Tangina! Nilalapa na naman ako ng pagkaganid ko sa pagba-blog.Nabigyan lang ako ng konting break (kasi nga hindi na ko nagrereview), bigla na namang umiral 'tong pagkamalikot ng mga daliri ko sa pagtitipa ng kung anu-anong shit. Ano ba talagang gusto kong mangyari sa buhay ko? Maging motherfuckin' blogger for eternity o maging CPA?
Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre 'yung mas madale. 'Yung mas masaya. 'Yung mas maaksyon. To be a motherfuckin' blogger for eternity without batting an eyelash.
Haha. Joke lang. Gusto ko pa ring maging bigatin siyempre. 'Yung tipong magpapataasan kayo ng ihi ng kung sinumang talipandas diyan tas patay-malisyang tatanungin sa'yo san ka nagtatrabaho para itanong mo rin sa kaniya san siya nagtatrabaho at kung magkano ang ibinabayad ng kumpanya niya sa bayag niyang inutil at sasabihin niya sa'yong higit trenta mil kinikita niya sa isang buwan at wala pa siyang masyadong ginagawa nun kundi humilata at putangina mo hindi ko tinatanong manahimik kang kupal ka tangina mo ule.
Tapos mapapahiya na lang siya pag nalaman niyang CPA pala ang hinahamak niya. Haha. Yeah, hindi obyus na meron akong pinaghahandaang ingudngod sa mabahong putikan in the near future. Jokeness.
Mag-iisang linggo na rin palang buhay 'tong bulagspot na 'to mula nang maisipan kong i-delete ung www.thessddboy.com nang walang kadahi-dahilan. Kasi trip ko lang magpaka-emo. Tanga. Eh di dahilan pa rin yun. Pakyu, I mean 'yung matinong dahilan.
Pati 'yung Friendster ko na kaisa-isang social site na pinatulan ko noon, binura ko na rin sa makamundong malawak na sapot. Wala lang. Napagdiskitan ko lang nung mga panahong emo mode ako.
Anyway, back to my bulagspot. Bukod sa mangilan-ngilang taong (dalawa lang, akshuli) pinagsabihan kong dinelete ko na 'yung datkom at muling tumambay sa squatter's area ng Bulagspot, wala nang ibang nilalang ang nakakaalam ng bagong URL na 'to. Sinadya ko talagang wag ipaalam dahil sawang-sawa na ko sa pagiging isang blogger celebrity.
Ulol. Anong tingin mo sa sarili mo, sikat? Not much. Lol!
Char. Ang totoo niyan, sinadya ko talagang wag ipagkalat ang bagong domain kasi ayoko muna ng maraming blogger. Ayoko munang makakita ng mga comment na magsasabing "Kumusta ka na? Anong nangyari sa'yo? Buhay ka pa pala!" yadda yadda shitnitz. Ayokong makabasa ng mga pang-aalipusta at half-meant "Hindi ka nag-iisa!" clusterfuck. In short, gusto kong as much as possible, low profile muna.
Pero mukang di na mapipigilan. Heck, si xG nga (Na krasness ko pa rin. Haha! Ang landi ng puta!) na hindi ko sinabihang lilipat na 'ko eh biglang naligaw na rin ng landas dito. Haha! Hindi naman sa pinagdadamot ko ang mga putak-utak ko rito. Ang sa akin lang, ayoko muna talagang sabihin dahil hindi pa ko sigurado kung mamementena ko 'to tulad ng dati.
Masipag lang akong dumura ng laway ngayon sa Intarnetz dahil nga wala muna kong rebyu-rebyuhan. Eh pano kung dumating na 'yung takdang araw para lumisan ule ako sa buladasphere at mag-focus na sa "totoong review"? Eh di 'yung mga naligaw ng landas na naman ang magiging kawawa pag nagkataon. Mag-aabang sa wala.
Pressure kaya 'yun.
Kaya nga pinag-iisipan ko ring maige kung idadatkom ko na 'to o hahayaan ko munang maging hampas-lupang nakadikit ang stillssdd sa [dot]blogspot[dot]com hangga't hindi pa ko tuluyang nagbabalik-loob. Eh ang kaso, umiral na naman ang putanginang premium datkom blogger ego ko. Nasanay na kasing
Wag na muna siguro. Tingnan natin sa mga susunod na araw. At tulad ng pangangati ng mga daliri ko sa pagtipa ng kabulastugan, parang nangangati rin 'yung bulsa ko sa pagbili ng bagong laptop.
Tangina ka. Laptopin mo muka mo. Masisira ang kinabukasan mo diyan pag nabili mo na 'yan. Malulusaw na pangarap mong maging CPA. Gusto mo 'yun? Gusto mo 'yun.
Oo, hindi obyus na nakikinig ako sa Wild Confessions ni Papa Jack gabi-gabi.
Ito ang nagagawa ng masyadong maraming oras. Tangina! Makapaglakad-lakad na nga lang sa Recto at baka makatisod pa ko ng kolehiyalang malaki ang boobs.
Oo na. Weakness ko na ang mga Dabiana boobs.



