Pages

Di Na Ba 'Ko Allergic sa Tao? (Part One)


Allergic ako sa tao. Nasabi ko na yan kelan lang dito sa walang kwentang kutang ‘to. Hindi ako mahilig makipagharutan sa mga taong ang bisyo sa buhay eh makipag EB at makipagsexmate textmate nang bonggang bongga. Wala akong account sa Multiply, Plurk, Twitter, Facebook, at kung anu-ano pang social site ekek at ang kaisa-isang Friendster account ko na pinilit lang ipagawa sakin ng utol ko eh minsan sa isang dekada ko lang nabibisita.

And don’t shove that pathetic “No man is an island” cliche up my ass. I tell you, I have friends albeit only a select few and I don’t live in cliches. That’s because in a world of 6.7 billion drones, you could get to handpick and count folks who talk sense and command respect for moving out of the cardboard box reality TV celluloid. The rest, sadly, are mindless marionettes who won’t even make a shit even if their strings are cut. So yes, I tend to polarize towards the aberrations of society, the ones who are within my wavelength’s league.

Mabilisang digression: Malapit nang bumalik si American-accented Lio Loco in his signature nosebleed diatribes, whether you like it or you like it. Hehehe.

Kaya nga mas pinili kong ikubli ang tunay kong identidad sa mundo ng sangkablogosperyahan sa parehong dahilan na mas masarap makipagsex ‘pag walang ilaw magsulat nang hindi lantad ang muka sa likod ng mga salita. Mas malaya ka. Mas tunay ang pagsasatitik ng mga kataga. Case in point? BOB ONG — ang simple ngunit astiging manunulat na nagpatunay na masarap palang basahin ang balahura at kantospeak na pagsusulat dahil natural ang daloy ng ideya, dahil kung ano ang bigkas ng isipan eh siyang sulat naman ng mga daliring nagtitipa at humuhulma sa katotohanang ipinababatid ng may-akda.

So gusto ko ngang kilalanin ako bilang anonymous blogger. End of story? Not.

Nitong nakaraang linggo lamang, nakatanggap ako ng isang kahina-hinalang email mula sa isang Ingleserong blogger (nakalimutan ko, isa rin pala ‘kong Ingleserong blogger dati…tsk tsk!) na nanghihikayat sakin upang dumalo sa isang piling pagtitipon sa mundo ng Pinoy sangkablogosperyohan. Akala ko naman kung elektronikong liham na ‘yun para ipabatid saking ako pala ang pangatlong nanalo sa pinag-uusapang P182-M lotto jackpot (bagama’t hindi ako bumili ng ticket) at nagkamali pala ang PCSO sa pag-aanunsiyong dalawang nilalang lamang ang di malao’y mananakawan at pag-aaligiran ng mirong ang kakapal ng muka sa paghingi ng balato.

Ang sabi ni Yoshke Dimen, they are inviting me raw “…to be part of our team of web experts who will evaluate our suite of online and mobile services before they are launched.” Syempre, bigla naman daw akong nacurious sa laman ng liham. Mali. “Bigla akong nagsuspetsa” would be the more appropriate statement. Unang-una, hindi ako maalam sa mga online and mobile services at ang pagiging tech support puta ko sa pinagkakakutaan ko sa Makati eh resulta lamang ng ilang buwang training. Ikalawa, isa lang akong amateur blogger na wala gaanong kamuwang-muwang sa masikip na kepyas mundo ng sangkablogosperyohan at nagsimula lang mag-blog limang buwan na ang nakakaraan kaya tingin ko eh wala akong K para maging web expert at evaluator ng kung ano mang taragis na services na tinutukoy ni Yoshke. Malay ko ba kung raket lang ‘tong tulad ng sandamakmak na email na natatanggap ko sa araw-araw mula sa kung saan mang lupalop ng Europa na nagsasabing nanalo raw ako ng 32.5 million euros maski hindi naman ako bumili ng lottery ticket nila? Kung ano ang nakita ni Yoshke sa walang kwentang kutang ‘to para imbitahan ako bilang “beta evaluator” eh siya na lang ang nakakaalam. Hakhak!

Pero totoo pala ‘tong si Ingleserong blogger na si Yoshke at tunay ngang meron silang proyekto hinggil sa online evaluator ekek ng isang kilalang mobile service provider. Suma tutal, at matapos ang ilang palitan ng email para magmakaawang magsama ako ng isa ring blogger friend (kasi strictly per-invitation only raw ‘yung event) dahil wala nga akong sense of direction at malamang sa malamang eh maging palaboy na lang ako sa Mandaluyong (venue ng event) ‘pag nagkataon, nagpunta ako sa kauna-unahan kong bloggers meetup at sa unang pagkakataon, isinantabi ko ang pagiging anonymous sa mundo ng sangkablogosperyohan.

Ang unang pagkikita sa kapwa-bloggers eh hindi naging maganda. Pano kasi, ang daming epal at kupal na hindi mo maintindihan kung nais ba talagang maging bahagi ng “elite list of beta evaluators” sa dami ng reklamo sa buhay. Nariyang meron daw silang right to privacy. Kesyo raw malabo ang ipanapanukalang non-disclosure agreement (NDA) na aabot ng limang taon. Na hindi patas ang magbigay kami ng ideya sa organizers dahil hindi naman daw exclusivity rule ang relationship naming mga bloggers at ng service provider. Hindi na lang ako nagsalita pero sa kinauupuan ko, nakailang putangina na ‘ko sa kaseryosohan ng mga tanong nila. Ang sa akin lang, kung ayaw nila ‘yung terms eh di tapusin nila ang pagkain nila, magsukbit ng mga binalot pa sa bag, at umeskapo na nang bonggang-bongga. Leche! kung ayaw pumirma ng NDA eh ‘di wag. Hindi naman sila pinipilit. If these pathetic drones are what defines a Pinoy blogger, then I’d rather be excluded from the definition. Bleech! Ang resulta: walang kinahinatnan ang unang pagkikita ng samu’t saring blagero’t blagera.

Ikalawang meetup eh sa soft-launching na mismo nung mobile service. Ngarag-ngaragan pa kaming pumunta ni Rai (blogger friend-slash-co-puta sa Makati) dahil katatapos lang naming mag-OCS exam para run sa possible Comms Coach promotion at kung tama ang kalkulasyon ko eh labinlimang oras na kaming gising nung araw na ‘yun. Anak ng pating! pormal-pormalan pala talaga ang event dahil sa Manila Gallery pa ang venue at ang mga invited eh mga bigating socialite ekek na madalas mo sigurong makita sa lifestyle pages ng Philippine Star.

Pati nga dining etiquette ko eh napasadahan nang di oras dahil sa dami ng kubyertos na kelangang gamitin sa iba’t ibang courses sa menu. Malay ko bang iba ang tinidor para sa salad, iba ule ang tinidor sa side dish, isa pang nyetang ibang tinidor para sa main course, at ang spoon na nakaposisyon sa bandang ulunan ng plato eh para sa dessert? At sabihin niyo sakin ba’t kelangang laging kumplikado ang pagkakabuo ng mga pangalan ng pagkain kapagka sa mamahaling restaurant ka kumain?

Ewan ko lang kung hindi kayo magkandabali-balinguyngoy sa pagbigkas sa mga pagkaing bininyagan sa pangalang tulad ng “Insalata Al Sole Field Greens & Cress, Orange, Fennel, Walnuts in White Wine-Orange Vinaigrette” (na pinagkumpul-kumpol lang namang dahon at gulay na hinaluan ng manamis-namis na ispesyal na suka), “Spinach Raviolo, Scallops, Gamberi, Calamari In Pink Tomato Cream Sauce” (parang lasagna lang ‘to na ang sahog eh kalamaris at ‘yung mas malaki-laking tulya na impernes eh siyang pinakamasarap), “Roast Beef Tenderloin Tagliata with Garlic, Rosemary, and Artichoke” (na hindi ko makakalimutan dahil dito ako sumemplang sa aking dining etiquette)…lolz!), at “Crepe Millefoglie, Chocolate Torta and Chocolate Lava in Poached Pear & Cebu Mangoes” (na hindi namin natikman dahil nag-umpisa na ang launching at nakakahiya namang pasiesta-siesta pa kami sa dining table samantalang ang lahat eh nandun na sa bulwagan).

Isa lang ang masasabi ko. Mas masarap ang magkamay. Behlat sa dalawang sosyalerang kaharap naming walang pakialam maski na lumuwa na ang boobs habang nagpapataasan ng ihi kakakwento kung kelan ule lilipad ng Macau, kung gaano sila kasexy, kung ilang beses silang nilabasan habang kaseks ang mga bi-ep nila, at kung saan ang susunod na modeling gig nila pagkatapos ng product launching. P.S. Ang sarap niyo palang bembangin, bitches!

Sa mismong gallery kung saan ginanap ang product launching, mas lalo palang hebigat ang mga panauhin. RSVP kung RSVP ang tema ng naturang okasyon. Andun ang Deputy Chief Executive Officer ng mismong service provider, ang Multimedia Business Group Head ng nasabing kumpanya, at ang Vice President for Technical Sales na co-partner ng new service. Heck, ni hindi ko nga alam na si TJ Manotoc na pala ‘yung katabi ko sa upuan. Mabuti na lang at marunong akong mag-Ingles nung question and answer portion na. Nagpabibo ako at nagtanong sa panel (pero totoo namang gusto kong tanungin ‘yung tanong na ‘yun) para naman masabi ni Yoshkeng hindi walang kwenta ang pagkakainbayt niya sakin at kay Rai. Lolz!

Ayun. Ganito, more or less, ang nangyari sa una kong pakikipagkita sa ibang blagero’t blagera sa Pinoy sangkablogosperyohan. Siguro marami pa ang kasunod ng meetups na ‘to. Hindi na maiiwasan dahil nagpaunlak ako sa paanyaya at tinanggap ang maaaring responsibilidad ng isang beta evaluator. Pero anu’t ano pa man, itinuturing ko pa rin ang sarili ko bilang anonymous blogger. Masayang nakakapagsulat ng mga walang kakwenta-kwentang akda na hindi ko alam kung babasahin ng mga naligaw ng landas at walang ibang magawa sa buhay. Tulad ni Bob Ong na hanggang ngayon eh palaisipan pa rin para sakin ang katauhan, natutuwa akong isiping isang misteryo pa rin ang muka sa likod ng mga puna, reklamo at kaangasang naisasatitik sa walang kwentang kutang ‘to.

At kung curious kayo kung ano ba ‘tong pinasukan kong bagay na pampadagdag lang sa magulo ko nang buhay, ‘eto’t pwede niyong silipin. Patikim pa lang ‘yan. Sa susunod na post, dun na papasok ang pag-PPR ko bilang beta evaluator ng nasabing bagong mobile service. Abangan ang susunod na kabanata.