kasama na sa ekspektasyong 'yan ang paghahanda sa katotohanang maysa-barubal ang pag-iisip ko na hindi mo makikita sa mga pangkaraniwanang androids ng lipunan.

Inilatag ko nang lahat sa mesa ang maaari mong kainin. At kung pinili mo pa ring maupo sa mesa at tikman ang mga nakahaing putahe, 'wag kang maglupasay at mag-astang ikaw ang kawawa kung saka-sakali mang maalat ang minatamis na mangga at lasang dinuguan ang inorder mong tinola. Ginusto mong kumain sa karinderyang 'to nang walang sinumang nag-uutos, panindigan mo ang desisyon mo.

Hindi porke natutuwa ako sa'yo eh sapat nang dahilan 'yun upang maisip mo ang mga bagay-bagay na napakalayo sa hinagap ko. Hangga't hindi namumutawi mismo sa talentadong dila ko, 'wag mong bigyan ng ibang pakahulugan ang mga bagay-bagay na ordinaryo lamang para sa sarili kong batayan. Maaaring maharot ako pero utang na loob, 'wag mong isalaksak sa kukote mong kumekerengkeng ka dahil kinekerengkeng kita. Pagnilayan mo sanang ako ay isang taong hindi normal ang kilos sa lipunang parang sirang plakang paulit-ulit na pinapatugtog ang mga jologs na kantang Ingles na walang-hiyang isinalin sa Tagalog.

Kaya naman kung saka-sakaling ang mga bagay-bagay na sa tingin ko'y normal sa isang pagkaKAIBIGAN eh nabibigyan mo na ng ibang pakahulugan, wag mo sanang bigkasin ang salita sa paraang maragsa. Iba ang pagbigkas sa salitang pagkaKAIBIGAN kumpara sa salitang pagkakaIBIGan. Maaaring pareho sila ng baybay pero napakalaking pagkakaiba ang bigkas sa dalawang hawig na salita. Wag mo kong subuan ng mga salitang iluluwa ko rin lang dahil hindi ko rin naman talaga gustong tikman sa simula pa lang.

Wag mo rin sanang sabihin na wala akong urbanidad at nilalapastangan ko ang pagkatao mo dahil lang sa pag-aakalang nakamamatay ang binitawan kong putak-utak sa'yo. Marahil nga ay nagkamali ako ng pag-aakalang mauunawaan mo na ang kakaibang lenggwaheng ginagamit ko. Pero dapat mong malaman na sa simula pa lang nang ibigay ko sa'yo ang tagong identidad ko, malaking respeto na ang walang pasubali kong ibinigay sa'yo. Hindi ko isinusumbat ngunit naisip mo na bang ang pagtatanggal ko ng maskara ay nakalaan lamang para sa piling tao rito sa blogosperyo? Mapalad ka kung ganun dahil ipinasiya kong isa ka sa mga taong gusto kong makilala sa labas ng patay na komplikadong kwadrado.

Ngayon, kung sa tingin mo eh pinahiya kita sa ginawa ko nitong nakaraan lang (na wala naman talaga akong intensyon), humihingi ako ng dispensa. Hindi ko 'yun sinasadya. Muli, hayaan mong gamitin kong kalasag ang pag-aakalang talos mo na ang idyosingkrasiya't tagong pagkatao ni Lio Loco. Ngayon alam ko nang hindi mo pa nga ako lubusang kilala.

Hiniling mong lumayo ako sa'yo para maghilom ang kung anumang sugat na idinulot ko sa'yo nang di ko man lang nalalaman. Hayaan mong sabihin ko sa'yong tutuparin ko ang kahilingang 'yan nang walang agam-agam. Pero 'wag mo sanang pagsisihan ang desisyon mong ito sa bandang huli. Dahil kung itinuturing mo ang lahat bilang matalim na punyal, maaari palang maging kasangkapan ito para sa iba upang manamnam ang lasa ng steak sa porselanang platong nakahain sa mesa.

At para naman sa iba pang mga taong mag-aakalang ako na ang lalakeng magsasakatuparan ng kahibangang mala-engkantadang kuwento nilang magtatapos sa walang hanggang kasiyahan? Mahirap hanapin ang taong nakatakdang maging karapat-dapat sa'yo kung paulit-ulit mong ipagduduldulan sa sarili mong kabuktutan na ang taong kaharap mo ngayon eh siya na ngang nakatakda para sa'yo.

Paumanhin sa nauna ko nang binitawan. Pero sa puntong ito, kung ganito rin lang ang maaaring kahinatnan ng lahat, mas nanaisin kong muling punan ng itim na tigidig ang katauhan ko at bumalik ule ang unti-unti na sanang pagkawala ng pagiging allergic ko sa tao.

Buladasphere (O Kung Paanong Naimpluwensiyahan ang Maimpluwensiya Kunong si Lio Loco ng Iba Pang Maimpluwensiya sa Blogosperyo...Ano Raw?)


PBA09457343o

Alam mo kung saan pwedeng maihalintulad ang pagba-blog? Sa seks. Oo, sa mainit-init na seks, walang halong biro at malisya.

Dahil tulad sa pagtikim ng luto ng diyos, nakakaadik ang pagbablog. Masarap tumipa ng mga kabalahuraang itatapon mo sa Intarnetz at pupulutin ng mga taong hindi mo naman kilala nang personal pero matutuwa-mamamangha sa produkto ng putak-utak mo.

Sa simula, kabado ka. Mangangapa sa kung pano ba ang tamang posisyon ng mga titik at salita. Pagpapawisan sa paggawa ng mga blog post na tingin mo eh swak na sa panlasa mo pero walang kwenta pa pala kapag binasa ng iba. Newbie. Bagito. Baguhan. Isipin mo ang lalakeng bida sa 40-Year-Old Virgin. Ganun. Ganun na ganun na parang walang kamuwang-muwang sa mundo ng blogosperyo.

Pero habang tumatagal, mas nagiging gamay mo na ang sistema. Pabilis na nang pabilis ang daloy ng mga ideya. Nag-uunahan na ang mga saltik ng dila. Mas nagiging kampante ka na sa pagtitipa dahil nahuli mo na ang tamang posisyon, ang tamang kiliti ng iyong mga mambabasa. Magsisimula ka nang makipaglandian sa ibang mga blogger. Parang maharot na dalagitang panay ang pagkerengkeng sa harap ng tindahan ni Aling Nena.

Hanggang sa umabot ka na sa rurok ng point of no return na blogging nirvana. At doon mo mapagtatantong masarap pala mag-blog. Nakakaadik. Nakakahigh. Parang seks nga lang.

Sa ilang buwang pagtitipa ko ng mga kabalahuraan sa pook-sapot na 'to, nakatutuwang isiping marami na kong nakasalamuhang mga nilalang na itinuring ko nang mga kawavelength ko. Mga taong bogus ang muka pero sa palitan pa lang ng mga kuru-kuro sa maliit na pambihirang kuwadradong sinimulang imbentuhin ni Charles Babbage, alam mong hindi malayong magklik kayo sa teleserye ng totoong buhay.

Dito rin sa pagba-blog na 'to ako unang nakasagupa ng mga troller na nanlibak sa istilo ng panulat ko. Na wala naman talaga kong pakialam dahil unang-una, hindi ko ipinagduldulan sa kung sinumang nilalang ang mga putak-utak ko. At dahil ga-bulbol lamang sila kumpara sa malagong listahan ng mga naligaw ng landas ditong natuwa-namangha-nakiayon sa mga idyosingkrasiyang inilatag ko rito sa Intarnetz.

Simple lang naman ang batas dito sa blogosperyo: kung hindi mo gusto ang inilalako ng isang karinderya, wag mo nang pintasan at lumipat ka na lang sa ibang kainang swak sa panlasa mo. Kung hindi mo trip ang binabasa mo, malaya mong maisasara ang web browser. Walang basagan ng trip. 'Yun lang 'yun eh.

Napakarami nang mga bagong blogger na nagsulputan ngayon sa Intarnetz. Kaniya-kaniyang trip. Kaniya-kaniyang kabalahuraan. Kaniya-kaniyang moment. May tamang emo. May tamang pa-kyut. May tamang patawa. May tamang seryoso. May tamang wala lang talaga. Pero hindi tayo diyos para pagbawalan silang ilahad ang sarili nilang opinyon kahit paulit-ulit nang nasabi 'yun ng iba.

Dahil sa totoo lang, naniniwala akong walang orihinal na ideya. Maaaring nasabi ko na noon pa ang gusto mong sabihin sa susunod na linggo o pwede ring ang nailahad ko rito eh nabanggit mo na noon pa. Pero wala pa rin akong karapatan na angkinin ang puntong iyon sa parehong dahilan na hindi mo rin pwedeng sabihing plinagiarize lang kita. Dahil naniniwala akong maaaring nauna lang ako o ikaw lang ang nahuli sa paglalahad ng punto. Digs mo?

Sige. Para hindi ka masyadong maguluhan. Gamitin nating halimbawa ang maalamat na pagsikat ng astig na anonymous author na si Bob Ong. Pansin mo ba kung bakit mahal na mahal siya't iniidolo-sinasamba ng mga common tao magpasahanggang ngayon maski na nawawala na ang kaniyang orihinal na kinang na makikita sa kaniyang mga naunang akda? (Oo, hindi ko nagustuhan ang Kapitan Sino; wala na kasi ang kakaibang wit at kiliting una kong nakita sa ABNKKBS, Bakit Baligtad, at Libro Ni Hudas.)

Dahil si Bob Ong ay repleksiyon ng kolektibong boses ng ordinaryong Pinoy na hitik sa imahinasyon at natatanging idyosinkrasiya't (idiosyncrasy) sariling gawi sa lipunang puno ng kabalbalan at kabalahuraan. Ang mga akda niya ay sumasalamin sa kakaibang kaugalian at tradisyon nating mga Pinoy, bagaman at inilalahad niya ang mga ito sa paraang nakakakiliti ng tumbong at hindi nakakaumay.

Pero naisip mo na rin bang ang mga sinabi niya eh maaaring nasabi na rin ng iba? O maaaring sasabihin pa lang ng iba? Mapalad siya kung ganun dahil meron siyang Visual Print Publishing na nagsisilbing tagapamudmod ng kaniyang mga ideya upang maipaabot sa mas marami pang mambabasa. Na hindi kelanman matatamasa ng iba pang manunulat na kasing-galing o heck, mas higit pa sa galing at talas ng kaniyang panitik.

Kaya nga meron tayong outlet na tinatawag na blogging. Sa paraang ito, maaari mong sabihin ang mga nasabi na ni Bob Ong sa panulat na iyong iyo lang at walang halong pagpapanggap at walang bahid ng kung anumang plagiarism. O maaari mo rin siyang unahan sa mga ideyang hindi pa niya nailalathala.

Ulet. Walang orihinal na ideya. Pwede siguro sa istayl ng panulat, pero ang puntong nais iparating? Lahat ng mga 'yan eh nagpasalin-salin na sa iba't ibang manunulat sa iba't ibang panahon.

Kaya nga gusto kong sabihin na napakalaki ng makamundong Pinoy blogosperyohan para magdamutan tayo. May espasyo ang lahat. Kasya ang lahat ng blogger na may gustong sabihin - Jurassic man yan sa kalumaan o parang 40-Year-Old Virgin lang. Mas maige nga kung tayu-tayo mismo ang magtulungan upang gawing sikat ang mga karapat-dapat maging sikat.

At 'yung wala namang kapag-a-pag-asang maging sikat dahil siya lang at ang nanay niya ang nagbabasa ng blog niya? Bigyan mo ng konting pansin. I-share mo ang self-esteem na kulang sa katauhan niya. I-feature mo sa blog mo at nang sa ganun eh may manaka-naka namang maligaw ng landas sa kuta niyang loyal reader mo. Dahil naniniwala akong lahat ng blogger, may kakayahang sumulat ng astig na akda. May kakayahang maging isang Bob Ong in da not-so-distant pyutyur.

Ano ang gusto kong tumbukin? Wala lang naman. Gusto ko lang bigyang pugay ang mga pioneer bloggers na naging inspirasyon ko para magsulat at bigyan ako ng lakas ng loob para itayo ang pundasyon ng e-bahay na 'to. Sila ang masasabi ko nang haligi ng parteng ito ng Pinoy blogosperyo dahil sa tagal at dami na ng laway na idinura sa Intarnetz.

Sinu-sino sila? In no particular order:

Si Kuya Badoodles - ang idol ko at Bossing ng buong sangkablogosperyohan na muling nagbabalik matapos mapagtantong magkakaron ka pala ng kahati sa suso ng asawa mo sa oras na magkaron ka na ng beybi gel. Si Green Pinoy na Pilipinong makulet na minsan sa bughaw na buwan ko lang napapasadahan dahil blocked ang lecheng datkom sa putahan. Si Efbee na hanggang ngayon eh missing-in-action pa rin. Tangina, Kokey Monster, magparamdam ka na! Si xG na walang kupas ang talim ng mga panitik at karisma at isa sa mga krasness ko rito sa blogosperyo. Si Malditong Tae na tatlong taon na rin palang nakikipaglandian kay Mystica at ngayon eh kumekerengkeng-nanliligaw kay Aling Dionisia. Sina Jeck at Gasti na malupet ding bumira sa kani-kanilang mga blog. At si Kevin na naging kaututang dila ko sa wikang una kong minahal.

Maaaring hindi niyo kilala ang karamihan sa kanila pero ang mga Jurassic bloggers na 'to ang mga pioneer sa pananaw ko at nagsilbing dahilan para marating ko kung anuman ang narating ko ngayon. Hindi ako nagbubuhat ng sarili kong bangko at nakikipagpataasan ng mapanghing ihi sa kung sino mang talipandas. Pero sa estado ng pagiging isang blogger ko ngayon, masasabi kong malaking improvement na siguro ang kung ano ako ngayon kumpara sa nung nagsisimula pa lang ako.

Kaya naman sa puntong ito, nararapat din sigurong ibigay sa iba ang pagkilalang nararapat sa kanila. Oo, nahulaan mo. Entry ko 'to sa Top 10 Emerging Influential Blogger pakontes ni Miss Janette Toral at ang haaaaaaaaaaaaaaaaaabbbbba nga ng intro ko. Ganiyan talaga. Double purpose. Typical SSDD Boy blog post and at the same time eh contest entry. Hehe. Salamas pala kung nakarating ka na sa puntong ito at hindi ka pa rin inantok sa pagbabasa.

Wala sanang magagalet sa mga madalas maligaw ng landas dito kung hindi kayo napasama sa listahan ko. Ang sa akin lang, hindi dapat iniimpluwensiyahan ng pagkakaibigan ang desisyon mo sa kung sino ba talaga ang pinakamaimpluwensiyang blogger para sa'yo. Kung kaibigan mo talaga 'yang mga 'yan, maiintindihan nilang ang pagpili mo eh base lang sa sarili mong pananaw. Walang halong personalan.

Sa totoo lang, napaka-subjective ng pang-uring "influential" o maimpluwensiya sa wikang bernakyular. Dahil ang influential para sa'yo eh maaaring hindi influential para sakin. Sa madaling salita, dahil sa pagkakaiba-iba ng panlasa, hindi malayong ang labanan eh mauwi lang sa palakasan sa ibang bloggers o hindi kaya eh hakot crowd system. Na wala rin namang kaso sakin dahil wala namang nagbabawal na mangampanya ka sa iba.

Kung hindi ako nagkakamali ng bilang, limang nilalang ang nagnomina rin sakin sa pakontes na 'to at itinuring akong influential blogger para sa kanila. Na laking pasasalamat ko naman maski na hindi ko hininging iboto nila 'ko. Sa simula't simula pa lang, hindi ko na inasahang mapapasama ako sa listahan dahil alam ko namang supladong blogger talaga ako (na aaminin kong unti-unti nang nawawala, salamas sa inyong lahat ng mga naligaw ng landas dito) at ang pakontes eh nangangailangan ng matinding PR skills sa ibang mga bloggers.

Pero naniniwala akong mapasama ka man o hindi sa listahang 'yan, hangga't merong naliligaw ng landas sa kuta mo at natutuwa-namamangha-nakikiayon-natututo sa mga ipinagsususulat mo, sapat na 'yun para tawagin kang influential blogger.

At hindi ko na pahahabain pa ang litanyang 'to. Narito na ang listahan ni Lio Loco ng mga bagong blogs (mga blog na dapat eh sinimulan from May 1, 2008 onwards) na naging influential sa kaniya in one way or the other. Walang kinalaman ang pagkakasunud-sunod ng bilang sa listahan sa kung gaano sila naging influential sakin:

1. Writing to Exhale
- para sa malulupet na payong pang-manunulat bilang paghahanda sa long-term goal kong makapag-akda ng sarili kong nobela

2. Good Times Manila
- para sa walang katulad na hagalpak sa tawang satirikong panulat na nagsisilbing pantanggal umay ko sa kunsumisyon sa putahan dahil napaka-bobo ni Blondie Boplaks na customer ko

3. Talipandas Ang Itawag Mo Sa Akin
- para sa walang kasing lupet na talas ng pag-iisip at mapangahas kong sinasabing mas malupet pa kay Bob Ong kung babasahin ang lahat ng mga kabalahuraan isinatitik sa e-bahay niya

4. Tunay na Lalake
- para sa makalaglag-boxer shorts na pagpapaalalang ang tunay na lalake, laging nag-e-extra rice, hindi nagteteksbak at laging may tae sa brip.

5. Ang Mga Lihim ni Hudas
- para sa patunay sa kasabihang shit na walang malaking nakapupuwing at sa pagpapaalalang siya ay ako, tatlong taon pabalik.

6. Modern Patadyong
- para sa mga akdang sumasalamin sa katotohanang simple lang ang buhay at hindi talaga dapat kumplikado ang mga bagay-bagay

7. Organized Chaos
- para sa buhul-buhol na kabalintunaan-kabalahuraan sa wikang una kong minahal at pagpapatunay na ang magaling magsulat, kumakain ng libro

8. Yffar's World
- para sa mantrang nakikita ko lang sa napakakonting bilang ng mga androids at drones sa lipunang walang bayag

9. Stories from the Simian Crease
- para sa malulupet na kwentong Parekoi at inuman marathong walang katapusan

10. Ax Realm
- para sa kakaibang mundong maingat na binuo at malaon ay malayang ibinigay-pinagsaluhan sa iba pang mga bloggers ng blogosperyo

Sa totoo lang, marami pang ibang mas naging ma-impluwensiya sakin at aaminin kong sa lahat ng nabanggit sa listahan, ikaw ang pinakaimportante, ikaw na madalas na naliligaw ng landas dito. Pero hindi naman kita pwedeng ilagay sa listahan dahil ang "IKAW" ay kolektibong panghalip na tumutukoy sa lahat ng mga mambabasang tumawa, naki-emo moment, nakipagbatuhan ng sariling kuru-kuro, sumang-ayon, namangha, nanlibak, naghugas-kamay, tumambay, nakiusyuso, at nagbigay ng walang kasing kapal na "Nice post, ex-link?" comment sa bulagspot na 'to.

Para sa "IKAW" na walang sawang sumusubaybay sa mga kabalahuraan-idyosingkrasiya ko sa maliit na pook-sapot na 'to, walang humpay na pasasalamas!

The End of The Great Bastard Blogger aka SSDD Boy? (O Kung Paanong Niribisa ng Kabalahuraan ni Lio Loco ang "Mi Ultimo Adios" ng Chickboy na si Rizal)


Pansin mo ba? Dapat kahapon 'yung scheduled post ko pero wala akong kabalahuraang naitipa. Kung isa kang masugid na tagasubaybay ng barubal na blog na 'to, malalaman mong tuwing ikatlong araw pagkatapos ng kasalukuyang post ang pagpasada ko ng panibagong idyosingkrasiya. Pero malamang sa malamang, hindi mo napansin 'yun dahil wala naman talagang matinong sumusubaybay sa laman ng putak sa utak kong nailimbag dito sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan bukod sa alter-ego kong naaadik ngayon sa Death Note (ise-segwey ko lang saglit: Hanglupet ng kwentong 'to. Hanep! Taob lahat ng pwedeng itaob na pelikula. Asteeg!)

Ano ang dahilan?

A. Bigla na lang nanawa si Lio Loco sa pagbo-blog dahil bukod sa wala naman akong nakukuhang kapakinabangan dito (hindi ka naman kasi nagki-click sa mga Google ads dito maski na minsan sa isang bughaw na buwan lang), kinakain lang ng walang kabuluhang aktibidades na 'to ang kakarampot na oras ko.

B. Sapilitan siyang ipinadukot ng mga kasapi ng bagong tatag na Lio Loco Haters' Club na masigasig na itinayo ng dalawang walang kwentang kupal na nagkukuta sa Primeworld Digital Systems, Inc. sa Pasig City. Kung pano ko nalaman san nagkukuta ang dalawang asungot na 'tong walang patumanggang ipinagduldulan ang saltik ng dila nilang wala akong pakialam? Sikretong malupet na lang muna. Pero nais kong ipaalam sa lahat ng naliligaw ng landas ditong magpapaka-anonymous para magcomment lang ng walang kwentang satsat: I can see you; better watch out. [evil laugh from Third World hell]

C. Nakipagtanan na siya sa bago niyang kras-slash-teammate at tuluyan nang nangibang-bayan upang mamuhay na incognito sa mata ng mapanghusgang lipunan.

D. Kulang na kulang na ang oras niya simula nang maisipan niyang mag-enrol sa isang CPA review center dahil wala lang, trip lang niyang gumastos ng sampung libong tuition fee bilang defense mechanism sa kalungkutan ng pagiging isang certified Moymoy Palaboy.

Unang posibilidad: Oo, hindi ko na tinitingnan ang ideyang maaari kang yumaman sa pagbo-blog dahil kahit naman ilang Google ads at Nuffnang commercial ang isalaksak-ikalat ko sa buong espasyo ng kutang 'to, hinding hindi pa rin kayo magkakamaling madaplis maski isang pagclick man lang. Tanggap ko nang mas mabilis pa ang pagputi ng bulbol kong nagsisimula uleng tumubo-kumulot kesa sa pagyaman ko sa taragis na mga Google Ads na 'to. Ergo, mababaw na dahilan para itigil ko ang pagsusulat ng kabalahuraan dito.

Ikalawang posibilidad: Nakatutuwang isiping maski dalawang buwan mahigit pa lang ang pagkakakatatag ng kutang 'to eh samu't saring nilalang na ang di miminsang naligaw ng landas at nagbigay ng sariling kuru-kuro sa mga sarili kong idyosingkrasiyang hindi ko isinulat para sa mga mambabasa kundi para sa sarili kong pagkakahumindig lamang. May mga kaluluwang napadaang naging ka-wavelength ko na dahil pareho kami ng asal-ugali at alam nilang hindi dapat sineseryoso ang mga bagay-bagay na nasusulat sa blog na 'to. Pero kung mamalasin ka nga naman, meron ding mga pagkakataong hindi mo mawari kung ba't pa napadpad sa kuta mo ang ilang nilalang eh hindi naman pala 'yun ang trip na hinahanap nila. Kompyusing, di ba?

Netong huli lang, bigla akong nagulat sa pagsulpot ng dalawang mambabasang nagpapanting sa mapulang galit ang mga tambol sa tenga dahil hindi raw nila gusto ang tono ng pananalita ko rito sa kuta ko.

Unang tanong: Sino ba kasi ang makulet ang lahing maysabing magpunta kayo sa site na 'to? Ikalawang tanong: Kayo ba eh sapilitan kong hinikayat na magbasa ng mga kabalahuraan dito? Ikatlong tanong: Kanino ba ang kutang 'tong bukod tanging may karapatan kung ano ang lalamanin ng mga post at hindi kung anumang ka-walangkwentahan mula sa opinyon niyong hindi ko rin naman pag-aaksayahang ikonsidera?

Para sa kapakanan ng dalawang nilalang na 'to, muli kong isinasatitik ang isang bahagi ng putak sa utak ko sa ilang lumang post ng kutang 'to:

Ito ang napakalawak na mundo ng Intarnetz kung saan lahat ng tao eh may sariling tilamsik ng laway, hiningan man o sapilitang ipinagduldulan, sa kung anu-anong kabalbalan at idyosingkrasiya; ergo, base sa matandang kasabihang nagpasalin-salin sa sansinukuban -- to each, his own. Walang pakialamanan. Dun ka sa police station magreklamo.

Kaya naman ang mga kuru-kurong nababasa mo sa bawat blog post dito eh sa ganang akin lamang at kung sakali mang hindi ka sumasang-ayon sa mga nasusulat dito, malaya kang isara ang tab na 'to at maghanap ng ibang blog na swak sa panlasa mo. Hindi kita pinipilit na sumang-ayon sakin at lalong hindi kita hinihikayat na maging kaanib ng kung anumang kultong maaaring itatag ni Lio Loco sa parehong katwiran na hindi ko maaaring pakialaman ang sarili mong kasalaulaan. Iyong iyo lang 'yan.

Simple lang ang alituntunin sa mundo ng pagboblog: Lahat ng blogger, may kani-kaniyang laway na idinudura sa Intarnetz. Kung hindi mo trip, wag kang makialam. Malaya mong maisasara ang browser mo at manood na lang ng mga walang kakwenta-kwentang palabas sa telebisyon tulad ng walang kwentang pagpapapogi ng mga payaso sa senado. Kung ayaw mo ang binabasa mo, wag kang magbasa at maghanap ka ng iba. Walang basagan ng trip. 'Yun lang 'yun eh.

At naisin man ng mga burnik sa tumbong ng mga hinayupak na 'tong sila ang maging dahilan ng pagka-hiatus ko rito sa Intarnetz, hindi rin ang mga tulad ng dalawang kupal na 'to lang ang makakapagpigil sakin para mag-blog.

Ikatlong posibilidad: Habang dumadaan ang mga araw, mas lalo akong nahuhumaling natutuwa-naiinlab (?) sa bago kong kateammate na ubod ng kyut. Hayaan niyo na kong managinip ng gising. Paminsan-minsan lang 'yan. Tutal, paalis na rin naman ako. I'm just biding my time. Kapagka nakatiyempo ako, haharanahin ko 'tong Cayin na 'to sa production floor nang bonggang bongga. Jokeness. Alam kong marami na namang stalker ang magrereact. Para sa kapakanan ng posibleng pag-usbong ng banana peelings ni Lio Loco sa mga anonymous chicks ng Intarnetz, gusto kong isiping kwentong kornik lang ang nilalaman ng talatang 'to. Mwahahaha!

Ikaapat na posibilidad: Life's a shit and that's a fact. I therefore conclude: Pak. Dat. Shit. Evening session ang pagrereview ko bilang paghahanda sa CPA Board Exams. Ibig sabihin, pagkatapos akong mapagsamantalahan ng mga bobo calls sa putahan, eto't ikokondisyon ko ule ang kukote ko sa walang patid na Accounting nosebleed sa review center. Imadyinin mo ngayon kung gano kalupet na torture 'yun sa utak. Halos labindalawang oras mong gagamitin ang synapses at neurons mo. Mas matindi pa 'yan sa pagkakapasa-pasa ng mura mong katawan sa pitong dalaginding na bading na nag-aabang sa Recto.

Nagsimula na 'yung review kagabi. 6 to 9. Mula Lunes hanggang Sabado. Pagdating sa dormitoryong minamandohan ng tabatchoy na Mojackong nireregla dahil araw-araw na lang sa pagsusungit sa mga boarders, dapla ka naman sa kama mong namumutiktik sa surot. Hindi ka pa kumakain nun. At maski gustuhin mo man, tatraydurin ka na ng katawan mong nanlalata na dahil ubos na ang lakas sa maghapong paggamit ng kukote. Suma-tutal: Itutulog mo na lang ang dapat sana'y oras mo pa para lumamon ng hapunang lageng may ekstra rice.

Pero natutuwa ako sa kasalukuyang panimula ng pagiging isang buhay reviewee ko.

Sa halos dalawang taong pagkakakalawang ng utak ko sa araw-araw na pagsagot ng mga tawag mula sa mga Blondie Boplaks sa bayan ni Obama, nakamamanghang isiping meron pa rin palang naiiwang konting kaalaman sa kukote ko. Hindi ako nahirapang makasunod sa pinagsasasabi ng reviewer namin kagabi maski na paspasan ang pagkadyot paglelecture sa tulad ko ring mga working reviewees. Nakakatuwa. Ibig sabihin, malaki talaga ang posibilidad na magtagumpay ako sa di inaasahang diskarteng 'to.

Ito ang dahilan kung bakit patanong ang titulo ng kabalahuraan ko ngayon. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako nakapagsulat ng post na dapat sana'y nailimbag na kahapon pa.

Mahal ko ang pagba-blog. Kahit kelan, hindi ko ipagpapalit ang kakaibang nirvana na makukuha mo mula sa samu't saring saltik ng dilang mapapaapir ka sa hagalpak dahil nakuha niya ang punto mo. Natutuwa ako sa mga taong nakilala at makikilala ko pa sana sa hinaharap pag nagkataon. Masarap isiping sa dami ng mga nilalang na namumuhay sa laganap na katangahan sa lipunang 'to, meron at meron pa rin palang mga class S na nilalang na tulad mo kung mag-isip. Mga ka-wavelength. Mga kaututang dila. Mga online prenli prens.

Pero ngayon, sa kasalukuyang takbo ng mga pangyayari sa paligid ni Lio Loco, hindi ko alam kung mapag-uukulan ko pa ng pansin ang pagba-blog na 'to. Masyadong hectic ang iskedyul. Wala pa 'kong mga overnight tapings sa lagay na yan. Nyahahaha! Andami nang abala sa pang-araw-araw na pakikipagpatintero sa buwakanginang tadhana. Napakaraming gustong gawin at tapusin. Pero bente kuwatro oras lang ang meron ka. Kung pwede ngang isagad, isasakyod mo talaga nang todong todo. Matapos lang ang kelangang tapusin.

Kaya naman sa puntong ito, gusto kong makinig ang lahat ng mga naliligaw ng landas. Simula ngayong araw na 'to, ipinapaalam ko sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan ang pansamantalang pamamaalam ng kabalahuraan ni Lio Loco sa Intarnetz.

Ayoko ng plastikan. Wag mong sabihing mamimiss mo 'ko dahil sa simula't simula pa lang, hindi ka naman nahumaling sa mga pinagsusulat ko rito. Nagpunta ka lang siguro rito para ipagkalat ang buwakanginang blog mo sa pamamagitan ng walang kamataya't tried and tested na "Nice post, [link]" comment mo. Hindi ko alam kung kelan ako makakabalik. O kung makakabalik pa nga talaga ko sa makulet na mundo ng pagba-blog. Walang kasiguruhan. Maaaring ito na ang last post ko sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan. Maaaring may kasunod pa. Lahat depende sa takbo ng mga pangyayari.

Maliban na lang kung bibigyan niyo 'ko ng isang kongkreto't matibay na dahilan kung bakit kelangan kong ipagpatuloy ang pagba-blog. Hangga't hindi ako nabibigyan ng balidong rason para ipagpatuloy ang kabalahuraan ko rito bilang The Great Bastard Blogger aka SSDD Boy, isusukbit ko na nang tuluyan ang lahat ng alaala ng buhay blogger ko sa sisidlang hindi aamagin ng nakakalimot na agiw. At doon, sa espasyong hindi maaabot ng mga buwakanginang pakdatshits at mapanlinlang na lipunang hubad sa karunungan, doon ko pagninilayan-babalikan ang bahagi ng talambuhay kong minsan, naging isa akong makulet na blogger ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

Adios!

Postscript

Kung meron mang mabuting nilalang diyan na may kakilala, kamag-anak, kabarkada, kakantutan o malayong kapitbahay na merong Accounting books na pwedeng ipahiram (Auditing Theory, Auditing Problems, Financial Accounting, Practical Accounting, Business Law and Taxation, Managerial Advisory Services, Theory of Accounts), tatanawin kong habambuhay na utang na loob sa'yo ang pagpapahiram ng mga librong 'yan sakin. Ayoko pang bumili ng libro sa Recto dahil inirereserba ko ang pera ko sa one month advance-one month deposit paglipat sa panibagong kuta rito sa España. Salamas ng marami. Hmmkeibye!

I Am Allergic to People...No More.


Alam mo ang isa sa mga rason kung ba't ako nagsimulang mag-blog? Bukod kasi sa da best shock absorber ng kaangasan ko't pamumuna sa mga nakakasulasok na kabobohan ng buwakanginang lipunang 'to ang pagtitipa ng kabalahuraan-kabulastugan, marami akong idinurang katarantaduhan na di pala maglalaon eh babawiin ko rin.

Hindi ko alam kung ginagawa mo rin o isa lamang 'tong eksklusibong kaweirduhan ng isang nilalang na nuknukan ng pagka-narsisistiko, pero madalas sa madalas eh nagba-backread ako ng mga entries ko. Masarap balikan ang mga akda mong inumay-nilangaw dahil masyadong malalim at mabibilang lang ang nakaarok kasi raw eh malulunod sa pagkabalinguyngoy ang sinumang bumasa at 'yung mga posts mong pinutakte naman ng iba't ibang saltik ng dila ng kung sinumang talipandas na hindi mo alam kung totoong natuwa sa idyosingkrasiyang itinapon mo sa Intarnetz o nagpapansin lang sa kuta mo para bisitahin mo rin ang buwakanginang blog niya.

Malimit akong tumatawang mag-isa sa putahan
dahil sa pagbabalik tanaw sa mga sarili kong kabalahuraan habang hinahayaan ko lang si Binibining Blonde Boplaks sa kabilang linya ng teleponong mangalkal at di malao'y magkanda-buhul-buhol sa sarili niyang leeg ang mga cords na nakasalaksak sa modem niya. Alam mo 'yung feeling na muling bumabalik sa'yo 'yung mga pangyayaring isinatitik mo noon at pagkatapos eh bigla kang mapapatingin sa kawalan na parang tangang inuuod ang kukote? 'Yung tipong sa sobrang sariwa nung alaala eh napipiktyur mo sa utak mo 'yung nangyaring kapalpakan ng diskarte mo sa eksaktong araw na 'yun na parang kahapon lang nangyari? Ganun na ganun ang nagiging itsura ko kapag napapabisita ako sa sariling kong cyber haybol dahil masyado na kong buryong sa pagka-inutil ng customer na tumatawag. Reminiscing daw ang tawag dun.

Pero minsan, sa sobrang pagkalulong mo sa sarili mong tite titik, may mga salita ka na palang binibitawan na lulunukin mo rin sa kalaunan. Dito na pumapasok 'yung sinasabi kong rebuttal sa sarili mong mga palagay at kuru-kuro na isang matibay na rason para sakin bakit kailangang mag-blog ng isang tao. Aminin mo man o hindi, may mga pagkakataong dahil mismo sa medium (blog) kung saan mo nasabi ang inaakala mo nang period, no erase na two cents' worth mo sa isang paksa eh napapalitan ng ibang barya ang binuo mong diwa. Dahil ang laway na ipinahid mo nung isang araw sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan eh hindi nangangahulugang pareho pa rin palang nakadikit bukas makalawa. Magbabago't magbabago 'yan ayon sa sitwasyon sa parehong obserbasyong napakaraming putak-utak ang isang tao para manatili lamang siya sa iisang pananalig habambuhay.

Naalala mo ba ang lagi kong pirming paninindigan dito noong hindi ako magpapakita sa kahit na sinong blogger dahil allergic ako sa tao? Matagal na panahon ko ring pinanindigan 'yun dahil hindi talaga ko sociable na tao sa teleserye ng totoong buhay at kuntento na 'kong nagmamasid lang sa sidelines. Ilang buwan ko ring itinago ang identidad ko at kung masugid kang manlalakbay na laging naliligaw ng landas dito, mapapansin mong puro na lang itim na bulutong tubig ang tigidig na nakapalibot sa pagmumuka ko't talikogenic shot lang ang ibinalandra ko sa aking About the Blogger ekek.

Hindi dahil sa panget ako at kasing asim ng kilikiling hitik sa mamasa-masang libag ng isang Moymoy Palaboy sa España ang pagmumuka ko. Gusto ko lang talagang magsulat nang walang nakakakilala sakin para walang manghahablot sa boxer brip ko sakali mang dumaan ako't nakita mo ko sa Ayala pressure sa patuloy na pagtipa ng SSDD kronikels sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

Pero sa puntong ito, minsan sa isang bughaw na buwan, kelangang baliin ang panatang maging anti-social at poreber introvert ni Lio Loco. Dahil hinihingi ng pagkakataon. Kung ako lang talaga ang papipiliin, pananatilihin ko pa rin ang misteryosong awra ng pagka-class S na nilalang ko sa buong bloggywood. Ngunit yaman din lang na kelangan ko na talagang magpakita sa teleserye ng totoong buhay, at hinuha ko eh masusundan pa 'to ng napakaraming blogger meetups, makinig ang lahat ng gustong makipag-bembangan makipagkita kay Lio Loco sa labas ng patay na kuwadradong kompyuter dahil pinapaabiso ko na ang Sampung Utos ni Lio Loco sa Eyeball Ekek na 'yan:

Una, tahimik akong tao sa teleserye ng totoong buhay. Hindi kita papansinin kung hindi ikaw ang unang mamamansin sakin. Kung gusto mong makuha ang atensyon ko, bigyan mo ko ng bonggang bonggang ice breaker at magcartwheel kang naka-panty lang at nang hindi ako maumay agad sa sapilitang pakikipagkita natin. Jokeness. Usapang matino, may sense, at hindi mababaw, okey na sakin.

Ikalawa, ang blogger meetup ay kelangang mangyari sa gabi dahil gusto kong naka-jacket akong makikipagkita sa'yo. Payat ako at ang ekstrang kasuotang 'yan eh magkukubli sa ectomorph kong pisikal na kaanyuan at pandagdag volume na rin. Ang dilim ng gabi eh tumutulong din para mas lalo mo pang mapansin ang di naman masyadong kalalimang biloy ko at ang wan op a kayn cleft chin na siyang nagpapatingkad pa lalo sa kapogian ko.

Ikatlo, wala akong pakialam kung san mo 'ko gustong kaladkarin. Game ako maski saan pero mas dagdag ganda points sa'yo kung sa So clean, so good di mataong lugar mo 'ko dadalhin. Ayoko ng masyadong maingay. At mas astig kung may kasalo tayong beer.

Ikaapat, hindi dapat sineseryoso ang mga katagang naka-strikethrough sa naunang talata. Pero kung gusto mong seryosohin, wala lang 'yun sakin. Sino ba naman ako para pigilin ang ikaliligaya mo di ba?

Ikalima, maliban na lang kung kamuka mo ang babaeng 'to o ito o ito, pakaisipin mong ang blogger eyeball na magaganap eh walang halong malisya at obligasyon ko lang bilang isa sa mga pasikat na porn star balahurang blogger ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

Ikaanim, wag mong babanggitin ang pukenginang Twilight at kung gano mong sinasamba ang tumbong ni John Lloyd Mongoloid kung ayaw mong umuwi ako nang di oras.

Ikapito, alam kong beybi peys ako pero wag kang magre-react na muka akong totoy na parang walang kamuwang-muwang sa seks mundo at baka matikman mo ang hindi mo pa natitikman. Ayokong ikinakahon ako sa mga stereotypical na pamamaraan.

Ikawalo, maski na ganito ang kaha ko eh lage akong nag-eekstra rice kapag umoorder ako sa restawran. Masanay ka na.

Ikasiyam, kung manonood tayo ng sine, ayoko ng baduy na Tagalog movies na sa sobrang walang kwenta ng plot eh hindi ka na mag-iisip. Trip ko ang mga horror, sci-fi, at suspense thriller. At dahil malamig sa loob ng sinehan, patay-malisya na lang ako kung halimbawang tsansingan mo ko sa maseselang bahagi ng aking murang katawan.

Ikasampu, mas kyut ako sa teleserye ng totoong buhay kesa sa piktyur na 'to. Partida pa 'yan. Bangag pa ko't kulang sa tulog ang puta sa lagay na 'yan.


Uhm...'yan lang naman. At honga pala, allergic pa rin ako sa tao.

Hindi 'To Porn Site, Mga Buwakanginang Malilibog Kayo!


Ikaw na himalang naliligaw ng landas dito, gusto kong magkaliwanagan tayo habang maaga pa't hindi ka pa nalululong sa kabalahuraang isinasatitik ko sa bulagspot na 'to.

Nais kong ipabatid sa'yo na ang lahat ng tinitipa ko sa mga cyber pahinang ito eh produkto lamang ng aking malagkit na pananawa at di miminsang pagkabagot sa napakabagal na pag-usad ng estado ko sa buwakanginang buhay na 'to. Kung hindi mo naitatanong, pangarap kong maging CPA topnotcher at pagkatapos eh mangibang bansa't yumaman at makapagpatayo ng mansyon sa Baguio't makapag-asawa ng kasingganda ni Sarah Geronimo, kung hindi man siya mismo ang makatuluyan ko sa hinaharap. Isa kang kahabag-habag na nilalang na mas masahol pa sa buhok sa puwet na natilamsikan ng bultokachi habang pawisan mong inilalaglag ang echas mong kasing-haba ng anaconda sa kasilyas kung sasabihin mo saking kuntento ka na sa kinalalagyan mo ngayo't wala kang matayog na pangarap sa buhay. Isa kang mamasa-masang libag sa singit ng lipunan kung nagkataong ganiyan nga ang panata mo sa buhay.

Sa kadahilanang mahiwagang am ang sapilitang ipinasuso sakin ng aking butihing ina nung ako'y walang hiyang naghuhubo't hubad pa lamang at walang pakialam kung makita man ng sansinukob ang lawit kong susuray-suray sa pagitan ng dalawang gusgusing betlogs ko noon, hindi maikakatuwa ang napakaraming tanong at kaangasang nalilikha ko nang di sinasadya rito sa makamundong ibabaw. Samakatuwid, wala kang pakialam kung halimbawang sabihin kong nasusuka ako sa pagmumuka ni John Lloyd Mongoloid dahil napapanot na siya at mala-Chicago Bulls ang butas ng ilong niya at hindi siya magandang ehemplo sa kabataan dahil nagpapakyu siya sa mga billboards ng Kamaynilaan. Wala ka rin dapat pakialam kung sabihin ko sa kutang 'to na lumalabas ang kinain kong pananghalian sa ilong kong matangos at mas maganda ang hubog kesa sa plakdang ilong ni JLC sa tuwing nakakakita ako ng mga taong bitbit sa kamay at ipinangangalandakang meron silang kopya ng putanginang Twilight na 'yan mentras magkandadapa-dapa na sila sa LRT at meron silang napakalaking backpack na maaari nilang pagsidlan ng buwakanginang one-hit wonder book na 'yan.

Ito ang napakalawak na mundo ng Intarnetz kung saan lahat ng tao eh may sariling tilamsik ng laway, hiningan man o sapilitang ipinagduldulan, sa kung anu-anong kabalbalan at idyosingkrasiya; ergo, base sa matandang kasabihang nagpasalin-salin sa sansinukuban -- to each, his own. Walang pakialamanan. Dun ka sa police station magreklamo.

Kaya naman ang mga kuru-kurong nababasa mo sa bawat blog post dito eh sa ganang akin lamang at kung sakali mang hindi ka sumasang-ayon sa mga nasusulat dito, malaya kang isara ang tab na 'to at ipagpatuloy ang pagda-download mo ng Maria Ozawa porn. Hindi kita pinipilit na sumang-ayon sakin at lalong hindi kita hinihikayat na maging kaanib ng kung anumang kultong maaaring itatag ni Lio Loco sa parehong katwiran na hindi ko maaaring pakialaman ang sarili mong kasalaulaan. Iyong iyo lang 'yan.

At kung sakali mang natawa ka sa mga pinagsasabi ko at humagalpak sa kinauupuan mo habang dinadaya mo ang kumpanyang pinag-alukan mo ng natatangi mong serbisyo sa pamamagitan ng pagiging tamad at di produktibo at pagkunsumo lamang ng kuryente habang pa-blog blog hopping ka na lang diyan sa opisina mo, isinusumpa ko ang araw na nahumaling ka sa walang kwentang kutang 'to. Hindi ko ginusto na maging dahilan ang pagsasatitik ng laman ng kukote ko sa unti-unting pagkalugi at tuluyang pagsasara ng kumpanya niyo dahil sa kainutilan mo. Kung halimbawa namang napabuntung hininga ka't napaisip nang malalim at napagtantong oo nga, may sense nga ang sinasabi ng batang bastardong 'to maski papano, ikagagalak kong dinaig pa ang lalakeng na-devirginize sa unang pagkakataon ang pagsapit ng pagkakataong iyon. Muli't muli, mapapangiti ako't mapapabuntung-hininga tulad mo dahil sa kabila pala ng mga kabulastugan at pagbabalahura ko rito eh may napupulot ka ring mga aral na maaari mong gamitin sa araw-araw mong pagbatak sa mga hamon ng buhay.

Konswelo de bobo ko na ang pag-click mo sa Google ads na nakakalat sa maliit na espasyong ito bilang kabayaran sa libreng pagbabasa ng panandaliang aliw sa tuwing maiisipan mong maging emo't butasin ang sarili mong sentidong parang si Kurt Cobain lang dahil buryong na buryong ka na sa kawalang direksyon ng buhay mo. (Oo, hindi obyus na kelangan ko ng saydlayn na mapagkakakitaan ngayon dahil wala na ang napakalaking tulong na night differential sa pagpuputa ko.)

Pero ang hindi ko matanggap eh ang maligaw ka ng landas sa pag-aakalang natatago rito ang walang patid na kalaswaang nagpapatibok ng mga ugat sa kung saan mang tagong parte ng katawan mo. Kung gusto mong maligayahan sa ibang paraang hindi abot ng hinagap ko, nagkalat sa mga bangketa't newsstands ang mga tabloid na namumutiktik sa lantarang pagbabalandra ng hubo't hubad na larawan ng mga pipitsuging starlet ng Ikatlong mundong nagbebembangan diyan.

Alam kong isa akong talentadong bata pero pakiusap lang, ipaunawa mo sakin ba't napadpad ka sa kutang 'to kung ang pakay mo lang pala eh maghanap ng "hot pinoy m2m"? Hindi kaila na meron ako nito pero kailangan mo ba talagang maligaw rito para maghanap ng "bayag" at "titing malaki"? Kung sa tingin mo eh malapit ka nang labasan o hindi kaya eh naghahanap ka ng parausan para mas madali kang malabasan, nagkamali ka ng pagkakapadpad sa blog na 'to dahil wala akong kabalahuraang isinatitik tungkol sa "cum" at kung papano mo uusalin ang mala-nirvanang "here i cum;" higi't lalong hindi ako bugaw para magpaskil dito ng "sexmate in manila."


Yaman din lang at naririto na tayo sa paglilinaw na 'to, ipinababatid ko rin sa TFC subscriber sa Malaysiang maaring naligaw ng landas dito na hindi po ako nag-upload ng video ng isang "maria ozawa backstroke fucking." Bagkus, ako pa nga sana ang hihingi ng pabor sa'yo na kung sakali ngang nakahanap ka na ng pwedeng pag-downloadan ng "maria ozawa backstroke fucking" na 'yan eh pwedeng balitaan mo naman ako't magkaroon din ako ng sarili kong kopya. Isa pang hirit: pwedeng paki-eksplika at -demonstrate sakin kung papano ginagawa ang "backstroke fucking"? Kelangan ba talaga eh nasa tubig-dagat o swimming pool ka sa mga oras na 'yan o pwede na ang water bed para maisakatuparan ang "backstroke fucking" technique?



Sa nilalang namang naligaw ng landas dito dahil sa paghahanap ng "maria ozawa tube," hindi kaya ikahiya ka ng kababayan mong Santo Papa na si Pope John Paul II, sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa, dahil sa kalibugang ipinapakita mo sa paghahanap ng hindi ko alam kung "youtube video ni Maria Ozawa" o ang "tube" mismo ng pamosong Japanese-Canadian porn sensation?


Speaking of Canadian, hindi ko alam kung si Kosa.Pogi ang nag-search nito sa Canada pero ano ang kinalaman ko sa isang"cum shot mamasa"?



At oo nga pala, ano ang ibig mong tumbukin sa paghahanap mo rito ng "anakan test translation" at "anakan blog translation," ikaw na talipandas mula sa Viva España? Nais mo bang magbakasyon dito at inihahanda mo na ang pakikipagtalastasan mo sa aming mga Indio? Kung ganun, ba't naman sa dinami-dami ng Tagalog na salitang maaari mong unang pag-aralan eh napili mo pa ang "anakan"?

Eto ang malupet. Ikaw na kalahi ni Bebe Gandang Hari o maaaring nagdadalaga pa lamang tulad ni Maximo Oliveros, anakngtitengmaugat ka naman sa pagkakadayo mo rito para lamang maghanap ng "batang bakla supot tite."

Inuulit ko. Hindi porn site ang bulagspot na 'to. Mga putanginang malilibog kayo!

Off-topic:

Ikalawang buwang anibersaryo ko na pala sa bulagspot na 'to bukas. Batang-bata pero natutuwa naman ako at maski papano eh patuloy na dumarami ang mga naliligaw ng landas dito. Woot woot! Hindi ko maipapangako dahil magiging busy na rin ako sa pagrereview ko para sa CPA Board Exams pero pipilitin kong dalas-dalasan ang pagpapaskil ng natatanging balahurang idyosingkrasiya ni Lio Loco. Sana umabot ang SSDD Boy ng marami pang taon at dekada hanggang sa apo na ng apo ko ang magsusulat ng mga kabulastugan dito. Good luck na lang kung uso pa nga ang blogging sa mga pagkakataong iyon. Mwahahaha!

Sa kaugnay na pangyayari, binabati ko pala si Lovely sa pagkakapanalo niya sa aking pautot na Mammary Awards dahil siya lang naman ang namumukod tanging nag-aksaya ng produktibo niya sanang oras para sumali't manalo ng Baguio freebies. Mangyari pong ipadala na lang ang address mo sa elektronikong liham tirahan ko - ssdd@i.ph. Hindi ko lang maipapangako kung kelan siya maipapadala sa'yo dahil punong abala pa rin ako sa mga kakailanganin ko sa pagre-review. Magkaganunpaman, ipinapangako ko naman sa'yong hindi matatapos ang buwan na 'tong hindi mo nakukuha ang premyo mo, hmmkei? (Kukunin ko pa ang mga 'yan akshuli kay Yanah na nag-hiatus daw dahil sa motherly duties and obligations pero may blog pa rin naman at pinalitan lang ang URL. Mwahahahaha!)

Para sa patuloy na pagyabong ng balahurang panulat ni SSDD Boy alyas Lio Loco at para sa patuloy ring pagdami ng mga ka-wavelength dito sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan, pati na rin sa naliligaw ng landas ditong nagsu-pseudo comment lang ng lecheng "Nice post, [link]", isang matagumpay na kampay ng astiging Pulang Kabayo sa ating lahat! Woot woot!

Postscript

Salamat pala kay Kikayness at sa dalawa pang blogger (na ayon kay Kikayness eh ni-nomina rin daw ako) na nagkamali ng pagpili para isama ako sa listahan nila ng Ten Influential Blogger ekek na umiikut-ikot ngayon dito sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan. Hindi ako mahilig sa mga ganitong award award ekek pero dahil andiyan na 'yan, paninindigan ko na. Salamas ng marami, mga ka-weyblent. Apir!

Rainy Days Here I Cum...


Tag-ulan na!

Mayo pa lang pero pumupula-pulandit na ang tubig-baha sa kahabaan ng Maynila. Maya't maya eh biglang dumidilim ang langit at magbabagsakan ang tubig ulang pinasahol pa ng air pollution ng pukenginang lungsod na 'to. Patunay na nagbabago na nga talaga ang mundo. Global warming ngayon. Bukas makalawa, Final Judgment na. Handa ka na ba? Kung hindi pa, maghanap ka na ng kapareha bago pa mahuli ang lahat. Sinasabi ko sa'yo, pagsisisihan mo kapag hindi mo nasubukan. Fill in the blanks at baka ma-MTRCB tayo nang di oras.

Balik sa rainy day everyday...

Hindi ko alam kung dulot lang 'to ng pagkabangag ko sa trabaho't pananabik sa kama't unan dahil tatlong oras lang ang matinong tulog ko kanina. O siguro nga eh talagang pinalala lang ng tubig-ulan ang pagiging sintu-sinto kong Class S na nilalang. Pero naisip ko lang...


1. Bakit laging baha sa España maski na nagwiwisik-wisik lang naman si Papa God?

2. Ano ang feeling ng nagba-backstroke sa baha at maraming mga batang yagit ang dinaig pa si Michael Phelps sa paglangoy, mentras tigidig ang maruming tubig sa lumulutang na echas, patay na daga, gamit na condom, duguang napkin, at kung anu-ano pang samu't saring basura from Third World hell?

3. Ano ang lasa ng tubig-bahang malamang sa malamang eh nahihigop nila habang nag-uunahang magbida sa senglot na mga kaberks gamit ang freestyle, breast stroke, butterfly, at synchronized swimming teknik?

4. Paano idadampi ang mamasa-masang braso mo sa makinis at mainit-init na braso ng kasasakay lang na chick na katabi mo, wet look and all after coming on in out of the rain?

5. Masampal ka kaya kapag nagmapogi ka at ginamit ang litanyang nuknukan ng korni at semplang tulad nito: "Miss, jacket ka ba? 'Cause you give me warmth."?

6. Papano mo kukunin ang cellphone number niya na hindi ka mapagkakamalang manyakis na madalas mang-stalk sa kung saan-saan at kilala sa taguring "Boy Balandra" dahil sa sobrang pagkahilig mo sa exhibitionism at three-minute sex scandals?

7. Bakit masarap matulog sa bus kapag malamig ang panahon habang nakahilig ang ulo sa chick na katabi kaya lumalampas sa dapat babaan?

9. Nasubukan mo bang gawin 'to na hindi ka sinasampal ng katabi mo?

10. Bakit mas humahaba ang traffic kapag ganitong maulan sa daan?

11. Ano ang correlation ng lamig ng panahon sa init ng ulo ng mga hinayupak na jeepney drivers na walang patumangga sa pagbubusina sa daan?

12. Ganun na ba sila katanga para hindi mapagtantong walang magagawa ang pagbusina nila para mawala ang lecheng trapik sa sangka-Maynilaan?

13. Bakit naglipana sa mga ganitong makulimlim na panahon ang mga haliparot na ansarap pagkukurutin sa singit dahil deadma lang sa madlang nag-aabang ng sasakyan habang nakikipaglaplapan sa gitna ng daan?

14. At bakit napakamanhid nila para hindi makitang marami ang nag-aabang ng sasakyan kaya pwede lang eh pakabilis-bilisan nila ang paglalakad nila pero mukang nagmumuni-muni lang sa kawalan habang naglalambutsingan ang mga buwakanginang talipandas?

15. Masyado na ba nilang ramdam ang hagupit ng global recession at sa daan na nila ginagawa ang kahalayan, hindi sa kung saan mang SOGO Hotel ang pinakamalapit?

16. Bakit sa tuwing pagliko mo eh laging may nakabalandrang karatula ng SOGO Hotel?

17. Ganun na ba kalilibog ang mga Pilipino ngayon para maya't maya eh paalalahanang so clean, so good ang ekstrakurikular aktibidades?

18. Marami kaya ang nabubuntis kapag ganito kasarap ang panahon kumpara sa regular na mga araw?

19. Nahihigitan ba ng SOGO Hotel ang sales forecasting nila kapag ganitong maulan at malamig at makulimlim ang panahon?

20. Maganda kayang negosyo ang motel business?

21. Ano ang masarap kainin kapag ganito kalamig ang panahon?

22. Bukod sa pakikipag-kembyular pagtulog, ano pa ang masarap gawin kapag ganitong umuulan?

23. Bakit mas maliit kesa sa normal na laki ang pototoy kapag sobrang lamig ng panahon?

24. Bakit sa mga ganitong panahon lang nagsusulputan ang mga manholes at "Road under construction" signs at "This project is made possible through the initiative of Congressman Judas motherfuckin' Iscariot" billboards?

25. Sa pinakahuling estadistika, ilan na kaya ang nahulog sa manhole na 'to at tuluyan nang nilamon ng tubig-baha?

26. Bakit pala "manhole" ang tawag sa butas na papunta sa kung saan mang underground vault?

27. Bakit hindi siya tinawag na "womanhole"?

28. Dahil ba masyado nang malibog ang mga tao ngayon at pag sinabi mong "womanhole" eh iba na ang konotasyon ng mga taragis at naglalaway nang parang mga ulol na aso ang asta ng mga buwakangina?

29. Dapat ka bang magbayad sa mga make-shift instant tulay na ginagawa ng mga tambay sa tuwing bumabaha, silang mga nagpapalaki lang ng bayag nilang inutil na wala nang ibang mapagkakitaan, maski na alam mong ang tablang ginamit eh ninakaw lang sa katabing construction site?

30. Ano ang pwede mong itawag sa kanila: mapanlinlang sa kapwa't manggagantso o sadya lang talagang madiskarte't matalino?

31. Ano ang ginagawa mo sa tuwing makakakita ka ng mga kolehiyalang coño na tumitili at diring diri sa tubig-baha pero ang totoo naman eh mas mabaho pa ang sari-sariling kepyas kapag nagkakaron sila ng mens?

32. Hindi mo ba hinihiling na madulas na lang sana sila't mabosohan ng mga lalakeng umaalalay sa tulay para may instant live show naman sa gitna ng boring na kalsada?

33. Tuloy kaya ang diyos-diyosang pagparada ni Manny Paquiao sa Biyernes kung ganitong nagngingitngit ang panahon?

34. Hindi kaya nagka-swine flu bayrus na rin siya sa Amerika?

35. At kung sakali ngang tuloy ang Pakyaw Day na idineklara ng nakikisawsaw na de-nunal na babaeng pandak na nakaupo sa trono, hindi kaya mahawa ang mga tao sa kalakhang Maynila sa kaniya?

36. Kapag lumaganap ang swine flu bayrus dito, magkakaron ba ng epfidemic sa buong Pilipinas?

37. Ika-quarantine ba tayo tulad ng mga napapanood na recycled sci-fi plots sa pelikula?

38. Mararamdaman ko ba ang hagupit ng isang araw na kaltas sa pagpapakaputa kapag umabsent ako mamaya dahil masarap humilata at kumembyular matulog sa ganitong malamig na panahon?

39. Ano ang katanggap-tanggap na alibi sa bisor kung sakaling napag-tripan ko ngang 'wag na lang pumasok sa putahan mamaya?

40. At bakit gising pa ko ngayo't tumitipa ng walang kwentang kabalahuraang 'to gayong sabik na sabik na sa tulog ang mga talukap ng mata kong tinutukuran na lang ng tutpik?

Iba talaga ang nagagawa ng ulan eh no? Lumalabnaw ang utak at nagiging retarded. Ikaw, ano ang nangyayari sa'yo kapag ganitong naulanan ka ng mausok na tubig ng Maynila dahil tamad kang magdala ng payong o kapote?

Off-topic

Magbunyi ang mga reklamador na naliligaw nang landas dito nang madalas. Maski na labag sa kalooban ko eh tinanggal ko na ang paborito kong template alang-alang sa kapakanan niyong mga buwakangina kayo. Pinalitan ko ng mas mapusyaw na kulay nang sa gayon eh hindi na kayo mahirapang basahin ang mga taragis na comments niyo. Leche!

Sa susunod na magreklamo kayo ule rito, isasara ko na nang tuluyan ang walang kwentang kutang 'to. Hindi 'yan threat. Pramis! Nyahahaha!