Isang mapagpalayang araw sa'yo!Sa mga oras na 'to, nawa'y nahimasmasan ka na sa 2nd Round TKO mo sa laban niyo ng aming santu-santohang si Manny Pacquiao, nakarekober sa pagkabagsak at pagkakatirik ng mga mata mong dulot ng Pambansang Kamao. Alam kong hilo pa rin ang mga bayag mo sa bilis ng mga pangyayari. Pero ganun talaga. Bukod sa titi mong umurong nang di sinasadya sa laban, may mga bagay na kelangang lunukin nang sapilitan. Sa kaso mo, kasama na riyan ang yabang at walang kasing taas na ihi mo. Makinig kang mabuti dahil nakasalalay sa liham na 'to ang kinabukasan mo bilang pipitsuging boksingero.
Unang-una, palitan mo ang bansag mo sa sarili mong imaheng walang kasing-angas pero wala rin palang binatbat. Kumbaga sa utot, eto 'yung malakas ang pasabog pero wala naman palang ibubuga; di tulad ng masamang hanging silent but deadly. Hindi ka pwedeng tawaging "Hitman" sa kadahilanang hindi ka naman naka-hit ni isang hook man lang sa pambato naming namumutiktik sa endorsements at TV commercials. Sa katunayan, ikaw pa nga ang na-HIT ni MANny. Hindi ko alam kung nagpapatawa ka pero kung ito nga ang dahilan (HIT by MANny) kung ba't yan ang pinili mong alyas (HITMAN) eh ipamumuka ko sa'yong trying-hard patawa ka. Hindi ka pwedeng bumenta bilang clown sa mga perya.
Ikalawa, uminom ka ng maraming Extra Joss bago ang laban. Ewan ko lang kung sinadya mong umakyat sa lona nang walang kalatuy-latoy o umurong lang ang pototoy mo dahil sa paspasang pagkadyot mo sa kung sino mang blonde and blue-eyed bitch diyan pero sa ginawa mong katarantaduhan kanina, dinaig mo pa ang baklang tsumutsupa tatlong beses isang araw dito sa may Recto. Bukod sa ipinahiya mo na ang buong angkan ng kumpare kong si Harry Potter, ipinangalandakan mo rin ang katotohanang ang mga Briton eh wala talagang maipagmamalaki kundi ang pagkagumon lang nila sa serbesang walang kasing sarap. Na sa tingin ko'y isang malaking kabulastugan pa rin dahil sa totoo lang, di pwedeng di pwede ang sagot ng mga Pinoy kung laklakan din lang ang umpugan.
Ikatlo, wala talagang magandang idudulot ang masyadong pagpapasikat. Sa interbyu niyo ni Manny, puro ka satsat at pasaring, wala ka naman palang kwenta. Sabi mo ibibigay mo kay Manny ang hindi pa niya natitikman. Na kesyo ibabato mo ang tone-toneladang pressure sa kaniya. Na kesyo sa gabing magtatagpo kayo sa gitna ng boxing ring eh makakatikim si Manny ng kamaong mas mabigat pa ng 14 o 15 pounds kumpara kina Marquez o Barrera o Morales. Ano ka ngayon? Sows ka! Sa kangkungan ka rin pala pupulutin. Nangako-ngako ka pang "you are going to shock the world" eh ikaw pala ang masho-shock sa bilis ng mga pangyayari. Buwakanginang bibig yan! Kainin mo ngayon ang bayag mo, leche ka!
Ikaapat, ibitin mo nang patiwarik ang mas mayabang pa sa'yong coach mo dahil wala naman siyang ginawang makabubuti sa'yo bukod sa pagpapabango ng sarili niyang nanlilimahid na pangalan. Walang kasimbaho ang bawat pagbigkas niya ng salita sa mga presscon, na madalas sa madalas eh umaako sa lahat ng karangyaang natamasa mo. Sa tuwing bumubuka ang bibig niya upang iangat ang sariling ihi bago ang iyo, dumadagsa ang mga surot at ipis. Dumarami ang mga langaw na obyus na ipinagpalit ang gabundok na echas sa Payatas sa buwakanginang bunganga ng Mayweather Sr. na coach mo. Ganun katindi ang sangsang ng amoy na nag-uugat sa balun-balunan ng huwad na tagapayo mo. Ang mga ganitong klaseng nilalang eh walang karampatang parusa kundi bayagan hanggang sa lumabas ang kutsa-kutsarang tamod o di kaya eh ipakasta sa barakong baboy na may swine flu virus.
At utang na loob, pakisabi sa kaniyang daig pa ng grade one na umiihi sa sariling salawal ang mga likha niyang tulang walang kakwenta-kwenta at wala man lang saktong bilang ng mga kataga para tumugma ang ritmo ng mga linya, patunay na simula't sapol eh isa talaga siyang bopol na master of none:
Hey Pac, it’s over, so quit wishing on a four-leaf clover.
You will be uncrowned, with your head down,
on your chest, knowing that Ricky Hatton is the best.
I hope you know, you have got to go, it’s going to be Hitman Hatton by KO.
Ikalima, alam mo bang sa ginawa mo eh diyos-diyosan na naman pagbalik dito ng Pinas si Manny, sampu ng mga kampon niyang bitbit ang siksik-liglig na dolyares at patung-patong na namang TV commercial endorsements? Oo, natutuwa ako sa pagkapanalo niya maski papano dahil sikat na naman ang Pilipinas. Pamatid-uhaw sa nakakaumay na isyu ng palasak na korupsyon, ng walang kakwenta-kwentang mga batas at resolusyon na inihahain ng mga payaso sa Kongreso at Senado, ng pagpupumilit na pananatili ng de-nunal na babaeng pandak sa trono.
Nakatutuwa ngang isipin na sa pagbalik niya, hindi lang "bayan ng mga katulong" ni Tsip Chao o "bansa ng mga magnanakaw" ng World Bank ang pwedeng ibansag samin; maaari nang kilalanin ang Ikatlong Mundong bansang 'to bilang bayan na nagsilang sa mandirigmang may pinakamabilis na kamao sa buong mundo, ang pinakamagaling na pound-for-pound boxer na nagpatumba sa mga Mehikano't Briton. Pero alam mo ba ang kaakibat nito?
Masusuka na naman ang ulirat ko sa mga taragis na mukang nakabalandra sa lansangang kung pakatititigang maige eh naduduling na ang mga mata sa dami ng suntok na pinakawalan at tinanggap. Mauumay uli sa namumutiktik na patalastas ni Manny sa telebisyon, di bale na kung pilipit ang dila't kasing tigas ng titi kong naghuhumindig ang pagbigkas ng mga kataga. Magbibilang na naman ako ng ilang "You know" at "I mean" sa palasak na mga panayam sa kaniya ng kung sinu-sinong tao lalo na kapag nosebleed Inglesan na ang tanungan portion. Matotorete sa mga kacheapang kantang walang sawang ipapatugtog sa radyo bilang paggunita sa pagbabalik ng bayaning boksingero. Maririndi sa mga umpugan sa mga kalye at dyip at FX at maging sa putahang iyon at iyon pa rin ang taragis na topic - ang pagkapanalo ni Manny laban sa'yo sa loob lang ng humigit kumulang apat na minuto. Paulit-ulit. Paikot-ikot na pag-uusapang parang mga tanga dahil napanood na nga eh ikukuwento ule na animo'y hindi alam ang nangyari.
Huli't higit sa lahat, gusto kong magpasalamat sa'yo dahil sa ginawa mong pagkatalo, nabawasan ng limang daan ang kaha de yero ko at sa susunod na Linggo eh obligado akong magpainom sa mga lecheng sunog-bagang kabaro ko sa Pasig. Salamat talaga nang marami dahil sa kabalahuraang ginawa mo kanina, napagtanto kong size does not really matter. Nasa performance ang lahat. Nagmuka na nga akong traydor at balimbing sa sarili kong bayan dahil sa pagpanig ko sa'yo, magmumuka pa pala 'kong tangang pinagnakawan ng pera dahil sa maling Third World diskarte from hell. Kaya naman sa susunod, hindi na 'ko magpapasila sa laki. Itaga mo 'to sa kaliwang bayag mo Ginoong Hatton, kay Paquiao na ko poreber.
Manny Pacquiao for 2010, you know!
P.S.
Sarap palang bembangin ng gee-ep mo. Bloody hot British bitch. Yebah!

Update
Alam kong alam niyo na ang huling pangungusap sa blog post na 'to eh tigang na tigang sa kaseryosohan. Nagpapakatarantado lang talaga ako. Pero ano naman 'tong nabasa ko habang gumagala sa Intarnetz na malamang sa malamang nga eh may planong tumakbo 'etong si Manny sa pagka-pangulo. What. the. fuck.



