Pages

I Am Allergic to People...No More.


Alam mo ang isa sa mga rason kung ba't ako nagsimulang mag-blog? Bukod kasi sa da best shock absorber ng kaangasan ko't pamumuna sa mga nakakasulasok na kabobohan ng buwakanginang lipunang 'to ang pagtitipa ng kabalahuraan-kabulastugan, marami akong idinurang katarantaduhan na di pala maglalaon eh babawiin ko rin.

Hindi ko alam kung ginagawa mo rin o isa lamang 'tong eksklusibong kaweirduhan ng isang nilalang na nuknukan ng pagka-narsisistiko, pero madalas sa madalas eh nagba-backread ako ng mga entries ko. Masarap balikan ang mga akda mong inumay-nilangaw dahil masyadong malalim at mabibilang lang ang nakaarok kasi raw eh malulunod sa pagkabalinguyngoy ang sinumang bumasa at 'yung mga posts mong pinutakte naman ng iba't ibang saltik ng dila ng kung sinumang talipandas na hindi mo alam kung totoong natuwa sa idyosingkrasiyang itinapon mo sa Intarnetz o nagpapansin lang sa kuta mo para bisitahin mo rin ang buwakanginang blog niya.

Malimit akong tumatawang mag-isa sa putahan
dahil sa pagbabalik tanaw sa mga sarili kong kabalahuraan habang hinahayaan ko lang si Binibining Blonde Boplaks sa kabilang linya ng teleponong mangalkal at di malao'y magkanda-buhul-buhol sa sarili niyang leeg ang mga cords na nakasalaksak sa modem niya. Alam mo 'yung feeling na muling bumabalik sa'yo 'yung mga pangyayaring isinatitik mo noon at pagkatapos eh bigla kang mapapatingin sa kawalan na parang tangang inuuod ang kukote? 'Yung tipong sa sobrang sariwa nung alaala eh napipiktyur mo sa utak mo 'yung nangyaring kapalpakan ng diskarte mo sa eksaktong araw na 'yun na parang kahapon lang nangyari? Ganun na ganun ang nagiging itsura ko kapag napapabisita ako sa sariling kong cyber haybol dahil masyado na kong buryong sa pagka-inutil ng customer na tumatawag. Reminiscing daw ang tawag dun.

Pero minsan, sa sobrang pagkalulong mo sa sarili mong tite titik, may mga salita ka na palang binibitawan na lulunukin mo rin sa kalaunan. Dito na pumapasok 'yung sinasabi kong rebuttal sa sarili mong mga palagay at kuru-kuro na isang matibay na rason para sakin bakit kailangang mag-blog ng isang tao. Aminin mo man o hindi, may mga pagkakataong dahil mismo sa medium (blog) kung saan mo nasabi ang inaakala mo nang period, no erase na two cents' worth mo sa isang paksa eh napapalitan ng ibang barya ang binuo mong diwa. Dahil ang laway na ipinahid mo nung isang araw sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan eh hindi nangangahulugang pareho pa rin palang nakadikit bukas makalawa. Magbabago't magbabago 'yan ayon sa sitwasyon sa parehong obserbasyong napakaraming putak-utak ang isang tao para manatili lamang siya sa iisang pananalig habambuhay.

Naalala mo ba ang lagi kong pirming paninindigan dito noong hindi ako magpapakita sa kahit na sinong blogger dahil allergic ako sa tao? Matagal na panahon ko ring pinanindigan 'yun dahil hindi talaga ko sociable na tao sa teleserye ng totoong buhay at kuntento na 'kong nagmamasid lang sa sidelines. Ilang buwan ko ring itinago ang identidad ko at kung masugid kang manlalakbay na laging naliligaw ng landas dito, mapapansin mong puro na lang itim na bulutong tubig ang tigidig na nakapalibot sa pagmumuka ko't talikogenic shot lang ang ibinalandra ko sa aking About the Blogger ekek.

Hindi dahil sa panget ako at kasing asim ng kilikiling hitik sa mamasa-masang libag ng isang Moymoy Palaboy sa España ang pagmumuka ko. Gusto ko lang talagang magsulat nang walang nakakakilala sakin para walang manghahablot sa boxer brip ko sakali mang dumaan ako't nakita mo ko sa Ayala pressure sa patuloy na pagtipa ng SSDD kronikels sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

Pero sa puntong ito, minsan sa isang bughaw na buwan, kelangang baliin ang panatang maging anti-social at poreber introvert ni Lio Loco. Dahil hinihingi ng pagkakataon. Kung ako lang talaga ang papipiliin, pananatilihin ko pa rin ang misteryosong awra ng pagka-class S na nilalang ko sa buong bloggywood. Ngunit yaman din lang na kelangan ko na talagang magpakita sa teleserye ng totoong buhay, at hinuha ko eh masusundan pa 'to ng napakaraming blogger meetups, makinig ang lahat ng gustong makipag-bembangan makipagkita kay Lio Loco sa labas ng patay na kuwadradong kompyuter dahil pinapaabiso ko na ang Sampung Utos ni Lio Loco sa Eyeball Ekek na 'yan:

Una, tahimik akong tao sa teleserye ng totoong buhay. Hindi kita papansinin kung hindi ikaw ang unang mamamansin sakin. Kung gusto mong makuha ang atensyon ko, bigyan mo ko ng bonggang bonggang ice breaker at magcartwheel kang naka-panty lang at nang hindi ako maumay agad sa sapilitang pakikipagkita natin. Jokeness. Usapang matino, may sense, at hindi mababaw, okey na sakin.

Ikalawa, ang blogger meetup ay kelangang mangyari sa gabi dahil gusto kong naka-jacket akong makikipagkita sa'yo. Payat ako at ang ekstrang kasuotang 'yan eh magkukubli sa ectomorph kong pisikal na kaanyuan at pandagdag volume na rin. Ang dilim ng gabi eh tumutulong din para mas lalo mo pang mapansin ang di naman masyadong kalalimang biloy ko at ang wan op a kayn cleft chin na siyang nagpapatingkad pa lalo sa kapogian ko.

Ikatlo, wala akong pakialam kung san mo 'ko gustong kaladkarin. Game ako maski saan pero mas dagdag ganda points sa'yo kung sa So clean, so good di mataong lugar mo 'ko dadalhin. Ayoko ng masyadong maingay. At mas astig kung may kasalo tayong beer.

Ikaapat, hindi dapat sineseryoso ang mga katagang naka-strikethrough sa naunang talata. Pero kung gusto mong seryosohin, wala lang 'yun sakin. Sino ba naman ako para pigilin ang ikaliligaya mo di ba?

Ikalima, maliban na lang kung kamuka mo ang babaeng 'to o ito o ito, pakaisipin mong ang blogger eyeball na magaganap eh walang halong malisya at obligasyon ko lang bilang isa sa mga pasikat na porn star balahurang blogger ng makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.

Ikaanim, wag mong babanggitin ang pukenginang Twilight at kung gano mong sinasamba ang tumbong ni John Lloyd Mongoloid kung ayaw mong umuwi ako nang di oras.

Ikapito, alam kong beybi peys ako pero wag kang magre-react na muka akong totoy na parang walang kamuwang-muwang sa seks mundo at baka matikman mo ang hindi mo pa natitikman. Ayokong ikinakahon ako sa mga stereotypical na pamamaraan.

Ikawalo, maski na ganito ang kaha ko eh lage akong nag-eekstra rice kapag umoorder ako sa restawran. Masanay ka na.

Ikasiyam, kung manonood tayo ng sine, ayoko ng baduy na Tagalog movies na sa sobrang walang kwenta ng plot eh hindi ka na mag-iisip. Trip ko ang mga horror, sci-fi, at suspense thriller. At dahil malamig sa loob ng sinehan, patay-malisya na lang ako kung halimbawang tsansingan mo ko sa maseselang bahagi ng aking murang katawan.

Ikasampu, mas kyut ako sa teleserye ng totoong buhay kesa sa piktyur na 'to. Partida pa 'yan. Bangag pa ko't kulang sa tulog ang puta sa lagay na 'yan.


Uhm...'yan lang naman. At honga pala, allergic pa rin ako sa tao.