Pages

R.I.P. - 071209




Masyado nang maliit ang blogosperyo para sating dalawa. Na mas lalo mo pang pinaliit sa ginawa mo.

Muli akong magsisimula. Doon sa tagong sulok na walang nakakakilala sakin. Doon kung saan maaari akong maging ako nang walang halong pag-aakala at pagkukunwari. Isusukbit ko na nang tuluyan ang lahat ng alaala ng buhay blogger ko rito sa sisidlang hindi aamagin ng nakakalimot na agiw. At doon, sa espasyong hindi maaabot ng mga buwakanginang pakdatshits at mapanlinlang na lipunang hubad sa karunungan, doon ko pagninilayan-babalikan ang bahagi ng talambuhay kong minsan, naging isa akong makulet na blogger ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

At kung sakali mang muli tayong magkadaupang palad, wag mo sanang madaliin ang lahat. Dahil muli kong panghihinayangan ang pausbong sanang pagkakaibigan. Hindi mo mananamnam ang lasa ng sinaing kung malata mo itong ngunguyain.

Alam mo kung saan nag-ugat ang lahat? Nang sabihin mo saking mahal mo ko.

Salamas sa lahat ng naligaw ng landas. Ikinalulugod kong minsan ay nakadaupang palad ko kayo.