
Warning: The following post contains scenes not suitable for very young retards and highly moralistic individuals. Read at your own risk.
Sa mga taong nagtatanong kung nakauwi na ba ko nang maayos dito sa probinsya naming maya’t maya eh umuulan at nakapangliliit ng tite ang lamig, ikinalulungkot kong sabihing nakaluwas naman ako paalis ng Maynila nang walang aberya. Maliban sa lalakeng nagtitikol sa loob mismo ng bus, maluwalhati naman akong nakarating sa lunang aaminin kong namiss ko nang sobra-sobra.
Oo, tama ang pagkakabasa mo. Sa di inaasahang pangyayari eh merong isang pasaherong sobrang libog ng mga palad at sa loob pa mismo ng bus gumawa ng kahalayang dapat sana eh aktibidades pambanyo lang. But that’s getting ahead of the story. Sa bandang huli ko na lang ikukuwento ang pagmamariang palad ni Manong Makati (binibigkas sa paraang maragsa).
Blog update muna tayo.
Unang abiso. Ipinaputol na ang DSL sa amin. Naghihirap na raw kami at hindi na kayang bayaran ng tita ko ang “luho” ng mga pinsan kong maski na may asawa na eh daig pa ang estudyante kung makahingi ng sustento sa mama nila. Para sa hindi nakakaalam, ako po eh nakatira sa isang extended family setup kung saan isang compound ng magkakadikit na mga bahay ng tito’t tita, pinsan at mga pinsan pa, pamangking inaanak at pamangking hindi inaanak ang pugad naming magkakapamilya. Traditional Pinoy culture pervading ika nga.
Kaya naman ipagpaumanhin niyo kung hindi ko natupad ang pangako kong magba-bloghop ako pagkauwi ko. Kita niyo naman, pati mga manaka-nakang comment dito eh naumay na dahil hindi ko pa nareplyan. Meron akong dalang Globe Tattoo pamback-up kako. Eh ang kaso, dadaigin mo pa si Pong Pagong bago ka maka-connect sa Intarnetz. Mga commercial talaga kahit kelan sinungaling. Tsk.
I know, it sucks to be me!
Lalo na kung malayo ka sa kabihasnan at wala kang nakitang unsecure wireless network na pwedeng mapagnakawan ng bandwidth. Eto lang talaga ang advantage ng Maynila na katanggap-tanggap sakin. Sa Maynila kasi, tumuwad ka lang nang konti sa kama mo habang nagsi-search ng libreng wifi eh meron ka agad madedetect. Which proves na either galante ang kapitbahay mo para i-share sa’yo ang connection niya o tanga lang talaga siya at hindi marunong mag-setup ng WEP key para sa wireless connection niya.
Kasalukuyan kong ginagamit ang “high-speed mobile broadband from Globe” sa pagtipa ng kabalahuraang 'to at pag hindi namuti ang mga mata ko kakaantay sa mabagal na pag-open ng mga website sa browser ko, baka bumisita ako sa mga blog niyo’t mag-iwan ng two-liner shit sa kung anu-ano ring shit na pinagsususulat niyo. Kung hindi naman eh baka mag-net na lang ako sa bayan bukas.
‘Yun eh kung hindi na naman umulan at kung sinipag akong pumunta sa bayan.
Nakakatamad kasing gumala kapag umuulan. Mas masarap mamaluktot sa kumot at makipag-sex, mag-DVD marathon, magbasa ng libro, magtikol, uminom ng alak, o matulog na lang maghapon. Ako? Sinimulan ko agad manood ng DVD na binili ko sa Quiapo bago ko umalis ng Maynila. Uhaw na kasi ko sa ganitong klase ng bohemian lifestyle.
First in the list ‘yung anime na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin alam ang ending – ang astig sa olrayt na HunterXHunter (Ang mag-i-spoiler ng ending, magkakatulo ang tite at magkaka-vaginismus ang pekpek. Mamatay man ang kulot na bulbol niyo!) Sinimulan ko ule at nasa episode 8 pa lang Greed Island OVA na 'ko. Natutuwa ako kay Gon (cute kasi ‘yung pagiging naive nung character niya) at ngayon ko lang na-realize na may similarity rin pala kaming dalawa. Bukod sa pagiging maabilidad at childish niya, ‘yung premise nung kuwento eh umiikot sa paghahanap niya sa tatay niyang Hunter. Kaya pala nagustuhan ko rin ‘tong anime na ‘to, kako. Meron din kasing paternal sentemotional tendencies.
Nakapila rin sina Dr. House at Forensics Expert Gill Grissom sa posibleng pagtutukod ng tutpik sa talukap ng mata ko. Kung hindi mo napapansin, mahilig ako sa series na may unexpected twist of event, ‘yung tipong mystery-slash-sci-fi na mag-iisip ka habang nanonood. ‘Yun ding tipong may gross, shocking, and bizarre factor. Kaya ko nga nagustuhan mga pelikula ni Quentin Tarantino. You’ll never know what you’re gonna get.
At hindi ako si Forrest Gump.
Siyempre, mawawala ba sa listahan si Maria Ozawa at ang mga naglalakihang nipols ng mga Boldywood hubadera? Ngayong malamig ang panahon, kelangan din natin ng konting pampainit...Not. Ha! Ayokong manood ng porn dito at baka mahuli pa ko ng mommy ko tulad ng binatilyong ginawang porn room ang sala nila't nahuli ng mama niyang nagtitikol sa American Pie. Baka hindi na ko patuluyin pa rito't itakwil na ko nang tuluyan.
Woist, joke lang 'to ha. Wala talaga kong dinalang bold na DVD. Pramis. Mamatay man ang kaliwang yagbols mo.
Speaking of triple XXX, kwento ko lang senyo ‘yung karumal-dumal na krimeng nangyari kanina sa bus nung papauwi na ‘ko. (Oo, kanina lang ako umuwi. Nag-inuman pa kasi kagabi sa Pasig. Hindi ako nakahindi sa mga hinayupak na housemates.)
Merong isang lalakeng de-bigote ang sumakay nung nasa bandang Tarlac na kami. Payat. Maitim. Late twenties. Mukang di mapagkakatiwalaan ang muka. Lubog ang pisngi at obyus na obyus na ang cheekbones. Halatang lulong sa masamang bisyo at mukang isang dekada nang nagmamarijuana. Alam mo ‘yung itsura ng mga cartographic sketches na ipinapaskil sa mga “Most Wanted” list ng mga pulis patola? Ganun ang karakas ng tanginang pervert.
Okey, pasensiya sa panlalait. Perpektong tao kasi ako. Walang kapintasan ang karakas. Bwahahaha!
Pero seryoso, muka talagang drug addict ang puta. Hindi ko pinansin nung una kasi nga wala naman talaga kong pakialam sa ibang tao. Maski na magkakilala tayo at magkatabi pa ng upuan eh hindi talaga kita kikibuin hangga’t hindi mo ko kinakausap. People misinterpret that for arrogance but I know myself better and I call it a manifestation of my being an introvert. Walang basagan ng trip. Eh sa allergic na talaga ko sa tao, anong magagawa niyo?
‘Yung pasaherong nagtikol? Hindi ko talaga siya mapapansin kung hindi lang siya nagpapansin. Una, kinuha niya ‘yung basyong bote ng C2 na pagulung-gulong sa sahig. Tas biglang palinga-linga sa iba pang pasahero. Lingon sa harap, lingon sa likod, lingon sa gilid. Halatang may binabalak na masama. Naisip ko nga, baliw kaya ‘tong lalakeng ‘to at sobrang paranoid sa mga kasama niyang pasahero? Hindi pa nakuntento sa kahina-hinalang kilos at bigla pang itinalukbong ‘yung pulang kurtina.
Hindi ko alam kung nagbubulag-bulagan lang ‘yung ibang pasahero o talagang wala lang talaga silang pakialam pero napansin ata nung konduktor ‘yung kakaibang ikinikilos niya kaya biglang nag-ronda at tumingin kunwari ng mga basura sa mga bakanteng upuan. Kasabay ng papalapit na pagdating ni Kuyang Konduktor kay Michael Jakol eh siya namang biglang pag-uumayos ng huli.
At nang makaalis na ang konduktor eh muling pagsasakatuparan ng itim na balak ni Michael Jakol. Itinakip niyang muli ang pulang kurtina sa kanyang sariling pagkakahumindig. Sa puntong iyon, alam ko na ang karumal-dumal na krimeng binabalak niyang gawin. At hindi nga ko nagkamali. Dahil habang umaalug-alog ang sasakyan sa tulin ng pagmamaneho ng drayber, siya rin namang pag-igtad ng lalake at pag-taas baba ng kurtinang nakabalot sa katauhan niyang Boy Bastos.
Naisip ko na lang. Wala sigurong pambili ng condom ang lalakeng jakolero kaya sa bote na lang ng C2 naghasik ng lagim. Kung nagtanong sana siya eh di sana binigay ko na lang sa kanya ‘yung reserbang Frenzy sa wallet ko.
Ganito na ba talaga kahirap at kalibog ang mga tao sa Pilipinas?