Mainit sa labas. Nakakapaso. 'Yung tipong kapag naihip sa'yo eh manginginig kang parang katatapos mo lang jumingle na ewan. 'Yung tipong nanunuot sa kailaliman ng balat mo 'yung alinsangan, sagad pa kamo hanggang sa puyo ng ulo. Doble alimpuyo ang mararamdaman dahil bukod sa tagaktak ka na sa taenang pawis, manlalagkit pa ang buong katawan mong dinaig pa ang putang nag-OT sa trabaho dahil matindi ang pangangailangan.Sa mga ganitong pagkakataon ako napapailing at di magkaminsang darating ang pagkayamot sa sarili ko. Nitong nakaraang mga araw, habang naglalakad sa kahabaan ng umuusok na daan pauwi galing sa pinagkakaputahan, nakailang beses na rin akong napapaisip kung tama ba ang naging desisyon ko't hindi ko ba 'to pagsisisihan sa kalaunan. Kaganda't kalamig ng Baguio pero heto ako't ipinagpalit lang sa pamatay na combo ng trapik, usok, at alinsangan ng Maynila ang komportableng pamumuhay sa taas. Katangahan bang matatawag 'yun?
Siguro. O kung may makabuluhang dahilan, siguro hindi.
May mga bagay na kelangan mong ipagpalit at isakripisyo maski na nasanay ka nang hindi pwedeng wala ang mga bagay na 'yon sa buhay mo. Siguro kasi sa takdang panahon eh may mas mabibigat pang bagay na tataob sa pananaw mong hindi ka mabubuhay nang wala ang mga iyon. Mas mabigat. Mas matimbang. Maaaring ngayon sasabihin mong ito na 'yon, hindi na pwedeng magbago 'to. Tapos bukas makalawa, malalaman mo na lang na sinasalungat mo na pala ang kasalaulaang binanggit mo nung isang gabi. Kasi nga naman eh may dahilan.
Sa Baguio kung saan ako namulat sa maraming katotohanan, doon kung saan napasadahan ko por da perstaym ang maraming mga bagay -- mabuti man o masama, masarap man o mapakla, doon kung saan ko nasubok mamuhay nang mag-isa't tumayo sa sarili kong mga paa, doon nabuo ang kung sino mang taenang pagkakakilanlan meron ako ngayon. Sa lunang ito ko natutunang batakin nang maaga ang mga hamon ng buhay, nakilala ang mga taong naging tunay na sandigan ko sa mga pagkakataong bibigay na 'ko sa nanunubok na mga problema, nakipagtaguan pong sa mga laro ng madayang tadhana.
Nasabi ko na noon sa sarili kong higi't anupaman, hinding hindi ko ipagpapalit ang lugar na 'to. Tae. Sa humigi't kumulang dalawampung taong pamamalagi ko rito sa makamundong ibabaw, dito ko lang talaga nahulma nang maige ang pagkatao ko. Emo na kung emo pero totoo. May punto sa buhay mong bigla ka na lang matutuliro't tatanungin kung ano ba talaga ang purpose mo sa taragis na buhay na 'to, kung hanggang dito na lang ba ang kaya mo't hindi ka na ba makakaalpas pa sa kasalukuyang kumunoy na kinalulubugan mo. Quarter-life crisis ata ang tawag dun. Magmumukmok ka sa isang tabing parang gunggong at magmumuni-muni kung may mabuti bang kahihinatnan ang mga palpak na diskarte mo sa buhay.
Ako? Naging maaga ang dating sakin ng lecheng quarter-life crisis na 'yan at sa mainit na kanlungan ng malamig na Baguio nangyari ang lahat. Kung meron man akong saksak puso, tulo ang dugo moments sa buhay ko, so far eh sa Baguio siguro nangyari 'yung mga pinaka-laslas triggering. Bata pa kasi ako nun eh. (Bata pa rin naman ako ngayon ah. Wehehehe) Prone sa emotional breakdowns. Feeling ko gee-ep ko 'yung yaya ng pilyang batang si Angelina -- pareho kaming "loser." Maraming tanong na akala ko eh walang sagot. Nosebleed ang mga what if's at if only's sa vulnerable phase ng aking pathetic layp. Tipong mapapa-maddapakingshet naknamputa combo ka dahil mas mahirap pa pala sa value ng X when X is equal to the square root of Y multiplied by the coefficient of X over the cube of X minus Y raised to the 8th power na minamani mo lang sa Mathematics exam mo nung hayskul ka (minani mo nga ba? hehehe).
Mabuti na lang kamo't andiyan sila. Hindi ko kaanu-ano't saglit pa lang nagkakakila-kilala pero daig pa ang magkakarugtong ang pusod sa barkadahan. Bigla-biglang pumasok sa buhay ko, nakaututang-dila, nakainuman at nang lumao'y naging prenships por layp na pala. Tinanggap nila 'ko kung ano man ako bilang tao. No questions asked, no strings attached.
"Kuya" ang naging bansag ko sa kanila dahil ako ang pinakabata, bunso kumbaga. Sila ang mga naging sandigan ko 'nung mga panahong papatumba na ko dahil sa pagkabangenge sa taragis na mga problema, mga simpleng taong dinaig pa ang kung sino mang kurakot na may mataas na posisyon sa lipunan sa hitik ng mga pangaral sakin. Mga mabubuting class S na nilalang na naging dahilan para makaya ko't malampasan ang mga guhit sa patintero ng tadhanang madalas mang-gudtaym.
Institusyon. Ganitong mga klase ng mga tao ang masarap pakisalamuhaan dahil walang ere sa katawan. Totoo sa sarili't hindi ka itutulak sa banging uhaw sa mga "you're such a loser" emo's. Kung meron silang pangaral saking hanggang ngayon eh sukbit ko pa rin sa muling pagsalta ko rito sa Maynila eh respeto na siguro 'yun. Wag kang matakot hangga't alam mo sa sarili mong wala kang inaargabyado, wala kang tinatapakang tao. Dahil lahat tayo, gaano man karami ang nakamal na yaman at gaano man karunong sa natutunang mga leksiyon sa paaralan, ano man ang titulo mong kabit-kabit sa dulo ng iyong pangalan, pantay-pantay pa rin ang lahat sa takdang panahon. Pare-parehong umuutot. Pare-parehong mabaho ang echas. Kaya wag kang magmarunong. Higi't lalong wag kang magmagaling.
Tae. Nakakamiss talaga.
Namimiss ko na 'yung mga panahong papasok akong lasheng kasi hindi ko matanggihang hindi ako makiikot sa tagay (bilang certified call center puta, meron kasi akong pasok sa weekends na siya namang saktong day off nila). 'Yung mga weirdong pakulo nilang Red Horse na tinitimplahan ng Pineapple syrup at GSM na tinimplahan ng Sprite. 'Yung jamming session kapagka tamang lasheng na't basagan na ng gitara sa saliw ng Eraserheads, Guns n Roses, Parokya ni Edgar, at kung sino pang mga OPM bandang sumikat noon.
'Yung pagpapatahan sakin kapagka wala na ko sa sarili kong katinuan at sinumpong na ko sa pagpapalahaw sa katagang "daddy" nang makailang ulit. 'Yung pag-alalay sakin kapagka sumesemplang-semplang na ko sa kinauupuan ko't diretso hatid na sa kuwarto ko pagkatapos. 'Yung pag-uumpugan ng mga ulo namin sa isang mesa't hindi muna kakain hangga't hindi pa kumpleto ang head count. 'Yung pagsasaluhan ang kung anong meron ang isa't pagpapahiram sa kung sino man ang kapos. Tsk tsk tsk. Reminiscing mode ang puta.
Sa mga ganitong napaka-maalinsangan ng mga kalye rito sa Maynila ko sila mas madalas naaalala. Maaari ngang pinagpalit ko ang Baguio sa Maynila dahil kelanga't wala akong choice pero gusto kong isiping pansamantala lang ang lahat. Tulad ng mga hobbits ng Shire na umuwi sa sarili nilang kuta matapos ang pagkahaba-habang paglalakbay sa Mordor, gusto kong isiping balang-araw, babalik din ako sa dakong iyon ng Pilipinas kapagka ayos na ang lahat. Tulad ng pagtupi ni McArthur sa mga Hapong kalilibog pero kaliliit naman ng mga tite, gusto kong isiping sa takdang panahon eh bibigkasin ko rin ang pamosong linyang "I shall return!"
Malapit na siguro 'yun. Sana lang talaga ma-approve ang leave ko nitong unang linggo ng Abril.
Baguio Big Brothers!
Sinech Itey: Lea, Ate Charlene, and Ate Gelli -- Certified Adeekamputas!
Band of Brothers - Baguio-style
Goodbye Yellow Brick Road -- Ang Pagluwas
Pansinin ang red, hot chilli poster sa taas...Hehehe!
Isturowberi farm-hopping pagkatapos ng bangenge
The Bonnet Boys - Ang Bagong Boy Band na Pagkakaguluhan ng mga Chick at Feeling Chick...Nyahahaha!










