Kagagaling ko lang sa aming 1st Anniversary Party sa kutang pinagkakaputahan ko at medyo nabitin ako. Bitin ako sa tulog dahil humigi't kumulang dalawang oras pa lang ang naiipon kong pahinga para baunin sa muli na namang pakikipagsapalaran sa pagpapakaputa sa bobo calls sa Makati mamaya. Bitin din ang alak na ipinamudmod sa Embassy kaninang sumaid lang sa bituka kong nanunuyo na sa lasa ng Pulang Kabayo at kung anumang nilalaklak na alak diyan dahil isang linggo na kong tigang sa mga beer sessions at kwentong barbero ng mga lashing na bangkero.
Redundant pero uulitin ko pa rin alang-alang sa kapakanan ng mga taong gusto akong makilala sa teleserye ng totoong buhay at nananabik sa makatas na adam's apol ko: Allergic ako sa tao kaya hindi talaga ako nagpupupunta sa kung ano mang mga bars at gigs na pinamumugaran ng mga coño-speak from outer space. Hindi ako mahilig sa mga socializing ekek na yan at kung gusto mo akong makasalamuha nang masinsinan, ipinapayo ko sa'yong pumunta ka sa bahay ko kasama ang dalawang case ng beer at isang supot ng yelo. Partida ko na 'to para sa'yo: sagot ko na ang pulutan at chitchat.
Pero ano nga kaya ang pumasok sa kukote ko at napapayag akong pumirma ng bisor naming pumunta sa Embassy, ang lugar kung saan makikita mong siksik-liglig ang mga yuppie coñong sumasayaw sa saliw ng Itaktak mo ng Eat Bulaga at Igiling-giling ng Wowowee, ang lunan kung saan madalas sa madalas, makikita mo ang mga personalidad na malimit
Simple lang. Kinausap niya ko, sampu ng mga kateammates ko, nang masinsinan at may matching saksak puso, tulo ang dugo epek pa. Sino ba namang agent ang hindi makokonsensiya kapag sinabihan kang once a year lang ang event na 'to, na mabuti nga't napagbigyan pa nga ang account mong mag-celebrate ng anniversary, na exclusive ang party para lang mismo sa mga agents ng account na 'yun, at tumataginting lang namang 400,000 pesosesos ang ginastos ng kutang kumpanya para lang mairaos ang once-in-a-lifetime pagdiriwang na 'to para sa'yo?
Gusto ko sanang sabihin sa bisor kong "Ahm...mawalang galang na TL pero hindi kaya mas makabuluhan ang pagkakatatag ng account na 'to isang taon na ang nakakaraan kung ang perang ipambabayad kay Tim Yap eh ipinamudmod na lang nang bonggang bongga sa mga agents sa production floor? Who needs a party when even Barack Obama, the universal president of this freakin' whole wide world, is adhering to strict belt tightening due to the aftermaths of this global recession? Heck, these call whores would even feel the celebration if they get extra bonus during the pay-day instead of spending it on a one-night affair like this!" Pero kung ikaw eh isa lamang rank-and-file employeeng may sentido kumon na
Kaya ako napapayag na pumunta sa taragis na annual event maski tinutukuran na ng tutpik ang mga talukap ng mata ko. Kaya ako napunta sa Embassy kanina nang wala sa plano. Kaya ako medyo tipsy habang tinitipa ko ang mga katagang 'to ngayon. Ikaw ba naman ang humingi ng beer stubs ng mga kateammate mong ayaw uminom, ewan ko lang kung hindi ka ma-bangenge nang slight. Hehe.
Ayun. Habang patuloy sa paggiling ang mga kateammate ko sa mga kantang pinasikat ni Pink at Rihanna, andun naman ako sa sulok humihitit ng yosi at umiinom ng alak. Ang jologs no? Kaya ka nga nagpunta sa bar para magwala at sumayaw na para ka lang nagpopole-dancing sa banyo niyo nang mag-isa di ba? Pero Ibahin niyo ko. Jologs na kung jologs pero kuntento na kong umispot ng mga bhebot na naka-plunging neckline at kita na ang kaluluwa. Okey na saking nagmamasid sa mga chicks na sa sobrang kakapusan ng tela eh halatang pupulmunyahin sa suot na damit isang oras mula ngayon at luluwa na ang mga dyoga dahil nagkulang ng tela sa pinatahing bestida. Anak ng pating, sa dami ba naman ng mga quality babes kanina, alin pa ba ang pipiliin mo: ang tigasan o pagpawisan? Sagot ko: Pwedeng both na lang? Wahehehe.
Kamanyakan aside, sa kalakaran ng mga nagsulputang call center putahan diyan, nakatutuwang isipin na magpasahanggang ngayon eh buhay pa rin ang account namin. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang kuta namin ang number wan center sa buong Pinas sa account na hawak namin at nung magsimula ako sa kutang 'to eh tinatalo pa nga ang on-shore site ng Internet Service Provider account na 'yun. Hindi ko alam kung kumpirmado na nga pero may bulung-bulungan pa ngang mula sa apat na off-shore sites nila rito sa Pinas eh mementinahin na lang ang isa. Ibig sabihin, dahil sa epekto pa rin ng hagupit ng nyetang global recession na yan eh ipu=pull out na ang account sa Cebu, Ayala, at Bacolod. At ang matitira? Tinatanong pa ba 'yan? Siyempre 'yung kuta namin walang duda. Hakhak!
Habang pending pa rin ang plano kong maging Certified Pekpek Arouser (CPA), sana nga eh magtuluy-tuloy ang pamamayagpag ng account naming ito. Sa hirap ba namang maghanap ng trabaho ngayon, mas mabuti na ngang huwag muna kong mag-resign sa pagpapakaputa. Steady lang muna habang di pa nakakapirmi sa trabaho ang utol ko. No bounce, no play. Bear with the freakin' SSDD.
Alam ko na kung saan na naman patungo 'tong post na 'to: unlimited ka-emo-han na naman. Sensitibo ako't alam kong wala kayong pakialam sa pagka-emo ko dahil meron din kayong mga sariling emo moments. 'Yung tipong ginawang lipstick ang eyeliner sa ilalim ng mata sa sobrang kapal at with matching Gilette blade ready to laslas pa ang drama. Kaya bago pa 'ko matuyuan ng brain cells ngayong gabing 'to, heto na ang pruweba ng walang kakwenta-kwentang dahilan ng pagkaantala ng pagtulog ko kanina. Higop muna 'kong kape mga kabagang. I need to get rid of this slight inebriation.
Powskrip:
Ahm...nagpagupit na pala 'ko. Ayun. Back to being an anime Zack Of Final Fantasy VII clone ule. Pagpasensiyahan.
Taragis. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang pagsasabi ko ng "Trim lang po..." para sa buhok kong kasinghaba na ng locks ni John Lennon eh nangangahulugan na palang "new Korean-slash-Anime-slash-Emo haircut from awter ispeys" sa bokabularyo ng mga hair stylists sa Bench Hair Fix Salon. Ewan ko sa inyo. Pag di ako nakapagpigil, kayo ang mapagdidiskitahan ko ng saksak puso, tulo ang dugo. Gagamitin ko pa ang matalim na gunting na ipinanggupit niyo sakin. Pramis!
*Photo credits courtesy of my teammate-slash-blogger friend, Messynuthead
E for Ecstacy...er, I meant Embassy.
Piktyuran bago kumuha ng Visa.
Certified Adeekamputa!
Party Animals! Kung blurry ang tingin mo sa pic na 'to, malamang sa malamang, nakatira ka na ng Ecstacy. Ding, ang bato! Lolz!
Partida pa 'yan - alang matinong tulog! Hehehe.
Kasama si Rob Thomas, este...ang bisor naming ubod nang bait! Pwede raw umabsent mamaya. Ahem Ahem!










