Likas na sa mga Pinoy ang pagiging adeek sa piktyuran. Bigyan mo ang isang nilalang na nagkukuta sa España ng isang DSLR at pihadong ang unang-una niyang gagawin eh magkukulong sa kwarto, magtatanggal ng damit at salawal at pipiktyuran ang sarili nang hubo’t hubad. Patay-malisya ang puta. Tapos pag nagsawa na sa kakatingin sa nude photo eh saka naman buburahin para ‘wag maikalat ang scandal sa makamundong malawak na sapot.Wag kang ipokrito. Ayon kay Good Times Moe Twister, SOP na yan kapagka nagkaroon ka ng isang gadget na kayang kumuha ng litrato, mapa-camera phone man yan, digital camera, o jurassic manual camera na kelangan ng rolyo ng film (buhay pa ba ang mga ganung klase ng camera?).
Kaya nga nauso sa Third world kawntring ‘to ang mga social site ekeks tulad ng Friendster, Facebook at Flicker na walang patid sa pagbalandra ng mga animalistic na kuha ng salinlahing adeek sa sariling imahe. ‘Yung tipong “Hoy! Walang pakialamanan! Eh sa gusto kong makita kung gaano kalaki ang butas ng ilong ko at kung gaano kakapal ang busal ng bibig ko…kebs!” kind of reaction. Hindi sapat ang araw-araw nang pagtingin sa salamin pagkagising, pagkatapos maligo, bago maalis, pangalawang ulet bago umalis, pangatlong ulet bago umalis dahil hindi kuntento, pang-apat na harap sa salamin bago umalis dahil parang may kulang, pagkarating, at bago matulog.
Dahil dama ng Globe ang matinding pangangailangan nating ito ng mga Pinoy , minabuti nilang likhain ang isa na namang first-class mobile service na tiyak na kababaliwan ng mga nilalang na hindi maawat sa pagkahumaling sa kanilang mga narcissistic selves. Oha oha! Ayos ba ang segue way? Hakhak!
Ipinakikilala ng Globe ang Pixlink, isa na namang revolutionary service sa mundo ng sangkaselponan na sigurado akong kagigiliwan at kababaliwan niyong mga adeekamputa sa piktyuran. It’s a new user-friendly, sloth-happy community that allows you to back up, share, publish photos and videos from your mobile phone and all for just a single click. Hindi obyus na kinuha ko lang sa press release kit na ipinamudmod samin no? Lolz!
Pero seryoso, ang kaigihan ng bagong mobile service na ‘to eh hindi mo na kelangan ng computer para mag-upload ng photos sa mga social site ekeks mo. Kasi nga naman di ba, palasak na ang araw-araw na pagkuha ng mga piktyurs natin thru our camera phones maski na wala naman talagang kadahi-dahilan. Trip trip lang kumbaga! Tapos, pagdating sa bahay, tsaka naman ikokonek sa PC at ia-upload sa Intarnets. Hassle di ba? Aksaya ng oras. Sa Pixlink, ang piktyur na inupload mo eh nakasave sa isang system storage na pwedeng pwede mong i-retrieve kapagka online ka na. Kumbaga, from cellphone directly to the Internet na agad, bypassed na ang PC transfer process. At ang isa pang papparappapa Love-ko-’to moment sa service na ‘to eh pwede mo siyang gawing widget na ready to salpak na sa blog kuta mo. Asteeg di ba? San ka pa?
But wait, there’s more. Dahil ang bagong Pixlink service ng Globe eh under beta phase testing pa lang, ang service na ‘to eh libreng-libre sa lahat ng sangkablogsperyohan hanggang March. So whatcha waiting por? Pumunta na sa link na’to, magsign-up at janjararan, you’re on your way to becoming a certified adeek-sa-piktyur-amputa.
Matutuwa kayo, pramis! Case in point? Heto ang mga pruweba, mga piktyurs na nakalkal ko sa pagpasada sa Pixlink site kanina. Enjoy:
Wag kang lumapit sakin. May severe case of halitosis ako at kakamumog ko lang ng tubig sa poso-negro.
Kam ismel my super sukang paumbong with matching siling labuyo kilikili. Talbog ang Datu Puti rito.
Hops! Ang SOP yakap piktyuran bago ang bembangan! Hehehe.
Spot the difference: Ano ang pagkakaiba ng bakawan sa baklang nakatayo sa gitna? Sirit: Ang bakawan matigas. Ang bakla, mahilig sa matigas. Lolz!O di ba? Ang kakapal ng peys! Mabuti sana kung magaganda ang kuha ng mga puke ng ina. Ang kaso, madalas sa madalas, malimit na mukang pinasadahan ng limanlibong pison ang mga hinayupak. Pero ganiyan talaga ang mga Pinoy, likas na mahiyain. Wahahaha! Isang patunay na hindi talaga ako nag-iisa sa pagiging isa kong narcissistic, angst-ridden bastard.
At bago ko tuluyang isara ang tabing ng taragis na promotion na ‘to, heto ang ubod ng sarap na panghimagas na nakalkal ko rin sa Pixlink site kanina. Meet my hardinera, kusinera, katulong, and personal masahista. Mga dahilan kung bakit allergic ako sa tao at hindi na ‘ko makalabas sa kwarto ko. Wahahaha!

At bago ko tuluyang isara ang tabing ng taragis na promotion na ‘to, heto ang ubod ng sarap na panghimagas na nakalkal ko rin sa Pixlink site kanina. Meet my hardinera, kusinera, katulong, and personal masahista. Mga dahilan kung bakit allergic ako sa tao at hindi na ‘ko makalabas sa kwarto ko. Wahahaha!

Si Luningning, ang malusog kong kusinera,
Si Milagring, ang fit na fit kong masahista,
Si Mariposa, ang super cute kong katulong,
At si Saicy, ang uber hot kong hardinera.
Si Milagring, ang fit na fit kong masahista,
Si Mariposa, ang super cute kong katulong,
At si Saicy, ang uber hot kong hardinera.P.S. Sana makaramdam ang Globe na wala pa ‘kong compatible na camera phone para testingin ang bagong Pixlink service. Ahem ahem! Paging the events coordinator of the Beta Evaluators Group. Hindi po ako nagpaparamdam sa mga kinauukulan. Nagpapalipad-hangin lang. Wahehehe.







