Showing newest posts with label boredom killers. Show older posts
Showing newest posts with label boredom killers. Show older posts

Alay Para sa Katabi Kong Piping Binibining Bakat ang Panty sa Computer Shop


Darating ang panahon na babalikan mo ang lahat ng kashitang ginawa mo at mapagninilayang puro nga walang kakwenta-kwentang shit ang idinura mo sa pagbuo ng iyong sariling pagkakahumindig.

Eh ano ngayon?

Wala kang dapat pagsisihan o ihingi ng tawad dahil sa lahat ng kashitang ginawa mo, nakamtan mo ang dalawang bagay na malamang sa malamang eh hindi mo araw-araw nakikita:

Ang mabuhay nang malaya at maging masaya.

P.S.

'Yung kulay pink na panty mo miss, luluwa na. Alam mo bang mag-e-emo post dapat ako ngayon pero takte, mahirap mag-concentrate sa mga panahong pinandidilatan ka ng tukso.

Sapagkat ako'y isang tao lang na nadadarang at natutukso din.

Lunok nang malalim.

Wifi


Sa susunod na papasok sa isang mamahaling restawran para mang-umit ng libreng Intarnetz:

1. Siguraduhing fully charged ang baterya ng laptop para hindi ka mabitin sa pagba-bloghop.

2. Magdala ng listahan ng mga kung anu-anong shit na ida-download para hindi nabablangko kung anong website ang pupuntahan pagdating sa restawran.

3. Wag maging palangiti sa mga waiter at waitress para hindi mapagkamalang mabait ka at magbibigay ka ng malaking tip pagkatapos mong kumain.

4. Sumimangot at ipakita ang kagaspangan ng pag-uugali sa mga serbedora para tantanan ka na sa paulet-ulet at nakakarinding tanong na "Sir, may kailangan pa po ba kayo?" at kung anu-ano pang variation ng tanong na 'to.

5. Namnamin ang bawat hibla ng manok na binudburan ng isang botelyang harina, hatiin sa isanglibong piraso ang pizzang nagmukang minatamis na panghimagas sa sobrang dami ng pinya, paikutin nang paikutin sa tinidor ang pasta, at wag ubusin ng isang lagukan ang isang baso ng Sprite para makatagal sa pag-Iintarnetz.

6. Wag igagala ang paningin sa kung saan-saan at umismid sa mamang malaki ang katawan para hindi mapagkamalang naghahanap ka ng ka-M2M.

7. Umupo sa pinakasulok, yung hindi ka matatanaw ng kahit na sinong kupal, para hindi ka mapagkamalang litratistang kumukuha ng piktyur ng mongoloid na pamilyang pati walang kakwenta-kwentang loob ng restawran eh ginagawang extension ng tourist spot.

8. Siguradahing may mga magagandang chikas na nagpapa-presko ng kepyas sa loob ng restawran bago ipasok ang tite pumasok para hindi madisappoint kung saka-sakaling puro mga gurang at babaeng tinubuan ng tiyan ang mga bilbil ang makakasama sa loob.

Saging na Sabang Double Up


John Prats: Pwede pong magtanong?
Tindera ng yosi: Ano yun?
John Prats: Di ba po ang pinaikling tawag sa sigarilyo eh “yosi”?
Tindera ng yosi: Oo.
John Prats: Sa tingin niyo po, bakit po siya tinawag na “yosi”?
Tindera ng yosi: Hindi makasagot.
John Prats: Kung ang pinaikling tawag po sa sigarilyo eh yosi, ibig bang sabihin na ang pinaikli ring tawag sa sigarilyas eh “yasi”?
Tindera ng yosi: Nagulumihan na.
John Prats: Kapag po ba nilipat ko sa kabilang kamay ko ‘tong yosi, ang tawag po ba dun eh “second-hand smoke”?
Tindera ng yosi: Gusto nang hakutin ang paninda at manood na lang ng Wowowee sa bahay.

Biglang sasabat ang usisera sa likod ng artista. Magpapabibo sa kamera dahil napag-alamang makikita ang karakas niya sa telebisyon pag nagkataon.

Usisera: Oo, second-hand smoke ang tawag dun.
John Prats: Bakit po?
Usisera: Kasi nga nilipat mo ‘yung yosi sa kabilang kamay mo. Kaya second-hand smoke.

Naniniwala akong ang mga Pilipino eh maalam at likas na matatalino. Naniniwala akong kaya nating makipagsabayan sa mga Kanluraning bansa pagdating sa paglinang ng sariling kaalaman at ang tanging lamang lang nila satin eh ang bahagyang tatas nila sa pagsasalita sa wikang Ingles at ang bahagya ring haba ng tite nilang maugat ng mga dalawang pulgada. Give or take.

Pero maaari mo bang ipaliwanag sakin kung paanong naging depinisyon ng second-hand smoke ang paglipat ng sigarilyo sa kabilang kamay mo?

At bigla kong naisip na sa lalim ng bahang dulot ng buwakanginang Ondoy at Pepeng, hindi malayong naanod din ng tubig-baha ang kakayahang mag-isip nang maayos ng karamihan sa mga kababayan natin.

Found: Floating cranium on the nearby Pasig River.

N.B. Sa lahat ng mga nagtatanong kung tuluyan na bang tinangay ni Pepeng si Lio Loco patungo sa kung saan mang baybaying puno ng mga Intsik behong nilalang, ikinalulungkot kong ipaalam sa inyo na bukod sa bahang hanggang paang nang-trip lang sa pinagkukutaan ko eh mabuti-buti't naghuhumindig pa rin naman ang tite ko sa lamig.

Pasalamat na lang at hindi kami napabilang sa kalunus-lunos na estadistikang walang humpay na iniuulat sa TV Patrol at 24 Oras. Hmmm...mukang matatagalan pa ang muli kong pagbabalik sa pukenginang Maynila. Yay?

Para sa mga gustong mag-repack ng relief goods pero malayo sa Sagip Kapamilya at Kapuso Foundation, isang muling pagpapaskil:

Please donate to RED CROSS via SMS: text RED (SPACE) (AMOUNT) to 2899 (Globe) or 4483 (Smart). The service accepts the following amounts: 10, 25, 50 and 100 (pesos). Php 2.50 shall be charged for every SMS sent. TRANSACTION FEE IS NOW WAIVED. Feel free to spread the word.

Mas okey nga naman 'to kesa malaman ang kung anu-anong shit ni Marian Rivera sa 2366.

Dickhead


Alam mo ba 'yung salitang "dickhead"?

Eto 'yung pang-asar na term na ayaw mong itawag sa'yo kasi nangangahulugang isa kang stupid, asshole o motherfucker bastard na punumpuno ng kung anu-anong shit.

Pero, alam niyo bang meron talagang nilalang dito sa mundong ibabaw na muka talagang "dickhead"?

Kaya naman sa susunod, mag-ingat sa pagbanggit ng pang-asar na 'yan sa kaaway niyo kasi malay niyo, sa kabilang ibayo pala eh meron nang nasasaktan sa "dickhead" term na 'yan.

At malamang sa malamang, ang nasaktang nilalang na 'yun eh kalmadong nagpapa-alsa lang ng yagbols sa isang swimming pool, nilalasap ang malamig na hampas ng tubig na may chlorine sa tite niyang maugat.

Dickhead!
Okey, wala pa ko sa sariling katinuan. Sa puntong ito, inaamin kong lulong pa rin ako sa HunterXHunter, House, at CSI pirated dibidi. Saka na ang matinu-tinong post. Dickhead!

Wingardium Leviosa


Kilala mo si Emma Watson?

'Yung batang kulang sa gugo ang anit, hindi nagsusuklay ng makapal na buhok, at may ngiping kasing laki ng kay Doding Daga sa Harry Potter movie franchise?

Habang nakapila sa Mini-Stop kanina para pakainin ang mga bulate kong over-acting, napagawi ang mga Intsik beho kong mata sa magazine stand na malapit sa counter. At doon, sa bagong issue ng OK! Magazine ko nasilayan ang alindog niyang nag-uumapaw...

Eto na siya ngayon.


Sino bang boypren ng magandang binibining 'to? Wala? Hmmkei...Walang pagtututol ko nang inaako ang responsibilidad.

Aminin mo, sumikip ang boxer brip mo di ba?

*Obyus na lasug-lasog pa rin ang kukote ko sa pag-ra-rush ng freelance saydlayn artikols. Saka na ang matinong kabalahuraan. May utang pa kong inuman shit post kay Yas na nakalunok ng megaphone. Hahaha! Buset.

[Blangko] Insert Coin Here


Pagkatapos mag-withdraw ng dose mil sa ATM (Yabang mong gago ka! Kelangan mo pa bang banggitin 'yun? Ulol! Oo, mayabang talaga ko. May angal ka? Haha!) para ipamudmod sa mga bagay-bagay at taong nangangailangan tulad ng buchog na land lord kong halatang tigang na tigang sa sekslayp dahil hindi pinagbibigyan sa kama ng hawt niyang asawa, ng buwakanginang credit card bill na nagpapahirap pa lalo sa kalunus-lunos nang estado ko sa buhay, ng sustento ng pensyonadong ina ko (Anak, kumusta ka na? [insert three-liner buladas here] Nga pala anak, 'yung allowance ko naipadala mo na ba?), ng pang-load ng utol kong adik sa text at magpasahanggang ngayon eh hindi pa rin nagkakatrabaho maski na lisensyadong inhinyera na, at ng gusgusing taong grasa sa overpass ng España, tutok na ang dalawang malalim na mata ko sa kuwadradong monitor ng kompyuter.

Ang haba ng intro, tangina mo! Inamorin!

Lilinawin ko lang.

Hindi ako naghahanap ng backstroke fucking ni Maria Ozawa at magpasahanggang ngayon, sa dinami-dami na ng napanood kong pang-Oscar at pang-Cannes performances na ginampanan ng magaling na Japanese-Canadian bomba star na hawig ni Angelica Panganiban (Hindi mo ba napapansin? Parang effortless na ang pag-acting ni Maria Ozawa sa mga vid niya? Parang natural na natural 'yung anasan at pag-halinghing niya? 'Yan ang tinatawag na professionalism. Ha!), hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang posisyon ni Maria Ozawa sa backstroke fucking na 'to.

Para sa mga hindi nakakaalam, sumasaydlayn ako sa Intarnetz bilang freelance writer na nagsusulat ng kung anu-anong shit para sa iba't ibang website tulad halimbawa ng Basic Pointers Before Enrolling in a Skiing Course o di kaya naman eh How To Be A Snowboard Instructor in Three Easy Steps.

I know.

Boring ang trabahong 'to at kung papipiliin akong tumuwad sa ikaapat na palapag ng hellish dormitoryong pinagkukutaan ko para ipakita ang tumbong ko sa lahat ng taong tumatawid sa Ped Xing ng España o magbabad maghapon sa Intarnetz para tumipa ng kung anu-anong shit na hindi ko naman talaga gustong isulat in the first place eh wala sa dalawa ang pipiliin ko.

Ano ako, ulol na exhibitionist? Huhlolz!

Pero malaki ang bayad sa pagsusulat ng kung anu-anong shit na tulad nito at kahit na okey naman ang pasahod sakin sa putahan bilang call center pokpok, ginusto ko pa ring sumaydlayn dahil merong mga bagay na hindi mo naman talaga kelangan pero gusto mo pa ring bilhin kasi gusto mo lang. Luho ang tawag dun.

Kaya nga nadatnan mo 'kong nakasalampak ngayon sa harap ng nakaka-cancer (?) na kahong 'to imbes na magpahangin ng tite at bayag sa aircon ng SM at mang-spot ng mga chikas na luwa ang kaluluwa dahil kelangan kong tapusin ang sampung artikulong malayo sa hinagap kong maisusulat ko pala nang walang kaabug-abog.

Correction: Maaari kong maisulat.

Dahil maski limang oras na 'kong nakatanghod sa Intarnetz eh wala pa rin akong natatapos ni isa man lang artik na naglalaman ng kahindik-hindik na topic tulad ng payroll service, online payroll system, at payroll service provider. Oo, puro walang kwentang shit at paulit-ulit na topic ang isusulat mo pero ganun talaga. Hindi ka babayaran sa galing mong magsulat halimbawa ng pantasya nobelang makapagpapataob sa The Lord of the Rings o The Chronicles of Narnia kundi sa galing mong magtagpi-tagpi ng makabuluhang sanaysay tungkol sa online payroll system o skiing course. Maliban na lang kung ikaw si J.K. Rowling.

At hindi obyus na frustrated fantasy novel writer ako.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa puntong ito, maski na anong piga ang gawin ko sa ilang kilong karneng nakapaloob sa gifted skull ko eh wala talagang creative juices na lumalabas. Mahirap pala talaga magsulat nang hindi mo gusto ang isinusulat mo. Para kang tinututukan ng baril sa sentido para gahasain si Madame Auring at pagkatapos eh sekon round naman kay Mystica. Wag na nating isali si Aling Dionisiang balak mag-artista.

Na itinuturing kong signos na malapit nang magunaw ang mundo.

Tanginang yan. Ano na ba kasi nangyayari sa sangkalawakan ngayon? Bakit kung sinu-sinong pulpol na muka na lang ang isinasalpak sa pinilakang-tabing para pasikatin? At utang na loob, kelan pa naging form of entertainment ang pagmumuka ng ballroom dancer na mama (binibigkas sa paraang maragsa) ni Manny Pacquiao? Puta, kung ganto rin lang ang kalakaran, sige. Talu-talo na. Kakalimutan ko na lang ang pangarap kong maging CPA at hindi na lang ako magpapakipot sa mga offer saking mag-artista. Lololol!

Pansin mo? Ambilis kong tumipa ng kung anu-anong shit kapag free-flowing ang idea. Kapag hindi pilit at kapag lalong gusto mo ang isinusulat mo. Sana talaga parang blog na lang ang pagsusulat sa saydlayn ko. Pero ayos lang. Meron pa kong isang rest day para tapusin ang sampung payroll ekek topics na pinapagawa sakin.

In the mean time, kelangan ko munang i-enjoy ang rest day na 'to. Red Horse, my love, cum to Papa!

Ahm...Bossing, alam kong lage kang dumadaan sa kuta ko. 'Wag ka sanang magalet. Tatapusin ko rin 'tong mga artikols mo sa takdang panahon. Sa deadliest deadline na binigay mo. Pramis 'yan. Mamatay man ang sperm cells ni Maldito.

Because I work best when I procrastinate and I orgasm with creative juices when pressured.

P.S.

Wag mo kong tanungin kung sino si Bossing. At wag mo rin akong kulitin kung pano maging isang freelance writer at kung magkano ang kinikita ko sa pagsusulat ng kung anu-anong shit na 'to. Andyan ang Intarnetz. Mag-Google ka, batugan.

*Photo Credit: www.macmcrae.com

Ayoko Pa Rin Ng Peysbuk


Alam mo 'yung mga katatawanang pinoporward sa'yo sa email? 'Yung kung minsan sa sobrang dami eh hindi mo na pinagtiya-tiyagaang basahin at dinedelete mo na lang dahil marami ka pang kung anu-anong shit na dapat pagkaabalahan?

May natanggap na naman ako kanina mula sa kung sinong far-flung friend from the cool and zigzaggy mountains. Idedelete ko na sana kasi hindi ako mahilig magbasa ng porwarded emails pero iba 'to eh. Medyo nakiliti ng konti ang pototoy ko. Share ko lang senyo.

Pano nga kaya kung may Peysbuk account ang mga bayani natin noon? Hmmmm...

Isa lang masasabi ko - at 'yun ang taytol ng blog post na 'to.

Paki-click na lang po 'yung screenshots para mabasa nang maige ang kung anu-anong shit na nakapaloob dito.


*N.B. The author does not claim credit nor ownership to the aforementioned pictures. Again, these were just forwarded emails. Should you wish to be recognized as one from whom these spoofs came from, please do contact the blog author for proper credits. Appropriate evidence as to proof of ownership is, of course, expected.

Wet Dreams


Joke time muna tayo.

A rooster and a cat were seen going over the bridge together. All of a sudden, the cat slips and falls into the river. The rooster can't stop laughing.

Moral of the story? Whenever there's a wet pussy, there's a happy cock.

Nyahahahaha!

Hindi ka natawa? Hmmkei. Either pinanganak kang naiwan sa puke ng ina mo ang sense of humor mo o sadya lang talagang wala kang kahilig-hilig sa mga luntiang patawang tulad nito.

Ahm...Father Yas, mangungumpisal na po ule ako sa parokya mo. Lol!

Ba't ba kasi puro kabastusan kabasaan ang laman ng kukote ko ngayon? Takte. Eh ikaw ba naman ang magkuta sa Españang bahain, tingnan lang natin kung hindi magmistulang "wet pussy" ang dating mo niyan.

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pukenginang kulog at kidlat at walang humpay na tulo ng ulan. Tae. Ba't ba lage na lang nagagamit ang mga salitang may double-meaning dito? Pasado alas dos ata nun nung bigla akong napabalikwas sa kama dahil akala ko may nakapasok na sa kuta ko para mag-photo shoot magdamag sa sobrang dami ng blinding flash sa hellish dormitory.

Sa puntong iyon, naisip ko bigla si Sarah Geronimo at ang kauna-unahan niyang sexy photo shoot sa FHM Magazine. Ang theme? Naughty colegiala sneaks into some all-guy's dormitory to have some fun.

Sarah G: [in skimpy FHM pictorial outfit] Hey there, boy. Wanna have some fun?
Lio Loco: [Bagong gising. Nilamukos ang mata at pinitik ang bayag para masiguradong hindi nananaginip.]
Sarah G: [Pumupungay-pungay ang mata] What's your name, Lover Boy?
Lio Loco: [Titingin sa kaliwa't kanan para masiguradong siya nga ang kausap ng babaeng gusto niyang anakan ng tatlong beses.]
Sarah G: [in a sultry, sexy voice] You make me go oompah-oompah...[kung anuman ang ibig sabihin ng oompah-oompah eh sa akin na lang 'yun.]
Lio Loco: [Wala pa ring masabi. Na-ooverwhelm sa presensiya ni SG.]
Sarah G: [Lalapit sa kama. Ilalapat ang mga kamay sa dibdib ni Lio Loco at pagkatapos eh dahan-dahang hihimasin ito.] Meoooowww...
Lio Loco: [Wala nang pakiyeme-kiyeme. Pagkakataon na 'to] Ngeyooooarrrrr!!!

Ulol. In your wet dreams.

Dahil ang photo shoot flash bulbs palang inaakala ko eh puro kidlat from outer space na may kasama pang maka-urong bayag na mga kulog. Oo na. Inaamin kong hindi ako masyadong tunay na lalake pagdating sa pakikipagtuos sa makabulag-titeng kidlat na 'yan. Ampotah. Ikaw ba naman ang tamaan ng isang giant spark from kalawakang kasing-init ng 30,000 degrees celsius, ewan ko lang kung hindi matusta ang bayag mong kulubot.

Trivia lang.

Alam mo bang ang nakakatakot na kulog eh dulot ng pagtama ng mas nakakatakot na kidlat sa ating katakut-takot na atmosphere? Okey payn. Hindi obyus na sobrang takot talaga ko sa kulog at kidlat. Dahil sa sobrang init ng giant spark na 'to eh nag-eexpand ang hanging natatamaan ng kidlat na siyang lumilikha ng shock wave na tinatawag nating kulog. 'Yun nga lang, medyo huli nating naririnig ang kulog sa kidlat because light travels way faster than sound. Comparison: 300,000,000 miles/second kontra 343 miles/second.

Salamat pala kay Pareng Wikipedia para sa walang kakwenta-kwentang impormasyong 'to. Haha.

Sa mga panahong tulad nitong walang humpay ang pagbuhos ng ulan, asahan mo nang bukas pagkagising mo eh nailipat na ang tubig ng Laguna de Bay papunta sa España, Maynila dahil sa sobrang lalim ng tubig-baha. Magkakagulo na ang mga tarantang tao sa paglikas ng kung anu-anong shit at mga batang hubad na masayang nagbabackstroke sa kahabaan ng Españang punumpuno ng kung anu-anong shit, mentras magkanda-inum-inom na sila ng tubig-bahang hinaluan ng kung anu-anong shit.

Eeeew to da highest lebel.

Sa puntong ito, wala ka nang ibang magagawa kundi tumunganga sa bintana at mag-abang ng mga chikas na stranded at patili-tili kapag natitilamsikan ng tubig-bahang pinakuluan sa kulantro. At gustuhin mo mang bumaba mula sa pagkakasalampak mo sa ikaapat na palapag ng hellish dormitoryong pinagkukutaan mo para alalayan si Miss Gandang Malaki ang Boobs, mas pipiliin mo na lang na ipaubaya sa mga tambay-kanto ang pag-tsansing pag-alalay dahil naalala mong mahirap palang magka-leptospirosis ngayon.

At dahil nga lahat ng pwedeng mapagkainan eh nalimas na ng tubig-baha, pagkakasyahin mo na lang ang sobrang kamahalang cup noodles na ibinebenta ng land lord niyong sugapa sa pera't magpapaka-Koreanong hilaw habang chinochopsticks ang Jjampong noodles with matching kupal sayaw from Third World hell. Dahil kumakalam na ang sikmura mo't nananakit na ang puson mo kakatingin sa mga estudyanteng bitches na nakatungtong sa kung anumang pwedeng tuntungang di abot ng kadiring baha.

Pati nga appointment ko (Naks! Appointment my ass!) eh kinailangan ko nang i-cancel dahil wala namang pwedeng masakyan. Di bale sana kung ako lage ang sinasakyan. Huhlolz! Paumanhin po ule Fr. Yas. Bigyan mo na lang kasi ako ng holy wine sa kumbento niyo at nang matigil na 'tong Boy Bastos na 'to. Lololol!

Haay, buhay nga naman. Kahirap talagang mamuhay dito sa Maynila. Kung hindi ka madiskarte, uuwi kang kulu-kuluntoy ang pagmumuka. Kung hindi ka sanay sa mga kung anu-anong shit dito, hindi ka talaga sisikatan pa ng araw. Kaya sige lang. Makipagpatintero lang hangga't kaya. Pasasaan ba't matataya rin 'yang pukenginang 'yan. No bounce, no play.

Mabuti na lang talaga day off ko ngayong araw na 'to.

*Photo credit: www.linophotography.com

Datkom?


Tangina! Nilalapa na naman ako ng pagkaganid ko sa pagba-blog.

Nabigyan lang ako ng konting break (kasi nga hindi na ko nagrereview), bigla na namang umiral 'tong pagkamalikot ng mga daliri ko sa pagtitipa ng kung anu-anong shit. Ano ba talagang gusto kong mangyari sa buhay ko? Maging motherfuckin' blogger for eternity o maging CPA?

Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre 'yung mas madale. 'Yung mas masaya. 'Yung mas maaksyon. To be a motherfuckin' blogger for eternity without batting an eyelash.

Haha. Joke lang. Gusto ko pa ring maging bigatin siyempre. 'Yung tipong magpapataasan kayo ng ihi ng kung sinumang talipandas diyan tas patay-malisyang tatanungin sa'yo san ka nagtatrabaho para itanong mo rin sa kaniya san siya nagtatrabaho at kung magkano ang ibinabayad ng kumpanya niya sa bayag niyang inutil at sasabihin niya sa'yong higit trenta mil kinikita niya sa isang buwan at wala pa siyang masyadong ginagawa nun kundi humilata at putangina mo hindi ko tinatanong manahimik kang kupal ka tangina mo ule.

Tapos mapapahiya na lang siya pag nalaman niyang CPA pala ang hinahamak niya. Haha. Yeah, hindi obyus na meron akong pinaghahandaang ingudngod sa mabahong putikan in the near future. Jokeness.

Mag-iisang linggo na rin palang buhay 'tong bulagspot na 'to mula nang maisipan kong i-delete ung www.thessddboy.com nang walang kadahi-dahilan. Kasi trip ko lang magpaka-emo. Tanga. Eh di dahilan pa rin yun. Pakyu, I mean 'yung matinong dahilan.

Pati 'yung Friendster ko na kaisa-isang social site na pinatulan ko noon, binura ko na rin sa makamundong malawak na sapot. Wala lang. Napagdiskitan ko lang nung mga panahong emo mode ako.

Anyway, back to my bulagspot. Bukod sa mangilan-ngilang taong (dalawa lang, akshuli) pinagsabihan kong dinelete ko na 'yung datkom at muling tumambay sa squatter's area ng Bulagspot, wala nang ibang nilalang ang nakakaalam ng bagong URL na 'to. Sinadya ko talagang wag ipaalam dahil sawang-sawa na ko sa pagiging isang blogger celebrity.

Ulol. Anong tingin mo sa sarili mo, sikat? Not much. Lol!

Char. Ang totoo niyan, sinadya ko talagang wag ipagkalat ang bagong domain kasi ayoko muna ng maraming blogger. Ayoko munang makakita ng mga comment na magsasabing "Kumusta ka na? Anong nangyari sa'yo? Buhay ka pa pala!" yadda yadda shitnitz. Ayokong makabasa ng mga pang-aalipusta at half-meant "Hindi ka nag-iisa!" clusterfuck. In short, gusto kong as much as possible, low profile muna.

Pero mukang di na mapipigilan. Heck, si xG nga (Na krasness ko pa rin. Haha! Ang landi ng puta!) na hindi ko sinabihang lilipat na 'ko eh biglang naligaw na rin ng landas dito. Haha! Hindi naman sa pinagdadamot ko ang mga putak-utak ko rito. Ang sa akin lang, ayoko muna talagang sabihin dahil hindi pa ko sigurado kung mamementena ko 'to tulad ng dati.

Masipag lang akong dumura ng laway ngayon sa Intarnetz dahil nga wala muna kong rebyu-rebyuhan. Eh pano kung dumating na 'yung takdang araw para lumisan ule ako sa buladasphere at mag-focus na sa "totoong review"? Eh di 'yung mga naligaw ng landas na naman ang magiging kawawa pag nagkataon. Mag-aabang sa wala.

Pressure kaya 'yun.

Kaya nga pinag-iisipan ko ring maige kung idadatkom ko na 'to o hahayaan ko munang maging hampas-lupang nakadikit ang stillssdd sa [dot]blogspot[dot]com hangga't hindi pa ko tuluyang nagbabalik-loob. Eh ang kaso, umiral na naman ang putanginang premium datkom blogger ego ko. Nasanay na kasing jakolero datkomero noon kaya ngayon, hinahanap-hanap na ang sariling domain.

Wag na muna siguro. Tingnan natin sa mga susunod na araw. At tulad ng pangangati ng mga daliri ko sa pagtipa ng kabulastugan, parang nangangati rin 'yung bulsa ko sa pagbili ng bagong laptop.

Tangina ka. Laptopin mo muka mo. Masisira ang kinabukasan mo diyan pag nabili mo na 'yan. Malulusaw na pangarap mong maging CPA. Gusto mo 'yun? Gusto mo 'yun.

Oo, hindi obyus na nakikinig ako sa Wild Confessions ni Papa Jack gabi-gabi.

Ito ang nagagawa ng masyadong maraming oras. Tangina! Makapaglakad-lakad na nga lang sa Recto at baka makatisod pa ko ng kolehiyalang malaki ang boobs.

Oo na. Weakness ko na ang mga Dabiana boobs.

Fuckin' Once in a Gawddamn Blue Moon


Wala nang paliguy-ligoy pa. Eto na ang pinakaiintay na update ng mga miyembro ng Lio Loco Pans Klab na sabik na sabik na sa katas kabalahuraan ng nag-iisang bastard blogger ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan. Tatlumpung bagay na napagtanto ng may-ari ng walang kwentang kutang 'to habang wala sa blogging limelights at bisi-bisihan sa buwakanginang pagrerebyu bilang Certified Pekpek Arouser Certified Public Accountant wannabe.

Umpisahan na ang bilangan. Walang kinalaman ang bilang sa kahalagahan ng kabalahuraang nabanggit. Random spurts lang ang mga 'to. Fresh from the ranting oven. Feast on, maggots.

1. Hindi sukatan ng pagkatao ang pagkakapasa sa Board Exam. Ang totoo niyan, hindi mo naman madadala ang titulo mo pag tinengga na ang formaline-intoxicated cadaver mo sa lupang anim na talampakan ang lalim. True, you will be remembered by what you taught, not by what you learned; by your signifance, not by your success. But a life that matters is also a matter of choice, not of circumstance. Kaya nga minsan, it's nice to know you chose to dream and aspire, than to be stagnant and stale.

2. Alam mo ang pagkakaiba ng nilalang na may kabuluhan sa wala? 'Yung una, may pangarap sa buhay at alam kung san papunta. 'Yung huli, kuntento na sa life cycle na humihinga-umeechas-nagjajakol-mamatay nang walang saysay at hawak pa rin ang bayag na walang kasing inutil. Hindi alam kung anong purpose sa mundo.

3. Kung ikaw 'yung una, well and good. Binabati kita sa direksyong tinatahak mo. Ituturing kitang ka-wavelength ko at hindi ako magsasawang purihin ka sa desisyon mong maging iba. Eh pano kung ikaw 'yung huli? Putangina! Napakahalaga ng buhay para tratuhin mo 'tong parang brip na may tae lang -- huhubarin-lalabhan-isusuot nang wala man lang kadahi-dahilan. Idonate mo ang atay mo. Ang apdo. Ang balun-balunan. Ang mata. Ang sex organ. Lahat ng pwedeng pakinabangan sa'yo at nang sa gayon eh hindi ka naman mamatay nang wala man lang nagawang kapaki-pakinabang sa mundo. At kung ikaw eh in-between sa kasalukuyan? Okey lang 'yan. Maige na 'yung sinisimulan mo nang hanapin ang puwang mo kesa mapabilang ka sa napakalaking estadistika ng mga naglipanang hollow men.

4. Ang oras eh isang konseptong napakahirap arukin at hulihin. Maaaring sobra-sobra 'yan o napakaliit para hawakan mo. Depende sa kung saan ka nabibilang sa naunang talata. Ang masasabi ko lang, gawin mo ang pwedeng gawin. Subukan ang hindi pa nasusubukan. Tuparin ang mga nakalimutan nang gawin. Hindi habambuhay meron ka niyan. Kung patuloy mong isasantabi ang mga wish list sa kukote mo dahil sa rationalizationg bata ka pa at marami ka pang oras para tuparin 'yan, hindi malayong poreber na ngang maging wish list 'yan para sa'yo.

5. Por eksampol, kung pangarap mong maging CPA, dikdikin mo ang sarili mo sa pagkamit ng pangarap na 'yan hanggang sa maprogram na ang subconscious mong gusto mo ngang maging CPA. Mahirap? Parang imposible? Maraming nakasanayang babaguhin at iiwan? Pwes, magtiis ka. Walang sarap ang hindi dumadaan sa hirap. No pain, no gain.

6. Mahirap pagsabayin ang review sa work. Pero gaya nga ng sinabi ko, kung gusto mo talaga ang isang bagay, meron at merong paraan para matupad 'yun, gaano man kadugo. Sa kaso ko, kinalimutan ko pansamantala ang buhay blogger ko, ang pagkahumaling ko sa PSP, ang paglaklak ng serbesa hanggang sa tamang lasheng na, ang social life kong nagmistulang baradong kanal na. Take note: Pansamantala is the operative word.

7. Maraming importante sa listahan mo. Pero dun sa listahang 'yun, may mga bagay pang mas importante run sa importante. 'Yun ang unahin mo. Kumbaga sa kumpanya, mag-cost cutting ka. Alisin ang pwedeng alisin. I-trim down ang pwedeng i-trim down. Recession ngayon. May pukenginang A(H1N1) pa!

8. Kung gusto mong pumasa sa Board exam, higitan mo ng isangdaang porsiyento ang kakayanan mo. Parang si Taguro lang ng Ghostfighters. Ano ang ibig kong tumbukin? Kung gusto mong pumasa, wag mong isaksak sa kukote mo ang mithiing papasa ka lang. Dapat ang goal mo eh magpi-place ka sa Board. Dahil sa teleserye ng totoong buhay, madalas sa madalas eh mas mababa pa sa minimithi mo ang makakamit mo kalaunan. Kaya kung ang preparasyon mo eh magpi-place ka sa Board, garantisado - papasa ka. Kung ang goal mo naman eh papasa ka lang? Ihanda mo na ang sarili mo sa malaking posibilidad ng pag-retake. Kumbaga, meron kang buffer. May allowance sa mga unavoidable risks.

9. Wag kang magti-take ng Board exam kung hindi ka pa handa. Wag mong sabihing iti-take ko na lang just for the heck of it. Hindi 'yan seks na pwedeng ulit-ulitin. Pagkatapos ng ikatlong retake (para sa CPA Board; hindi ko lang alam sa iba) at hindi ka pa rin pumasa, babalik ka ule sa muling pag-aaral ng mga napag-aralan mo na. 'Yun eh kung may napag-aralan ka nga talaga.

10. Kung sa ikatlong retake eh hindi ka pa rin pumasa, utang na loob mag-iba ka na ng linya ng trabaho. Hindi para sa'yo ang pagiging CPA (o kung anupamang propesyon 'yan). Mag-apply kang dishwasher sa pinakamalapit na karinderya. Kumpetensyahin mo ang lalakeng lageng nakakalimampiso kada sigaw sa bawat daan ng bus sa Ayala. Gawin mong saydlayn ang pagmamascot kay Jollibee. Dahil ang ikalawa o ikatlong beses na pag-uulit ng eksam eh nangangahulugang isinusuka ka na talaga ng propesyong gusto mong mapabilang ka. Gusto mo ang propesyon. Ayaw ka ng propesyon. Cannot be. Borrow one from three.

11. Pressure sa lahat ng mga nakakakilala sa'yo ang mag-take ng Board. Pero 'wag kang padadala. It's all in the mind. Wehno ngayon kung alam ng buong barangay sa probinsiya niyong magti-take ka ng Board dahil ibinida na ng taragis na nanay mo sa buong kalawakan? Gawin mong challenge 'yun para magpursige ka pa lalo sa pagrireview mo. And if worse comes to worst at hindi ka nga pumasa? Ilang araw ka lang namang mainit na balita sa lugar niyo. Kapalan mo na lang ang muka mo at wag kang umuwi sa probinsiya niyo nang ilang buwan hangga't walang bagong anak ng kapitbahay niyong hindi pumasa sa Board para pagpiyestahan.

12. Mahirap pagtuunan ng pansin ang tatlong oras na lecture laway na ipinamumudmod sa'yo ng reviewer anim na beses sa isang linggo kung ang nakapalibot sa'yo eh puro mga babaeng kung hindi labas ang isang balikat dahil sa di mo maintindihang porma ng blouse (nakalaylay nang pagkababa-baba ang isang manggas) eh naka-mini-skirt nang pagkaikli-ikli. Daig pa neto ang panonood ng Maria Ozawa porn dahil ga-hintuturo lang ang layo sa'yo ng tawag ng laman. Huhlolz!

13. Magandang negosyo ang review center. Sa conservative estimate halimbawa ng isanglibong nilalang na magbabakasakaling masungkit ang pinakaaasam-asam na tatlong titik na titulo (hindi PAL na tumutumbok sa dinaglat na "PALamunin ng nanay at tatay"), garantisado na ang sampung milyong pisong kita mula sa mga isanglibong ambisyoso't ambisyosang reviewees na nabanggit.

14. Hindi pa kasama riyan ang kita sa pagbebenta ng kanipis na kunwa-kunwariang tuna-slash-chicken sandwich sa canteen na nagkakahalaga ng bente pesos at iba pang chichiryang mabibili mo sa labas ng limang piso pero ibebenta sa'yo ng sampung piso sa review center.

15. Pati na rin pala sa royalties na makukuha nila mula sa book stores para sa Accounting books na kinopya-idinikit mula sa ibang foreign review materials at di malao'y aangkinin-tatawaging akda nila. And then you thought plagiarism does not abound in the academe. Tsk tsk.

16. Hindi porke sinabi sa'yo ng reviewer niyong di ka papasa kapag bumili ka ng ilegal na kopya ng libro nila sa Recto eh hindi ka na nga bibili. Pagiging madiskarte ang pagpili ng isang bagay na mas makukuha mo nang di ka masyadong nag-eeffort o gumagastos kung pareho rin lang ang lalamanin nun. Isipin mo na lang, maski hindi talaga certified copy ang mga librong binili mo sa harap ng National Book Store sa Recto, bayad ka na sa royalties ng mga buwakanginang accounting authors-slash-reviewers na 'yan sa laki pa lang ng tuition fee mo. Oo, bumili ako ng limang librong mabibili mo lang sa Recto ng P280 kada isa (tinawaran ko ng P230, pumayag si Aling Tindera, diskarte ang tawag dun) na nakaayos naman sa mga book shelves ng NBS kasama ang tag price na P560.

17. Huwag kang bibili ng libro kung hindi mo rin lang babasahin at gagamitin sa pagrerebyu mo. Ang pagrereview sa Board exams eh hindi paramihan ng stock na libro sa kuwarto. Paramihan 'yan ng alam. Hindi ka magtatayo ng Accounting library.

18. Sa humigit-kumulang isanglibong nilalang na araw-araw mong nakakasama sa review center ng anim na buwan, nakakatatakot isiping dalawampu hanggang dalawampu't limang porsiyento lang nun ang magkakaron ng CPA license at ang iba eh uuwing luhaan sa kani-kaniyang probinsiyang plakado na ang kantang "I did my best but my best wasn't good enough." Mas nakakatakot pa kamo ang mga second- at third-time Board takers na mas maluwag na ang turnilyo at mas makapit ang suicidal tendencies. *Master Pogi tone* O hinde!

19. Sa loob pa lang ng claustrophobic review classroom niyo, maihihiwalay mo na ang mga posibleng pumasa sa wala talagang kapag-a-pag-asa. Sa pinakahuling obserbasyon ko, dalawang klase ng mga probable failers ang makikita: (1) 'Yung mga pumapasok sa classroom na parang nangholdap lang ng lunch box sa mga pre-schoolers sa sobrang dami ng baong pagkain at walang ibang ginawa kundi ngumasab lang nang ngumasab ng hamburger sa McDo, chicken meal sa Mang Inasal, Jolly Spaghetti ng Jollibee, at bun sandwich ng Dunkin' Donuts; (2) 'Yung mga mahilig sumubaybay sa The Buzz dahil walang ibang inatupag kundi makipagkyawkyawan (bagong term na napulot mula kay Miss Lenggai) lang sa katabi at iri-enact ang mannerisms ng mga reviewer kung pano sila magturo.

20. Kung tamad kang magsulat ng notes katulad ko, matuto kang makipagplastikan sa ibang reviewee maski na hindi mo sila ka-wavelength. Tapos, pag kunwari close na kayo, tsaka mo hiramin ang mga handouts na pinaghirapan niyang kopyahin sa blackboard at pagkatapos eh ipa-photocopy sa baba ng review center niyo.

21. Ano ang punto ko bat hindi ako nagsusulat habang nagsasalita si Ginoong CPA Reviewer sa harap? Simple lang. Dahil kapag sinabayan mo ng sulat ang pakikinig sa pinagdadadakdak niya sa harapan mo, magiging malabo ang pasok ng mga concepts at pointers na 'yun sa memory bank mo. You cannot serve two masters at the same time.

22. Kahit gaano kaboring ang sinasabi ng reviewer sa harapan mo at kung sa tingin mo eh mga engkanto nang gustong kang halayin ang lahat ng mga nasa loob ng kwarto dahil sa sobrang hindi mo na maintindihan ang lahat-lahat, gumawa ka ng paraan para bumalik ka sa sariling katinuan. Sampalin mo ang sarili mo. Kurutin mo ang singit mo. Lapirutin mo ang mga utong mo hanggang sa mamula. Pitikin mo ang testikols mo hanggang sa maging iskrambold eggs na. Ikaw ang talo kung walang pumapasok sa pinagsasabi ng mamang maperang nagsasalita sa harap mo dahil ang lahat ng nangyayari sa loob ng silid na 'yun eh binayaran mo.

22. Kung manyakis ang reviewer mo sa Taxation, marami kang mapupulot na green jokes na pwede mong gamitin para sampalin ka ng babaeng nililigawan mo. Sampol: If the BF smokes, the GF is prone to breast cancer. Aaminin ko. Natawa ako nang konti. Hindi mo digs? Hmmkei. Magtanong ka sa pinakamalapit na simbahan niyo.

23. Habang tumatagal, mas nagiging kapansin-pansin na ang pagkakahalintulad ko kay L. Lawliet ng Death Note. Bangag. Sabog ang buhok. Tulala. Nakukuba na. At nangingitim na ang ilalim ng mata. Madalas sa madalas, kulang na talaga ang tulog ko sa isang araw. Swerte na kung umabot 'yan ng anim na oras. Mabuti na lang talaga, hindi nababawasan ang pagka-kyut ko. Tenkyu Lord, I feel so good! Tenkyu God, I feel so glad! Every little cell in my body is well. Repeat Refrain.

24. Mag-vitamins! Dahil kelangan mo ang resistensiya ng katawan para magreview, bawal na bawal magkasakit. Sa panahon ngayong lahat ng tao eh posibleng kapitan ng lecheng swayn plu bayrus na 'yan, ang tanging depensa mo na lang eh palakasin ang immune system mo. Pero wag kang magpaka-O.A. at maglakad sa lansangang may gas mask na mukang parang nasa operating room lang. Nagmumuka ka lang tanga -- hindi air-borne ang swayn plu bayrus. I-compensate mo ang pagkukulang mo sa tulog sa pagkain nang marami. More energy, mas happy!

25. Huwag magrerebyu sa lugar na isang pulgada lang ang layo sa kama. Ang pagrerebyu eh sobrang nakaka-hypnotize lalo na kung puro numero na lang ang paulit-ulit mong nakikita. Ang pagsalampak ng tumbong mo sa malambot na kobre-kama eh senyales na ng pagtataksil ng katawan mong humiga maski na ulit-ulitin mo pang paalalahanan ang subconscious mong hihiga ka lang saglet para iunat ang mga kasu-kasuan mong namamaluktot na sa kakarebyu. Suma tutal niyan, kapag ihinilig mo saglet ang ulo mo sa unan mong namamaho na sa panis na laway, mapapabalikwas ka sa madaling araw na hawak pa rin ang lamukos na handouts.

26. Huwag matutulog sa biyahe pagkagaling sa work papunta sa review center. Ang isang oras na pagitan na biyahe eh sapat na para makulong ka sa panaginip at lumampas sa dapat na bababaan mo papunta sa review center niyo. Mahirap maglakad ng ilang kilometro dahil lang napasarap ka sa pagkakasalampak sa isang three-seater couch ng bus.

27. Paminsan-minsan, kelangan mo ring magrelaks at i-unwind ang utak mong pagal na sa kakarebyu. Lumabas ka. Pahanginan mo ang tite mo sa mga higanteng AC ng mga mall. Makipagkita por da perstaym sa mga kaututang dilang mahilig sa mantsa ng kape at tinta.

28. Ibang iba talaga ang nakikita mo lang sa piktyur at 'yung nakikita mo talaga nang personal. Pramis! Ibang iba! Nyahahahaha!

29. Masarap matulog sa loob ng sinehan kapag ang pelikulang pinapanood ng kasama mo eh isang horror movieng puro na lang bulwakan ng laway at dugo mula sa matandang may pustiso ang highlights. Kung minsan, mapapaisip ka pa nga: 'Yung direktor ba talaga ng Spiderman franchise ang gumawa nito? Lalo na kung 'yung katabi mo eh panay na lang ang tsansing sa'yo. Hindi na ko magbabanggit pa ng kung anupamang detalye at baka may mag-reak. Huhlolz!

30. Perwisyo ang rebyu-rebyuhan sa pagba-blog. Leche!

Hmmkeibye. Rebyu-rebyuhan mode na naman. Mahirap na. Baka makatakas pa 'tong pangarap na 'to. Anakngtitengmaugat talaga o!

At dahil napagtanto kong may kinalaman pala sa pangarap ang kabalahuraan na 'to, minabuti kong ikonsidera na lang 'to bilang lahok sa LLM T-Shirt pakontes ni Pareng Otep. Magcomment lang ng magcomment. Kelangan ko nung LL T-Shirt! Huhlolz!

P.S.

May libreng Transformers screening sa Greenbelt ang putahang pinagtatrabahuhan ko. Wala akong kasama. Meron pa kong isang ticket. Kung sino ang gustong sumama, pagkakataon mo na. Itaas ang kamay.

Oh yeah, sa Sabado na 'yan. Alas otso impunto ng umaga ang screening time.

Update:

Deads na pala ang Prince of Pop. Tamo nga naman ang buhay. Tsk tsk. Parang kelan lang eh napapanood ko pa sa TV ang dokyu tungkol sa batang negrong tinangkilik ng lahat at di kalauna'y lumaking Caucasian, nagpaturok ng napakaraming estrogen, at nagmukang babaeng multo sa paghahangad na matanggap ng maraming tao.

Aaminin ko, hindi ako masyadong apektado dahil hindi naman talaga ko ipinanganak sa dekadang sumikat silang tatlo nina Madonna at The Prince. Pero sa dami ng mga kantang pinasikat niya at magpasahanggang ngayon eh patuloy pa ring pinapatugtog sa mga radyo, maganda rin sigurong palutangin ang mga naiambag niya sa musika kesa sa mga kawirduhan niya tulad ng mga alleged pangmomolestiya sa mga bata, cosmetic surgery, Bubbles the chipmunk, at ang takot niyang tumandang inirerepresenta ng kanyang palasyong Neverland.

Don't tell me you've never known the Moonwalk, or the creepy Thriller video, or the Billie Jean and Beat It pop saccharines. He's not called The Prince of Pop for nothing, after all.

Para sa Lalakwe sa Bintana ng Silid Bilang 401 sa Ikaapat na Palapag ng Impyernong Dormitoryo sa España


PAUNAWA: Ang lathalaing ito eh hindi isinulat upang lantarang kutyain ang estado ng ikatlong seks sa lipunan. Don't get me wrong. Marami akong kilalang bading na matalino, kagalang-galang at hindi dapat binabastos. Walang kaso sakin kung bakla ka basta nasa tamang lugar at hindi nakakairitang kupal tulad ng lalakwe sa blog post na 'to. Muli, ang lalakwe, na nagkataong ka-dorm mate ko, sa blog post na 'to eh hindi representasyon ng ikatlong seks sa pananaw ng manunulat. 'Yun lang naman.

Isang bonggang bonggang vaklush na araw sa 'yo!

Sa mga oras na 'to, nagtataka ka siguro kung bakit wala ako sa kuwarto kong pinamamahayan ng putanginang mga surot na walang patumanggang nagpakasasa at patuloy na nagpapakasasa sa ubod ng kinis kong balat, dahilan para mamantal ang buong katawan ko nang ilang araw at di malao'y magkaroon ng buwakanginang pulu-pulutong na bite marks at skin rashes. (Oo, skin rashes at hindi galis ang tawag dun dahil isa akong class S na nilalang at hindi isang PG na kumakalkal ng pekpek basura sa España.) Ramdam ko ang pangungulila mo sa mga panahong wala kang masilayan sa katapat mong kwarto dahil nasa putahan ako't nagpapaubaya sa utos ng mga diyos-diyosang customer na naibaon na ang kukote sa kailaliman ng kanilang mga ari. Maski na wala ako sa silid ko, batid kong nakapagpapabagabag ang pagkawala ng presensiya ko at hindi ka makapag-pokus sa pagrereview dahil wala kang inspirasyong maaaring magbigay sa'yo ng nararapat na konsentrasyon.

Hindi naman dapat talaga kita mapapansin kung hindi mo ginawa ang napansin kong ginawa mo nitong nakaraang araw lang. Kung binigyan ka man ng diyos na sinasamba mo ng pagkakataong makadaupang palad akong sa tingin ko eh isang porsiyento lang ang posibilidad dahil hindi naman tayo magka-wavelength, malalaman mong allergic ako sa tao at wala akong pakialam sa walang kwentang saltik ng dila ng iba. Meron akong pananagutan sa sarili ko lamang at walang wala na sa iba pa, maapektuhan man sila ng putak ng utak ko o hindi. I live my own world, I play by my own rules. And they're not even part of it. Sa kaso mo, wala akong pakialam kung lunukin mo ng ilang beses ang laway mo at tumaas baba ng ilang ulit ang adam's apol mo sa obyus na pagnanasa sa katawan ko tuwing naghuhubad ako.

Ni hindi ko nga alam bat ako pa ang napagdiskitahan mong bosohan eh payat pa nga ako't hindi kalakihan ang katawan. Dapat mong malaman na ang kaha ko eh maysa-ectomorph at nangangailangan ito ng ilang buwang hara kiri workout para magkalaman tulad ng kay Marc Nelson. (Quick digression: Ectomorph din ang body build type ni Marc Nelson; ergo, meron pa 'kong malaking pag-asa para mag-improve ang wankata kong kulang sa nutrients. Huhlolz!) Pero ganun nga siguro kayong mga Adan na nagpapaka-Eba. Makakita lang ng hubad na katotohanan eh magkakandarapa na agad at magpapakita ng motibo para sa maaksyong man-to-man.

Hindi ko alam na sa tuwing nagwe-weights akong nakahubad sa loob ng kwarto ko eh meron palang isang nilalang na pinapanood ang pagbubuhat ko ng ilang kilong dumbbells na parang nagsisine lang ng rated XXX na live show. Tulad ng sabi ko sa'yo, wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Kesehodang nakabukas ang bintana kong tapat ng kwarto mo, hindi ako mag-aaksaya ng oras para magmasid sa paligid ko kung meron mang voyeur na trip mamboso sa kapwa niya lalake.

Oo, kapwa lalake dahil hindi ko naman talaga inaakala na isa kang nagbabalatkayong Rustom Padillang ang peyborit songs eh "This Guy's In Love With You Pare" ng Parokya ni Edgar at "Hey Jay" ng paborito kong bandang Eraserheads. Inakala kong lalake ka dahil unang una, wala sa asta mo ang tumili kapag halimbawang may dumapong ipis sa pagmumuka mo o di kaya eh mahinhing luluhod at pagkuwa'y sasapuin ang dibdib habang pinupulot ang nahulog na panyo at ikalawa, puro tayo lalake sa ikaapat na palapag ng pukenginang dormitoryong pinagsisisihan ko ngayon bat dito pa ko napadpad.

Pero nagkamali nga ako. Sa mga pagkakataong nakapwesto ako paharap sa bintana mo habang nagpapapawis ako sa pukenginang kabigat na mga dumbbells at nakikita ko ang ikinikilos mo, magkukunwari kang nakatalikod sa akin at patay-malisyang nagbabasa ng mga Accounting books mo. Pero sa sandaling malingat na 'ko't hindi na ko nakatingin sa'yo, saka ka naman biglang pasimpleng tatagilid at titingin sa katawan kong nanlilimahid na sa pawis at nag-uumapaw na sa pheromones dahil sa dami ng workout reps na nagawa.

Hindi ka pa nakuntento at sa mga pagkakataong nakahiga na 'ko sa kama ko eh bigla kang tatayo't hahawak nang nakatanghod sa grills ng bintana mong parang nakakulong lang sa preso at pagkatapos eh titingin-maglalaway sa hubad kong katawan sa pag-aakalang hindi na kita napapansin sa gilid ng mata ko. Akala mo siguro nagtitikol na ko sa mga oras na 'yun. Hayaan mong liwanagin ko ang maruming pag-iisip mo at linisin ang dumadaloy na berdeng dugong nananalaytay sa mga ugat mo. Para sa iyong kaalaman, ang paghiga ko eh nangangahulugang pagbubuhat ko ng dumbbells mula sa ibabaw ng tiyan paarko lampas ng ulo at muling pabalik para ma-stimulate ang paglaki ng pectoral maskels ko maski konti lang. Kasama pa sa workout ang paghiga ko, anakngtitengmaugat na mamboboso ka.

At ang pinakamasaklap sa lahat? Ang sabay na pagpasok sa banyo mong astang maliligo rin matapos mong malamang tapos na kong mag-weights at kelangan ko nang dumiretso sa banyo ko para maligo at matanggal ang pheromones na hindi malayong umabot ang samyo sa lagusan ng ilong mo, dahilan para maulol ka sakin ng ganiyan. Sa mga pagkakataong iyon, patawarin mo ko kung maisip kong meron kang napakalaking dildo sa banyong hindi ko lubos mapagtanto kung san mo pwedeng isalaksak.

Ayokong ako ang maging dahilan ng pagbagsak mo sa CPA Board Exams sa October dahil para sa iyong kaalaman, isa rin akong reviewee at alam ko ang pressure ng nagrereview na maraming distractions. Sa kaso ko, ang mga istorbo sa maluwalhati sanang pagrerebyu ko eh ang pagpuputang pinagkukunan ko ng pang-araw-araw na panggastos, ang anakngtitengmaugat na pag-ba-blog na'tong wala man lang akong nakukuhang kapakinabangan dahil wala rin namang gustong mag-click ng Google Ads dito, at ang manaka-nakang pang-iistalk ng mga kumag na tulad mo. Sa kaso mo, ako lang ang bukod tanging distraction mo.

Hindi pa huli ang lahat. Alam kong hindi ka pa naaadik sa katawan at itsura ko't alam kong kayang kaya mo pang labanan ang tawag ng makamundong laman. Hangga't maaga pa, iminumungkahi kong tantanan mo na ang pasikretong pagpapantasya sakin dahil wala rin namang maidudulot na mabuti sa'yo yan bukod sa pagsakit lang ng pantog mo.

Goodluck sa pagrerebyu mo at muli, tantanan mo na kong hinayupak na bading ka. Salamas ng marami!

P.S.

Magwe-weights ule ako mamaya. Magpraktis kang maige sa pasikretong pagsulyap mo sakin para naman hindi kita mahuling tumitingin-naglalaway sa pawisan kong katawan. Pinag-iisipan ko rin kung lalabas akong hubo't hubad pagkagaling sa banyo pagkatapos maligo mamaya. Ano sa palagay mo?

At honga pala, lilipat na ko sa ibang tirahan sa susunod na buwan. Hindi malayong magmuka na 'kong dalmatian dahil sa lecheng mga surot na 'yan kung itutuloy ko pa ang pananahan sa dormitoryo from Third World hell. Tapos na ang maliligayang araw mong malibog na gago gaga ka.

Off-topic: Update sa HK-KH Scandal

Tama ang sapantaha ko. Katawa-tawa na naman ang itsura ng mga payaso sa senado.

Bonggang Bonggang Bong Revilla kay Hayden Kho: Ano ang software na ginamit mo sa pag-download ng mga video sa computer mo?

Sagot ni Lio: Hindi ko alam kung saan mo nilagay ang common sense sa kukote mo Ginoong Senador ng mahal kong Pilipinas.

Una, ano bang software ang pinagsasabi mo? Hindi mo ba alam na maaari mong ilipat ang isang file papunta sa computer gamit ang cellphone lang. Ikalawa, Upload ang tawag dun dahil nag-tatransfer ka ng file papunta sa Intarnetz. Download ang tawag kapag nagtransfer ka ng file galing sa Intarnetz.

Ikatlo at ang pinaka-importante sa lahat, ano ang kabutihang idudulot ng walang kwentang tanong mo sa paglutas ng kaso bukod sa media mileage na natamasa mo?

Pokpok in the Run


Alam mo kung pano ko binabawasan ang unti-unting pagkabobo ko rito? Nagbabasa ako 'pag alang tawag at mahaba ang avail.

Kyuwing ngayong araw na 'to.

Queuing. From the word queue. In layman's term, pila. Ibig sabihin, pila-balde ang mga naghihintay na calls from the Obama nation. Maraming mga inutil na customer ang tumawag para sabihing hindi raw sila makakonek sa Internet o di kaya naman eh hindi raw maka-send o -receive ng emails sa Outlook Express nila. Pak dat shit!

Wag mong sabihing minamaliit ko ang kukote mo sa pamamagitan ng pag-eeksplika kung ano ang ibig sabihin ng taragis na unang salitang binanggit ko. Gusto ko lang magkaliwanagan tayo habang maaga pa lang at ipakilala sa'yo ang mga call whoring jargons na palasak nang ginagamit sa aming mga puta ng Makati. Mas pareho ng wavelength, mas magkakaintindihan. Mas mananamnam mo ang bawat titik na natitipa rito 'pag nagkataon.

And besides, isipin mo na lang na puhunan mo na yan sakali mang magbalak kang pumasok na rin sa ganitong linya ng trabaho dahil wala ka nang ibang choice para kumita ng malaking pera. Inuulit ko maski redundant na ang dating sa'yo. Last. option. lang. dapat. ang. pagpuputa. Kung pwede ka pang maghanap ng ibang matinu-tinong trabaho, sinususugan kita, sampu ng patubong bulbol kong pangati na nang pangati -- sundan mo ang pangarap mo't 'wag kang papalansi sa malaking pera sa pagpuputa.

Hindi ito trabaho ng mga pa-demure at faint-hearted. Kumakain kami ng malulutong na Fuck you at Sonuvabitch sa pang-araw-araw naming pananghaliang hindi ko alam kung ba't tinawag na lunch eh alas-sais naman ng umaga (sa kasalukuyang iskedyul). Hindi ito nababagay sa mga bobo't nag-aasta-astang matalino lang. Kelangan mong gumawa ng tatlo hanggang limang magkakaibang bagay nang sabay-sabay habang kausap mo sa fake American accent si nuknukan ng mamatay ka na sanang putanginang customer ka. Higi't sa lahat, wag mong kalilimutang hindi pwede rito ang panget at kamuka ni Zorayda. Sa papalit-palit na sched niyo at tuluyan nang pagkasira ng mga turnilyo ng body clock mo, tatanggapin mo ang mga eye bags at wrinkles at crow's feet nang di bukal sa loob. Mabuti na lang talaga at cute ako.

Hindi ko alam kung ilang customer ang gumamit sakin kanina sa kasa pero sa totoo lang, habang tinitipa ko ang kabalahuraang 'to, dama ko pa rin ang pananakit ng panga ko sa sobrang kakangawa ng kung anu-anong troubleshooting. Ganito siguro ang feeling ng baklang pinagpasa-pasahan at binackdoor ng di mabilang na inmates sa preso. Oops... callspeak na naman. Isipin mo na lang na ang troubleshooting eh katumbas ng pagsasalaksak mo ng de gomang bomba sa baradong kasilyas niyo na puno ng di lumubug-lubog na echas tuwing tag-ulan. Ganun. Ganun ang ikinabubuhay naming mga call center pokpok.

Mantakin mo: Mahigit dalawampung customer ang sunud-sunod mong kakausapin sa loob ng walong oras para idulog ang halos pare-parehong problema: Di makapag-surf ng porn websites. Di pwedeng makipaglandian sa gee ep na nakahubo't hubad na't tayung-tayo na ang mga utong sa kabilang webcam. Di makapag-reply sa email ng malanding kalaguyo. Mabagal ang pagdownload ng Maria Ozawa porn.

Wag niyo kong husgahan. Hindi porke't ginawa ko 'tong mga eksampol na 'to eh ginagawa ko ang mga yan sa teleserye ng totoong buhay. Eksyusme, may breeding po ako. Okey payn. Paminsan-minsan, nagdadownload ako ng Maria Ozawa porn. 'Yun lang. At once in a blue moon lang 'yun. Pero 'wag niyo kong iligaw. Sa pormal na pananalita, katumbas ang mga 'yan ng can't connect to the Internet, can't send or receive emails, at experiencing slow speed connections ni Ispokening Dollar Customer. Mga problemang madalas sa madalas eh gumugugol sa walong oras kong pagpasok sa buwakanginang kasa ng Makati. Paulit-paulit. Pare-pareho. Araw-araw. Gabi-gabi. Nakakarindi. Nakakabobo pa kamo.

Mahirap talagang magpakaputa. Maski na ayaw mo eh kelangan mong ihanda ang mura mong katawan sa mga parokyanong Kanong hayok sa laman. Maski na mahapdi na eh kelangan mo pa ring gamitin. Maski na hindi mo na kaya eh sasairin nila ang natitira mong lakas. Mumurahin ka nang makailang ulet para lang masunod ang gusto nila. Ipagduduldulan sa’yong isa kang puta at sila ang customer. Sila ang masusunod at kung gusto nilang sairin ang katas mo magdamag eh pilit nilang ipapagawa sa’yo yun, sa ayaw mo man o sa gusto. Maski na nakaratay ka na sa kama dahil sa sakit eh kelangan mo pa ring kaladkarin ang pototoy at betlogs mo para pumasok sa putanginang kasa. Walang palusot. Walang sinasayang na oras. Walang kawala.


O, akala mo naman talagang nagbebenta na ko ng sarili kong laman? Sowska! Wag kang ma-carried away dahil hindi pa ko ganun ka-desperado para ibalandra ko ang naghuhumindig kong pototoy sa makamundong teleserye ng totoong buhay. Liban na lang kung pumayag na si Mommy Divine na maging kami ni Sarah Geronimo.

Siguro kapagka alang ala na talaga ko. ‘Yung tipong isang tuyo na lang ang nakahain sa hapag-kainan tapos hindi pa pwedeng ulamin dahil isang buong linggo pang ulam ‘yun. ‘Yung tipong makukuntento ka na lang na langhapin ang mapang-akit na aroma ng tuyong sakto ang pagkakaprito at pumuputuk-putok pa ang kaliskis pagkahango sa kawali sabay subo sa buwakanginang kanin para magkaroon ng laman ang tiyan mo. Tapos biglang entra naman ‘yung tulisang kuting ng kapitbahay sabay takbo sa kaisa-isang tuyong pagsasaluhan niyo pa sanang mag-anak. Taragis. Kapagka nangyari sakin ‘yun, maski na pinaghalong kakapalan na ng labi ni Diego at kagaspangang hindi kayang daanin sa papel de lihang pisngi ni Chokoleit ang umubos ng lakas ko, kakayanin ko alang-alang sa pamilya ko.

Badtrip lang talaga 'ko sa pagpapakaputa kanina dahil napakarami na namang mga istupidong Amerikanong walang ginawa kundi umatungal sa hindi nila pagkakaroon ng Internet connection. Mga Ingleserong matatawag pero dinaig pa ang mga karabaw Inglis ni Manny Pacquiao Bentong sa kainutilan. Dito talaga ako nabibilib nang sobra-sobra sa ‘ting mga Pinoy eh. Madiskarte. Kapag tayo ang nawalan ng Internet, hangga’t maaari eh nireresolve nating hindi umaasa sa iba. Dahil wala tayong bilib sa tech suport ng mga oh-so-suppeeeeeeerr slow net koneks ng Globe, Bayantel, at Smart Bro, tayo na mismo ang nagiging tech support. Mas matalino tayo. Mas may kakayanan. Mas madiskarte. At uulitin ko, wala tayong bilib sa iba kundi sa sarili lang natin. Heck, ano ba ang lamang ng mga English-accent pipol na yan? Wala naman bukod sa mas madulas ang dila nila at mas mahaba ng two inches ang mga pototoy. Bukod pa run, ala na silang pwedeng ipagmalaki pa.

Ang karamihan sa mga hinayupak na Kanong ‘to, diyos kong mahabagin, laging spoon-feeding ang hanap. Kulang na lang punasan ang mga pakingshet na tumbong after mag-jebs dahil sa sobrang katamaran. Kaya nga nauso ang caregiver sa Tate. Siyempre meron ding mangilang-ngilang Ispokening Dollar Customer na masarap pakitunguhan, yung mga tipong napakalambing ng boses sa telepono at nagtetenkyu talaga ng sinsero dahil natulungan mo sila. Yung mga tipong makikiliti ang bulbol mo dahil sa sobrang sweet at kung pwede lang kunin ang cellphone number para i-unlimited text overseas eh gagawin mo. Pero ‘eto yung mga sad to say eh exception to the rule. In general, mga hinayupak ang mga akala mo kung sinong Blonde Bopol na nakakausap namin sa araw-araw.

Kaya nga, iniisip ko, ang sarap sigurong isipin kung tayo ang naging superpower ng sangkalawakan at ang Amerika naman ang naging pipitsuging Ikatlong Mundong bansang nuknukan ng dami sa call center. Ganito siguro ang magiging kalalabasan:

Call center puta: Muh-gan-dang ow-mey-guh pow! Uh-kow pow si Pey-drow, uh-now pow eng muh-i-puhg-lee-leeng-kowd kow?

Customer:
Tangina naman o. Obyus na di mo pangalan yang Pedro't gumagamit ka lang ng alyas. Kakaiba 'yang punto mo eh. Hindi ka Pinoy? I-transfer mo nga 'ko sa Pinoy agent. Ayoko ng Kano. Ambobobo. Di marunong mag-troubleshoot.


Call center puta: Ah-yaw nio pow bang choo-loo-ngan kow kayow, sir? Muh-aaree kow puh rin pow key-yowng choo-loo-ngan.

Customer: (astang maiinip) Sige na, sige na. Gahol na ko sa oras. Hindi ako makakonek sa Internet. Pinowercycle ko na 'yung modem ko. Ayaw pa rin.

Call center puta: Muh-aaree pow buhng muh-le-men anow ang mga ee-lew sa modem box niyow sir?

Customer:
(pabalang) Tiningnan ko na nga. Okey lahat 'yung ilaw run sa modem. Di ka ba nakikinig? Pinowercycle ko na nga pero ganun pa rin. Page cannot be displayed lumalabas sa Mozilla Firefox ko.


Call center puta: Guh-nown pow be? Muh-aaree niyow pow buhng i-click uhng start button niyow?

Customer:
(malapit nang maubos ang pasensiya) Tapos?


Call center puta: Puh-kee-click pow sa Run.

Customer:
Wala akong Run. Vista ang gamit ko. (alanganing ibubulong sa sarili, alanganing ipaparinig sa Kanong agent) Sows naman o. Sobrang bopol.


Call center puta:
See-gee pow. Puh-kee-click nuh leng pow sa Start Search.


Customer:
Ano bang gusto mong malaman? 'Yung IP address ko? Na-check ko na yan kanina. 124.6.187.162.


Call center puta:
Puh-wey-de pow bung muh-le-men kung mey router pow kayow sir?


Customer:
(galit na) Ang kulit naman ng lahi mong talipandas ka o! Di ba nga sabi ko sa'yo kanina, pinowercycle ko na 'yung modem? May binanggit ba kong router dun? Ha?!


Call center puta:
(tameme sa kabilang linya; malamang sa malamang eh nagmumura na ng ilang Fuck You't Sonuvabitch habang naka-mute)


Customer: Ibigay mo nga sakin ang bisor mong buwakangina ka! Pinapaikut-ikot mo lang ako eh.

Call center puta:
Sun-duh-lee leng pow...


Astig di ba? San ka pa?

Rainy Days Here I Cum...


Tag-ulan na!

Mayo pa lang pero pumupula-pulandit na ang tubig-baha sa kahabaan ng Maynila. Maya't maya eh biglang dumidilim ang langit at magbabagsakan ang tubig ulang pinasahol pa ng air pollution ng pukenginang lungsod na 'to. Patunay na nagbabago na nga talaga ang mundo. Global warming ngayon. Bukas makalawa, Final Judgment na. Handa ka na ba? Kung hindi pa, maghanap ka na ng kapareha bago pa mahuli ang lahat. Sinasabi ko sa'yo, pagsisisihan mo kapag hindi mo nasubukan. Fill in the blanks at baka ma-MTRCB tayo nang di oras.

Balik sa rainy day everyday...

Hindi ko alam kung dulot lang 'to ng pagkabangag ko sa trabaho't pananabik sa kama't unan dahil tatlong oras lang ang matinong tulog ko kanina. O siguro nga eh talagang pinalala lang ng tubig-ulan ang pagiging sintu-sinto kong Class S na nilalang. Pero naisip ko lang...


1. Bakit laging baha sa España maski na nagwiwisik-wisik lang naman si Papa God?

2. Ano ang feeling ng nagba-backstroke sa baha at maraming mga batang yagit ang dinaig pa si Michael Phelps sa paglangoy, mentras tigidig ang maruming tubig sa lumulutang na echas, patay na daga, gamit na condom, duguang napkin, at kung anu-ano pang samu't saring basura from Third World hell?

3. Ano ang lasa ng tubig-bahang malamang sa malamang eh nahihigop nila habang nag-uunahang magbida sa senglot na mga kaberks gamit ang freestyle, breast stroke, butterfly, at synchronized swimming teknik?

4. Paano idadampi ang mamasa-masang braso mo sa makinis at mainit-init na braso ng kasasakay lang na chick na katabi mo, wet look and all after coming on in out of the rain?

5. Masampal ka kaya kapag nagmapogi ka at ginamit ang litanyang nuknukan ng korni at semplang tulad nito: "Miss, jacket ka ba? 'Cause you give me warmth."?

6. Papano mo kukunin ang cellphone number niya na hindi ka mapagkakamalang manyakis na madalas mang-stalk sa kung saan-saan at kilala sa taguring "Boy Balandra" dahil sa sobrang pagkahilig mo sa exhibitionism at three-minute sex scandals?

7. Bakit masarap matulog sa bus kapag malamig ang panahon habang nakahilig ang ulo sa chick na katabi kaya lumalampas sa dapat babaan?

9. Nasubukan mo bang gawin 'to na hindi ka sinasampal ng katabi mo?

10. Bakit mas humahaba ang traffic kapag ganitong maulan sa daan?

11. Ano ang correlation ng lamig ng panahon sa init ng ulo ng mga hinayupak na jeepney drivers na walang patumangga sa pagbubusina sa daan?

12. Ganun na ba sila katanga para hindi mapagtantong walang magagawa ang pagbusina nila para mawala ang lecheng trapik sa sangka-Maynilaan?

13. Bakit naglipana sa mga ganitong makulimlim na panahon ang mga haliparot na ansarap pagkukurutin sa singit dahil deadma lang sa madlang nag-aabang ng sasakyan habang nakikipaglaplapan sa gitna ng daan?

14. At bakit napakamanhid nila para hindi makitang marami ang nag-aabang ng sasakyan kaya pwede lang eh pakabilis-bilisan nila ang paglalakad nila pero mukang nagmumuni-muni lang sa kawalan habang naglalambutsingan ang mga buwakanginang talipandas?

15. Masyado na ba nilang ramdam ang hagupit ng global recession at sa daan na nila ginagawa ang kahalayan, hindi sa kung saan mang SOGO Hotel ang pinakamalapit?

16. Bakit sa tuwing pagliko mo eh laging may nakabalandrang karatula ng SOGO Hotel?

17. Ganun na ba kalilibog ang mga Pilipino ngayon para maya't maya eh paalalahanang so clean, so good ang ekstrakurikular aktibidades?

18. Marami kaya ang nabubuntis kapag ganito kasarap ang panahon kumpara sa regular na mga araw?

19. Nahihigitan ba ng SOGO Hotel ang sales forecasting nila kapag ganitong maulan at malamig at makulimlim ang panahon?

20. Maganda kayang negosyo ang motel business?

21. Ano ang masarap kainin kapag ganito kalamig ang panahon?

22. Bukod sa pakikipag-kembyular pagtulog, ano pa ang masarap gawin kapag ganitong umuulan?

23. Bakit mas maliit kesa sa normal na laki ang pototoy kapag sobrang lamig ng panahon?

24. Bakit sa mga ganitong panahon lang nagsusulputan ang mga manholes at "Road under construction" signs at "This project is made possible through the initiative of Congressman Judas motherfuckin' Iscariot" billboards?

25. Sa pinakahuling estadistika, ilan na kaya ang nahulog sa manhole na 'to at tuluyan nang nilamon ng tubig-baha?

26. Bakit pala "manhole" ang tawag sa butas na papunta sa kung saan mang underground vault?

27. Bakit hindi siya tinawag na "womanhole"?

28. Dahil ba masyado nang malibog ang mga tao ngayon at pag sinabi mong "womanhole" eh iba na ang konotasyon ng mga taragis at naglalaway nang parang mga ulol na aso ang asta ng mga buwakangina?

29. Dapat ka bang magbayad sa mga make-shift instant tulay na ginagawa ng mga tambay sa tuwing bumabaha, silang mga nagpapalaki lang ng bayag nilang inutil na wala nang ibang mapagkakitaan, maski na alam mong ang tablang ginamit eh ninakaw lang sa katabing construction site?

30. Ano ang pwede mong itawag sa kanila: mapanlinlang sa kapwa't manggagantso o sadya lang talagang madiskarte't matalino?

31. Ano ang ginagawa mo sa tuwing makakakita ka ng mga kolehiyalang coño na tumitili at diring diri sa tubig-baha pero ang totoo naman eh mas mabaho pa ang sari-sariling kepyas kapag nagkakaron sila ng mens?

32. Hindi mo ba hinihiling na madulas na lang sana sila't mabosohan ng mga lalakeng umaalalay sa tulay para may instant live show naman sa gitna ng boring na kalsada?

33. Tuloy kaya ang diyos-diyosang pagparada ni Manny Paquiao sa Biyernes kung ganitong nagngingitngit ang panahon?

34. Hindi kaya nagka-swine flu bayrus na rin siya sa Amerika?

35. At kung sakali ngang tuloy ang Pakyaw Day na idineklara ng nakikisawsaw na de-nunal na babaeng pandak na nakaupo sa trono, hindi kaya mahawa ang mga tao sa kalakhang Maynila sa kaniya?

36. Kapag lumaganap ang swine flu bayrus dito, magkakaron ba ng epfidemic sa buong Pilipinas?

37. Ika-quarantine ba tayo tulad ng mga napapanood na recycled sci-fi plots sa pelikula?

38. Mararamdaman ko ba ang hagupit ng isang araw na kaltas sa pagpapakaputa kapag umabsent ako mamaya dahil masarap humilata at kumembyular matulog sa ganitong malamig na panahon?

39. Ano ang katanggap-tanggap na alibi sa bisor kung sakaling napag-tripan ko ngang 'wag na lang pumasok sa putahan mamaya?

40. At bakit gising pa ko ngayo't tumitipa ng walang kwentang kabalahuraang 'to gayong sabik na sabik na sa tulog ang mga talukap ng mata kong tinutukuran na lang ng tutpik?

Iba talaga ang nagagawa ng ulan eh no? Lumalabnaw ang utak at nagiging retarded. Ikaw, ano ang nangyayari sa'yo kapag ganitong naulanan ka ng mausok na tubig ng Maynila dahil tamad kang magdala ng payong o kapote?

Off-topic

Magbunyi ang mga reklamador na naliligaw nang landas dito nang madalas. Maski na labag sa kalooban ko eh tinanggal ko na ang paborito kong template alang-alang sa kapakanan niyong mga buwakangina kayo. Pinalitan ko ng mas mapusyaw na kulay nang sa gayon eh hindi na kayo mahirapang basahin ang mga taragis na comments niyo. Leche!

Sa susunod na magreklamo kayo ule rito, isasara ko na nang tuluyan ang walang kwentang kutang 'to. Hindi 'yan threat. Pramis! Nyahahaha!

Sa Iyo Ginoong Ricky "Hitman" Hatton


Isang mapagpalayang araw sa'yo!

Sa mga oras na 'to, nawa'y nahimasmasan ka na sa 2nd Round TKO mo sa laban niyo ng aming santu-santohang si Manny Pacquiao, nakarekober sa pagkabagsak at pagkakatirik ng mga mata mong dulot ng Pambansang Kamao. Alam kong hilo pa rin ang mga bayag mo sa bilis ng mga pangyayari. Pero ganun talaga. Bukod sa titi mong umurong nang di sinasadya sa laban, may mga bagay na kelangang lunukin nang sapilitan. Sa kaso mo, kasama na riyan ang yabang at walang kasing taas na ihi mo. Makinig kang mabuti dahil nakasalalay sa liham na 'to ang kinabukasan mo bilang pipitsuging boksingero.

Unang-una, palitan mo ang bansag mo sa sarili mong imaheng walang kasing-angas pero wala rin palang binatbat. Kumbaga sa utot, eto 'yung malakas ang pasabog pero wala naman palang ibubuga; di tulad ng masamang hanging silent but deadly. Hindi ka pwedeng tawaging "Hitman" sa kadahilanang hindi ka naman naka-hit ni isang hook man lang sa pambato naming namumutiktik sa endorsements at TV commercials. Sa katunayan, ikaw pa nga ang na-HIT ni MANny. Hindi ko alam kung nagpapatawa ka pero kung ito nga ang dahilan (HIT by MANny) kung ba't yan ang pinili mong alyas (HITMAN) eh ipamumuka ko sa'yong trying-hard patawa ka. Hindi ka pwedeng bumenta bilang clown sa mga perya.

Ikalawa, uminom ka ng maraming Extra Joss bago ang laban. Ewan ko lang kung sinadya mong umakyat sa lona nang walang kalatuy-latoy o umurong lang ang pototoy mo dahil sa paspasang pagkadyot mo sa kung sino mang blonde and blue-eyed bitch diyan pero sa ginawa mong katarantaduhan kanina, dinaig mo pa ang baklang tsumutsupa tatlong beses isang araw dito sa may Recto. Bukod sa ipinahiya mo na ang buong angkan ng kumpare kong si Harry Potter, ipinangalandakan mo rin ang katotohanang ang mga Briton eh wala talagang maipagmamalaki kundi ang pagkagumon lang nila sa serbesang walang kasing sarap. Na sa tingin ko'y isang malaking kabulastugan pa rin dahil sa totoo lang, di pwedeng di pwede ang sagot ng mga Pinoy kung laklakan din lang ang umpugan.

Ikatlo, wala talagang magandang idudulot ang masyadong pagpapasikat. Sa interbyu niyo ni Manny, puro ka satsat at pasaring, wala ka naman palang kwenta. Sabi mo ibibigay mo kay Manny ang hindi pa niya natitikman. Na kesyo ibabato mo ang tone-toneladang pressure sa kaniya. Na kesyo sa gabing magtatagpo kayo sa gitna ng boxing ring eh makakatikim si Manny ng kamaong mas mabigat pa ng 14 o 15 pounds kumpara kina Marquez o Barrera o Morales. Ano ka ngayon? Sows ka! Sa kangkungan ka rin pala pupulutin. Nangako-ngako ka pang "you are going to shock the world" eh ikaw pala ang masho-shock sa bilis ng mga pangyayari. Buwakanginang bibig yan! Kainin mo ngayon ang bayag mo, leche ka!

Ikaapat, ibitin mo nang patiwarik ang mas mayabang pa sa'yong coach mo dahil wala naman siyang ginawang makabubuti sa'yo bukod sa pagpapabango ng sarili niyang nanlilimahid na pangalan. Walang kasimbaho ang bawat pagbigkas niya ng salita sa mga presscon, na madalas sa madalas eh umaako sa lahat ng karangyaang natamasa mo. Sa tuwing bumubuka ang bibig niya upang iangat ang sariling ihi bago ang iyo, dumadagsa ang mga surot at ipis. Dumarami ang mga langaw na obyus na ipinagpalit ang gabundok na echas sa Payatas sa buwakanginang bunganga ng Mayweather Sr. na coach mo. Ganun katindi ang sangsang ng amoy na nag-uugat sa balun-balunan ng huwad na tagapayo mo. Ang mga ganitong klaseng nilalang eh walang karampatang parusa kundi bayagan hanggang sa lumabas ang kutsa-kutsarang tamod o di kaya eh ipakasta sa barakong baboy na may swine flu virus.

At utang na loob, pakisabi sa kaniyang daig pa ng grade one na umiihi sa sariling salawal ang mga likha niyang tulang walang kakwenta-kwenta at wala man lang saktong bilang ng mga kataga para tumugma ang ritmo ng mga linya, patunay na simula't sapol eh isa talaga siyang bopol na master of none:

Hey Pac, it’s over, so quit wishing on a four-leaf clover.
You will be uncrowned, with your head down,
on your chest, knowing that Ricky Hatton is the best.
I hope you know, you have got to go, it’s going to be Hitman Hatton by KO.

Ikalima, alam mo bang sa ginawa mo eh diyos-diyosan na naman pagbalik dito ng Pinas si Manny, sampu ng mga kampon niyang bitbit ang siksik-liglig na dolyares at patung-patong na namang TV commercial endorsements? Oo, natutuwa ako sa pagkapanalo niya maski papano dahil sikat na naman ang Pilipinas. Pamatid-uhaw sa nakakaumay na isyu ng palasak na korupsyon, ng walang kakwenta-kwentang mga batas at resolusyon na inihahain ng mga payaso sa Kongreso at Senado, ng pagpupumilit na pananatili ng de-nunal na babaeng pandak sa trono.

Nakatutuwa ngang isipin na sa pagbalik niya, hindi lang "bayan ng mga katulong" ni Tsip Chao o "bansa ng mga magnanakaw" ng World Bank ang pwedeng ibansag samin; maaari nang kilalanin ang Ikatlong Mundong bansang 'to bilang bayan na nagsilang sa mandirigmang may pinakamabilis na kamao sa buong mundo, ang pinakamagaling na pound-for-pound boxer na nagpatumba sa mga Mehikano't Briton. Pero alam mo ba ang kaakibat nito?

Masusuka na naman ang ulirat ko sa mga taragis na mukang nakabalandra sa lansangang kung pakatititigang maige eh naduduling na ang mga mata sa dami ng suntok na pinakawalan at tinanggap. Mauumay uli sa namumutiktik na patalastas ni Manny sa telebisyon, di bale na kung pilipit ang dila't kasing tigas ng titi kong naghuhumindig ang pagbigkas ng mga kataga. Magbibilang na naman ako ng ilang "You know" at "I mean" sa palasak na mga panayam sa kaniya ng kung sinu-sinong tao lalo na kapag nosebleed Inglesan na ang tanungan portion. Matotorete sa mga kacheapang kantang walang sawang ipapatugtog sa radyo bilang paggunita sa pagbabalik ng bayaning boksingero. Maririndi sa mga umpugan sa mga kalye at dyip at FX at maging sa putahang iyon at iyon pa rin ang taragis na topic - ang pagkapanalo ni Manny laban sa'yo sa loob lang ng humigit kumulang apat na minuto. Paulit-ulit. Paikot-ikot na pag-uusapang parang mga tanga dahil napanood na nga eh ikukuwento ule na animo'y hindi alam ang nangyari.

Huli't higit sa lahat, gusto kong magpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mong pagkatalo, nabawasan ng limang daan ang kaha de yero ko at sa susunod na Linggo eh obligado akong magpainom sa mga lecheng sunog-bagang kabaro ko sa Pasig. Salamat talaga nang marami dahil sa kabalahuraang ginawa mo kanina, napagtanto kong size does not really matter. Nasa performance ang lahat. Nagmuka na nga akong traydor at balimbing sa sarili kong bayan dahil sa pagpanig ko sa'yo, magmumuka pa pala 'kong tangang pinagnakawan ng pera dahil sa maling Third World diskarte from hell. Kaya naman sa susunod, hindi na 'ko magpapasila sa laki. Itaga mo 'to sa kaliwang bayag mo Ginoong Hatton, kay Paquiao na ko poreber.

Manny Pacquiao for 2010, you know!

P.S.

Sarap palang bembangin ng gee-ep mo. Bloody hot British bitch. Yebah!



Update

Alam kong alam niyo na ang huling pangungusap sa blog post na 'to eh tigang na tigang sa kaseryosohan. Nagpapakatarantado lang talaga ako. Pero ano naman 'tong nabasa ko habang gumagala sa Intarnetz na malamang sa malamang nga eh may planong tumakbo 'etong si Manny sa pagka-pangulo. What. the. fuck.

Ten Things I Did While Home Alone


The problem with being a call center whore is you don't get to have holidays like any regular young urban professionals out there.

You get stuck in answering boorish overseas calls about how good ol' Johnny Doe cannot connect to the Internet only to find out he apparently has not yet connected the modem to a power outlet. You get to stare infront of a lifeless circuit of gigabytes and microchips and listen to some random ranting of a racist American customer while everyone else spends the Christmas and New Year holidays with their families and friends. You slave away the seemingly endless hours in your fucked up swivel chair while the rest of the taxpayers gallivant and tan their brown skins in pristine archipelago beaches teeming with bitches (pun intended). Heck, the only consolation that we, call whores, get from all these inevitable setbacks is the fact that we're being paid double the regular rate during these diminutive ruler-decreed holiday dates.

This Lent was no different. While most of the Manila dwellers were in the rush escaping this gawddamn city of smoke and polluted air, packing their suitcases like mad and squeezing their fat asses on the terminal line to catch the last trip to their respective provinces, there I was answering calls upon fuck-me-Freddy calls in my call whoring job, every inch closer to busting the AVAYA phone to the hell-cursing New Yorker's head. The housemates, being the normal nine-to-fivers that they are, had the luxury to go on a four-day vacation of seas and sands, of healthy provincial breeze and roads devoid of irritating PUJ honkers and traffic jams.

And so I was left alone in that gawddamn boring apartment, stuck within the creepy confines of the hollow Pasig abode all by myself with nothing to keep me company but my Parokya parodied birdie and his two delinquent egg yolks. How pathetic.


Nope, I would like to disappoint you early on by saying that I did not masturbate nor fucked my next-door neighbor’s wife, you sick pervert! For chrissake it was the Holy Week, supposedly a week allotted by the Roman Catholics to pseudo-repent and clear one's devirginized mind of worldly distractions. I had my own share of such deep musings and whatever confessions I had would just have to be between me and the Guy Up There.

I thought of quirky, out-of-this-world things to do though just to stab the bore that was killing me slowly. Here's a rundown of the ten things I did while replicating Kevin McCallister's life as a home junkie spending the Christmas holidays all by himself (whatever happened to Macaulay Culkin by the way?).

1. Made the apartment one big piece of laundry basket. Please don't be turned off if I tell you I have ounces of sloven (read: burara) blood in me. Well, just ounces anyway. The four days saw used clothes on the table, dirty boxers on top of the fridge, and three pairs of shorts randomly thrown anywhere near between the kitchen sink and the actual laundry basket. Haha! What do you expect? I'm almost always late from work, I have to travel for gawd-knows-how-many miles from Pasig to Makati by means of three commuting public utility vehicles, but I cannot, for the love of gawd, wake up right away after putting the alarm clock to yet another five minute's snooze (everyone else does that anyway).

2. Went on a Nissin cup noodles-slash-Century Tuna-slash-Lucky Me Pancit Canton diet. Fine, I'm a slob. I'm guilty so shoot me. I know how to cook (well at least, my friends tell me my tinolang manok tastes bloody fine..hakhak!) but everytime I go home from work, I feel like hitting the pillows right away because of too much fatigue and harassment from those moronic Occidentals who think customers are really always right even if the problem they're calling about all boils down to their imbecilic tendencies anyway. Would you blame me then if I resort to convenient, no frills, instant food for calorie content? Heck, just the other day, the Chowking Spicy Chicken and Beef Chao Fan I had for lunch was the only source of energy I had up until the next morning. Alms, alms...spare me a piece of bread.

3. Finally finished writing the short story loosely inspired by Neil Gaiman's prose. This one's a long overdue backlog that I seemed to have had no time to wrap up because well, there were a lot of other more important backlogs. I am the Great Procrastinator, you see. Or didn't you know? Haha! I have to thank Messynuthead for were it not for her constant reminder for me to bring the Smoke and Mirrors book to work, which apparently I kept on forgetting, I would not have finished this flash fiction. I have yet to polish the end product though as I've taken the habit to let a work become stale and untouched for a few days before reading it back to ensure that I'm not biased when nitpicking what needs to be nitpicked. That's a pointer for you, frustrated writer wannabe. Lol! Oh and yes, I'll be publishing that here some time soon.

4. Watched Harry Potter over and over again until I memorized most lines by heart, including the bloody British English accent. I don't need to stress the obvious that I'm one certified HP freak, do I? (*hint hint for Lio Loco's future birthday gift* Lolz!). It's funny how I can barely make something sensible out of what the characters are saying, what with all the missing rolling R's and heavily pronounced T's, but still understand the dialogue just the same. Maybe because I've read the books for innumerable times already and the texts on the books have been eventually imprinted on me. Gawd I can't wait what Professor Slughorn will look like in the big screen come July.

5. Swigged one strawberry wine on my own. It's supposed to be reserved as one of the prizes for my pathetic Mammary Awards but whaddaheck, judging by the response of my dear three readers, I don't think I need extra bottles. No worries, Lovely, by the looks of it, it seems the Baguio goodies are on their way to your house. Pray tell you're the only blogger who'd be interested with one ingenious piece of wooden erotic carving, one big bottle of strawberry wine, assorted package of ube jam, strawberry jam, crinkles, or choco flakes, and a cute dream catcher cellphone accessory. Haha! And by the way, you see your website when you hover the mouse pointer to your name? That's a hyperlink and that's what I meant when I said I want a link-back of my site from your entry post. Lol!

6. Tried to read Gabriel Garcia Marquez's Love In The Time Of Cholera but failed miserably. I know, this book is supposed to be one great read what with the Nobel Prize accolade the author received but the long, dizzying prose Marquez is using just makes me drool on my pillow in a jiffy. His verbosity is really too descriptive and dense for a reader that has quick attention spans and loves orgasmic three-minute quickies. Kidding on the last part. Haha! But really, while I am still not giving up on finishing this much-acclaimed piece of literature, I think I'll put it in the backseat for the meantime and read conversational J.D. Salinger instead until I finally find the courage and resolve to read a 30-word per sentence prose.

7. Snitched some Ferrero chocolate from a housemate's prized confectionery box. You know the sentence above about how I only had measly Chao Fan for lunch-dinner-and lunch the next day because of sheer laziness? I sneaked one Rocher fine hazelnut chocolate after waking up in the middle of the night and ate it without any remorse or regret to get me some energy 'till dawn. I am replacing that anyway once I hit some nearby grocery so by definition that is not called stealing. You must deduce by now how I'm good at rationalizing. Hakhak!

8. Let plates and glasses and spoons and forks pile up the sink 'till it stank like hell in the kitchen. Before you throw those daggers of disgust and aversion towards me, let me just tell you that while I type this entry, save the pot where the rice was cooked, the kitchen sink's all clean now - devoid of ants line-up and swirling flies and roaches visits. Would you still want me as your would-be boyfriend though? Haha!


9. Brought the WWE ring unintentionally in the room. One of the reasons why boys couldn't be left fending for themselves is the sheer monstrosity of chaos and topsy-turviness they create after leaving a place. I believe it is a given. So I say it is also a given when you leave the room disorganized -- pillows thrown in every direction, bed mattresses halfway down the floor, and creased bed covers perfectly disguised as floor carpets -- while running like mad to avoid being tardy for the umpteenth time at work.

10. Ran around the house barenaked. Nyahahaha! I'm not kidding. I did walk around the apartment with nary a piece of clothing or underwear and it felt cool and liberating. This was an idea by my teammate Flip who confessed that he did go around their house naked if he's alone just for the heck of it. At first, it seemed like something coming from a psycho maniac's perspective but on second thought, there seemed to be nothing wrong with the act. You're just running around the house barenaked anyway, not filming any fornication cut like those blonde and blue-eyed porn stars from San Fernando Valley. Nope, I am not posting my naked pictures here for fear of driving my moralistic readers away. I'm leaving the hanging pendulum up to your imagination, you sex perverts! Haha!

BONUS: Shaved my balls. Yeah, I forgot to tell you this minute bit. I shaved my pubic hair because all the bushy undergrowth has often than not made me twitch in irritation lately, especially if the strands get tangled while traveling on a bus. Don't tell me you don't know what I'm talking about because I'm pretty sure you've experienced this messy discomfort before yourself. And don't be a hypocrite by telling me how erotically sick I am. It's part of hygiene, man! Oh and yes, there's this immense public acceptance claiming that shaven testicles make for better sex. The ladies like it plus the fact that it makes everything look bigger. Not that I need it to look bigger. Haha! Again, it's for personal hygiene you twisted voyeurs! To shave or not to shave: that is the question. What do you think? Nyahahaha!

Happy EGGster everyone!