
Naloko na. Dumami ang hits nang di sinasadya dahil sa nakaraang post ko. Sa katunayan, pumalo nang bonggang bongga ang pagsasatitik ko sa pagkahumaling sa KANIYA at biglang umakyat sa ikatlong pinakabinasa ang nakaraang blog post ko sa kasaysayan ng kagila-gilalas at namumukod-tanging walang kwentang blog na ‘to. Marami ang nagbigay ng kanilang singkong duling na payo at iisa lang ang sentimiyento ng lahat — isa na nga akong certified adeek na kailangang ipadala sa pinakamalapit na asylum. Nakakataba naman ng pototoy puso. Hayaan niyo, susundin ko ang payo niyo. Bukas na bukas din ipaparehab ko na ang sarili ko sa Mandaluyong.
Hindi ko alam kung dahil ito sa pagka-amnesia ko sa identidad kong fuck-me-Freddy spokening dollar at paggamit ng wikang Tagalog for a change o talagang likas lang na sucker ang mga Pinoy sa mga
At yaman din lang na sukahan pala ang topic dito (asteeg ba ang segwey? hakhak!), gusto kong ipamalita na pumasok ako kanina sa pagkaputang trabahong bangag at may hang-over sa nilaklak na Fundador at San Miguel Beer. Bertdey ng tatay-tatayan ko kagabi at hindi pwedeng hindi ako uminom maski na kelangan kong gumising ng alas-kuwatro ng madaling-araw dahil may pasok pa ‘ko ng alas-sais kinaumagahan. Libre ang alak, umaapaw at siksik-liglig. Natural, kelangang pasairin sa bituka at baka maging tubig pa. May motto ako sa buhay na kapag ang palay ibinigay sa’yo ng kusa, kelangang bayuhin. Bahala ka nang mag-isip kung ano ang ibig kong pakahulugan.
Maige na rin sigurong nagpakalasing ako kagabi dahil sa kasalukuyan kong kalagayang napakahirap balewalain. Nanliligaw at umaasang makakamit ko rin ang matamis NIYAng oo pero hindi ko alam, mukang palabo nang palabo ang kahihinatnan ng lahat. Mas nagiging peligroso ang tinatatahak kong love path (at may nalalaman pa talaga kong love path…lol!). Padilim nang padilim. Patarik nang patarik. Cue nosebleed Tagalog adjective here.
Eto na ang panibagong update sa kabanata ng buhay pag-ibig ni Lio Loco:
Kagabi lang eh swak na swak ang timing ko sa pagdalaw sa KANIYA dahil hindi SIYA nag-OT at hindi rin SIYA gumimik kasama ang barkada NIYA. Salamat po Panginoong Mahabagin. Kung ganito nang ganito ang mga binabalato Niyo po sakin, babawasan ko po ang kasalanan ko at pipilitin ko pong pigilan ang paghuhumindig ng aking you-know-what sa tuwing natatabi ako sa mga seksing chikas sa dyip. Ilalayo ko po ang sarili ko sa tukso at pipilitin ko pong wag mag-isip ng kung anu-anong posisyon sa loob ng sasakyan bukod sa pagkakasalampak ko sa harapan. Amen!
Hindi ko alam kung matutuwa ba ‘ko talaga sa pagkakaron ko sa wakas ng pagkakataon para tumaktiks sa KANIYA o kelangan kong magluksa sa nalaman kong balita galing sa KANIYA. Eto marahil ang sinasabi nilang bitter-sweet. Bitter sapagkat nalaman kong mas mapapaikli pa lalo ang panahong maaari ko SIYAng bisitahin. Sweet dahil nagkaroon kami, maski papano, ng bonding moment. At oo, hindi ko ikakailang kiniliti pati buhok sa tumbong ko sa mga pangyayari kagabi sa parehong dahilang nanlumo ako sa sinabi NIYA.
Kelan lang eh pinabatid na NIYA sa bisor NIYA ang pagreresign sa trabaho at malamang sa malamang, hanggang ngayong buwan na lang ang paglalagi NIYA rito sa Maynila. Tinanggihan na NIYA ang offer sa KANIYAng lateral transfer sa probinsiya dahil sa March pa epektibo ang paglipat pag nagkataon. Nasabi NIYA saking gusto na NIYAng lumuwas dahil iyon daw ang gusto ng mommy NIYA. Tinanong ko kung iyon din ba ang gusto NIYA. Mas maige raw kung magkakasama na silang magkapamilya.
Pakshet! Tagos na tagos! Nabilaukan ako sa pizzang dinala ko at hindi ko alam kung hanggang doon na lang ba ang lahat. Subukan mong maglaslas nang million, million times tas patakan mo ng kalamansi. Mas mahapdi pa run naramdaman ko sa mga oras na yun. Sa probinsiya, hindi ko na siya makikita. Hindi naman kasi ako filthy rich na sa sobrang yaman eh makakaya kong pumaroo’t parito na parang naglalakad lang sa kahabaan ng España. Take note na sa mga panahong iyon, ala na ko sa pagpapakaputa sa Makati. Wala na kong sahod at isa na kong palamunin ng utol ko, nagrereview para sa CPA Board Exam. Pwede pa siguro ang tawag sa Sun Cellular. Eh ang kaso, sasagutin ba NIYA ang mga pangungulit ko? Buntung-hininga. Buntung-hininga times two.
Ayokong panghinaan ng loob dahil alam kong kapagka sumuko pa ko ngayon, wala na. Hindi na mauulit ang pagkakataong ito at malamang sa malamang eh hindi na talaga magiging kami pa sa hinaharap. Eto na ang last chance ko. If I fail this time, patay na. Papatulan ko na ang mga babaeng nalilink sakin nang bonggang bongga, hindi ko man sila mahal at gusto ko lang silang anakan. Kaya nga ayokong sumuko maski na napaka-slim na ng chances ko para mapasagot ko SIYA. Tulad ng mantra ng paborito kong PBA team, never say die. I therefore conclude, to be or not to be.
Dahil gumagabi na at kailangan pa NIYAng mag-beauty rest, umuwi na rin ako pagkatapos ng konting chitchat. Masayang malungkot akong lulan ng dyip kaya mas ganado ang pag-tungga sa bertdey alak ng tatay-tatayan ko. Masaya sa bahay. Kelangan kong maki-ayon sa mood at magsuot ng maskarang patawa. May konting handaan at napakaraming yabang mula sa kupal na utol ni Tatay. Hindi ko na iisa-isahin. Ang post na ‘to ay para sa pagdadalamhati, para sa napipintong pagluluksa. Wala munang pagpuna sa mga hinayupak na nilalang na gustung-gusto kong tirising parang pulgas ng aso.Wala munang mga epal. Pasensiya, pessimist na talaga ko ever since. Bali-baliktarin mo man ang mundo, half-empty pa rin ang shot glass na kalahati ang lamang alak para sakin.
Sa ikalawang pagkakataon, uminom ako ng hard nang wala man lang chaser. Mapait. Humahagod sa bituka. Sakto. Para naman maski papano eh malapatan ng pait ng alak ang ibang klaseng pait na kumikitil sa ulirat ko. Laklak lang ng laklak maski na bangenge na sa dami ng alak na sumaid sa lalamunan. Kaya ako late ng 30 minutes kanina at pumasok nang mas masahol pa sa pokpok na ginang-rape ng pinagsama-samang kumpol ng tao sa inauguration ni Obama. Haha! At ipinasok pa talaga ang current events para kunwaring updated sa showbiz happenings. Pero totoo, para ‘kong buntis na naglilihing maya’t maya eh di mo malaman kung duduwal ba o hindi. At oo, pihadong basag na naman pagmumuka ko sa team leader namin. Bumaba na nga metrics ko, apektado pa pati pagpasok ko.Tsk tsk tsk.
Haay, ang hirap talaga mainlab. Nawawala ka sa sarili mo. Natutuliro. Nagiging emo. Umu-OA. Nagmumukang tanga to the nth level. Pakshet na buhay ‘to, oo.



