Fact You: Questions Regarding Anything, Everything Under the Friggin' Sun




Pinag-iisipan ko pa kung anong gagawin ko sa pukenginang tab na 'to. Dahil may Formspring na 'ko (tingin sa kanan, sa may medyo ibabang sidebar), redundant na ang Fact You ekek na 'to.

Sa ngayon, blangko muna.

Suggestions, anyone?



Fact You! Sa Tagalog, totoong tao ka! Fact you, pare! Huhlolz!


Sa tinagal-tagal ng pamamalagi mo rito sa mundong ibabaw, hindi mo ba napapansin na napakarami mo nang katanungang wala pa ring kasagutan magpasahanggang ngayon. Nung uhuging bata ka pa lang, tinanong mo sa mga magulang mo kung pano ka ginawa at kung ano ang sinasabi ng seatmate mong nakita niyang pag-shoot ng tite ng tatay niya sa puke ng nanay niya. Pero sa halip na mabigyan ka ng malinaw na kasagutan, lalo lang naging malabo ang lahat dahil sa pag-iwas ng nanay at tatay mo sa tanong mo - "Anak, mag-aral ka munang mabuti. Bata ka pa. Hindi mo pa kelangang maintindihan ang mga bagay-bagay na ganiyan."


Na mahigpit kong tinututulan. Bakit? Sa parehong dahilan na lumaking genius sina Da Vinci, Einstein, Nobel, Lio Loco, at Newton dulot ng kanilang sari-sariling kyuryusidad. Ang bata, para lumaking matalino at maalam, kelangang punuin ng mga kaalamang makakapagpayabong sa pang-unawa niya sa mundong ibabaw habang sariwa at marami pang espasyong pagsisiksikan ng impormasyon ang kukote niya. Sa ganitong paraan, tinutulungan mo siyang maging independent at maging mapanuri paglaki niya.


Na alam kong madalas sa madalas eh hindi naman nangyayari sa teleserye ng totoong buhay. Ang mga bata noon, parang mga manikang de-kwerdas lang. Sa tuwing may mga okasyon, palalabasin at ibibida sa mga bisita. Magpapataasan ng ihi ang mga plastik na nakapaikot sa bulwagan at ang mga anak naman eh parang mga panindang lalapi-lapirutin lang sa pamilihan.


"Etong anak kong 'to, magaling kumanta 'to. Daig pa si ano....sino na nga ba 'yung mukang monay na batang pandak na sumikat sa Intarnetz mare?"


"Ah si ano...'yung pinasikat ba ni...sino na nga ba 'yun? 'Yung maitim na matabang talk show host sa Amerika? Si Kowpra ata 'yun?"


"Oo ata...pero 'yun ngang bata. 'Yung parang nananakot lage pag kumakanta?"


"Si Charice mare. Charice Pepeko!"


"Oo nga. Siya nga mare. Anak, bumanat ka nga nung kantang pinanalo mo rati sa singing pakontes ni Chairman at nang di naman ako mapahiya sa kumare ko. Sige na, anak. Dali na. Bibigyan kita ng bente pag natapos mo 'yung kanta ni Sarah Geronimo."


At ikaw namang sunud-sunuran lang, walang magagawa kundi bumirit ng linsyak na To Love You More. Pipiliting paalun-alunin ang sintunadong tono habang sa sarili mo, nayayamot ka na dahil hindi makatarungan ang pakantahin ka habang nakatingin sa'yo ang kras na anak ng kumare ng nanay mo.


Kaya naman, dahil sa alam kong marami pa rin kayong katanungan magpasahanggang ngayon, minabuti kong bigyan ng espasyo ang lahat ng mga katanungan nating hindi nabigyan ng maliwanag na eksplinasyon nung mga bata pa lang tayo.


Kahit ano, mula sa pagtataka kung bakit kulot ang bulbol mo hanggang sa bakit wala ka pa ring syota maski na malapit ka nang mag-menopause, shoot lang nang shoot kay Papa Lio Loco. Isa akong talentadong bata at malamang sa malamang eh sasagutin ko 'yan sa abot ng aking class S na kaalaman. Kung hindi ko man masagot, hahanap tayo ng subject matter expert para sa'yo.


Hindi ko na kelangang magpaliwanag at pahabain pa ang walang kwentang litanyang 'to.


Fact you, pare! Sa Tagalog, totoong tao ka! Tanong na!