Tingnan natin kung hindi magkandabali-balinguyngoy ang mga taragis na ilong niyo ngayon sa pagbabasa ng pamagat ng blog post na ‘to. Parusa ‘yan sa mga siraulong ayaw na ‘kong magsulat sa Ingles, sa wikang mas hiyang ako noon pa, sa lenggwaheng ang sarap makipaglandian gamit ang talentadong dila ko, sa titik kung saan una akong nahumaling at natuliro nang bonggang bongga.
Nosebleed.
Nosebleed.
Hindi dapat ito ang topic ng post ko ngayon pero leche! Etong gagong siraulong maddapakingshet na Malditong ‘to eh sinali pa ko sa mga katarantaduhang pinaggagawa niya sa pook-sapot niya. Anak ng pating talaga, oo! Pahirap talaga sa buhay ‘tong si Maldito eh. Parang napakalaking jebs na pahirapan mong ilalabas. Nananahimik ako rito tas bigla-bigla akong itatag? Tsk tsk tsk! At humirit pa ‘tong si VanVan na mas lalo pa kong pinahirapan dahil ginawa niyang bente singko ang dapat sana’y sampung taena ni Maldito Gavin. VanVan, dahil babae ka at mukang nag-uumapaw ang alindog mo sa main pic ng bulagspot mo (hehehe), abswelto ka sa pagngingitngit ko ngayon. Kay Maldito Gavin lang talaga papunta ang mga angas projectile ko ngayon sa puke ng inang tag na ‘to. Lolz!
Di bale sana kung si Kuya Badoods ang nag-tag sakin. Kung sakaling ang blog aydol ko ngang si Mythical Badoodles ang nagsabi sana saking “…at ikaw Lio Loco, ang younger version kong malufeet at super nosebleed mag-Ingles, ang younger version kong pareho ko ng disposisyon sa buhay, tinatag kita sa 10 Random Ekek na ‘to,” malamang sa malamang, magpapakipot muna siguro ako ng mga sampung segundo. Marahil pagkatapos ng dalawa’t kalahating beses na pag-iisip, tsaka naman ako ora-oradang haharap sa kompyuter para itipa ang
Hindi ako sumasagot sa mga ganitong klaseng meme ekek sa tanang buhay ko. Namumutiktik ang Friendster Bulletin ko ng mga ganitong katarantaduhan at wala akong panahon para basahin sila, higit lalong sagutan at ipamudmod pa sa ibang walang magawa sa buhay kundi gumawa nang gumawa ng mga ganitong kaekekan. Sayang ang effort sa pagtipa ng letra. Sayang pa ang bandwidth ng net koneks na ginamit para sa alang kakwenta-kwentang meme shitnitz tulad nito. Pero alang-alang sa katahimikan ng sangkablogosperyahan, at dahil nahihiya rin naman daw ako sa A for ey-ffort ng mga taragis na taong nag-tag sakin (maski na hindi ko sila kilala nang personal at dito `sa mundong malawak na sapot ko lang sila nakadaupang palad), eto na ang dalawampu’t limang walang kakwenta-kwentang paks you tungkol sa narsisistikong’t maangas na nyetang nagkukuta sa pook sapot na to.
Tulad ng naunang tag ni Kuya Badoodles na tinag si Maldito na nyemes namang tinag ako nang bonggang bongga, isa sa sampung random facts ang kwentong barbero. Ngayon, dahil bente-singko ang pinapagawa sakin ni VanVan, and applying the principle of ratio and proportion (at pinairal ko pa talaga ang pagkasinto-sinto ko sa Math), dalawa’t kalahati sa mga babanggitin ko ang jokeness bola-bola asado lang. Oo, dalawa’t kalahati. Dalawa ang in-your-face hoax at ‘yung isa rito, kalahating totoo, kalahatang bluff lang.
Magkaalaman na. ‘Yung makakahula sa dalawa’t kalahating mali, pinahihintulutan ko nang kagatin
1. Allergic ako sa tao. Hindi ako mahilig makipagharutan sa mga taong ang bisyo sa buhay eh makipag EB at makipag
2. Mahilig akong magsuot ng jacket pandagdag volume maski na wala na 'ko sa Baguio. Pakshet! Namiss ko tuloy bigla ang Baguio.
3. Half-chinese ang aking runaway daddy at bukod sa taragis na tatay responsibility, ipinamana niya sakin ang kakuriputan ng mga lahing Intsik. Noon, bigay sa luho kaming mag-utol dahil medyo may kaya ang sperm cell donor ko. Pero nung taym na nagpasya ang mga magulang naming magsulian na lang ng kandila na akala eh parang bahay-bahayan lang ang lahat, naranasan kong pumasok sa iskul nang kumakalam ang sikmura at panay pacute at pabibo lang sa teachers ang baon. Eto yung mga taym na iniwan na namin ang Maynila at sa probinsiya na nagsimulang batakin ang mga hamon ng buhay. Naalala ko nga pala. Hindi ko pa tapos ‘yung saksak-puso tulo ang dugong liham ko kay Ate Charo na ipapadala ko sa Magpakailanman.
4. Isa akong latebloomer at hanggang ngayon eh muka pa rin DAW akong totoy. Ganiyan talaga ang beybi peys. Lolz!
5. Kaliwete ako, but not in the strictest sense of the word dahil istik tu wan pa rin ako. Mahilig akong magdurowing, magsulat, magpinta, mag-sketch, kumatha ng tula at ang sabi ng mga teacher kong binola-bola ko nang di-iilang beses na hawig nila si Armida Seguion-Reyna para bigyan ako ng mataas na marka, isa raw akong gifted child. In tagalog,
6. Muntik na kong maging magna cum laude nung college pero dahil nawili ako sa ekstra kurikular aktibidades, paglalakwatsa at
7. Kamuntik na kong mamatay nung bata pa ‘ko dahil nabutas ang noo ko ng tubo ng gripo sa sobrang kalikutan ko. Syemre naman, learning stage kaya ‘yun. Eh di kung saan-saan ako nagsususuot kesehodang magmistula na kong living faucet ng blood and gore.
8. Lagi akong naka-company ID maski na ala na ‘ko sa pinagkakaputahan ko sa Makati dahil takot akong baka mawala na naman, sumabit sa dyip, o madukot ng mga hinayupak na magnanakaw sa kahabaan ng Taft ang ID ko. Taragis. Ang mahal kaya ng pagpapagawa ng panibagong ID. Papagawa ka pa ng affidavit of loss. Imadyin da konsumeyshun!
9. Madalas akong late sa iskul nung hayskul at college at ngayong nagpapakaputa na ‘ko sa Makati, hindi ko pa rin matanggal-tanggal ang sakit na ‘to. Noon, wala akong pakialam kung dumating man ako sa klase nang 30 minutes late at kebs ko rin kung kanina pa umaatangal ang teacher namin kakadakdak sa harap ng klase. Basta na lang akong umuupo sa upuan ko nang walang pasintabi at parang walang nangyari. Katwiran ko kasi, maski na hindi ko napakinggan ang lektyur niyang ni-rephrase lang naman ang laman ng libro, kaya ko pa ring mag-self study. Ngayon, wala pa rin akong pakialam maski late ako ng pasok sa putahan kuta namin sa Makati dahil bangenge to the max ako kagabi. Ahhh…binabawi ko na. Nanghihinayang pala ‘ko dahil malaki ang kaltas ng mga pagkalate ko sa trabaho. Araguy!
10. OC ako sa grammar at diction. Wala akong pakialam kung kaibigan pa kita. Kapagka ikaw eh nagkamali sa pagbigkas sa English o mali-mali ang grammar mo, ikokorek at ikokorek kita sa mismong oras at mismong lugar na nagkamali ka. Kaya kung ako sa’yo, magpakatotoo ka. Kung hindi mo kayang mag-Ingles, wag na at baka mapasagot ka pa ng “My pamili…my pamili’s role for me is very imfortant ‘coz there was…they was…they’re was the one…Hahaha! Ahm…Sorry guyz! This is really my perst pageant ever because I’m only 17 yeards old and…ahahaha!” Naknampucha! Sisihin ba ang edad?
11. Ayoko sa mga taong stereotype at higi’t lalong ayokong ikinakahon ako sa mga stereotypical na pamamaraan. Wag kang magpapansin dahil unang una, ako ang papansin sa’yo pag natipuhan kita. Swerte mo kapagka natuwa ako sa’yo. Ibig sabihin nun, gusto ko ang sarili mong istilo at ipinapalagay kong magka-wavelength tayo. Kung hindi man tayo parehong siraulo, malamang sa malamang, kaya ako natutuwa sa’yo eh dahil merong isang bagay sa’yo na tulad ng sa ‘kin. Naintindihan mo ba? Kung hindi, hindi tayo bati dahil hindi tayo magka-wavelength. Behlat!
12. Hindi ako marunong magbasketbol. At isa iba pang sports bukod sa chess (Y'un eh kung maituturing na sports ang chess. Huhlolz!). Sa payat ko ba namang ‘to, makikipag-umpugan pa ko sa mga maskels ng mga PBA basketbolistang parang bato sa laki ng mga katawan?
13. May nunal ako sa parehong magkabilang sentido. Patunay na isa akong gifted child at nahahanay sa pangkat nina Albert Einstein, Leo Da Vinci, Bill Gates, Vincent Van Gogh, at Sylvia Plath. Walang kokontra. Twentipayb ekek ko ‘to. Gumawa ka ng iyo.
14. Mahilig akong magbasa. Harry Potter. The Lord of the Rings. Angela's Ashes. Stephen King. Neil Gaiman. Jessica Zafra. Bob Ong. Roald Dahl. The Catcher in the Rye. Philippine Star. Philippine Daily Inquirer. Conrado de Quiros. Patricia Evangelista.
15. Mahilig akong sumakay sa harapang upuan ng dyip, sa tabi ng mamang drayber. Ayokong nakikipagsiksikan ako sa pangsampuang upuang (walo’t kalahati kapagka nakasakayan mo si Dabiana) ginagawang para sa labindalawang katao ng nyetang kunduktor, pasigaw na sinasabing magkabilaan pa raw eh obyus namang kalahating pwet mo na lang ang nakasayad sa lecheng upuan. Sa harap, bukod sa komportable ka na, perpek pwesto pa para mag-spot ng
16. Meron akong bruxism o yung tinatawag nilang grinding teeth disorder. Hindi ko alam kung ba’t hanggang ngayon eh buo pa rin ang ipin ko pero ayon sa mga kakilala ko, madalas daw eh para akong ngumangata ng isang supot ng chichacorn kapagka himbing na himbing sa pagtulog. Ayon sa mga eksperto, isa raw itong manifestation ng stress, nervous tension o anger. Na hindi ko naman itinatanggi. Marami akong reklamo sa buhay at punumpuno ako ng angas sa katawan. Kung kani-kanino? Hindi ko na iisa-isahin. Nyeta! Kaw ba naman ang bumatak sa tatay responsibilities nang napakaaga, ewan ko lang kung hindi ka maenrol sa anger management class nang di oras.
17. Meron akong one-year-old, cute na cute na anak sa Baguio na hindi ko na madalas mabisita dahil andito ako sa Maynila pero bibisitahin ko pa rin sa katapusan ng buwang ito. Hindi na kami ng mama niya (irreconcilable differences…naks! may nalalaman pa talaga ‘kong irrecon-reconcilable differences. lolz!) pero sinusuportahan ko ang bata. Namimiss na kita Baby Leonard ko. Uwi si Papa diyan sa katapusan.
18. Lagi akong naka-imbisibol istatus sa YM dahil ayokong naiistorbo ako sa ginagawa ko pero gusto ko pa ring makita kung sino ang online.
19. Mahilig ako sa
20. Mid-term goal ko ang makaalis ng bansa at yumaman nang bonggang bongga bago ako mag-trenta. Sa ngayon, may humigit-kumulang isang dekada pa ko para tuparin yun. Kaya pa.
21. Namamangha ako kay Dexter Morgan at dahil sa sobrang pagka-aydol ko sa kaniya, minsan naiisip ko ring maging serial killer na papatay sa mga hinayupak na nilalang na hindi na dapat sinisikatan ng araw sa mundong ibabaw. Pramis, kung mabubuhay man ako ule sa after-life (yun eh kung meron ngang after-life), mabubuhay ako sa katauhan ni Dexter Morgan. Siyang siya ako. Older version lang.
22. Hindi ako masyadong mahilig sa music pero lumaki akong nakikipagbasagan ng gitara (maski na hindi ako marunong maggitara) sa himig ng Huling El Bimbo at ng iba pang musika ng Eraserheads. Peyborit song ko sa mga awitin nila ‘yung Hard to Believe. I wanted life to be this way, just a little bit of love could mean so much. O please don’t take it all away, but with you heaven is still close enough to touch. Oha oha! Hehehe.
23. Isa akong nyetang perpeksyunista dahil ayon kay Madam Auring, likas iyon sa mga Virgo. Kung ano ang kinalaman ng pagka-Virgo ko sa ugali ko eh kayo na ang bahalang magkonek. Wala ako sa mood para uriratin pa ang yadda yadda maddapakingshet ng mga manghuhulang yan.
24. Wala akong sense of direction. Pero hindi pa rin ako magtatanong maski magkandawala-wala na ‘ko. Gut feel na lang ang paiiralin ko pag nagkaganun.
25. Pessimistic ako. Bali-baliktarin mo man ang mundo, half-empty pa rin ang tingin ko sa kalahating baso ng alak sa mesa mo.
Ayun. Puke ng ina! Natapos din. VanVan at Gavin (Uuy..bagay ah! Ginawang item? Bwahahaha!), sa susunod na itatag niyo ko, gawin niyo pang mas mahaba ha. Gawin niyong pipti o kung medyo sinipag-sipag naman kayo, 100 na lang. Nasisisiwan ako eh. Lolz! Taena. Jokeness lang. Parang awa niyo na, last na ‘to. Ayokong dumugo ang utak ko kakaisip ng mga katarantaduhang shitness tulad nito.
At kung akala niyo eh dito na nagtatapos ang lahat, nagkakamali kayo. Hindi ko palalampasin ang araw na ‘to na hindi ipinapatikim sa ibang blogger ang hirap, pasakit, at dugo’t pawis na kelangan mong ibuwis para lang maalala ang kung anu-anong kaekekan sa buhay mo. Sa puntong ito, tinatag ko ang lahat ng mga nilalang na walang sawang bumibisita sa walang kwentang kutang ‘to.
Ang hindi tumupad sa tag na ‘to, hindi ko na ka-wavelength. At hindi na tayo bati. Period. No erase. Itaga niyo ule yan sa mga




