Wala nang paliguy-ligoy pa. Eto na ang pinakaiintay na update ng mga miyembro ng Lio Loco Pans Klab na sabik na sabik na sa Umpisahan na ang bilangan. Walang kinalaman ang bilang sa kahalagahan ng kabalahuraang nabanggit. Random spurts lang ang mga 'to. Fresh from the ranting oven. Feast on, maggots.
1. Hindi sukatan ng pagkatao ang pagkakapasa sa Board Exam. Ang totoo niyan, hindi mo naman madadala ang titulo mo pag tinengga na ang formaline-intoxicated cadaver mo sa lupang anim na talampakan ang lalim. True, you will be remembered by what you taught, not by what you learned; by your signifance, not by your success. But a life that matters is also a matter of choice, not of circumstance. Kaya nga minsan, it's nice to know you chose to dream and aspire, than to be stagnant and stale.
2. Alam mo ang pagkakaiba ng nilalang na may kabuluhan sa wala? 'Yung una, may pangarap sa buhay at alam kung san papunta. 'Yung huli, kuntento na sa life cycle na humihinga-umeechas-nagjajakol-mamatay nang walang saysay at hawak pa rin ang bayag na walang kasing inutil. Hindi alam kung anong purpose sa mundo.
3. Kung ikaw 'yung una, well and good. Binabati kita sa direksyong tinatahak mo. Ituturing kitang ka-wavelength ko at hindi ako magsasawang purihin ka sa desisyon mong maging iba. Eh pano kung ikaw 'yung huli? Putangina! Napakahalaga ng buhay para tratuhin mo 'tong parang brip na may tae lang -- huhubarin-lalabhan-isusuot nang wala man lang kadahi-dahilan. Idonate mo ang atay mo. Ang apdo. Ang balun-balunan. Ang mata. Ang sex organ. Lahat ng pwedeng pakinabangan sa'yo at nang sa gayon eh hindi ka naman mamatay nang wala man lang nagawang kapaki-pakinabang sa mundo. At kung ikaw eh in-between sa kasalukuyan? Okey lang 'yan. Maige na 'yung sinisimulan mo nang hanapin ang puwang mo kesa mapabilang ka sa napakalaking estadistika ng mga naglipanang hollow men.
4. Ang oras eh isang konseptong napakahirap arukin at hulihin. Maaaring sobra-sobra 'yan o napakaliit para hawakan mo. Depende sa kung saan ka nabibilang sa naunang talata. Ang masasabi ko lang, gawin mo ang pwedeng gawin. Subukan ang hindi pa nasusubukan. Tuparin ang mga nakalimutan nang gawin. Hindi habambuhay meron ka niyan. Kung patuloy mong isasantabi ang mga wish list sa kukote mo dahil sa rationalizationg bata ka pa at marami ka pang oras para tuparin 'yan, hindi malayong poreber na ngang maging wish list 'yan para sa'yo.
5. Por eksampol, kung pangarap mong maging CPA, dikdikin mo ang sarili mo sa pagkamit ng pangarap na 'yan hanggang sa maprogram na ang subconscious mong gusto mo ngang maging CPA. Mahirap? Parang imposible? Maraming nakasanayang babaguhin at iiwan? Pwes, magtiis ka. Walang sarap ang hindi dumadaan sa hirap. No pain, no gain.
6. Mahirap pagsabayin ang review sa work. Pero gaya nga ng sinabi ko, kung gusto mo talaga ang isang bagay, meron at merong paraan para matupad 'yun, gaano man kadugo. Sa kaso ko, kinalimutan ko pansamantala ang buhay blogger ko, ang pagkahumaling ko sa PSP, ang paglaklak ng serbesa hanggang sa tamang lasheng na, ang social life kong nagmistulang baradong kanal na. Take note: Pansamantala is the operative word.
7. Maraming importante sa listahan mo. Pero dun sa listahang 'yun, may mga bagay pang mas importante run sa importante. 'Yun ang unahin mo. Kumbaga sa kumpanya, mag-cost cutting ka. Alisin ang pwedeng alisin. I-trim down ang pwedeng i-trim down. Recession ngayon. May pukenginang A(H1N1) pa!
8. Kung gusto mong pumasa sa Board exam, higitan mo ng isangdaang porsiyento ang kakayanan mo. Parang si Taguro lang ng Ghostfighters. Ano ang ibig kong tumbukin? Kung gusto mong pumasa, wag mong isaksak sa kukote mo ang mithiing papasa ka lang. Dapat ang goal mo eh magpi-place ka sa Board. Dahil sa teleserye ng totoong buhay, madalas sa madalas eh mas mababa pa sa minimithi mo ang makakamit mo kalaunan. Kaya kung ang preparasyon mo eh magpi-place ka sa Board, garantisado - papasa ka. Kung ang goal mo naman eh papasa ka lang? Ihanda mo na ang sarili mo sa malaking posibilidad ng pag-retake. Kumbaga, meron kang buffer. May allowance sa mga unavoidable risks.
9. Wag kang magti-take ng Board exam kung hindi ka pa handa. Wag mong sabihing iti-take ko na lang just for the heck of it. Hindi 'yan seks na pwedeng ulit-ulitin. Pagkatapos ng ikatlong retake (para sa CPA Board; hindi ko lang alam sa iba) at hindi ka pa rin pumasa, babalik ka ule sa muling pag-aaral ng mga napag-aralan mo na. 'Yun eh kung may napag-aralan ka nga talaga.
10. Kung sa ikatlong retake eh hindi ka pa rin pumasa, utang na loob mag-iba ka na ng linya ng trabaho. Hindi para sa'yo ang pagiging CPA (o kung anupamang propesyon 'yan). Mag-apply kang dishwasher sa pinakamalapit na karinderya. Kumpetensyahin mo ang lalakeng lageng nakakalimampiso kada sigaw sa bawat daan ng bus sa Ayala. Gawin mong saydlayn ang pagmamascot kay Jollibee. Dahil ang ikalawa o ikatlong beses na pag-uulit ng eksam eh nangangahulugang isinusuka ka na talaga ng propesyong gusto mong mapabilang ka. Gusto mo ang propesyon. Ayaw ka ng propesyon. Cannot be. Borrow one from three.
11. Pressure sa lahat ng mga nakakakilala sa'yo ang mag-take ng Board. Pero 'wag kang padadala. It's all in the mind. Wehno ngayon kung alam ng buong barangay sa probinsiya niyong magti-take ka ng Board dahil ibinida na ng taragis na nanay mo sa buong kalawakan? Gawin mong challenge 'yun para magpursige ka pa lalo sa pagrireview mo. And if worse comes to worst at hindi ka nga pumasa? Ilang araw ka lang namang mainit na balita sa lugar niyo. Kapalan mo na lang ang muka mo at wag kang umuwi sa probinsiya niyo nang ilang buwan hangga't walang bagong anak ng kapitbahay niyong hindi pumasa sa Board para pagpiyestahan.
12. Mahirap pagtuunan ng pansin ang tatlong oras na
13. Magandang negosyo ang review center. Sa conservative estimate halimbawa ng isanglibong nilalang na magbabakasakaling masungkit ang pinakaaasam-asam na tatlong titik na titulo (hindi PAL na tumutumbok sa dinaglat na "PALamunin ng nanay at tatay"), garantisado na ang sampung milyong pisong kita mula sa mga isanglibong ambisyoso't ambisyosang reviewees na nabanggit.
14. Hindi pa kasama riyan ang kita sa pagbebenta ng kanipis na kunwa-kunwariang tuna-slash-chicken sandwich sa canteen na nagkakahalaga ng bente pesos at iba pang chichiryang mabibili mo sa labas ng limang piso pero ibebenta sa'yo ng sampung piso sa review center.
15. Pati na rin pala sa royalties na makukuha nila mula sa book stores para sa Accounting books na kinopya-idinikit mula sa ibang foreign review materials at di malao'y aangkinin-tatawaging akda nila. And then you thought plagiarism does not abound in the academe. Tsk tsk.
16. Hindi porke sinabi sa'yo ng reviewer niyong di ka papasa kapag bumili ka ng ilegal na kopya ng libro nila sa Recto eh hindi ka na nga bibili. Pagiging madiskarte ang pagpili ng isang bagay na mas makukuha mo nang di ka masyadong nag-eeffort o gumagastos kung pareho rin lang ang lalamanin nun. Isipin mo na lang, maski hindi talaga certified copy ang mga librong binili mo sa harap ng National Book Store sa Recto, bayad ka na sa royalties ng mga buwakanginang accounting authors-slash-reviewers na 'yan sa laki pa lang ng tuition fee mo. Oo, bumili ako ng limang librong mabibili mo lang sa Recto ng P280 kada isa (tinawaran ko ng P230, pumayag si Aling Tindera, diskarte ang tawag dun) na nakaayos naman sa mga book shelves ng NBS kasama ang tag price na P560.
17. Huwag kang bibili ng libro kung hindi mo rin lang babasahin at gagamitin sa pagrerebyu mo. Ang pagrereview sa Board exams eh hindi paramihan ng stock na libro sa kuwarto. Paramihan 'yan ng alam. Hindi ka magtatayo ng Accounting library.
18. Sa humigit-kumulang isanglibong nilalang na araw-araw mong nakakasama sa review center ng anim na buwan, nakakatatakot isiping dalawampu hanggang dalawampu't limang porsiyento lang nun ang magkakaron ng CPA license at ang iba eh uuwing luhaan sa kani-kaniyang probinsiyang plakado na ang kantang "I did my best but my best wasn't good enough." Mas nakakatakot pa kamo ang mga second- at third-time Board takers na mas maluwag na ang turnilyo at mas makapit ang suicidal tendencies. *Master Pogi tone* O hinde!
19. Sa loob pa lang ng claustrophobic review classroom niyo, maihihiwalay mo na ang mga posibleng pumasa sa wala talagang kapag-a-pag-asa. Sa pinakahuling obserbasyon ko, dalawang klase ng mga probable failers ang makikita: (1) 'Yung mga pumapasok sa classroom na parang nangholdap lang ng lunch box sa mga pre-schoolers sa sobrang dami ng baong pagkain at walang ibang ginawa kundi ngumasab lang nang ngumasab ng hamburger sa McDo, chicken meal sa Mang Inasal, Jolly Spaghetti ng Jollibee, at bun sandwich ng Dunkin' Donuts; (2) 'Yung mga mahilig sumubaybay sa The Buzz dahil walang ibang inatupag kundi makipagkyawkyawan (bagong term na napulot mula kay Miss Lenggai) lang sa katabi at iri-enact ang mannerisms ng mga reviewer kung pano sila magturo.
20. Kung tamad kang magsulat ng notes katulad ko, matuto kang makipagplastikan sa ibang reviewee maski na hindi mo sila ka-wavelength. Tapos, pag kunwari close na kayo, tsaka mo hiramin ang mga handouts na pinaghirapan niyang kopyahin sa blackboard at pagkatapos eh ipa-photocopy sa baba ng review center niyo.
21. Ano ang punto ko bat hindi ako nagsusulat habang nagsasalita si Ginoong CPA Reviewer sa harap? Simple lang. Dahil kapag sinabayan mo ng sulat ang pakikinig sa pinagdadadakdak niya sa harapan mo, magiging malabo ang pasok ng mga concepts at pointers na 'yun sa memory bank mo. You cannot serve two masters at the same time.
22. Kahit gaano kaboring ang sinasabi ng reviewer sa harapan mo at kung sa tingin mo eh mga engkanto nang gustong kang halayin ang lahat ng mga nasa loob ng kwarto dahil sa sobrang hindi mo na maintindihan ang lahat-lahat, gumawa ka ng paraan para bumalik ka sa sariling katinuan. Sampalin mo ang sarili mo. Kurutin mo ang singit mo. Lapirutin mo ang mga utong mo hanggang sa mamula. Pitikin mo ang testikols mo hanggang sa maging iskrambold eggs na. Ikaw ang talo kung walang pumapasok sa pinagsasabi ng mamang maperang nagsasalita sa harap mo dahil ang lahat ng nangyayari sa loob ng silid na 'yun eh binayaran mo.
22. Kung manyakis ang reviewer mo sa Taxation, marami kang mapupulot na green jokes na pwede mong gamitin para sampalin ka ng babaeng nililigawan mo. Sampol: If the BF smokes, the GF is prone to breast cancer. Aaminin ko. Natawa ako nang konti. Hindi mo digs? Hmmkei. Magtanong ka sa pinakamalapit na simbahan niyo.
23. Habang tumatagal, mas nagiging kapansin-pansin na ang pagkakahalintulad ko kay L. Lawliet ng Death Note. Bangag. Sabog ang buhok. Tulala. Nakukuba na. At nangingitim na ang ilalim ng mata. Madalas sa madalas, kulang na talaga ang tulog ko sa isang araw. Swerte na kung umabot 'yan ng anim na oras. Mabuti na lang talaga, hindi nababawasan ang pagka-kyut ko. Tenkyu Lord, I feel so good! Tenkyu God, I feel so glad! Every little cell in my body is well. Repeat Refrain.
24. Mag-vitamins! Dahil kelangan mo ang resistensiya ng katawan para magreview, bawal na bawal magkasakit. Sa panahon ngayong lahat ng tao eh posibleng kapitan ng lecheng swayn plu bayrus na 'yan, ang tanging depensa mo na lang eh palakasin ang immune system mo. Pero wag kang magpaka-O.A. at maglakad sa lansangang may gas mask na mukang parang nasa operating room lang. Nagmumuka ka lang tanga -- hindi air-borne ang swayn plu bayrus. I-compensate mo ang pagkukulang mo sa tulog sa pagkain nang marami. More energy, mas happy!
25. Huwag magrerebyu sa lugar na isang pulgada lang ang layo sa kama. Ang pagrerebyu eh sobrang nakaka-hypnotize lalo na kung puro numero na lang ang paulit-ulit mong nakikita. Ang pagsalampak ng tumbong mo sa malambot na kobre-kama eh senyales na ng pagtataksil ng katawan mong humiga maski na ulit-ulitin mo pang paalalahanan ang subconscious mong hihiga ka lang saglet para iunat ang mga kasu-kasuan mong namamaluktot na sa kakarebyu. Suma tutal niyan, kapag ihinilig mo saglet ang ulo mo sa unan mong namamaho na sa panis na laway, mapapabalikwas ka sa madaling araw na hawak pa rin ang lamukos na handouts.
26. Huwag matutulog sa biyahe pagkagaling sa work papunta sa review center. Ang isang oras na pagitan na biyahe eh sapat na para makulong ka sa panaginip at lumampas sa dapat na bababaan mo papunta sa review center niyo. Mahirap maglakad ng ilang kilometro dahil lang napasarap ka sa pagkakasalampak sa isang three-seater couch ng bus.
27. Paminsan-minsan, kelangan mo ring magrelaks at i-unwind ang utak mong pagal na sa kakarebyu. Lumabas ka. Pahanginan mo ang tite mo sa mga higanteng AC ng mga mall. Makipagkita por da perstaym sa mga kaututang dilang mahilig sa mantsa ng kape at tinta.
28. Ibang iba talaga ang nakikita mo lang sa piktyur at 'yung nakikita mo talaga nang personal. Pramis! Ibang iba! Nyahahahaha!
29. Masarap matulog sa loob ng sinehan kapag ang pelikulang pinapanood ng kasama mo eh isang horror movieng puro na lang bulwakan ng laway at dugo mula sa matandang may pustiso ang highlights. Kung minsan, mapapaisip ka pa nga: 'Yung direktor ba talaga ng Spiderman franchise ang gumawa nito? Lalo na kung 'yung katabi mo eh panay na lang ang tsansing sa'yo. Hindi na ko magbabanggit pa ng kung anupamang detalye at baka may mag-reak. Huhlolz!
30. Perwisyo ang rebyu-rebyuhan sa pagba-blog. Leche!
Hmmkeibye. Rebyu-rebyuhan mode na naman. Mahirap na. Baka makatakas pa 'tong pangarap na 'to. Anakngtitengmaugat talaga o!
At dahil napagtanto kong may kinalaman pala sa pangarap ang kabalahuraan na 'to, minabuti kong ikonsidera na lang 'to bilang lahok sa LLM T-Shirt pakontes ni Pareng Otep. Magcomment lang ng magcomment. Kelangan ko nung LL T-Shirt! Huhlolz!
P.S.
May libreng Transformers screening sa Greenbelt ang putahang pinagtatrabahuhan ko. Wala akong kasama. Meron pa kong isang ticket. Kung sino ang gustong sumama, pagkakataon mo na. Itaas ang kamay.
Oh yeah, sa Sabado na 'yan. Alas otso impunto ng umaga ang screening time.
Update:
Deads na pala ang Prince of Pop. Tamo nga naman ang buhay. Tsk tsk. Parang kelan lang eh napapanood ko pa sa TV ang dokyu tungkol sa batang negrong tinangkilik ng lahat at di kalauna'y lumaking Caucasian, nagpaturok ng napakaraming estrogen, at nagmukang babaeng multo sa paghahangad na matanggap ng maraming tao.
Aaminin ko, hindi ako masyadong apektado dahil hindi naman talaga ko ipinanganak sa dekadang sumikat silang tatlo nina Madonna at The Prince. Pero sa dami ng mga kantang pinasikat niya at magpasahanggang ngayon eh patuloy pa ring pinapatugtog sa mga radyo, maganda rin sigurong palutangin ang mga naiambag niya sa musika kesa sa mga kawirduhan niya tulad ng mga alleged pangmomolestiya sa mga bata, cosmetic surgery, Bubbles the chipmunk, at ang takot niyang tumandang inirerepresenta ng kanyang palasyong Neverland.
Don't tell me you've never known the Moonwalk, or the creepy Thriller video, or the Billie Jean and Beat It pop saccharines. He's not called The Prince of Pop for nothing, after all.



