Showing newest posts with label atbp.. Show older posts
Showing newest posts with label atbp.. Show older posts

1000 Words





O Hai there omadhauns, you poltroons from the dark corner of a bog! 

Sumaglit lang para bumati ng Happy New Year.

Balak ko sanang maglitanya sa kung anu-anong shit na ba ang nangyari sa buhay ko sa humigit kumulang dalawang buwang nakalipas but whaddaheck, alam ko namang busy kayong lahat sa pagpapaputok ngayong araw na 'to.

Thus, a camwhore shot full of cryptic subliminal messages. 

Andiyan na lahat ng dahilan kung bakit hindi ako nagpaparamdam, ang dahilan sa likod ng dahilan kung bakit napagpasiyahan kong hindi muna magparamdam, at kung ano ang mapapala ko sa dahilan  sa likod ng dahilan kung bakit ginusto kong hindi muna magparamdam.

Special shout-out sa lahat ng naligaw ng landas sa bulagspot na 'to habang nagmumuni-muni ako kasama ang pinakamamahal kong Casio Calculator s-v.p.a.m. fx-991MS. Walang kinalaman ang pagkakasunud-sunod:

kuting aka xandee (na walastik kolgel pa rin. mabuhay ang twc! huhlolz!), ax aka lex (ano 'to, bagong alter-ego na naman? huhlolz!), g. kulisap (na di masyadong halatang namiss ako..huhlolz!), shattershards, dencios (na hindi ko alam ba't naka-password protected ang pukenginang blog), joan (na batang makulet), gnehpalle02, miss jane, elyas (na tanginang kolboy pa rin. nyahahaha!), maldito (na isa pang pekunginang kolboy hanggang ngayon. huhlolz!), kris, alkapon, zero, efbee (na wala pa rin kupas kahit labas-masok lang sa blogosperyo), pareng binchee (na laya na sa pagpopokpok at magkaka-backpay na netong january. haha!), jasonhamster, aninipot, the bossing (articles all the way! haha!), kosa poging pogi, guest (na di ko kilala pero nagcomment pa rin), apollo, monz, violetauthoress (na laging mahaba ang comment...halatang pinagpaguran ang pagbabasa ng post ko. huhlolz!), salbehe, vanypopony, deejay (na mukang hiatus din ata), rocky garcia, cars (na may bagong blog at alam ko kung ano ang url...haha!), elleica, reigun, anakngpating, monzavenue, kaye, lababo, yin, at sa lahat ng mga nagbasang di nag-iwan ng bakas.

Babawi ako senio sa susunod na taon, pag lisensyado na 'ko.

Merixmashappynewyearhappybalemtaymshappygraduationhappydevirginizationhappyaprilfools
happyhalloweenhappychristeninghappyfuckinghappyallsaintshappyanniversaryhappymonthsary
happybreaksaryhappyhappybertdeihappybembanganandbeyondsainyonglahat!

I pack you all like the SBC Packers! See you around in 150 days' time. Good times...

Wavelengths, one more time with feeeeeeeelings...
Magbatian tayong lahat -- Happy New Year!!!










Sipa


Sa tropang kinabibilangan ng labinlimang gago’t wirdong nilalang, walo ang matapang ang loob na nag-exam, pito ang diretsong naghanap agad ng mapapasukan, isa ang muntik-muntikan nang maging topnotcher, tatlo ang naging conditional, isa sa conditional ang umayaw na nang tuluyan, dalawa ang umabot sa third take ng exam, tatlo ang nagbabalak kumuha ng pagsusulit sa susunod na taon, dalawa ang permanenteng umabanduna ng pangarap, isa ang never say die, at tatlo pa lang ang nagtatagumpay na maikabit ang tanginang tatlong-letrang titulo sa dulo ng kanilang mga pangalan.

Alam mo ‘yung pakiramdam ng pinagpapawisan ng ga-munggong butil sa katawan dahil malapit nang lumabas ang tae mo pero wala ka pa sa kasilyas ng bahay niyo?

Sa susunod na taon na ko sesentensiyahan. Bigla akong kinabahan.

This program is brought to you by Magnulia Melk Drenk!


Hindi ko alam kung signos na ba 'tong kelangan ko na talagang pakasalan si Sarah Geronimo, by hook or by crook paspasan ang pakikipaghabulan sa mga buwakanginang pangarap ko pero sa puntong ito, mukang isa lang ang tinutumbok ng mga nagdaang pangyayari hindi lamang dito sa Pinas kundi sa kalakhang mundo na rin.

Kung ang killer tsunami sa Samoa, lintek na lindol sa Indonesia, at nanlalapang baha sa Pinas ang gagawing basehan, matutumbok mong nagbabawas na ng mga tao sa mundo ang kung sinumang bathalumang pinaniniwalaan mo. Sa anong kadahilanan? Maraming magdudura ng kung anu-anong shit pero walang tunay na nakakaalam.

Gaya ng mga samu't saring panis na laway na sapilitang ipinagduldulan ng nakararami sa telebisyon, radyo at dyaryo sa kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng kalunus-lunos na pagkawala ng daang-daang buhay sa kalakhang Maynila at sa mga karatig-bayan nito, walang kwenta't kainutilang matatawag ang kanilang mga salita.

Walang anumang mabulaklak na paliwanag at rason ang makapagbabalik sa daan-daang buhay na tinangay.

We know what went wrong. We're just too complacent to do the right thing. Or things, for that matter. Hope this recent cataclysm brought us to our senses, becoming more aware of our surroundings or at the very least, shaving off a bit of our complacency.

Sa lahat ng mga kawavelength kong namumugad sa Maynila, nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan at hindi inanod ng bagyong Ondoy.

At ano ang natutunan ko sa mga pagkakataong 'to bukod sa pagkakatantong hindi mo talaga maaasahan ang gobyerno?

Life is too short to just shit upon.

It would come off too much as a cliche but it's starkingly true: You have to seize every moment that you spend, do every thing that you like doing the most, cherish every single day with people you're closest to as if that day is your last.

Kaya tuloy ang ligaya. Umutot. Uminom. Magpaka-gago. Mangarap. Tumawa. Tulad ni Aling Dionisia:


(Paki-click na lang para mas manamnam mo ang nag-uumapaw na asim ni Aling Dionisia)

Postscript:

Para sa mga tulad kong nilalang na malayu-layo ngayon sa kuta ng Sagip Kapamilya at Kapuso Foundation para mag-impake ng mga noodles at de-lata, pwede pa rin tayong dumamay sa mga kapatid nating mas higit na nangangailangan ngayon.

Stumbled upon this while reading ABNKK blog NPL Ko?!

Please donate to RED CROSS via SMS: text RED (SPACE) (AMOUNT) to 2899 (Globe) or 4483 (Smart). The service accepts the following amounts: 10, 25, 50 and 100 (pesos). Php 2.50 shall be charged for every SMS sent. TRANSACTION FEE IS NOW WAIVED. Feel free to spread the word. :)

Mas okey nga naman 'to kesa malaman ang kung anu-anong shit ni Marian Rivera sa 2366.

The Wordsmith Deity Goes Kanto-speak


Okey, aaminin kong nadisappoint ako nang konti nung narinig kitang nagsalita sa burol ni Cory Aquino. Konti lang naman. Hindi dahil hindi ko nagustuhan ang laman ng pamamaalam mo (as usual, nung binasa ko ang eulogy mo sa dyaryo, napanganga na naman ako sa galing mo) kundi dahil hindi ko nagustuhan ang pagbigkas mo sa wikang banyaga. Masyado kasing mataas ang pagtingin ko sa'yo kaya akala ko ganun rin katatas ang dila mo tulad ng iyong walang kasing talas na panitik.

Pero ngayon, okey na. Matapos kong mabasa ang kolum mo ngayon, hindi ko mapigilang maibulalas ang malutong na "Putangina! Ang husay, ang galing! Sana ganito ako kalupet!" sa walang kalatuy-latoy na ako.

Humihingi ako ng sori. Idol na ule kita, Conrado de Quiros!

May araw din kayo

By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer

Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.

Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.

Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.

Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.

At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.

Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Test


After looking for the closest thing that would capture that smug shitnitz of SSDD, I'm finally settling with this template. What do you think? Cool eh? The layout, I mean.

The prequel of this blog was in oh-so-immaculate blue and white template; it was not really depicting me and my SSDDish personality, if you must know. But I had to give in to the readers' whims because they kept on bugging me about not being able to clearly read their comments on a very dark background (Intensedebate comment system didn't have any option for a white text format.)

Now, however, I'm bringing back the good, ol' crabby Lio in me. So yeah, the hell I care if people won't be able to clearly browse thru their gawddamn comments just because I have a dark template. My blog, my rules, my world.

This creation is still a work-in-progress. Will add other pieces of shit on the sidebar once I get to have free time.

In the meantime, do feel free to tinker on the blog and backread some entries. And give some droppings while you're at it.

Welcome to the third (and hopefully last!) version of Breathing the SSDD Mantra! Welcome to SSDD 3.0!

P.S.

Naturally, all the gazillion comments in my previous blog got deleted during the transfer. Plus the 15-plus random people who Google Followed me as well. So yeah, Fuck. That. Shit!

Dead?


Akala mo patay na 'yang langaw na 'yan? Hindi pa. Babalikwas at babalikwas 'yan pabalik sa tunay niyang kinahuhumalingan.

Malapit na...

*Photo credit - Rai-chee


Di Na Ba 'Ko Allergic sa Tao? (Part One)


Allergic ako sa tao. Nasabi ko na yan kelan lang dito sa walang kwentang kutang ‘to. Hindi ako mahilig makipagharutan sa mga taong ang bisyo sa buhay eh makipag EB at makipagsexmate textmate nang bonggang bongga. Wala akong account sa Multiply, Plurk, Twitter, Facebook, at kung anu-ano pang social site ekek at ang kaisa-isang Friendster account ko na pinilit lang ipagawa sakin ng utol ko eh minsan sa isang dekada ko lang nabibisita.

And don’t shove that pathetic “No man is an island” cliche up my ass. I tell you, I have friends albeit only a select few and I don’t live in cliches. That’s because in a world of 6.7 billion drones, you could get to handpick and count folks who talk sense and command respect for moving out of the cardboard box reality TV celluloid. The rest, sadly, are mindless marionettes who won’t even make a shit even if their strings are cut. So yes, I tend to polarize towards the aberrations of society, the ones who are within my wavelength’s league.

Mabilisang digression: Malapit nang bumalik si American-accented Lio Loco in his signature nosebleed diatribes, whether you like it or you like it. Hehehe.

Kaya nga mas pinili kong ikubli ang tunay kong identidad sa mundo ng sangkablogosperyahan sa parehong dahilan na mas masarap makipagsex ‘pag walang ilaw magsulat nang hindi lantad ang muka sa likod ng mga salita. Mas malaya ka. Mas tunay ang pagsasatitik ng mga kataga. Case in point? BOB ONG — ang simple ngunit astiging manunulat na nagpatunay na masarap palang basahin ang balahura at kantospeak na pagsusulat dahil natural ang daloy ng ideya, dahil kung ano ang bigkas ng isipan eh siyang sulat naman ng mga daliring nagtitipa at humuhulma sa katotohanang ipinababatid ng may-akda.

So gusto ko ngang kilalanin ako bilang anonymous blogger. End of story? Not.

Nitong nakaraang linggo lamang, nakatanggap ako ng isang kahina-hinalang email mula sa isang Ingleserong blogger (nakalimutan ko, isa rin pala ‘kong Ingleserong blogger dati…tsk tsk!) na nanghihikayat sakin upang dumalo sa isang piling pagtitipon sa mundo ng Pinoy sangkablogosperyohan. Akala ko naman kung elektronikong liham na ‘yun para ipabatid saking ako pala ang pangatlong nanalo sa pinag-uusapang P182-M lotto jackpot (bagama’t hindi ako bumili ng ticket) at nagkamali pala ang PCSO sa pag-aanunsiyong dalawang nilalang lamang ang di malao’y mananakawan at pag-aaligiran ng mirong ang kakapal ng muka sa paghingi ng balato.

Ang sabi ni Yoshke Dimen, they are inviting me raw “…to be part of our team of web experts who will evaluate our suite of online and mobile services before they are launched.” Syempre, bigla naman daw akong nacurious sa laman ng liham. Mali. “Bigla akong nagsuspetsa” would be the more appropriate statement. Unang-una, hindi ako maalam sa mga online and mobile services at ang pagiging tech support puta ko sa pinagkakakutaan ko sa Makati eh resulta lamang ng ilang buwang training. Ikalawa, isa lang akong amateur blogger na wala gaanong kamuwang-muwang sa masikip na kepyas mundo ng sangkablogosperyohan at nagsimula lang mag-blog limang buwan na ang nakakaraan kaya tingin ko eh wala akong K para maging web expert at evaluator ng kung ano mang taragis na services na tinutukoy ni Yoshke. Malay ko ba kung raket lang ‘tong tulad ng sandamakmak na email na natatanggap ko sa araw-araw mula sa kung saan mang lupalop ng Europa na nagsasabing nanalo raw ako ng 32.5 million euros maski hindi naman ako bumili ng lottery ticket nila? Kung ano ang nakita ni Yoshke sa walang kwentang kutang ‘to para imbitahan ako bilang “beta evaluator” eh siya na lang ang nakakaalam. Hakhak!

Pero totoo pala ‘tong si Ingleserong blogger na si Yoshke at tunay ngang meron silang proyekto hinggil sa online evaluator ekek ng isang kilalang mobile service provider. Suma tutal, at matapos ang ilang palitan ng email para magmakaawang magsama ako ng isa ring blogger friend (kasi strictly per-invitation only raw ‘yung event) dahil wala nga akong sense of direction at malamang sa malamang eh maging palaboy na lang ako sa Mandaluyong (venue ng event) ‘pag nagkataon, nagpunta ako sa kauna-unahan kong bloggers meetup at sa unang pagkakataon, isinantabi ko ang pagiging anonymous sa mundo ng sangkablogosperyohan.

Ang unang pagkikita sa kapwa-bloggers eh hindi naging maganda. Pano kasi, ang daming epal at kupal na hindi mo maintindihan kung nais ba talagang maging bahagi ng “elite list of beta evaluators” sa dami ng reklamo sa buhay. Nariyang meron daw silang right to privacy. Kesyo raw malabo ang ipanapanukalang non-disclosure agreement (NDA) na aabot ng limang taon. Na hindi patas ang magbigay kami ng ideya sa organizers dahil hindi naman daw exclusivity rule ang relationship naming mga bloggers at ng service provider. Hindi na lang ako nagsalita pero sa kinauupuan ko, nakailang putangina na ‘ko sa kaseryosohan ng mga tanong nila. Ang sa akin lang, kung ayaw nila ‘yung terms eh di tapusin nila ang pagkain nila, magsukbit ng mga binalot pa sa bag, at umeskapo na nang bonggang-bongga. Leche! kung ayaw pumirma ng NDA eh ‘di wag. Hindi naman sila pinipilit. If these pathetic drones are what defines a Pinoy blogger, then I’d rather be excluded from the definition. Bleech! Ang resulta: walang kinahinatnan ang unang pagkikita ng samu’t saring blagero’t blagera.

Ikalawang meetup eh sa soft-launching na mismo nung mobile service. Ngarag-ngaragan pa kaming pumunta ni Rai (blogger friend-slash-co-puta sa Makati) dahil katatapos lang naming mag-OCS exam para run sa possible Comms Coach promotion at kung tama ang kalkulasyon ko eh labinlimang oras na kaming gising nung araw na ‘yun. Anak ng pating! pormal-pormalan pala talaga ang event dahil sa Manila Gallery pa ang venue at ang mga invited eh mga bigating socialite ekek na madalas mo sigurong makita sa lifestyle pages ng Philippine Star.

Pati nga dining etiquette ko eh napasadahan nang di oras dahil sa dami ng kubyertos na kelangang gamitin sa iba’t ibang courses sa menu. Malay ko bang iba ang tinidor para sa salad, iba ule ang tinidor sa side dish, isa pang nyetang ibang tinidor para sa main course, at ang spoon na nakaposisyon sa bandang ulunan ng plato eh para sa dessert? At sabihin niyo sakin ba’t kelangang laging kumplikado ang pagkakabuo ng mga pangalan ng pagkain kapagka sa mamahaling restaurant ka kumain?

Ewan ko lang kung hindi kayo magkandabali-balinguyngoy sa pagbigkas sa mga pagkaing bininyagan sa pangalang tulad ng “Insalata Al Sole Field Greens & Cress, Orange, Fennel, Walnuts in White Wine-Orange Vinaigrette” (na pinagkumpul-kumpol lang namang dahon at gulay na hinaluan ng manamis-namis na ispesyal na suka), “Spinach Raviolo, Scallops, Gamberi, Calamari In Pink Tomato Cream Sauce” (parang lasagna lang ‘to na ang sahog eh kalamaris at ‘yung mas malaki-laking tulya na impernes eh siyang pinakamasarap), “Roast Beef Tenderloin Tagliata with Garlic, Rosemary, and Artichoke” (na hindi ko makakalimutan dahil dito ako sumemplang sa aking dining etiquette)…lolz!), at “Crepe Millefoglie, Chocolate Torta and Chocolate Lava in Poached Pear & Cebu Mangoes” (na hindi namin natikman dahil nag-umpisa na ang launching at nakakahiya namang pasiesta-siesta pa kami sa dining table samantalang ang lahat eh nandun na sa bulwagan).

Isa lang ang masasabi ko. Mas masarap ang magkamay. Behlat sa dalawang sosyalerang kaharap naming walang pakialam maski na lumuwa na ang boobs habang nagpapataasan ng ihi kakakwento kung kelan ule lilipad ng Macau, kung gaano sila kasexy, kung ilang beses silang nilabasan habang kaseks ang mga bi-ep nila, at kung saan ang susunod na modeling gig nila pagkatapos ng product launching. P.S. Ang sarap niyo palang bembangin, bitches!

Sa mismong gallery kung saan ginanap ang product launching, mas lalo palang hebigat ang mga panauhin. RSVP kung RSVP ang tema ng naturang okasyon. Andun ang Deputy Chief Executive Officer ng mismong service provider, ang Multimedia Business Group Head ng nasabing kumpanya, at ang Vice President for Technical Sales na co-partner ng new service. Heck, ni hindi ko nga alam na si TJ Manotoc na pala ‘yung katabi ko sa upuan. Mabuti na lang at marunong akong mag-Ingles nung question and answer portion na. Nagpabibo ako at nagtanong sa panel (pero totoo namang gusto kong tanungin ‘yung tanong na ‘yun) para naman masabi ni Yoshkeng hindi walang kwenta ang pagkakainbayt niya sakin at kay Rai. Lolz!

Ayun. Ganito, more or less, ang nangyari sa una kong pakikipagkita sa ibang blagero’t blagera sa Pinoy sangkablogosperyohan. Siguro marami pa ang kasunod ng meetups na ‘to. Hindi na maiiwasan dahil nagpaunlak ako sa paanyaya at tinanggap ang maaaring responsibilidad ng isang beta evaluator. Pero anu’t ano pa man, itinuturing ko pa rin ang sarili ko bilang anonymous blogger. Masayang nakakapagsulat ng mga walang kakwenta-kwentang akda na hindi ko alam kung babasahin ng mga naligaw ng landas at walang ibang magawa sa buhay. Tulad ni Bob Ong na hanggang ngayon eh palaisipan pa rin para sakin ang katauhan, natutuwa akong isiping isang misteryo pa rin ang muka sa likod ng mga puna, reklamo at kaangasang naisasatitik sa walang kwentang kutang ‘to.

At kung curious kayo kung ano ba ‘tong pinasukan kong bagay na pampadagdag lang sa magulo ko nang buhay, ‘eto’t pwede niyong silipin. Patikim pa lang ‘yan. Sa susunod na post, dun na papasok ang pag-PPR ko bilang beta evaluator ng nasabing bagong mobile service. Abangan ang susunod na kabanata.