Pages

Not Another Jebby Story


Maddapakingshet! Nagmumuka na ‘kong jebs nito. Parang ebak na palutang-lutang sa kasilyas. Walang direksyon. Nag-aantay na lang na i-flush sa kung saan mang poso negro dahil iyon at iyon lang naman ang kahihinatnan. Hindi pwedeng panatilihing nakalutang dahil baka pagpiyestahan ng mga hinayupak na langaw na gustung-gustong gawing panghimagas ang poopoo pie. Tulad ng napakasangsang na ebak ko kaninang pinatingkad pa ang nakakasulasok na amoy ng alak na ininom ko kagabi. Pasintabi sa mga katatapos lang ngumata ng chichacorn (kung bakit chichacorn at hindi ibang pagkain eh wag mo nang tanungin; nasa tamang lasing mode ako ngayon.).

Kagabi lang eh nagkayayaang mag-inuman sa bahay. Three on three ang labanan. Si Tatay na walang puknat sa pagka-cariño kay Tita matapos malasing nang bonggang bongga (Tita ang tawag ko sa asawa ng tatay-tatayan ko; hindi ko nakasanayang tawaging nanay si Tita sa kadahilanang meron naman akong sariling nanay, tatay lang ang wala), si Pareng Gerald na parang batang hindi mapakali sa bagong laruan dahil bukas eh magkakaron na ule siya ng bagong trabaho matapos ang ilang linggong pakikipagpatintero sa ‘di iilang employers; at ako na hanggang ngayon eh taenang inlababo pa rin sa KANIYA.

Hindi planado ang lahat. Bigla na lang naisipang uminom ni Tatay. Nung una’y silang magmanugang lang ang naghaharutan sa mesa pero dahil kelangan nila ng sasaklolo sa pagkabangenge nang maaga at para tumagal maski na isang minuto ang alcoholic tolerance nila, idinamay nila ‘ko. Nagtext si Pareng Gerald sakin habang pauwi ako galing sa pakikipagtaguan pong sa KANIYA. “Pare, umuwi ka na. Miss ka na namin ni Tatay. May isang malaking Long Neck na Emperador ang nag-iintay sa’yo rito. Tsaka isang hot na hot na chick na ready to bembang na for you.” Jokeness lang. Pero alam mo na ‘yan. It’s the thought that counts. Ganiyan, more or less, ang nakasaad sa text. Hinaluan ko lang ng konting palabok para masaya.

Patay! Emperador. Na naman. At malamang sa malamang, wala na namang chaser ‘to. Hindi sa ayaw kong umiinom nang walang chaser. Pero kasi naman. Sa lahat ng klase ng alak na naimbento sa sangkasenglotan, sa brandy ako pinakamahina. Ipalaklak mo na lahat ng klase ng alak sakin, wag lang brandy. Dahil sa brandy, nababangenge ako nang napakaaga. Semplang ako agad-agad at ang pag-inda ko sa amats ng inuming ‘yan eh hindi pa lalampas sa pagbilang mo ng sampung mga daliri mo (walo kung busy-busyhan ang hintuturo at gitnang daliri mo sa pangangalkal). Pero whaddaheck, nakahain na. Alangan namang tanggihan pa ang grasya? Again, once more, for the second time around, repeat refrain except the last stanza, naniniwala ako sa kasabihang kapagka ang palay ibinigay sa’yo nang kusa, kelangang bayuhin.

So ayun na nga. Nakipag-inuman kay Tatay at Pareng Gerald and in between gulps of the shitty intoxicating liquor that goes deep down in your fuckin’ gullet before finally proceeding to attack your innards with that distinct acerbic twinge (sa puntong ito, ipinapaalam ko sa inyong sinasaniban ako ng identidad kong nosebleed fuck-me-Freddy; pero seriously, wala ba talagang nakakamiss sa pag-i-Ingles ko? Lolz!), napag-usapan ang malapit nang maunsyaming buhay pag-ibig ko.

Maraming sinabi ang dalawang mokong na kaharap ko sa mesang namumutiktik sa Sugo, Lucky Me! Extra Hot Chili Pancit Canton, chichacorn at kung anu-ano pang mabibili nang agad-agad sa suking tindahan. Mabilisang digression lang: Oo, hindi ako mapili sa pulutan. Kung ano ang inihain, kakainin ko. Hindi ako kupal na pinainom na nga nang libre eh kung anu-ano pang satsat ang maririnig mo sa hinayupak na bungaga. Kaya sa mga nagbabalak mang-imbita diyan, now you know. Mas mahalaga sakin ang katabing chick sinserong kwentuhan. LOL!

Suma tutal, mahina raw akong dumiskarte. Si Pareng Gerald na nakaisang bebegel na sa Fren kong si Cristina, sinabing dapat daw eh aggressive ako. Sabihin agad-agad ang nararamdaman. Tanungin ora mismo kung mahal daw ba NIYA ‘ko. Hindi ‘yang papatay-patay na parang nakikipagprusisyon sa burol ng lola ng kaibigan ng pinsan ng bilas ng dikong ng kabit ng kapitbahay mo. Na sinang-ayunan naman ng tatay-tatayan kong medyo napapadalas na ang pagkurap ng mata at pagngising parang ngiting-aso dahil sa tama ng alak. Sabi naman seniyo Tay eh, gin na lang dapat binili niyo. Eh di sana di pa kayo pasuray-suray na parang DOM sa ballroom house nang maaga.

Pero siryusli ispiking, taena! Kung ganun lang ba kadali eh matagal ko nang ginawa. Ilang beses ko bang sasabihin na ibang klaseng babae SIYA? Madalas eh hindi mo matimpla ang ugali, mahirap hulihin ang kiliti. Kung sa ibang babae eh pwede mo nang ilabing-labing matapos mo lang pakainin ng Coke Float at Cheese Burger sa McDo diyan sa may Recto, ibahin mo SIYA. Hindi SIYA nadadaan sa simpleng patext-text, padate-date lang. Kelangang patunayan mong mahal mo talaga SIYA. Ang pag-imbita pa nga lang sa paglabas tuwing weekend eh pahirapan na, ang pagtatanong pa kaya kung meron bang reciprocation ang nararamdaman ko sa KANIYA. Nyeta, suicidal para sakin ang pagtatanong sa KANIYA nun! I’m digging my own grave at that circumstance (napadaan ule si nosebleed, fuck-me-Freddy Lio Loco).

Which leads me to saying nagmumuka na nga talaga kong isang napakalaking jebs na nagkandabuhul-buhol na ang mga ugat-ugat dahil sa hirap ilabas. Tsk tsk tsk! Kanina lang eh nagpunta na naman ako sa apartment NIYA. Pusturang-pustura. Poging-pogi. Ubod ng bango na mahihiyang tumabi si Piolo Pascual. Okey payn. Ambilibabol na. Ibahin natin at mas gawing kapani-paniwala. Ubod ng pogi at bango na mahihiyang tumabi si Hugh Jackman at Brad Pitt. Ubod ng bango at poging mauuwi rin lang pala sa wala.

Wala SIYA sa apartment nila kanina at hindi alam ng mga tao sa kanila kung saan SIYA nagpunta. Sinubukan kong tumawag. Yung babaeng taga-Sun Cellular ang sumagot at sinabing ‘yung numero raw na tinatawagan ko eh “ether unattended or out of coverage area.” Badtrip! Sinubukan ko ule. Walastik! Si Mareng Sun Cellular Voice-over pa rin ang sumasagot. Please try your call later daw. Naloko na. Sa Globe kaya? Naknampucha! Pare-pareho lang sila. The subscriber cannot be reached daw. Please try again later ang drama.

Bakit hindi ko SIYA makontak? It’s either hinoldap SIYA at kinuha ang dalawang cellphone NIYA, itinapon ang SIM at nag-wantutri na ang mga hinayupak, nadeadbat ang dalawang cellphone sa parehong oras at parehong pagkakataon, o di kaya nama’y talagang in-off NIYA pareho para hindi ko na ko magmukang dakilang stalker NIYA. Is it just me o tama ang hinala kong hinoldap nga SIYA kaya hindi ko makontak ang mga cellphone NIYA?

Ampotah! Daanin na lang sa patawa. Dahil kung seseryosohin ko pa, hindi ko alam baka maghara-kiri na ‘ko bukas makalawa. O, jokeness lang ule. Alam kong sayang ang mga sperm cells ko kung di makakapunla ng susunod na presidente ng Pilipinas na aahon sa bansang ito mula sa pagka-third world. Pero seryoso, ayoko na talaga ‘tong nangyayari sakin. Para na kong ebak na palutang-lutang sa kasilyas. Walang direksyon. Nag-aantay na lang na i-flush sa kung saan mang poso negro dahil iyon at iyon lang naman ang kahihinatnan. Hindi pwedeng panatilihing nakalutang dahil baka pagpiyestahan ng mga hinayupak na langaw na gustung-gustong gawing panghimagas ang poopoo pie. Tulad ng napakasangsang na ebak ko kaninang pinatingkad pa ang nakakasulasok na amoy ng alak na ininom ko kagabi.

Hindi ko alam kung hanggang kelan pa ang pagkahibang ko pero sa puntong ito, ipinababatid ko sa lahat ng mga nag-aabang ng matamis kong OO at nananabik sa katakam-takam kong adam’s apol na malapit na kong mahimasmasan. Itaga niyo yan sa pekpek niyo bato.