PAUNAWA: Ang lathalaing ito eh hindi isinulat upang lantarang kutyain ang estado ng ikatlong seks sa lipunan. Don't get me wrong. Marami akong kilalang bading na matalino, kagalang-galang at hindi dapat binabastos. Walang kaso sakin kung bakla ka basta nasa tamang lugar at hindi nakakairitang kupal tulad ng lalakwe sa blog post na 'to. Muli, ang lalakwe, na nagkataong ka-dorm mate ko, sa blog post na 'to eh hindi representasyon ng ikatlong seks sa pananaw ng manunulat. 'Yun lang naman.Isang bonggang bonggang vaklush na araw sa 'yo!
Sa mga oras na 'to, nagtataka ka siguro kung bakit wala ako sa kuwarto kong pinamamahayan ng putanginang mga surot na walang patumanggang nagpakasasa at patuloy na nagpapakasasa sa ubod ng kinis kong balat, dahilan para mamantal ang buong katawan ko nang ilang araw at di malao'y magkaroon ng buwakanginang pulu-pulutong na bite marks at skin rashes. (Oo, skin rashes at hindi galis ang tawag dun dahil isa akong class S na nilalang at hindi isang PG na kumakalkal ng
Hindi naman dapat talaga kita mapapansin kung hindi mo ginawa ang napansin kong ginawa mo nitong nakaraang araw lang. Kung binigyan ka man ng diyos na sinasamba mo ng pagkakataong makadaupang palad akong sa tingin ko eh isang porsiyento lang ang posibilidad dahil hindi naman tayo magka-wavelength, malalaman mong allergic ako sa tao at wala akong pakialam sa walang kwentang saltik ng dila ng iba. Meron akong pananagutan sa sarili ko lamang at walang wala na sa iba pa, maapektuhan man sila ng putak ng utak ko o hindi. I live my own world, I play by my own rules. And they're not even part of it. Sa kaso mo, wala akong pakialam kung lunukin mo ng ilang beses ang laway mo at tumaas baba ng ilang ulit ang adam's apol mo sa obyus na pagnanasa sa katawan ko tuwing naghuhubad ako.
Ni hindi ko nga alam bat ako pa ang napagdiskitahan mong bosohan eh payat pa nga ako't hindi kalakihan ang katawan. Dapat mong malaman na ang kaha ko eh maysa-ectomorph at nangangailangan ito ng ilang buwang hara kiri workout para magkalaman tulad ng kay Marc Nelson. (Quick digression: Ectomorph din ang body build type ni Marc Nelson; ergo, meron pa 'kong malaking pag-asa para mag-improve ang wankata kong kulang sa nutrients. Huhlolz!) Pero ganun nga siguro kayong mga Adan na nagpapaka-Eba. Makakita lang ng hubad na katotohanan eh magkakandarapa na agad at magpapakita ng motibo para sa maaksyong man-to-man.
Hindi ko alam na sa tuwing nagwe-weights akong nakahubad sa loob ng kwarto ko eh meron palang isang nilalang na pinapanood ang pagbubuhat ko ng ilang kilong dumbbells na parang nagsisine lang ng rated XXX na live show. Tulad ng sabi ko sa'yo, wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Kesehodang nakabukas ang bintana kong tapat ng kwarto mo, hindi ako mag-aaksaya ng oras para magmasid sa paligid ko kung meron mang voyeur na trip mamboso sa kapwa niya lalake.
Oo, kapwa lalake dahil hindi ko naman talaga inaakala na isa kang nagbabalatkayong Rustom Padillang ang peyborit songs eh "This Guy's In Love With You Pare" ng Parokya ni Edgar at "Hey Jay" ng paborito kong bandang Eraserheads. Inakala kong lalake ka dahil unang una, wala sa asta mo ang tumili kapag halimbawang may dumapong ipis sa pagmumuka mo o di kaya eh mahinhing luluhod at pagkuwa'y sasapuin ang dibdib habang pinupulot ang nahulog na panyo at ikalawa, puro tayo lalake sa ikaapat na palapag ng pukenginang dormitoryong pinagsisisihan ko ngayon bat dito pa ko napadpad.
Pero nagkamali nga ako. Sa mga pagkakataong nakapwesto ako paharap sa bintana mo habang nagpapapawis ako sa pukenginang kabigat na mga dumbbells at nakikita ko ang ikinikilos mo, magkukunwari kang nakatalikod sa akin at patay-malisyang nagbabasa ng mga Accounting books mo. Pero sa sandaling malingat na 'ko't hindi na ko nakatingin sa'yo, saka ka naman biglang pasimpleng tatagilid at titingin sa katawan kong nanlilimahid na sa pawis at nag-uumapaw na sa pheromones dahil sa dami ng workout reps na nagawa.
Hindi ka pa nakuntento at sa mga pagkakataong nakahiga na 'ko sa kama ko eh bigla kang tatayo't hahawak nang nakatanghod sa grills ng bintana mong parang nakakulong lang sa preso at pagkatapos eh titingin-maglalaway sa hubad kong katawan sa pag-aakalang hindi na kita napapansin sa gilid ng mata ko. Akala mo siguro nagtitikol na ko sa mga oras na 'yun. Hayaan mong liwanagin ko ang maruming pag-iisip mo at linisin ang dumadaloy na berdeng dugong nananalaytay sa mga ugat mo. Para sa iyong kaalaman, ang paghiga ko eh nangangahulugang pagbubuhat ko ng dumbbells mula sa ibabaw ng tiyan paarko lampas ng ulo at muling pabalik para ma-stimulate ang paglaki ng pectoral maskels ko maski konti lang. Kasama pa sa workout ang paghiga ko, anakngtitengmaugat na mamboboso ka.
At ang pinakamasaklap sa lahat? Ang sabay na pagpasok sa banyo mong astang maliligo rin matapos mong malamang tapos na kong mag-weights at kelangan ko nang dumiretso sa banyo ko para maligo at matanggal ang pheromones na hindi malayong umabot ang samyo sa lagusan ng ilong mo, dahilan para maulol ka sakin ng ganiyan. Sa mga pagkakataong iyon, patawarin mo ko kung maisip kong meron kang napakalaking dildo sa banyong hindi ko lubos mapagtanto kung san mo pwedeng isalaksak.
Ayokong ako ang maging dahilan ng pagbagsak mo sa CPA Board Exams sa October dahil para sa iyong kaalaman, isa rin akong reviewee at alam ko ang pressure ng nagrereview na maraming distractions. Sa kaso ko, ang mga istorbo sa maluwalhati sanang pagrerebyu ko eh ang pagpuputang pinagkukunan ko ng pang-araw-araw na panggastos, ang anakngtitengmaugat na pag-ba-blog na'tong wala man lang akong nakukuhang kapakinabangan dahil wala rin namang gustong mag-click ng Google Ads dito, at ang manaka-nakang pang-iistalk ng mga kumag na tulad mo. Sa kaso mo, ako lang ang bukod tanging distraction mo.
Hindi pa huli ang lahat. Alam kong hindi ka pa naaadik sa katawan at itsura ko't alam kong kayang kaya mo pang labanan ang tawag ng makamundong laman. Hangga't maaga pa, iminumungkahi kong tantanan mo na ang pasikretong pagpapantasya sakin dahil wala rin namang maidudulot na mabuti sa'yo yan bukod sa pagsakit lang ng pantog mo.
Goodluck sa pagrerebyu mo at muli, tantanan mo na kong hinayupak na bading ka. Salamas ng marami!
P.S.
Magwe-weights ule ako mamaya. Magpraktis kang maige sa pasikretong pagsulyap mo sakin para naman hindi kita mahuling tumitingin-naglalaway sa pawisan kong katawan. Pinag-iisipan ko rin kung lalabas akong hubo't hubad pagkagaling sa banyo pagkatapos maligo mamaya. Ano sa palagay mo?
At honga pala, lilipat na ko sa ibang tirahan sa susunod na buwan. Hindi malayong magmuka na 'kong dalmatian dahil sa lecheng mga surot na 'yan kung itutuloy ko pa ang pananahan sa dormitoryo from Third World hell. Tapos na ang maliligayang araw mong malibog na
Off-topic: Update sa HK-KH Scandal
Tama ang sapantaha ko. Katawa-tawa na naman ang itsura ng mga payaso sa senado.
Bonggang Bonggang Bong Revilla kay Hayden Kho: Ano ang software na ginamit mo sa pag-download ng mga video sa computer mo?
Sagot ni Lio: Hindi ko alam kung saan mo nilagay ang common sense sa kukote mo Ginoong Senador ng mahal kong Pilipinas.
Una, ano bang software ang pinagsasabi mo? Hindi mo ba alam na maaari mong ilipat ang isang file papunta sa computer gamit ang cellphone lang. Ikalawa, Upload ang tawag dun dahil nag-tatransfer ka ng file papunta sa Intarnetz. Download ang tawag kapag nagtransfer ka ng file galing sa Intarnetz.
Ikatlo at ang pinaka-importante sa lahat, ano ang kabutihang idudulot ng walang kwentang tanong mo sa paglutas ng kaso bukod sa media mileage na natamasa mo?



