Pages

Hindi 'To Porn Site, Mga Buwakanginang Malilibog Kayo!


Ikaw na himalang naliligaw ng landas dito, gusto kong magkaliwanagan tayo habang maaga pa't hindi ka pa nalululong sa kabalahuraang isinasatitik ko sa bulagspot na 'to.

Nais kong ipabatid sa'yo na ang lahat ng tinitipa ko sa mga cyber pahinang ito eh produkto lamang ng aking malagkit na pananawa at di miminsang pagkabagot sa napakabagal na pag-usad ng estado ko sa buwakanginang buhay na 'to. Kung hindi mo naitatanong, pangarap kong maging CPA topnotcher at pagkatapos eh mangibang bansa't yumaman at makapagpatayo ng mansyon sa Baguio't makapag-asawa ng kasingganda ni Sarah Geronimo, kung hindi man siya mismo ang makatuluyan ko sa hinaharap.

Isa kang kahabag-habag na nilalang na mas masahol pa sa buhok sa puwet na natilamsikan ng bultokachi habang pawisan mong inilalaglag ang echas mong kasing-haba ng anaconda sa kasilyas kung sasabihin mo saking kuntento ka na sa kinalalagyan mo ngayo't wala kang matayog na pangarap sa buhay. Isa kang mamasa-masang libag sa singit ng lipunan kung nagkataong ganiyan nga ang panata mo sa buhay.

Dahil isa akong Promil kid nung ako'y walang hiyang naghuhubo't hubad pa lamang at walang pakialam kung makita man ng sansinukob ang lawit kong susuray-suray sa pagitan ng dalawang gusgusing betlogs ko noon, hindi maikakatuwa ang napakaraming tanong at kaangasang nalilikha ko nang di sinasadya rito sa makamundong ibabaw.

Samakatuwid, wala kang pakialam kung halimbawang sabihin kong nasusuka ako sa pagmumuka ni John Lloyd Mongoloid dahil napapanot na siya at mala-Chicago Bulls ang butas ng ilong niya at hindi siya magandang ehemplo sa kabataan dahil nagpapakyu siya sa mga billboards ng Kamaynilaan. Wala ka rin dapat pakialam kung sabihin ko sa kutang 'to na lumalabas ang kinain kong pananghalian sa ilong kong matangos at mas maganda ang hubog kesa sa plakdang ilong ni JLC sa tuwing nakakakita ako ng mga taong bitbit sa kamay at ipinangangalandakang meron silang kopya ng putanginang Twilight na 'yan mentras magkandadapa-dapa na sila sa LRT at meron silang napakalaking backpack na maaari nilang pagsidlan ng buwakanginang one-hit wonder book na 'yan.

Ito ang napakalawak na mundo ng Intarnetz kung saan lahat ng tao eh may sariling tilamsik ng laway, hiningan man o sapilitang ipinagduldulan, sa kung anu-anong kabalbalan at idyosingkrasiya; ergo, base sa matandang kasabihang nagpasalin-salin sa sansinukuban -- to each, his own. Walang pakialamanan. Dun ka sa police station magreklamo.

Kaya naman ang mga kuru-kurong nababasa mo sa bawat blog post dito eh sa ganang akin lamang at kung sakali mang hindi ka sumasang-ayon sa mga nasusulat dito, malaya kang isara ang tab na 'to at ipagpatuloy ang pagda-download mo ng Maria Ozawa porn. Hindi kita pinipilit na sumang-ayon sakin at lalong hindi kita hinihikayat na maging kaanib ng kung anumang kultong maaaring itatag ni Lio Loco sa parehong katwiran na hindi ko maaaring pakialaman ang sarili mong kasalaulaan.


Iyong iyo lang 'yan.

At kung sakali mang natawa ka sa mga pinagsasabi ko at humagalpak sa kinauupuan mo habang dinadaya mo ang kumpanyang pinag-alukan mo ng natatangi mong serbisyo sa pamamagitan ng pagiging tamad at di produktibo at pagkunsumo lamang ng kuryente habang pa-blog blog hopping ka na lang diyan sa opisina mo, isinusumpa ko ang araw na nahumaling ka sa walang kwentang kutang 'to. Hindi ko ginusto na maging dahilan ang pagsasatitik ng laman ng kukote ko sa unti-unting pagkalugi at tuluyang pagsasara ng kumpanya niyo dahil sa kainutilan mo. 


Kung halimbawa namang napabuntung hininga ka't napaisip nang malalim at napagtantong oo nga, may sense nga ang sinasabi ng batang bastardong 'to maski papano, ikagagalak kong dinaig pa ang lalakeng na-devirginize sa unang pagkakataon ang pagsapit ng pagkakataong iyon. Muli't muli, mapapangiti ako't mapapabuntung-hininga tulad mo dahil sa kabila pala ng mga kabulastugan at pagbabalahura ko rito eh may napupulot ka ring mga aral na maaari mong gamitin sa araw-araw mong pagbatak sa mga hamon ng buhay.

Konswelo de bobo ko na ang pag-click mo sa Google ads na nakakalat sa maliit na espasyong ito (update: wala na pala 'kong Google Adsense dahil walang kwenta naman talaga 'yun sa simula't simula pa lang at hindi ko 'yun ikakayaman sa totoo lang) bilang kabayaran sa libreng pagbabasa ng panandaliang aliw sa tuwing maiisipan mong maging emo't butasin ang sarili mong sentidong parang si Kurt Cobain lang dahil buryong na buryong ka na sa kawalang direksyon ng buhay mo. 


Pero ang hindi ko matanggap eh ang maligaw ka ng landas sa pag-aakalang natatago rito ang walang patid na kalaswaang nagpapatibok ng mga ugat sa kung saan mang tagong parte ng katawan mo. Kung gusto mong maligayahan sa ibang paraang hindi abot ng hinagap ko, nagkalat sa mga bangketa't news stands ang mga tabloid na namumutiktik sa lantarang pagbabalandra ng hubo't hubad na larawan ng mga pipitsuging starlet ng Ikatlong mundong nagbebembangan diyan.

Alam kong isa akong talentadong bata pero pakiusap lang, ipaunawa mo sakin ba't napadpad ka sa kutang 'to kung ang pakay mo lang pala eh maghanap ng "hot pinoy m2m"? Hindi kaila na meron ako nito pero kailangan mo ba talagang maligaw rito para maghanap ng "bayag" at "titing malaki"? Kung sa tingin mo eh malapit ka nang labasan o hindi kaya eh naghahanap ka ng parausan para mas madali kang malabasan, nagkamali ka ng pagkakapadpad sa blog na 'to dahil wala akong kabalahuraang isinatitik tungkol sa "cum" at kung papano mo uusalin ang mala-nirvanang "here i cum;" higi't lalong hindi ako bugaw para magpaskil dito ng "sexmate in manila."


Yaman din lang at naririto na tayo sa paglilinaw na 'to, ipinababatid ko rin sa TFC subscriber sa Malaysiang maaring naligaw ng landas dito na hindi po ako nag-upload ng video ng isang "maria ozawa backstroke fucking." Bagkus, ako pa nga sana ang hihingi ng pabor sa'yo na kung sakali ngang nakahanap ka na ng pwedeng pag-downloadan ng "maria ozawa backstroke fucking" na 'yan eh pwedeng balitaan mo naman ako't magkaroon din ako ng sarili kong kopya. Isa pang hirit: pwedeng paki-eksplika at -demonstrate sakin kung papano ginagawa ang "backstroke fucking"? Kelangan ba talaga eh nasa tubig-dagat o swimming pool ka sa mga oras na 'yan o pwede na ang water bed para maisakatuparan ang "backstroke fucking" technique?



Sa nilalang namang naligaw ng landas dito dahil sa paghahanap ng "maria ozawa tube," hindi kaya ikahiya ka ng kababayan mong Santo Papa na si Pope John Paul II, sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa, dahil sa kalibugang ipinapakita mo sa paghahanap ng hindi ko alam kung "youtube video ni Maria Ozawa" o ang "tube" mismo ng pamosong Japanese-Canadian porn sensation?


Speaking of Canadian, hindi ko alam kung si Kosa.Pogi ang nag-search nito sa Canada pero ano ang kinalaman ko sa isang"cum shot mamasa"?



At oo nga pala, ano ang ibig mong tumbukin sa paghahanap mo rito ng "anakan test translation" at "anakan blog translation," ikaw na talipandas mula sa Viva España? Nais mo bang magbakasyon dito at inihahanda mo na ang pakikipagtalastasan mo sa aming mga Indio? Kung ganun, ba't naman sa dinami-dami ng Tagalog na salitang maaari mong unang pag-aralan eh napili mo pa ang "anakan"?

Eto ang malupet. Ikaw na kalahi ni Bebe Gandang Hari o maaaring nagdadalaga pa lamang tulad ni Maximo Oliveros, anakngtitengmaugat ka naman sa pagkakadayo mo rito para lamang maghanap ng "batang bakla supot tite."

Inuulit ko. Hindi porn site ang bulagspot na 'to. Mga putanginang malilibog kayo!