Pages

[Blangko] Insert Coin Here


Pagkatapos mag-withdraw ng dose mil sa ATM (Yabang mong gago ka! Kelangan mo pa bang banggitin 'yun? Ulol! Oo, mayabang talaga ko. May angal ka? Haha!) para ipamudmod sa mga bagay-bagay at taong nangangailangan tulad ng buchog na land lord kong halatang tigang na tigang sa sekslayp dahil hindi pinagbibigyan sa kama ng hawt niyang asawa, ng buwakanginang credit card bill na nagpapahirap pa lalo sa kalunus-lunos nang estado ko sa buhay, ng sustento ng pensyonadong ina ko (Anak, kumusta ka na? [insert three-liner buladas here] Nga pala anak, 'yung allowance ko naipadala mo na ba?), ng pang-load ng utol kong adik sa text at magpasahanggang ngayon eh hindi pa rin nagkakatrabaho maski na lisensyadong inhinyera na, at ng gusgusing taong grasa sa overpass ng España, tutok na ang dalawang malalim na mata ko sa kuwadradong monitor ng kompyuter.

Ang haba ng intro, tangina mo! Inamorin!

Lilinawin ko lang.

Hindi ako naghahanap ng backstroke fucking ni Maria Ozawa at magpasahanggang ngayon, sa dinami-dami na ng napanood kong pang-Oscar at pang-Cannes performances na ginampanan ng magaling na Japanese-Canadian bomba star na hawig ni Angelica Panganiban (Hindi mo ba napapansin? Parang effortless na ang pag-acting ni Maria Ozawa sa mga vid niya? Parang natural na natural 'yung anasan at pag-halinghing niya? 'Yan ang tinatawag na professionalism. Ha!), hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang posisyon ni Maria Ozawa sa backstroke fucking na 'to.

Para sa mga hindi nakakaalam, sumasaydlayn ako sa Intarnetz bilang freelance writer na nagsusulat ng kung anu-anong shit para sa iba't ibang website tulad halimbawa ng Basic Pointers Before Enrolling in a Skiing Course o di kaya naman eh How To Be A Snowboard Instructor in Three Easy Steps.

I know.

Boring ang trabahong 'to at kung papipiliin akong tumuwad sa ikaapat na palapag ng hellish dormitoryong pinagkukutaan ko para ipakita ang tumbong ko sa lahat ng taong tumatawid sa Ped Xing ng España o magbabad maghapon sa Intarnetz para tumipa ng kung anu-anong shit na hindi ko naman talaga gustong isulat in the first place eh wala sa dalawa ang pipiliin ko.

Ano ako, ulol na exhibitionist? Huhlolz!

Pero malaki ang bayad sa pagsusulat ng kung anu-anong shit na tulad nito at kahit na okey naman ang pasahod sakin sa putahan bilang call center pokpok, ginusto ko pa ring sumaydlayn dahil merong mga bagay na hindi mo naman talaga kelangan pero gusto mo pa ring bilhin kasi gusto mo lang. Luho ang tawag dun.

Kaya nga nadatnan mo 'kong nakasalampak ngayon sa harap ng nakaka-cancer (?) na kahong 'to imbes na magpahangin ng tite at bayag sa aircon ng SM at mang-spot ng mga chikas na luwa ang kaluluwa dahil kelangan kong tapusin ang sampung artikulong malayo sa hinagap kong maisusulat ko pala nang walang kaabug-abog.

Correction: Maaari kong maisulat.

Dahil maski limang oras na 'kong nakatanghod sa Intarnetz eh wala pa rin akong natatapos ni isa man lang artik na naglalaman ng kahindik-hindik na topic tulad ng payroll service, online payroll system, at payroll service provider. Oo, puro walang kwentang shit at paulit-ulit na topic ang isusulat mo pero ganun talaga. Hindi ka babayaran sa galing mong magsulat halimbawa ng pantasya nobelang makapagpapataob sa The Lord of the Rings o The Chronicles of Narnia kundi sa galing mong magtagpi-tagpi ng makabuluhang sanaysay tungkol sa online payroll system o skiing course. Maliban na lang kung ikaw si J.K. Rowling.

At hindi obyus na frustrated fantasy novel writer ako.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Sa puntong ito, maski na anong piga ang gawin ko sa ilang kilong karneng nakapaloob sa gifted skull ko eh wala talagang creative juices na lumalabas. Mahirap pala talaga magsulat nang hindi mo gusto ang isinusulat mo. Para kang tinututukan ng baril sa sentido para gahasain si Madame Auring at pagkatapos eh sekon round naman kay Mystica. Wag na nating isali si Aling Dionisiang balak mag-artista.

Na itinuturing kong signos na malapit nang magunaw ang mundo.

Tanginang yan. Ano na ba kasi nangyayari sa sangkalawakan ngayon? Bakit kung sinu-sinong pulpol na muka na lang ang isinasalpak sa pinilakang-tabing para pasikatin? At utang na loob, kelan pa naging form of entertainment ang pagmumuka ng ballroom dancer na mama (binibigkas sa paraang maragsa) ni Manny Pacquiao? Puta, kung ganto rin lang ang kalakaran, sige. Talu-talo na. Kakalimutan ko na lang ang pangarap kong maging CPA at hindi na lang ako magpapakipot sa mga offer saking mag-artista. Lololol!

Pansin mo? Ambilis kong tumipa ng kung anu-anong shit kapag free-flowing ang idea. Kapag hindi pilit at kapag lalong gusto mo ang isinusulat mo. Sana talaga parang blog na lang ang pagsusulat sa saydlayn ko. Pero ayos lang. Meron pa kong isang rest day para tapusin ang sampung payroll ekek topics na pinapagawa sakin.

In the mean time, kelangan ko munang i-enjoy ang rest day na 'to. Red Horse, my love, cum to Papa!

Ahm...Bossing, alam kong lage kang dumadaan sa kuta ko. 'Wag ka sanang magalet. Tatapusin ko rin 'tong mga artikols mo sa takdang panahon. Sa deadliest deadline na binigay mo. Pramis 'yan. Mamatay man ang sperm cells ni Maldito.

Because I work best when I procrastinate and I orgasm with creative juices when pressured.

P.S.

Wag mo kong tanungin kung sino si Bossing. At wag mo rin akong kulitin kung pano maging isang freelance writer at kung magkano ang kinikita ko sa pagsusulat ng kung anu-anong shit na 'to. Andyan ang Intarnetz. Mag-Google ka, batugan.

*Photo Credit: www.macmcrae.com