I beg to disagree. What about death? Or taxes? Or how narcissistically cute the bastard author of this one heckuva wicked bandwidth blog spot is? Semi-kidding on the last bit.
For people who have been religiously following this blog for some time now – folks who have nothing better to do in their lives than consider perusing the content of this bandwidth blogspot as a form of escapism from the fucked up doldrums of shitty yuppie swivel chairs and life’s redundancies – the past few weeks have seen swerving changes poised to curb the path of my current call boy existence.
Leche. Lalangawin na naman ‘tong post ko malamang. Nosebleed Inglesan na naman eh. Kelan ba ko nagkaron ng English post na tumabo sa takilya? Wala, lahat ng bestsellers dito puro Tagalog. Maski nga nakakatawa na hindi pa rin pag-aaksayang basahin kapag nag-nosebleed diatribe na ko. Which goes to show either makabayan ang mga naliligaw ng landas dito o sadya lang talagang mahirap maarok ang mga pinagsasabi ko kapag nag-ala Miriam Defensor na 'ko sa bokabularyo ko. Anakngtitengmaugat talaga o! Hmmkei payn. Kantospeak na kung kantospeak. May araw ring ako naman ang masusunod at English ang gagamitin kong medium. Bukas, luluhod ang mga buwakanginang Tagalog posts na 'yan.
Bukod sa night differential pay na tuluyan nang naikaltas sa salaping nakukuha ko tuwing kinsenas at katapusan ng buwan bilang isang kolboy ng Makati, marami pa pala kong mamimiss sa desisyon kong mag-review bilang paghahanda sa pangarap kong maging full-fledged Certified Pekpek Arouser. Whoops! Point of erratum. Certified Public Accountant pala dapat 'yan. Pasensiya na. Nakapasok kasi si Boy Bastos sa kutang 'to eh.
Big changes. Panibagong adjustments sa takbo at paraan ng pagpuputa. Kung dati-rati eh ngarag na ngarag akong makikipaghabulan sa diyes oras ng gabi sa pagpasok, ngayon naman eh gigising akong naghuhumindig pa ang pototoy tuwing umaga bago pumasok sa banyo at sapilitang maligo ng malamig na tubig. Upside down bigla ang lifestyle at balik ule sa pamumuhay ng isang normal na nilalang na humihilik sa gabi at
Pero higit pa sa pinalalang pagkakakalas-kalas ng turnilyo ng aking circadian rhythm, mas importante sakin ang pagkawala ko na nang tuluyan sa team ng mga malulupet na call boys and call girls at call gays na di ko aakalaing bogaloids at magiging ka-wavelength ko rin pala. Ito ang grupo ng mga taong naging kapamilya ko ng ilang buwan, kasalo sa pagsagot ng mga puta calls from outer space - queueing man o
Bukod sa malaking suweldo (oo, hindi ako ipokrito; ito talaga ang rason bat ko napagtiya-tiyagaang magpaka-call center pokpok), sila ang dahilan kung bakit nakakaya kong kaladkarin ang tite kong sukang suka na sa paulit-ulit na labas-masok sa [fill in the blank] putahan, ang rason kung bakit kahit gustung-gusto mo nang umabsent eh hindi mo makakayang magbigay ng pekeng medical certificate galing sa Recto.
Mamimiss ko ang team building naming hindi naman talaga team building dahil mas akmang tinatawag 'yung inuman session after a hard day's call whoring work. Ang pagkabangenge namin ni Pareng Binchee na naging buddy-buddy ko na dahil malupet ding magsulat tulad ko at may sense kausap at mahilig ding mang-spot ng chick sa putahan.
Ang kulitan naming tatlo ni Essie at Binchee sa PVP bus kapag umuuwi na maski dehado ako sa bulto ng mga katawan eh magpupumilit pa rin kaming tatlong magkasya sa iisang upuan. Ang paghiram ko ng libro kay Rai na pareho ko palang kumakain ng libro at inlab ngayon sa isang lead guitar player ng isang banda (Yihee!) at magbibertdei na sa susunod na Martes (Pibertdei Rai-chee!).
Mamimiss ko ang mga kalabtim ko sa grupo. Si Lala na muntik ko nang ligawan pero hindi natuloy dahil masyadong kumplikado ang mga pangyayari sa buhay ko nung taym na 'yun at baka hindi ko lang mabigyan ng oras ang kung saka-sakaling relasyon namin. Nyahahaha! Si Emi na malalim ang dimples at seksing seksi pa rin at kapag nagtataray eh lageng nakataas ang kilay with matching manlalapang "Hoy!" sa muka pero oozing with sex appeal pa rin.
Ang paghingi ko ng madalas kay Vick ng pagkain dahil napakatagal pa ng lunch. Ang mapang-akit na paghimas ni Jules na kung itutuluy-tuloy pa niya eh baka may mag-rally na sa kaibuturan ng aking pusod paibaba. Ang pustahan namin ni Mark sa mga laban ni Manny Paquiao. Ang pag-bluetooth ko ng mga seks bidyo kay Manong Joe. Ang pag-approve ng tier3 ticket escalation kay Liza. Ang ever reliable pagpapapaybsiks ni Rache. At sa iba pang mga kateammate na hindi ko nabanggit, mabuhay kayo!
Honga pala, sa bisor kong maganda sana kung naging babae lang at naging kasing seksi ni Sushmita Sen, mamimiss ko ang pagiging lenient niya sa pagbibigay ng suspension at pagbibigay niya ng consideration maski na pumasok kang tatlong oras na lang ang ilalage mo sa putahan dahil nabangag ka sa alak kagabi.
Sa ilang buwang pagiging miyembro ko ng team na 'to, masasabi kong sila ang nagsilbing pantanggal umay sa nakakasulasok at ubod ng toxic na trabaho kong 'to sa putahan. Da best, wala na kong hahanapin pa. Andito na kasi lahat. Kumpletos rekados. Patawa. Bogaloids. Intellectual. Bangag. Lashenggo. Emo. Malupet. Cute. Say it, you got it! Parang dinidiskrayb ko nga lang sarili ko eh. Huhlolz!
Pero ganun talaga. Kelangang umayon sa takbo ng mga pagbabago kung gusto mong may maabot ka. Kung ayaw mong manatili sa palubog na kumunoy na kinatitirikan mo, dapat handa kang magsakripisyo. Sa kaso ko? Kelangan kong iwan ang komportableng samahan at mag-adjust ule sa panibagong pakikisalamuha sa lilipatang team dahil kelangan.
Naalala ko tuloy 'yung sinabi kong sagot sa kanila minsang tinanong nila ko netong huli lang kung bat ako lilipat ng team at kung bat daw iiwan ko na sila: "I need to chase my dream...before I forget it." Lupet ba? Isang kampay na lang para sa astig na Team Poonam!
P.S.
Nakalimutan ko palang sabihin. Sa bagong team na nilipatan ko, may bago akong kateammate na nakyu-kyutan ako. Hindi ko alam kung bakit. Cayin ang pangalan niya. Mukang magkakalablayp na ule si Lio Loco. Yebah!
*Kuha mula sa huling team building sa San Juan, Batangas



