Kyuwing ngayong araw na 'to.
Queuing. From the word queue. In layman's term, pila. Ibig sabihin, pila-balde ang mga naghihintay na calls from the Obama nation. Maraming mga inutil na customer ang tumawag para sabihing hindi raw sila makakonek sa Internet o di kaya naman eh hindi raw maka-send o -receive ng emails sa Outlook Express nila. Pak dat shit!
Wag mong sabihing minamaliit ko ang kukote mo sa pamamagitan ng pag-eeksplika kung ano ang ibig sabihin ng taragis na unang salitang binanggit ko. Gusto ko lang magkaliwanagan tayo habang maaga pa lang at ipakilala sa'yo ang mga call whoring jargons na palasak nang ginagamit sa aming mga puta ng Makati. Mas pareho ng wavelength, mas magkakaintindihan. Mas mananamnam mo ang bawat titik na natitipa rito 'pag nagkataon.
And besides, isipin mo na lang na puhunan mo na yan sakali mang magbalak kang pumasok na rin sa ganitong linya ng trabaho dahil wala ka nang ibang choice para kumita ng malaking pera. Inuulit ko maski redundant na ang dating sa'yo. Last. option. lang. dapat. ang. pagpuputa. Kung pwede ka pang maghanap ng ibang matinu-tinong trabaho, sinususugan kita, sampu ng patubong bulbol kong pangati na nang pangati -- sundan mo ang pangarap mo't 'wag kang papalansi sa malaking pera sa pagpuputa.
Hindi ito trabaho ng mga pa-demure at faint-hearted. Kumakain kami ng malulutong na Fuck you at Sonuvabitch sa pang-araw-araw naming pananghaliang hindi ko alam kung ba't tinawag na lunch eh alas-sais naman ng umaga (sa kasalukuyang iskedyul). Hindi ito nababagay sa mga bobo't nag-aasta-astang matalino lang. Kelangan mong gumawa ng tatlo hanggang limang magkakaibang bagay nang sabay-sabay habang kausap mo sa fake American accent si nuknukan ng mamatay ka na sanang putanginang customer ka. Higi't sa lahat, wag mong kalilimutang hindi pwede rito ang panget at kamuka ni Zorayda. Sa papalit-palit na sched niyo at tuluyan nang pagkasira ng mga turnilyo ng body clock mo, tatanggapin mo ang mga eye bags at wrinkles at crow's feet nang di bukal sa loob. Mabuti na lang talaga at cute ako.
Hindi ko alam kung ilang customer ang gumamit sakin kanina sa kasa pero sa totoo lang, habang tinitipa ko ang kabalahuraang 'to, dama ko pa rin ang pananakit ng panga ko sa sobrang kakangawa ng kung anu-anong troubleshooting. Ganito siguro ang feeling ng baklang pinagpasa-pasahan at binackdoor ng di mabilang na inmates sa preso. Oops... callspeak na naman. Isipin mo na lang na ang troubleshooting eh katumbas ng pagsasalaksak mo ng de gomang bomba sa baradong kasilyas niyo na puno ng di lumubug-lubog na echas tuwing tag-ulan. Ganun. Ganun ang ikinabubuhay naming mga call center pokpok.
Mantakin mo: Mahigit dalawampung customer ang sunud-sunod mong kakausapin sa loob ng walong oras para idulog ang halos pare-parehong problema: Di makapag-surf ng porn websites. Di pwedeng makipaglandian sa gee ep na nakahubo't hubad na't tayung-tayo na ang mga utong sa kabilang webcam. Di makapag-reply sa email ng malanding kalaguyo. Mabagal ang pagdownload ng Maria Ozawa porn.
Wag niyo kong husgahan. Hindi porke't ginawa ko 'tong mga eksampol na 'to eh ginagawa ko ang mga yan sa teleserye ng totoong buhay. Eksyusme, may breeding po ako. Okey payn. Paminsan-minsan, nagdadownload ako ng Maria Ozawa porn. 'Yun lang. At once in a blue moon lang 'yun. Pero 'wag niyo kong iligaw. Sa pormal na pananalita, katumbas ang mga 'yan ng can't connect to the Internet, can't send or receive emails, at experiencing slow speed connections ni Ispokening Dollar Customer. Mga problemang madalas sa madalas eh gumugugol sa walong oras kong pagpasok sa buwakanginang kasa ng Makati. Paulit-paulit. Pare-pareho. Araw-araw. Gabi-gabi. Nakakarindi. Nakakabobo pa kamo.
Mahirap talagang magpakaputa. Maski na ayaw mo eh kelangan mong ihanda ang mura mong katawan sa mga parokyanong Kanong hayok sa laman. Maski na mahapdi na eh kelangan mo pa ring gamitin. Maski na hindi mo na kaya eh sasairin nila ang natitira mong lakas. Mumurahin ka nang makailang ulet para lang masunod ang gusto nila. Ipagduduldulan sa’yong isa kang puta at sila ang customer. Sila ang masusunod at kung gusto nilang sairin ang katas mo magdamag eh pilit nilang ipapagawa sa’yo yun, sa ayaw mo man o sa gusto. Maski na nakaratay ka na sa kama dahil sa sakit eh kelangan mo pa ring kaladkarin ang pototoy at betlogs mo para pumasok sa putanginang kasa. Walang palusot. Walang sinasayang na oras. Walang kawala.
O, akala mo naman talagang nagbebenta na ko ng sarili kong laman? Sowska! Wag kang ma-carried away dahil hindi pa ko ganun ka-desperado para ibalandra ko ang naghuhumindig kong pototoy sa makamundong teleserye ng totoong buhay. Liban na lang kung pumayag na si Mommy Divine na maging kami ni Sarah Geronimo.
Siguro kapagka alang ala na talaga ko. ‘Yung tipong isang tuyo na lang ang nakahain sa hapag-kainan tapos hindi pa pwedeng ulamin dahil isang buong linggo pang ulam ‘yun. ‘Yung tipong makukuntento ka na lang na langhapin ang mapang-akit na aroma ng tuyong sakto ang pagkakaprito at pumuputuk-putok pa ang kaliskis pagkahango sa kawali sabay subo sa buwakanginang kanin para magkaroon ng laman ang tiyan mo. Tapos biglang entra naman ‘yung tulisang kuting ng kapitbahay sabay takbo sa kaisa-isang tuyong pagsasaluhan niyo pa sanang mag-anak. Taragis. Kapagka nangyari sakin ‘yun, maski na pinaghalong kakapalan na ng labi ni Diego at kagaspangang hindi kayang daanin sa papel de lihang pisngi ni Chokoleit ang umubos ng lakas ko, kakayanin ko alang-alang sa pamilya ko.
Badtrip lang talaga 'ko sa pagpapakaputa kanina dahil napakarami na namang mga istupidong Amerikanong walang ginawa kundi umatungal sa hindi nila pagkakaroon ng Internet connection. Mga Ingleserong matatawag pero dinaig pa ang mga karabaw Inglis ni
Ang karamihan sa mga hinayupak na Kanong ‘to, diyos kong mahabagin, laging spoon-feeding ang hanap. Kulang na lang punasan ang mga pakingshet na tumbong after mag-jebs dahil sa sobrang katamaran. Kaya nga nauso ang caregiver sa Tate. Siyempre meron ding mangilang-ngilang Ispokening Dollar Customer na masarap pakitunguhan, yung mga tipong napakalambing ng boses sa telepono at nagtetenkyu talaga ng sinsero dahil natulungan mo sila. Yung mga tipong makikiliti ang bulbol mo dahil sa sobrang sweet at kung pwede lang kunin ang cellphone number para i-unlimited text overseas eh gagawin mo. Pero ‘eto yung mga sad to say eh exception to the rule. In general, mga hinayupak ang mga akala mo kung sinong Blonde Bopol na nakakausap namin sa araw-araw.
Kaya nga, iniisip ko, ang sarap sigurong isipin kung tayo ang naging superpower ng sangkalawakan at ang Amerika naman ang naging pipitsuging Ikatlong Mundong bansang nuknukan ng dami sa call center. Ganito siguro ang magiging kalalabasan:
Call center puta: Muh-gan-dang ow-mey-guh pow! Uh-kow pow si Pey-drow, uh-now pow eng muh-i-puhg-lee-leeng-kowd kow?
Customer: Tangina naman o. Obyus na di mo pangalan yang Pedro't gumagamit ka lang ng alyas. Kakaiba 'yang punto mo eh. Hindi ka Pinoy? I-transfer mo nga 'ko sa Pinoy agent. Ayoko ng Kano. Ambobobo. Di marunong mag-troubleshoot.
Call center puta: Ah-yaw nio pow bang choo-loo-ngan kow kayow, sir? Muh-aaree kow puh rin pow key-yowng choo-loo-ngan.
Customer: (astang maiinip) Sige na, sige na. Gahol na ko sa oras. Hindi ako makakonek sa Internet. Pinowercycle ko na 'yung modem ko. Ayaw pa rin.
Call center puta: Muh-aaree pow buhng muh-le-men anow ang mga ee-lew sa modem box niyow sir?
Customer: (pabalang) Tiningnan ko na nga. Okey lahat 'yung ilaw run sa modem. Di ka ba nakikinig? Pinowercycle ko na nga pero ganun pa rin. Page cannot be displayed lumalabas sa Mozilla Firefox ko.
Call center puta: Guh-nown pow be? Muh-aaree niyow pow buhng i-click uhng start button niyow?
Customer: (malapit nang maubos ang pasensiya) Tapos?
Call center puta: Puh-kee-click pow sa Run.
Customer: Wala akong Run. Vista ang gamit ko. (alanganing ibubulong sa sarili, alanganing ipaparinig sa Kanong agent) Sows naman o. Sobrang bopol.
Call center puta: See-gee pow. Puh-kee-click nuh leng pow sa Start Search.
Customer: Ano bang gusto mong malaman? 'Yung IP address ko? Na-check ko na yan kanina. 124.6.187.162.
Call center puta: Puh-wey-de pow bung muh-le-men kung mey router pow kayow sir?
Customer: (galit na) Ang kulit naman ng lahi mong talipandas ka o! Di ba nga sabi ko sa'yo kanina, pinowercycle ko na 'yung modem? May binanggit ba kong router dun? Ha?!
Call center puta: (tameme sa kabilang linya; malamang sa malamang eh nagmumura na ng ilang Fuck You't Sonuvabitch habang naka-mute)
Customer: Ibigay mo nga sakin ang bisor mong buwakangina ka! Pinapaikut-ikot mo lang ako eh.
Call center puta: Sun-duh-lee leng pow...
Astig di ba? San ka pa?



